Always You (TAGALOG)

PROLOGUE

"Sabihin mo saken, what's the problem?" madiin ang tono ng boses ni Edward habang patuloy sa paghabol kay Maymay na sa mga sandaling yun ay nililigpit na ang kanyang mga gamit sa pagpipinta, sa loob ng isang kwarto sila andoon.

"Walang problema Edward", matigas na sagot ni Maymay na tuloy ang pagaayos sa gamit, na kung titingnan mo naman ay paulit ulit lang nyang ginagawa. "I just want to go home."

"Anong 'Iwant to go home?', May, nasa contest ka oh", itinuro ang way sa may stage kung saan doon ginaganap ang painting competition na kasali ang dalaga. "You wanted this diba? You want to join this competition para mapakita mo yang talent mo, then you walked out?!" asar at litong lito si Edward.

"Sabi mo darating ka!", tumaas ang boses ni Maymay na parang batang inagawan ng candy.

"My God, Maymay! Andito ako oh..", itinuro ni Edward ang sarili nya. "Dumating ako.", nagtataka parin si Edward sa inaasal ng Bestfriend nya.

"Sabi mo hindi mo sya isasama", si Maymay parang bata paring naluluhang nagsambit sabay turo sa gawi ng labas ng silid.

"Ay Naku", natawa ang gwapong binata na ikinaasar lalo ni Maymay. "May good news kasi ako, pero syempre mamaya ko dapat sasabihin kasi nasa contest kapa.", niyakap nya ang dalaga na kinikilig.

"Tigilan mo ako Edwardo!", inalis nya sa pagkakayakap ang binata, at sa tonong iyon madarama ang matinding pagkainis ng dalaga. "Nagpromise ka saken diba? Dapat ikaw lang diba? Sabi mo para maka-focus ako..", parang batang nagsusumbong si Maymay. "Pero hindi mo tinupad!"

"May.. Sige ganito na lang May.." pilit na inaamo ang kaibigan, iniupo nya ito sa isang upuan sa kwarto. "Isinama ko sya kasi.. sinagot nya na ako May!", niyakap nya si Maymay ng may tuwa sa boses ng binata.

Parang gripo na iniwang bukas na tumutulo ang mga luha ni Maymay ng marinig nya ang sinabi ng kaibigan. Parang may sibat na tumusok sa puso nito sa bawat salitang narinig nya.

"Sinagot nya na ako"

"Sinagot nya na ako"

Para syang iniputan ng adarna dahil hindi sya agad makakilos sa mga salitang paulit ulit umuugong sa utak nya..

******************************

Chapter 1

******************************

Maymay's POV

Unang araw ng pasukan namin nagyon, lagot ako. Kasi naman hindi agad ako nakatulog kagabi at tinapos ko pa yung KDrama.

"Nak, nasa labas na si Edward kanina pa, ang tagal mo naman dyan", sumilip na si Mama Emily sa pinto ng kwarto ko dahil naka five times na yata syang nagpabalik balik sa akin para sabihin na nasa labas na si Edward.

"Opo Ma, eto po tapos na po akong tunay..", binigyan ko ng ngiti si Mama para ipaalam na tunay na akong tapos sa pagpeprepare kong pumasok.

Mag-BestFriends kami ni Edward, since birth na nga yata e. Kasi sabi nina mama magbestfriends din yung mga Daddy namin ni Edward kaya ayun, basta. Alam namin kung saan at ilan ang nunal na meron ang bawat isa. Alam namin ang amoy ng utot ng bawat isa.

Nasa College na kami ngayon, third year na, kumuha kami ng parehas na kurso, kasi plan namin na mag abroad after, dun kami sa daddy nya pupunta, sa USA kasi nakabase father nya and yearly syang pumupunta dun.

"Hay naku, May.. Wala na..", inaasar ako ni Edward ng makita nya akong lumalabas ng pintuan ng kwarto ko. Sa pagmamadali ko sumabit pa ang bag ko sa pinto na inilakas ng tawa nito.

Ewan ko ba sa kanya, lagi nya akong binu-bully.

Pero infairness, gwapo talaga tong bestfriend kong ito.

"Bushak ka Dong!", inaayos ko ang magulo kong buhok kasi hindi ako nakapagsuklay ng maayos. "Alis na kami Ma!", nag-smile naman si mama sa amin.

"Ano ba May, hindi ka man lang nagsuklay!", inaayos nya ang buhok ko. "Kaya walang magkamaling manligaw sayo eh. Tsss.."

Nakakaasar sya ha?! Pero tinaasan ko lang sya ng kilay kasi mas gusto kong magmadali kesa makipag away sa bully na to.

Bakit nga ba wala pang nanliligaw saken, nasa legal age naman na kami. Hay. Dahil din siguro hindi ako maayos, pati sa pananamit at kilos ko mas lalake pa yata ako dito kay Edward. Mapayat ako, morena, mahaba pero always nakatali ang buhok, 'one of the boys' siguro.

Si Edward, ang daming nagkaka-crush, SAUCE!

Pero gwapo naman sadya ang espren kong to, sabi ng madami kahawig nya si Enrique Gil pero hindi ko makita saan banda. Matangkad sya, magandang mag-smile, ang mata.. Uggghhh! Kung hindi ko sya bestfriend siguro isa ako sa mga nagpapadala ng sulat sa kanya. Pero saming dalawa WALANG MALISYA. Kahit pa siguro maghubad ako sa harap nya eh..

Ummm, erase erase.. Hindi na pala pwede.. Kasi 19yrs old na ako. At lugi ako kapag ginawa ko yun. Hmp!

Malapit na kami sa school namin, malaking University ito, mag-classmates kami ni Edward miminsan lang yata kami nagkahiwalay ng section eh. Nung na-late lang sya umuwi from US, late sya nakapag enroll.

"Dong, samahan mo naman ako mamaya sa Bookstore", inakbayan ko sya, hindi naman sya nalalayo sa height ko pero matangkad sya.

"Anong meron sa bookstore?", nagtatakang tanong nya. Eh kasi naman alam nyang wala akong hilig sa books. "Hindi ka naman nagbabasa diba?", lumakas ang tawa nya na inaasar talaga ako.

Hinila ko sya pababa sa bewang ko mula sa pagkaka akbay at pilit kong hinahawi ang buhok nya para lumabas ang malapad nyang noo.

"Bakit andito ang paliparan ng eroplano?!", inaasar kong sabi sabay turo sa noo nya habang kumakawala sya sa pagkakaipit ko sa kanya.

"Let go of me!", nakakawala na si Edward gulo gulo ang buhok nya, at nakatingin sa amin halos lahat ng nagdadaan. Paano ba naman daig pa namin ang elementary students kung magkulitan.

Ang gwapo talaga ng espren kong ito, kahit gulong gulo na ang buhok at labas ang malapad nitong noo. Pero walang malisya, nabanggit ko lamang naman.

"Tss", inayos nya ang sarili. "Why do we need to go there kasi May!"

"Eh kasi Espren, nakita ko sa FB na ngayon ang release ng bagong magazine ni Lee Jong Suk", kumapit ako sa kaliwang braso nya habang tinuloy namin ang paglalakad.

Super fan kasi ako ni Lee Jong Suk, at wala akong pinapalampas na magazines at shows nito. Very supportive naman si Dodong.

Madaming bumabati samin sa daan papuntang classroom. Paano ba naman gwapo nga itong si Edward pero syempre sa akin din naman. Diba kapag nanliligaw e mas unang nililigawan ang kaibigan.

Edward's POV

Nakakainis talaga itong si Maymay, lagi na lang nyang pinapakita sa lahat etong noo ko.

Inaayos ko ang buhok ko, nakakahiya sa mga dumadaan. Hays!

"Tss... Why do we need to go there kasi May!"

"Eh kasi Espren, nakita ko sa Facebook na ngayon ang release ng bagong magazine ni Lee Jong Suk", kumapit sya sa braso ko. Usuall thing na namin yun, walang malisya samin siguro halos lahat.

Super fan sya ni Lee Jong Suk, I remember when she first saw this korean actor sa isang series grabe, parang wala na akong bestfriend, halos hindi na sya lumabas ng bahay just to watch that series. Kaya alam ko kung gaano sya ka-hook kay LJS.

Kung magka-boyfriend si Maymay, dapat talaga maiintindihan nya si LJS.

Malapit na kami sa classroom namin, madaming bumabati sakin, sabi ni Maymay mga may crush daw saken halos lahat sila. Kahit pa may mga natatanggap akong sulat na nagpaparamdam that they like me, hindi parin ako makapaniwala.

Parang hindi ko pa nakikita ang babaeng magpapatibok ng puso ko, kaya siguro until now kahit madaming magagandang girls dito sa University e wala pa akong nagiging GF.

Naalala ko, minsan kaming na-issue ni Maymay na magBF GF daw kami. Just saw her crying, Maymay.

***FLASHBACK***

"May, why are you crying? Something wrong?" nagaalala kong nasabi. Hindi kasi kami magkaklase ngayong 4thyear HS kasi huli akong naka enroll.

"Edward...", yumakap sya saken at tuloy parin ang pag iyak. I don't know why pero there's a part of me na kinukurot everytime na nakikita syang umiiyak.

"Come.." itinayo ko sya. "What's the problem? Bakit umiiyak ka May?", 4th quarter na ng klase napapansin ko nga na parang malungkot sya, at eto nga bigla ko syang nakitang umiiyak sa isang sulok ng Art Classroom nya.

Iniupo ko sya sa isang chair near the window. Pinunasan ko ang mga luha nya sa mata na para bang ang tagal na nyang umaagos. Ang sakit ng pakiramdam ko.

"Tahan kana May" sabi ko. "Can you tell me now what happened? Lucas just told me that he saw you crying that's why I ran out of my class just to be here. Now tell me.." mahinahon ang boses ko.

She clears her throat.

"Remember Annie?" she asked me.

Annie confessed her feelings for me. And I heard bad things she's doing with Maymay. Pero kapag tinatanong ko naman si Maymay sinasabi nyang wala naman daw.

"Sinabi nya kasi sa buong klase namin na kaya hindi mo daw sya ligawan dahil saken. Sinisiraan ko daw sya sayo." umiiyak ulit sya na parang bata. "Hindi ko kayang gawin yun Edward alam mo yun diba??" she sobs

"I know. I know." I comforted her. Alam kong hindi kayang gawin yun ni Maymay. Kaya din siguro hindi ako magka GF ay dahil kay Maymay. Hindi dahil sinisiraan nya ang mga babae, kundi sila ang may ginagawang hindi maganda sa bestfriend ko. And I hate that!

I confronted Annie, in front of their classmates too. Humiliating her. I told everyone that no one can hurt Maymay.

After that day, hindi na naulit ang masaktan sya ng dahil sa mga taong may gusto sakin, ng dahil saken.

I treasure Maymay as the most important person in my life, siguro simula pa nung magkaisip ako. Ayokong nasasaktan sya, ayokong nakikita syang umiiyak. Siguro dahil mag- BESTFRIENDS kami.

*************************************

Unang story ko po.

Please po sana magustuhan nyo. Inspired by Mayward kaya medyo bagets. Please vote for my story. Feel free to leave comments too..

Thank you!