Maymay's POV
Pumasok kami ni Edward sa classroom namin, binati kami ng iba naming friends. Mas madalas lang talaga kaming magkasama ni Edward dahil bukod sa bestfriends kami ay kapitbahay din namin sya.
"Hello May, kumusta bakasyon?" si Kisses, sya ang girl bestfriend ko. Cute sya, firm kung kumilos parang beauty queen ba.
"Hi Kiss, eto ayos naman. Muntik na kami ma-late sa first day" bumeso ako kay Kisses at niyakap naman nya ako.
"Oo nga, bakit nga ba?" nagtatakang tanong ni Kisses. Umupo n kami sa likod na parte ng classroom.
Si Edward, ako, si Kisses, si Marco at si Yong ang nasa hilera namin. Sa unahan naman namin ay sina Kristine, Christian at dalawa pang babae.
"Eh ano pa nga ba? Edi nagpakapuyat sa Lee Jong Suk nya", sagot naman ni Edward na may pangungutya. "Kaya ang payat payat mo na lalo, hindi ka na nga kumakain ng veggies lagi ka pang puyat!"
Naiinis akong lagi nyang binabanggit ang mga ganung bagay, Papa ba kita ha? Pasalamat ka gwapo ka.
Nagsimula at natapos ang aming klase sa maghapon, masaya naman ang first day ng klase, dahil nga magkakakilala na din kami kasi since First year ay kami ng section ang magkakasama.
"Dong, dadaan lang ako sa Art room ha? Tara Kiss." nagpaalam ako kay Edward at sa iba pa. Gusto ko kasing bisitahin yung painting ko na halos three years ng hindi natatapos. Dun ko sya nilagay sa Art room na di kalayuan sa Canteen kung saan kami nakatambay.
Tumango lang si Edward meaning 'okay' dahil nagkukwentuhan din sila nina Marco.
"Hindi mo parin ba natatapos yung painting mo Best?" tanong sakin ni Kisses
"Hindi pa nga eh. Hindi ko alam kung bakit parang wala akong maisip na idea para matapos yun." nagtataka at naiinis akong sumagot.
Pumasok kami sa Art Room, nasa bandang likuran ang aking painting easel nakalagay ung painting kong hindi matapos tapos.
Imahe sya ng isang lalake pero wala akong mailagay na mukha. Before ang bilis bilis ko syang nai-paint pero simula nung fourth year ako. Ewan ko ba, gustong gusto kong i-paint pero kapag adito na sa harapan ko wala akong magawa.
"Ang ganda May.." nakatitig si Kisses sa painting ko. Maganda naman nga sya kaso wala pang mukha.
"Siguro you need inspirations May." kinikilig na sinabi ni Kisses, tiningnan nya ako.
"Inspiration?" napapaisip ako.
Oo nga ano? Baka nga kailangan ko ng inspirasyon kasi ba naman kay LJS lang yata ako kinikilig eh.
"I think you need to have a boyfriend para naman may pagbalingan ka ng kilig mo aside from Edward, este LJS", nagulat ako ng banggitin nya si Edward pero mas napatuon ang isip ko sa pagkakaroon ng BF.
Siguro nga I need to entertain suitors (wala naman manliligaw) kasi sa aming barkada kami na lang ni Edward ang No BF/GF since Birth.
"Paano? E wala namang gusto manligaw sa akin bes." sabi ko
"Try mo kayang maging girl minsan?" hinila nya yung nakatali sa buhok ko kaya bumagsak ang mahaba kong buhok.
"Alam mo namang hindi ako marunong nyan, painting lang ang kaya ko." hinila ko na si Kisses palabas ng room at bumalik na kami sa Canteen kung saan nagkukwentuhan parin sila.
"Guys ang ganda talaga ng painting ni Maymay. Kaso hindi pa sya tapos." pagbibida ni Kisses ng makaupo kami sa tabi ng mga kasama namin.
"Huh?! Ang tagal na nun friend ah" nagtataka si Kristine.
"Oo nga kaya I have plans on Maymay." nakangiting sagot ni Kisses. "You need to help me okay girl?" sabay kindat kay Kristine
"Wow! Sure frend, basta para dito sa ating Old Maid." niyakap nila akong dalawa.
Anong OLD MAID?? Pero hindi ko na sila pinansin dahil alam kong hahaba lang ang magiging kulitan nila sakin.
"Let's go May, diba dadaan pa tayo sa Bookstore?" aya ni Edward
"Oo nga pala, eto kasing dalawa na 'to kung ano ano ang plano sa buhay." tumayo ako pero nakayakap parin saken ang mga sweet kong kaibigan.
"Sama na lang din kayo samen?" inaya ko din ang iba.
"Naku May, pass ako ngayon, kasi nakapag promise ako kay mommy na i-treat ko sya ng dinner." si Yong ang nagsalita. Dahil kakauwi lang ng mommy nya from Davao, binisita sya dito sa Manila.
"Ako din girl" sabi ni Kisses sumunod si Kristine.
In short, kami lang ni Edward ang pumunta sa bookstore, anyways, kami lang naman sadya ang nasa original plan.
May malapit na bookstore sa school, mga latest magazine ang makikita dito pati mga in demand books, pero magazine ng nagiisang tao lang naman ang gusto ko kaya kami napadpad dito.
Edward's POV
Andito na kami sa bookstore, umupo lang ako sa upuan malapit sa counter. While looking at Maymay, para syang bata na nakawala sa playground. Sa tingin ko, hindi sya makapag decide what to buy. Puro mukha ni LJS yung nasa harapan nya.
While browsing the pages of random books beside me, may nakita akong familiar face sa peripheral view ko. I tried to look on that part, si Maymay lang pala na until now wala pang nabibili.
Pumunta ako sa shelves na may mga books. Looking for an interesting one, then I found it!
Kukuhain ko na yung history book ng may nakasabay ako sa pagkuha nito. Kamay ko laban sa kamay nya para sa isang libro. Lumingon ako ng pinilit pa nyang alisin ang kamay ko. Knowing na ako naman sadya ang nauna sa libro.
"Woah! Ang ganda. Ang ganda nya." yun lang ang nasabi ko sa isip ko. Nawala yung inis ko sabay abot ng libro sa magandang babae sa tabi ko.
"Ummmm.."yun pa lang ang nasasabi nya parang naghahabulan na ang tibok ng puso ko.
" Oh, sorry. "nasabi ko ng makita kong I was holding her hand.
" Its okay. Interested ka din ba... " wala na akong narinig sa mga sinasabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya, para akong naka-drugs.
" Excuse me? "she snaps and I was in reality.
" Ay sorry. What was that again? " sabi ko na medyo nahihiya
" Never mind" natawa nyang sabi.
I don't know why Im acting weird, para akong naputulan ng dila, binuhusan ng cold water. Ang ganda nya. I swear!
"Dong?" narinig ko ang pamilyar na boses
"Dong ayos ka lang ba?"
Napatingin ako at si Maymay nga ang nagsasalita. Kanina pa daw nya akong tinatawag kasi aalis na kami.
"Ayos ka lang ba? May sakit kaba?", hinawakan nya ang noo at leeg ko para tingnan kung may lagnat ako.
"Ah okay lang ako May" napabaling ang tingin ko sa magandang babae, na kita ko din namang tiningnan ni Maymay.
"Heaven?" sabi ni Maymay. "Heaven, ikaw nga." nakangiti din naman ang dalaga. Meaning she's Heaven. Para naman talagang nasa heaven ako.
"Maymay? Oh God ikaw nga! Kumusta kana?" nagyakapan ang dalawa ng magkakilanlanan.
Si Heaven, sya yung childhood crush ko. As I can see she grew up more and more beautiful. Kasi dati cute talaga sya, ngayon ang ganda nya. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman after years.
"So you must be Edward?" baling nya sa akin na nakangiti parin.
"Y-yes.. Im Edward.." I extended may right hand for a shake and she held my hand.
Oh God! I'm in heaven!
Nagkwentuhan sina Maymay at Heaven sa malapit na coffee shop, ako, I was just staring at her beautiful face.
She resides near our houses, mga 4 houses away from Maymay's. She left when we're 8yrs old kasi they need to move to Mindanao dahil sa kanilang family business. Hindi nya alam na crush ko sya, I don't even remember if Maymay knew it too. Kasi pagdating sa feelings ko I keep it to myself.
I found myself staring at Heaven, siniko na lang ako ni Maymay ng mahalata nyang nakatitig ako. Hindi naman siguro nahalata ni Heaven yun. Kasi they're too busy chitchatting about the past.
Actually, magkakalaro kami nung bata pa kami. We used to play hide and seek, patintero. The usuall games of the 90's kids. Mas close sila ni Maymay kasi pumupunta ako sa US every sem break. Dahil na din sa parents ko.
Ngayon lang naman year na to hindi ako umalis kasi I need to focus on my studies, graduating na din ako. At my parents agreed on it. Sa ngayon, I'm with Mom para daw may magalaga saken, my Dad is in US.
"So, paano? I'll see you again guys?" si Heaven yun. Nagpapaalaman na pala sila. It's already 6:30 in the evening. Hindi namin namalayan.
"Oo naman, mas mahaba pa ang magiging kwentuhan naten." sagot ni Maymay.
Nag-wave na lang ako sa kanya as she left the table. Wala talaga akong masabi. Gusto ko lang syang titigan ng biglang may masakit na tumama sa ulo ko.
"Ouch! What the f**?!" napalingon ako at nakita si Maymay binatukan nya ako. Bakit?!
"Anong kalokohan yun Edwardo?!" shevs pertaining siguro sa mga tingin ko kay Heaven.
"Kulang na lang matunaw si Heaven kanina ah". Napakamot na lang ako sa parte ng ulo kong binatukan nya.
"I dont know either May", inakbayan ko sya habang naglalakad kami palabas ng coffee shop.
"Walang boses na lumalabas sa bibig ko May. And I just found out that I enjoyed looking at her" kinikilig ako.
"Eeew! Ano ba yan Dong! Bakit bigla kang naging ganyan?!" tono nya ay parang nang aasar.
"Ewan ko ba. I think I found the right girl for me May." nakangiti akong lumakad palayo kay Maymay imagining Heaven's Face smiling at me.
Naiwan ko na pala si Maymay pero hindi ko ito napansin, dahil na din sa pagkabighani ko kay Heaven.
**********
Please vote for my story.. 😊