Donny's POV
Ano nga ulit ang name nya? Mary...
I'm looking for her sa FB yung pretty girl na nakabanggaan ko kanina sa may school. I almost forgot her name, but thank God hindi sya mahirap hanapin. Dahil 'Mary' pa lang nata-type ko nakita ko na kaagad yung profile nya sa mga choices.
Yes, she's really cute.
Browsing her account. Tsss... Bakit kaya sobrang close naman nila nitong lalakeng ito. Maybe he's the BEST FRIEND. Tama, he's the guy. I'll add her, sana accept nya kaagad.
Grabe, 9pm na she's not even replying to my chat, hindi pa din nya ako naaaccept. Baka galit sya dahil sa malakas naman sadya yung pagkabangga ko sa kanya. I' sad.
***1 notification***
Mary Dale accepted your friend request.
"Yes! Inaccept na nya ako!" I checked my messenger, I felt sad dahil seen mode lang sya. I waited for almost two hours for her reply. 11o'clock na pala wala syamg reply. I should sleep, first day ko pa man din bukas sa school. Sana makita ko sya dun, nakita ko kasi kanina parehas kami ng papasukan.
"Lord, sana po magkrus ang landas namin ni Dale. I like her."
Maymay's POV
Maaga akong nagising ngayong araw, Martes nga pala ngayon, akala ko Sabado na. Nag-ready na ako para sa pagpasok ko. Alam kong naghahanda na din si mama ng needs ko.
Sanay na din si mama na lagi akong sinusundo ni Edward. Simula yata elementary ay si Edward na ang service ko pagpasok. Sya yung personal body guard ko. Nagtataka lang ako kaso lately madalang na nya akong asarin. Pero mas gusto ko yun!
"Hi May" si Kisses yun, yumakap saken pagkapasok namin ng classroom. I kissed her cheeks as a sign ng Hello. Maaga kaming dumating sa classroom, dahil na din hindi ako late nagising.
"Bro, may transferees daw tayo ngayon", si Marco ang nagsalita pagkadating nya.
"I heard that too, late enrollees from different schools", sabi ni Christian.
"Schools? Meaning madami silang lumipat?" nagulat si Yong.
Kami ay nagulat din pero mas gusto ko makinig kesa magbigay ng comment. Naalala ko, baka si Heaven yung isa sa mga nasabi nina Marco, naulit kasi ni mama kgabi na dito din sya papasok.
"Two students lang, isa saten tas isa sa kabilang class." sagot ni Marco.
Dalawa? Hmmm, pero sure ako na si Heaven yun, pero hindi ko pa sya nakikita simula kanina. Baka nasa Dean's Office pa sya.
"Masyado na kasi tayong madami kaya siguro pinaghiwalay nila yung transferees.." sabat ni Kristine.
Twenty Nine lang kaming students sa section namin, anong madami dun? Kakaiba talaga tong mga kaibigan ko. Hindi ko na sila pinakinggan, parang may iba akong pakiramdam ngayong araw, I dont know what it is.
Dumating na yung prof namin siguro mga 45mins din nakababad sa kwentuhan mga kaibigan ko, at hindi nga nagkamali sa chika ang mga yon, we have new students.
"Guys, listen. We have a new student, the student came from Singapore kaya late sya. Supposedly kahapon din ang first day nya pero our school needs the requirements first bago sya pumasok sa klase naten."ang haba ng paliwanag ni Miss Minerva
" Student you may enter"
Lumaki ang mata ko sa nakita ko, alam ko yun. Nagulat kasi ako sa pumasok sa classroom namin.
"Hello classmates, I'm Donny Pangilinan, 19 yrs old. I came from SG dahil dun naka base yung work ng magulang ko but I decided to transfer here sa Ph kasi high standards ang turo dito", pagpapakilala nya at sa bawat jokes nya tumatawa sila.
"Hey May, diba sya yung nakabanggaan mo kahapon?" si Edward ang nagpabalik ng sarili ko.
"Huh?! Oo, sya nga." hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nangyari. Masaya ba ako o nahihiya. Hay Lord.
"Okay, Mr. Pangilinan you may take your seat" sabi ni Miss.
"Hi Dale, nice seeing you again." nakangiti syang bumati saken sabay umupo sa tabi ni Christian.
"Bes, bakit kilala ka nya? Sino sya?" bulong na pangungulit ni Kisses. Si Edward naman ay nakasimangot na parang naaasar.
Ganon talaga si Edward, basta nasaktan ako, affected sya. Best friends nga diba.
"Nakilala ko na sya kahapon" sagot ko
"Binangga nya si Maymay kahapon", asar na sabi ni Edward. Pinalo ko sya ng mahina kasi baka marinig kami ng prof namin
"Accident lang yun", paglilinaw ko. "He added me on FB kaya siguro FC na sya." natawa na lang ako.
"What?!" sabay si Edward at Kisses sa reaction magkaiba lang ng tono. Si kisses halata mong kinikilig, si Edward.. Ewan ko sa kanya.. Hindi naman sya yung nabangga e sya tong affected.
"Shhh.. Mamaya na lang okay?" sinabi ko kay kisses at minustra kong ikukwento ko pag recess time namin. Pumayag naman sya. As I've observed, lumilingon sa part namin si Donny. Paano ko nalaman? Hindi ko din alam e.
****Break Time****
Pakiramdam ko wala akong naabsorb sa klase namin today. Masyado yata akong apektado sa pagdating ni Donny.
"Hi Dale" lumapit sya sa upuan namin sa canteen, nagkukwentuhan lang din naman ang barkada ko dahil tapos na halos kaming kumain.
"Hi Donny, halika upo ka." hindi ko alam bakit ko sya ininvite sa table namin.
"By the way, this is Kisses, Marco, Kristine, Yong and Christian." Ipinakilala ko sila kay Donny.
Bumati naman sila. Mababait at palakaibigan din ang barkada namin ni Edward, kaya din naging madali lang para kay Donny ang makipagbonding sa mga ito.
" Uy, dward!"napalingon ako ng banggitin ni Yong ang pangalan ni Edward. May kasama syang babae, pamilyar na babae. Habang papalapit sila nakikilala ko yung kasama nya.
Heaven? Si Heaven nga. Natuwa ako ng makita ko sya. Tumayo ako at sinalubong ko sila. Ipinakilala ko si Heaven sa mga kaibigan ko ganun na din kay Donny. Nagkwentuhan kami hanggang sa nag-bell na sign na magsisimula na ulit ang klase namin.
Sa kabilang section si Heaven napapunta, sa kabilang pintuan lang naman at hindi malayo sa amin, buti na lang. Masaya kaming bumalik sa classrooms namin at nagsimula na ulit ang klase namin.
Edward's POV
I just went to the CR tapos pagbalik ko andun na kagad si Donny?
I can see them from here, five to six tables away from them. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa tuwing nakikita ko sya. Maybe because nasaktan nya si Maymay.
Babalik na ako sa table namin ng may nakita akong pamilyar na mukha ng babae, she's smiling at me. Though most of the girls are smiling at me, but this one is different. Walang pagnanasa ang mga ngiti nya, para syang... HEAVEN??
I was shocked seeing her here. Kaya I rushed through her.
"Hey, Heaven. Why you're here? You need something?" para akong sira na nagkandalito lito na sa pagtatanong. Nakita kong natatawa sya saken.
"I transferred here, late na nga ako ng one day. Dito na ako papasok." she smiled. She's so beautiful.
Nawala ang inis ko kay Donny ng makita ko si Heaven, I told her that Maymay is with me at ipapakilala ko din sya sa iba pa naming kaibigan para komportable na din sya sa first day nya.
Lumapit kami sa table ng grupo namin, adun na nga si Donny, masaya syang nakikipagkwentuhan kina Maymay, as if matagal na nilang kakilala ang isa't isa. Tsss, nakakainis.
"Uy, dward!" tinawag ako ni Yong ng makita nyang papalapit na ako sa kanila. Nginitian ko sila, nagulat si Maymay sa nakita nya, bakas sa mukha nya ang tuwa. Gumaan ang pakiramdam ko, parang ang saya saya ko na din dahil sa nakita kong masaya sya.
Lumapit sya samin ni Heaven ng nakatawa. Hindi ko napigilang kurutin ang parehas nyang pisngi. Nagbitaw lang ako ng sinamaan ako ng tingin ni Maymay.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Hindi ko ito pinansin at nakipagkwentuhan na lang kami hanggang mag-bell at magsimula na ulit ang klase namin.
Kasama na namin si Donny, member na sya ng barkadahan namin. Ganun din si Heaven, mabait din kasi sya at mabilis nyang nakasundo ang mga kaibigan namin.
**********************
Please follo my story..
Please vote for my story 😊👍🙏