Maymay's POV
Ilang buwan na kaming magkakasama feeling ko ang saya saya namin. Yun nga lang medyo hindi na kami nagkakasabay ni Edward sa paguwi dahil na din kay Heaven. Mukhang type nya talaga si Heaven, pansin ko naman yun simula pa lamang. Sabagay, childhood crush nya to. Kaya hindi na bago.
Mas nagiging close din kami ni Donny, mas madalas sya yung kasama ko kapag may mga kailangan akong puntahan, nanonood din sya saken kapag nagpe-paint ako. Nakakatuwa lang kasi para syang si Edward, pasensyoso. Kahit gaano pa ako katagal sa Art Room hinihintay nya ako.
Lately kasi nagagawa ko na yung obra ko, siguro si Donny nga yung inspiration ko. Though wala parin syang mukha, pero may progress.
"May, bakit mukhang hindi na kayo nagkakasabay ni Edward umuwi?" natanong saken ni Mama nung minsang magisa lang akong umuwi.
Ayoko kasing magpahatid kay Donny dahil baka isipin ni mama nanliligaw si Donny.
"Ah yun ba ma. Medyo nagtatagal kasi ako ngayon sa Art Room tapos may mga commitments pa sya kaya pinapauna ko na sya." sagot ko kay mama na naniwala naman saken.
Hindi na kami nagkakasabay ni Edward sa paguwi kahit sa pagpasok dahil nagiging busy na kami sa mga pansarili naming buhay, like me I'm busy finishing may Painting. Si Edward naman....
Basta busy din sya.
"I'll go to my room na mama, magpe-paint lang po ako." nagpaalam ako kay mama after namin magdinner. I can sleep late tonight kasi Saturday tomorrow walang pasok.
Gusto ko lang magpaint parang may humihila saken papunta sa brush ko eh. Kapag ganito pakiramdam ko maganda yung lumalabas sa paintings ko.
Umupo ako sa harapan ng canvass ko, kumpleto ang gamit ko. Hinayaan ko lang ang kamay, puso at isip ko ang magpinta. Habang nakikinig ako ng music tru my earphones.
Kaya din siguro hindi ko na namalayan ang oras, almost 3 in the morning na pala. Pero natapos ko ang painting ko. And Im happy kasi bihira akong makatapos ng painting ng ilang oras lamang.
Napahiga lang ako saglit sa kama ko, tuloy parin nag tugtog sa tenga ko. Nakatulog na pala ako.
Edward's POV
"It's okay tita. Ako na lang po aakyat sa room nya. Kung nagpaint sya kagabi for sure harok pa talaga sya sa table nya.", sinabi ko sa mama ni Maymay pumayag naman sya.
Sanay na din si tita na diretso lang ako sa room ni Maymay. I brought her some food for breakfast, kasi 9am na hindi parin daw gising si Maymay.
Umakyat ako sa kwarto nya, tulog pa nga sya. Hinawi ko ang kurtina ng windows nya. I can see my room across this window, left side ng room nya. Nung mga bata pa kami we used ropes para gawing stairs sa bawat windows namin. We can visit each other anytime we want.
We still have these ropes tied on our balcony. We seldom use this na dahil sabi ng parents namin we're getting older na so marami ng bawal and limitations.
Nilibot ng mata ko ang kwarto ni Maymay, wala parin tong pagbabago. Maayos parin, adun parin pictures namin when we were young, mas marami na nga lang paintings. I remember, when she's in a good mood she paints and the results are beautiful. Yung ilang mga gawa nya ay nabebenta namin online, ginagawang token sa school kapag may visitors. Maymay is an artist.
I looked into her new painting. I was shocked after seeing what's painted on it.
'Do you have problems May?'
Bakit ang dilim ng painting nya ngayon? This is the first time na nakita ko syang gumawa ng napakalungkot na painting.
"Dong, bakit andito ka?" nagising si Maymay dahil siguro sa liwanag ng araw kasi inopen ko ang curtains.
"May, sabado ngayon walang pasok so I decided to visit you" umupo ako sa kama katabi nya. "sabi ni tita dika pa nga daw gising so I brought this food for you." pinakita ko yung breakfast nya for two persons, sabay kaming kakain sa kwarto nya.
Parang mga bata ulit kami sa mga oras na to nagkukulitan, pinipisil ko ang dalawang pisngi ni Maymay sa tuwing inaasar ko sya, bata pa lang kami ginagawa ko na sa kanya yun, nakasanayan ko na nga din. Good thing hindi sya nagagalit saken kaya lagi kong ginagawa. Hindi sya sensitive, siguro kung sa iba ko yun gagawin magagalit na sila. Iba talaga si Maymay.
"Hay Naku Edward!" sabi nya
"Why you're here? I know there's somethig. Tell me." Maymay can really tell what's on my mind.
Pero nawala na sa isip ko ang dahilan kung bakit ko sya binisita, inulit ko sa kanya ang napansin kong malungkot nyang painting. Mismong pati sya ay nagulat sa kinalabasan.
"Is there something wrong kaya yan yung lumabas sa painting mo?" tinatanong ko sya dahil hindi naman talaga sya malabas ng sama ng loob. Mas gusto nya na sya na lang magaayos, pero never pang lumabas sa paintings nya na may problem sya kahit pa nung mga unang panahon.
" None Edward. Wala naman akong problema o nararamdaman." sagot nya na nakatitig sa painting nya.
"But you know what, parang gumaan ang pakiramdam ko." nakita ko ulit yung ngiti nya.
Kailan ko ba huling nakita syang masaya? Hindi ko maalala. Ganun na ba katagal kaming hindi nagkakasama ng gaya dati? Para makalimutan ko na kung kelan ang huli?
"May pupuntahan ka bang iba Dong?" pinawi ni Maymay ang pagiisip ko.
"Ako? Wala, dito lang talaga sa'yo." sagot ko. Nag smile sya ulit gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko syang masaya. Hindi ko tuloy napigilan kurutin ulit ang mga pisngi nya.
Magulo at maingay ang kwarto nya dahil sa aming dalawa. Nakita na lang namin na nakasilip si tita sa bukas na pinto at tatawa tawa sa amin.
'I miss this...' ano bang naiisip kong ito?
Third Person's POV
Ilang buwan na din ang lumipas, malapit ng mag semestral break, pero mas nag-focus sila sa mas nalalapit na Foundation Day ng school nila. Yearly nila itong sini-celebrate.
Madaming activities sa isang buong linggo ng FD, dahil malaking University ito mas madaming pwedeng gawin at makita sa loob nito.
One week before the FD
"May, sali kana sa prod ng klase natin" sabi ni Kisses kay Maymay na ilang beses ng tumanggi sa kanya. Niyayakap at nilalambing nya si Maymay para lang pumayag ito.
"Kisses naman. Alam mo naman na boyish ako, how can I walk ng mataas ang heels." malambing na sagot ni Maymay
"We'll help you May" sumabat si Kristine.
Pinaguusapan kasi nilang tatlo ang pagsali ni Maymay sa modeling contest na gaganapin sa FD nila. Three days silang magmomodel ng iba't ibang outfit at sa last day ng FD ang announcement ng winners.
"Hay tigilan nyo nga akong dalawa. Payat ako oo, pero hindi bagay sakin ang magmodel. Matatalo lang ang class naten." inaayos ni Maymay ang ilang props ng klase nila para sa darating na FD.
Klase kasi nila ang nakaassign sa design and arrangement ng entrance ng school. Madaming nagiging bisita nila kapag FD dahil na din kilala ang school nila.
"May, you need to be more confident." pag papaalala ni Kisses. Hindi ba plan natin na mag ka BF kana. May ilan na nga nagpaparamdam sayo simula nung hindi na kayo nagkakasabay ni Edward e. "
"Napansin mo din ba un gurl? "umupo si Kristine na amaze ang mukha. "Akala ko ako lang nakakpansin nun, ikaw din pala?" sabay tingin kay Kisses at pasimpleng tinuro si Maymay
"Tumigil kayong dalawa jan. Okay na saken na may nakaka appreciate na saken ngayon pero hindi dahil hindi na kami nagkakasama ni Edward." umupo din sya sa tabi ni Kristine habang tuloy na nagkakabit ng colored plastics para sa banderitas.
Nagtawanan lang sina Kisses at Kristine dahil sa tono ng salita ni Maymay na parang nagtataka din.
"You know what May, I like Donny" sabi ni Kristine.
"Talaga? O sige baka magalit si Yong kapag narinig nya yan gurl", hindi na-gets ni Maymay ang punto ni Kristine
"Ako din Kris, I like Donny. The way he acts when Maymay is around.", kinikilig ang boses nya at pansin din na kinikilig si Kristine. " The way he cares for Maymay" sabay ng napatili sina Kristine dahil sa kilig
"Hoy Hoy! Ano at ako na naman ang topic, eto lang ako oh. Katabi nyo ako" inaasar ang dalawa dahil iniloloko sya kay Donny. Nahihiya si Maymay sa tuwing nilalagyan ng malisya ang pagiging close nila.
"Seryoso May, feeling ko like ka ni Donny" sagot ni Kisses
"Ako sure ako na Like ka ni Donny" si Kristine
"Ayyiie!" sabay nilang niloko at kiniliti si Maymay
"Ehem **clears throat** girls, okay na ba yung banderitas?" biglang pumasok si Edward sa classroom. "Hinahanap na kasi sa baba". Cold ung tono ng boses nya.
Nagulat si Maymay sa reaction ng best friend pero sina Kristine at Kisses ay tuloy parin sa pang aasar.
"Yes, isa na lang tong hindi pa tapos. Isusunod na lang namin after." si Maymay ang sumagot. Nag bitter smile lang si Edward, kinuha ang mga tapos ng props at saka umalis.
"Anong problema nun?" tanong ni Maymay
"Yaan mo na sya." sabi ni Kisses at tinuloy nila ang panloloko nila kay Maymay para kay Donny.
Masaya silang tatlo.
*******************
Please follow my story 😊