Chapter 11

Third Person's POV

May plano ang bawat isa kung paano nila matutulungan si Edward makapanligaw kay Heaven.

Nasa CR muna si Edward.

"Tama ba tong ginagawa natin guys?" tanong ni Christian

"Ewan ko bai, pero mahirap din kasi" sagot ni Yong na may halong lungkot

"Handa ba kayong makita sila na parehas na masaktan?" si Marco ang nagsalita. "Alam naman natin na si Maymay ang tinutukoy ni Edward, na naguguluhan sya at hindi si Heaven"

"Pero why are we pushing him to her?", naguguluhan si Christian.

Alam ng tatlo ang nagyayari kay Edward, naguguluhan si Edward sa nararamdaman nya para kay Maymay. Dahil simula ng dumating si Donny sa buhay nilang dalawa nag-iba na si Edward.

Pero bakit laging si Heaven ang kasama ni Edward? Bakit nangyayari na si Donny ang laging kasama ni Maymay?

"Ayokong masira ang relationship nila, alam kong ayaw nyo din yun. Kailangan malaman muna nilang dalawa na tunay na love yung nararamdaman nila para sa isa't isa." sagot ni Marco.

"Paano si Donny? Lalo na si Heaven?" asked Yong

"Yung ibang tao nga napapansin nila na may something sina Edward sa isa't isa, sila pa ba ang hindi makahalata nito?" si Marco

"What should we do? Kawawa naman sila." sabi ni Christian.

"Let's go with the flow, sila din makakaalam ng sagot dyan. If they really love each other. They'll be together again" si Marco.

Pagbalik ni Edward pumunta sila sa malapit na mall para mamasyal, para din bumili ng panregalo nya for Heaven para bukas.

Hindi pa kasi nanliligaw si Edward kay Heaven. Masyado lang pinu-push ng boys si Edward, siguro dahil crush nga ni Edward dati ang dalaga ay pakiramdam ni Edward gusto parin nya si Heaven. Dahil na din laging si Donny ang kasama ni Maymay.

Nasa isang botique sila ng bears, namimili sina Yong ng bear.

"Sina Kisses ba yun?" si Christian ang nagsabi

"Saan?" hinanap ni Marco, dahil MU din ni Marco si Kisses. "Hindi ba may practice pa si Maymay?"

"Sina Kisses nga!", kinawayan ni Yong si Kisses para makita sila. Hindi naman kalayuan sa lugar nila nakita agad sya nito.

Habang si Edward nagbabayad na ng bear sa counter. Malaking huggable bear ang pinili nya.

"Uy, andito din pala kayo?!" sabi ni Kisses.

"Oo may binibili si Edward, nagpasama sya." si Marco sabay turo sa loob ng botique. Nagbabayad na si Edward.

Napatingin sina Maymay sa loob ng stall kung nasaan si Edward. Hindi pa alam ni Edward na nasa labas sina Maymay.

Napatingin si Donny kay Maymay, kaya lumapit sya dito para kulitin. He won, tumatawa si Maymay.

"Okay na kasi ang practice ni Maymay kasi ang bilis nyang matuto", sagot ni Kristine

Napalingon si Edward sa labas ng marinig nya ang pangalan ni Maymay, actually hindi nya narinig nung nakita nina Yong sina Kisses dahil may kausap sya kaya nagulat ito ng makita si Maymay, kasama si Donny na masaya.

"What is this I'm feeling" nasabi ni Edward sa sarili.

Nagusap usap sila sa labas ng botique habang wala pa si Edward, nagtatawanan nagkukulitan.

"Ok na Bro?" asked Marco ng makita nya si Edward na lumabas ng botique.

"Yes okay na bro." sagot nya. Bumati din sya kina Kisses. Dala nya yung binili nyang bear.

"Wow Edward, ang laki ng bear na yan ah.." pagbibiro ni Kristine

"Si Edward ang pumili nyan" biniro ni Yong ang binata.

"Liligawan mo na ba si Heaven?" napalingon si Maymay sa tanong ni Kisses, tumingin sya sa reaksyon ni Edward.

Napatingin si Edward kay Maymay, 'awkward'

"Oo" tumawa si Christian. "Tumawag sya samen para lang samahan sya dito at maghanap ng panregalo kay Heaven"

Donny looked at Maymay, magkatinginan pa si Edward at Maymay

"Sweet naman nyan!" umakbay si Donny kay Maymay.

"May, mas sweet po ako dyan sa BEST FRIEND mo promise!" pambubully ni Donny kaya nagtawanan sina Yong

Napatawa na din si Maymay at nabaling kay Donny ang atensyon nya. Si Edward, nag-smile lang at wala ng nasabi.

***********

Please follow and vote for my story!