Chapter 12

Maymay's POV

Nagulat pero natawa na lang ako sa ginawa at sinabi ni Donny.

"May pupuntahan pa ba kayo?" tanong ni Kisses kina Marco

"Mamasyal lang siguro kami, care to join?" si Marco sabay kindat kay Kisses. Pasimple ko na din inalis ang kamay ni Donny sa balikat ko.

"Sige sasama na lang kami senyo para mas masaya" sabi ni Kristine

Napatingin ako kay Edward, pero hindi sya nakatingin saken. I looked at the bear he bought, parang may tumutusok sa puso ko. I felt sad.

"Naku guys, hindi na ako makakasama senyo ha?" sabi ni Donny. "6pm na din kasi, I need to go home"

Dahil na din nag enjoy kami masyado sa paglalaro hindi na namin namalayan ang oras. Napansin kong medyo nalungkot sina Kisses dahil hindi na nga makakasama si Donny.

"Ummm, pass na din muna ako guys"sabi ko

"Huh?! Bakit naman?!" sabi ni Kisses. Alam nya kasing never pa akong nagpass sa mga galaan kaya nagulat sila.

"Kanina pa nga naman din kasi si Donny umaga, kaya hindi na muna kami sasama" I smiled at them. Si Edward no reactions at all

"No May, you go with them. Okay lang naman ako. I just need to go na" sabi ni Donny

"Grabe ka. Sige bad shot kana kay Mama, ikaw yung sumundo saken kaninang umaga tapos papauwiin mo'ko ng gabi ng hindi nihahatid?" binibiro kong sagot kay Donny.

Gusto ko naman talagang sumama, gusto ko silang kasama, lalo si Edward. Sa school kasi dahil medyo busy hindi na kami nagkakasama, lalo nitong mga nakaraan.

"But..." hindi ko na pinasalita pa si Donny. Humawak na lang ako sa braso nya then we say goodbye to them. At first ayaw nilang pumayag pero syempre pumayag parin sila.

Bakit ganon si Edward, bakit hindi man lang sya nagsalita, hindi man lang nya ako kinausap, hindi man lng nya ako kinumusta kahit yung practice ko. Ganun na ba talaga dapat kapag may nagugustuhan na? Nakakalimutan na nya ako?

Nabalik lang ako sa reality when Donny told me na nasa bahay na kami.

"Are you okay Dale?" sabi ni Donny siguro napansin nya akong tulala. Siguro nagsalita sya at hindi ako sumagot.

"Yes, I'm okay. Siguro pagod lang ako" sagot ko sa kanya. Nag smile ako sa kanya.

Binuksan nya yung door ng car for me, hinatid nya ako samen, kinausap nya si mama pero hindi agad sya pinaalis, syempre ininvite muna namin sya for dinner.

Nagkwentuhan kaming tatlo, nagtawanan. Nakakatuwa lang, kasi Donny always makes me feel okay, he make sure na masaya ako.

"Naku, ang oras. Hindi na natin napansin dahil sayo to Donny!" sabi ni mama ng mapansin nya ang oras. Almost 8pm na.

Nagtawanan kami dahil si mama naman talaga ang madaming kwento at taga pakinig at taga tawa lang kami ni Donny.

"Hindi sa pinapaalis na kita Don, pero ganun na nga yun." biro ni mama kay Donny

"Onga po tita, masyado na po akong nageenjoy dito, nakakahiya na senyo" ang cute ni Donny kapag nahihiya sya kay mama

"Don't worry, you're always welcome naman dito sa bahay." kabig ni mama.

Wala akong masabi dahil click silang dalawa. Lalo na siguro kung adito pa si Papa. Siguro kung hindi lang gabi na ay hindi pa papauwiin ni mama si Donny.

Hinatid namin ni mama si Donny sa labas, nagpaalam sya, at umalis na.

Napatingin ako sa bahay nina Edward, wala pang ilaw sa room nya, siguro nageenjoy pa sya sa labas.

Pumasok na din ako sa loob ng bahay namin.

***********

Please follow and vote for my story!