Chuxia's Pov
•Hao Dilan International School
"Wow, number 1 padin siya"
"Totoo nga, wala talagang makakatalo sakanya"
"Pano niya kaya nagagawa yan"
"Hangang hanga ako sakanya"
"Beauty and Brain, talaga ang panlaban niya"
Ilan ilan lang yan sa mga bulungan na narinig ko nang inanounce ni Miss Lee- class adviser namin, na ako ang number one sa Honor Students sa batch namin this quarter and of course number one din ako sa Most Smartest Student in the entire campus.
Well hindi nayan bago sakin, i didn't remember a time na hindi ako naging number one kaya sanay na ako.
My name is Anne Chuxia Daviel, 16 years old, The 'Beauty and Brain' of Hao Dilan International School.
Hope's Pov
•New Williams High School
"Waahhhhh ang galing nyaaaa!!!!"
"Omayghad, she's so flexible'
" Nakakainggit huhuhu"
"Bakit ba ang talented nya"
"Naiinlab na ko sakanya!"
Napangiti ako sa mga narinig kong positive feedbacks, kaya mas ginalingan ko pa ang pag sasayaw at pagkanta ko at the same time.
Dancing and Singing has been my life at alam ko sa sarili ko na nangunguna ako sa kategoryang ito, hindi naman sa pagmamayabang hehe. Sikat ako sa buong campus dahil sa talento kong ito.
Ow,ako nga pala si Hope Chen Lopez, 16 years old at ako ang binansagang 'Student Idol' ng New Williams High School.
__________________________________________
Chuxia's Pov
"Chuxia!"
Aauuuggghh
"Chuxia"
Aaaaaaaah (Widest mouth open yawning at dawn)
"HOOOOY! ANNE CHUXIA DAVIEL! Gumising ka kung ayaw mong mapospone ang gagawin mo ngayong araw!" Pasalamat lang talaga siya at close kaming dalawa, dahil kung hindi kanina pa to nalintikan.
Perooooo.....
"Whaaaaaaaaat! Hindi na pala dawn? YAYA! bakit ngayon mo lang ako ginising? diba, I told you last night na gigisingin mo ako as early as you want?"
"Eh di sana ginising kita kaninang alas dos ng umaga para nakatulog ka ulit sa kahihintay." - yaya
Yan si yaya Jelly. Hindi naman katandaan pero may angking ugali naman ni Pilosopo Tasyo sa pagiging pilosopa! Biro lang. Kahit ganyan yan, yan ang nagpalaki sakin.
BTW. late na pala ako sa aking pupuntahan. As usual di na trend sa akin ang alarm clock. Mayroon naman akong human alarm clock eh, Thanks to yaya Jelly. It's time to rush on preparing myself before I go. Just an hour.
"Sandali Chuxia, bago ka madapa sa pagmamadali. Pagkatapos mo diyan ay handa na ang almusal sa kusina at handa na rin ang mga gamit na dadalhin mo at nasa sala na rin."
"Thanks yaya Jelly!"
Headphones - check
Neck pillow - check
Books - check
Charger - check
Tissue - check
Wet wipes - check
Pen and Papers - check
Light make ups - check
Extra Clothes - check
And done.
Aaaannnnnnd wait! "YAYA! pahingi extra".... (girls always know what to bring)
Now, I'm ready to go.
___
"Yes po mom mag iingat ako, Oo dad got it wag akong magtiwala sa kung sino sino lang. Ok bye." Wala kase kanina sila mom and dad sa bahay dahil may business trip sila at ako naman ay pupunta sa San Serzeyo dahil gusto ko namang gumala kahit ngayong araw lang.
Umakyat nako ng bus at umupo sa bakanteng seats.
First time kong sumakay ng bus actually dahil gusto ko namang ma experience na magtravel ng walang kasama. Palagi nalang kase pag may trips o gagala ako ay hinahatid pa ako ng driver namin, at kung minsan ay pinapasamahan kay yaya Jelly. It took me a while to convince my parents to let me travel alone.
Tatlong oras ang byahe papunta sa aking destinasyon kaya isinalpak ko ang earphones saking tenga at pinikit ang aking mga mata.
Hindi pa ata naglilimang minuto pero ika ilang beses na akong nauuntog sa bintana ng bus kaya naisipan kong magpalit ng upuan dahil may mga bakante pa naman. At nang makapagpalit na ako ng upuan ay tuluyan na akong napapikit.
__________________________________________
Hope's Pov
"Ma! Pa! huhuhu, aalis na po akoooo!"
nag drama muna ako bago lumabas ng bahay.
Isang buong araw akong mawawala dahil pupunta ako sa kabilang bayan at may aasekasuhin hehehe secret na yun.
"Oh sige anak mag ingat ka sa byahe ha" tinutulak tulak pa nila ako palabas ng bahay.
Yung totoo? parang pinapalayas na nila ako eh.
"Ma! Pa! Pinapalayas nyo na ba ako?! hindi nyo na ba ako mahal?" naiiyak na ako huhu.
"Hindi ka namin pinapalayas anak pero kasi kapag hindi ka pa umalis ngayon ay siguradong ma lelate ka at hindi mo na maaabutan ang bus" paliwanag ni mama.
"Ay oo nga pala, sige na ngaa byee naaa!"
___
Nang makarating ang bus ay umakyat nako at naghanap ng bakanteng upuan, medyo marami na kase ang pasahero nito.
Nang makaupo na ako ay inilabas ko na ang phone ko, mag seselfie muna ako hehe.
1 2 3 smi------
"JUSKO NAMAN KUYAAA!" napasigaw ako ng biglang pumreno ang bus.
Kaya nagising ang ibang natutulog na pasahero kaya nag peace sign na lang ako.
Ano ba yan! kasalanan naman kase ni kuyang driver eh, nahulog pa tuloy ang cellphone ko.
Pinulot ko ang phone ko pero may isang bagay na kumuha ng atensyon ko.
Isang silver na kwintas, nag sha shine bright like a diamond ito, pero hindi sya diamond isang kwintas na at ang pendant nya ay ang pangalan na 'Chuxia'.
Hmmm....mukhang mamahalin pa naman. Well wala pa namang naghahanap nito kaya sinuot ko nalang muna.
________________________________________