Chapter 2

Hope's Pov

"Wag mong kalimutan ang mga pasalubong namin ha!!" Psshh ang ingay nila.

Nagvivideo call kasi ako ngayon sa mga kaibigan kong sina Darcy,Resee,Kaitlyn, at ang mga asungot na sina Josh at Dustin.

"Kayo naman, babalik din naman ako bukas ng umaga, kailangan paba talaga nng pasalubong?"

"Syempre naman no!"

"Oh sige na Iidlip lang muna ako saglit. Mahigit isang oras pa naman bago kami dumating sa San Serzeyo.

Byee"

"Ok. bye!"

Itinago ko na ang phone ko at tsaka sinubukang pumikit.

___

*Screeeechh*

*Boogshhh*

Naalimpungatan ako dahil sa mga sigawan ng mga tao sa loob ng bus.

At sa isang iglap.

*Crashhh*

'Lord, eto naba ang magiging sanhi ng pagkamatay ko? katapusan ko na ba?

Basta lord, kahit hindi ko tanggap. Tatanggapin ko nalang. Alagaan mo po sina Mama at Papa ha. Wag nyo rin pong papabayaan ang mga kaibigan ko.'

Nanghihina na ako, nakikita ko rin ang mga dugo ng taong kanina lang ay nakasakay sa bus na sinasakyan ko.

Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko ay natanaw ko ang isang babae na malapit lang saakin, duguan din siya at hinang hina.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano pero...

Kamukhang kamukha ko siya.

At tuluyan nang nandilim ang paningin ko.

___________________________________________

Chuxia's Pov

'Who is that girl?'

'She looks just like me'

I took one last glance at her before closing my eyes

__________________________________________

3rd Person's POV

"Anoo?!!, anong nangyari kay Chuxia?!" bulalas ni Cheska, ang mommy ni Chuxia.

Bigla kasing tumawag si Yaya Jelly na naaksidente daw ang sinasakyang bus ni Chuxia at kasalukuyan itong nag aagaw buhay sa isang hospital sa San Serzeyo.

Napaluhod siya sa nalamang balita kaya agad siyang nilapitan ng kanyang asawa.

"Hun, anong nangyari?" tanong nito sa kanya.

Sa pagitan ng kanyang mga hikbi ay sinabi niya kay Ian ang nangyari.

Napasapo ng mukha ang kanyang asawa at inaya siyang pumunta sa San Serzeyo upang masiguro ang kalagayan ng kanilang anak.

Habang nagdadrive ay pareho ang nasa isip ng mag asawa.

'Hindi namin kakayanin na mawalan ng isa pang anak'

_________________________________________

"Take her to the emergency room"

"Doc, wala po tayong sapat na rooms"

"I'm sorry, we tried our very best pero hindi na po niya kinaya"

Sari saring iyak at sigaw ang bumungad sa mag asawa ng pumasok sila sa San Serzeyo District Hospital.

Agad nilang hinanap ang kanilang anak na si Chuxia.

Nagtanong tanong sila sa mga nurses doon.

At di nagtagal ay nakita na nila ang anak nilang walang malay sa isa sa mga ward doon.

Suot suot parin nito ang kwentas nitong may pendant na 'Chuxia' kahit naka hospital gown na ito.

May lumapit na doktor sa kanila.

Kaya agad nilang tinanong ang kalagayan ng kanilang anak.

"Mr, Mrs, Maayos na po ang lagay nya sa ngayon. Nagamot na po namin ang mga sugat niya sa katawan. Ngunit mukhang malakas ang pagkakabagok ng kanyang ulo at Maaring magdulot ito ng iba't ibang side effects. Kaya kailangan niya munang manatili rito sa Hospital ng ilang araw upang maobserbahan pa namin sya." Paliwanag ng doktor.

Napahinga naman ng maayos ang mag asawa.

Salamat, at ligtas si Chuxia.

_______________________________________

3rd Person's POV

"Hopieeeeee huhuhuhu, gumising kaaa"

hagulhul ng mga kaibigan ni Hope sabay yugyug sa balikat nito.

"Ma'am,Sir mas nakabubuti po sa pasyente, if hahayaan nyo muna syang makapagpahinga ng maayos." payo ng doktor na napadaan.

Umiiyak lang sa gilid ang mga magulang ni Hope habang pinapalibutan naman sya ng mga kaibigan nyang akala mo'y namatay na sya.

-------------

Matapos ang ilang araw na paghihintay ay unti unting dumilat ang mga mata ng dalagang inaakala nilang si Hope.

"Wahhh Hopieeee"

"Dok, gising na po ang pasyente!"

"Hopieeee!"

"Salamat sa diyos at gising ka na!"

"Huhuhu Hope!"

_____________________

Sa kabilang banda ay kakagising lang din ni Hope na napagkamalang si Chuxia.

"Anak, finally your awake"

"Oh, thank goodness"

"Chuxia!"

______________________________

Sa kabila ng paghihintay ng magiging reaksiyon ng dalawang dalaga ay iisa lamang ang lumabas sa kanilang bibig na nagpaguho ng mundo nila.

"Sino kayo?"