***
Sa gitna ng gabi may isang batang pinagmamasdan ang bilog na buwan habang siya ay nasa balkonahe ng kanyang kwarto. Tuwang tuwa siya rito dahil ito ang palagi niyang hinihintay sa tuwing sasapit ang kabilugan nito.
May narinig siyang ingay mula sa ibaba kaya dahan-dahan siyang bumaba upang tignan kung ano ang nangyari habang yakap-yakap ang kanyang laruan na butterfly.
Pagkababa niya sa hagdanan ay bigla na lamang siya umupo at napahawak ng bibig dahil sa kanyang nakita. Siya ay nagpipigil na mapahiyaw at mapahikbi ng malakas. "May naaamoy ako." Sabi ng isang lalaki habang sumisinghot singhot sa kung saan.
Dahan-dahan na umatras ang bata papaakyat ngunit agad naman siyang natunton ng isang lalaki. "Oh? A little girl. Do you want to join honey?" Nakangising tanong ng lalaki na para bang gutom na gutom sa kanyang nakikita.
Nangangatog sa takot ang bata habang hindi maalis ang kanyang pagiyak kaya noong akmang hahabulin siya ay bigla siyang sumigaw ng malakas at tumakbo pabalik sa kanyang kwarto. Hindi pa siya nakakarating sa kwarto ay bigla siyang hinarangan ng isang mabalahibong nilalang na nag-ngingitngit sa gutom.
Ang mabalahibong nilalang ay nasasabik dahil sa ilang araw na siyang hindi nakakakain. Tumutulo ang laway nito sa sahig habang ang kanyang mga pangil na matutulis ay nagaabang na makadakip ng makakain. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik na kayang makakita sa isang madilim na lugar.
Napaatras ang batang babae ng dahan-dahan dahil sa lumalapit ito sa kanya. "Please po, huwag po." Pagmamakaawa ng bata pero hindi siya pinansin ng mabalahibong nilalang. "M-mami!" sigaw niya na may kasamang paghikbi.
Dahil sa kanyang pagsigaw ay bigla na lamang siyang napapikit dahil sa susunggabin na siya ng mabalahibong nilalang. "Whaaaaaaaaa!" Sigaw niya sa takot habang nakaharang ang dalawa niyang brasong maliit sa pagsangga.
Ngunit, naramdaman niya na hindi siya nasaktan at naramdamang panganib kaya dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mata na puno pa ng kanyang luha. May lalaking nakatayo sa kanyang harapan habang ito ay nakatalikod sa kanya.
"H-huwag niyo po akong sa-saktan.. Pagsusumamo ng bata habang paatras ngunit nagkamali siya ng hakbang dahil ang nasa likuran niya ay hagdan pababa.
Bigla na lamang siyang nahulog. "Ma-mami!" sigaw niya na habang nakapikit pero wala siyang naramdamang sakit sa pagkakahulog.
Nakaramdam siya ng malamig kaya agad siyang dumilat sa isang lalaki na sumalo sa kanya. "M-mami..." Tawag sa kanyang ina dahil sa takot at kaba.
Nakita niya mismo sa malapitan ang lalaki na nakakapanindig balahibo. Ang kanyang pulang mata at ang pangil na puno ng dugo sa pagpaslang ng isang mabalahibong nilalang.
Agad siyang ibinaba ng lalaki at hinirap niya ang kanyang kasamahan. "Ano gagawin natin sa bata?" Tanong ng isang babae habang pinupunasan ang gilid ng labi na may dugo.
Ang batang babae ay natulala sa kinaroroonan ng kanyang ina na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sariling dugo. "Ma-mami..." Tawag niya sa kanyang ina at dahan-dahang lumapit kaya nakuha niya ang atensyon ng lalaki.
Pinagmasdan niya ang bata na humihikbi kaya agad niyang kinarga ito at pinaharap sa kanya para hindi niya maalala ang sinapit ng kanyang ina. "Si Mami..." Iyak ng bata kaya napatingin ang lalaki sa babae. "I can take care of her." sabi niya pero agad na umiling ang babae.
"Hindi pwede! Delikado ang isang tao sa lugar natin." Pagaalalang sabi ng babae pero hindi siya pinansin ng lalaki at agad na pinatulog ang bata sa pamamagitan ng mahika.
"Minamaliit mo ba ang aking kakayahan Lylia? Hayaan mo ako ang magdesisyon para sa maliit na tao na ito." Seryosong tugon ng lalaki at sa isang idlap ay nawala ito na parang bula sa hangin.
Napahawak nalamang sa sintindo ang babae at napahinga ng malalim. "Tigas ng ulo." Aniya.
Pagkarating sa mansyon ay agad niyang hiniga ang bata sa malambot niyang kama at saka kinumutan ito ng malambot na kumot. Nakatingin lamang siya sa bata na may biglang pumasok ang isang matanda.
"Bakit mo siya dinala dito?" Tanong niya pero hindi siya tinignan ng lalaki.
"Gusto ko lang." Malamig nitong sabi.
Napahinga ng malalim ang matanda ng dahil sa sinagot ng kanyang apo. "Alam mo ang mangyayari kapag hindi mo siya hinayaan." Babala ng kanyang lola. "Lalo na sa lolo mo." Dugtong pa nito.
Lumingon ang lalaki sa kanyang lola. "Ako na ang bahala.Alam ko ang ginagawa ko kaya po lumabas na kayo at magpapahinga na ako." Sabi pa nito at tumango ang matanda sa kanyang sinabi. "Hindi ako nagkulang sa babala." Sabi niya bago isinarado ang pinto.
Tumabi siya sa bata ngunit hindi siya humarap dito dahil naiilang siya sa amoy ng dugo nito kaya tumayo siya at agad na naligo.
Pagkatapos niyang maligo at nakita niyang nakayuko ang bata habang humihikbi ito. Agad niya itong nilapitan pero agad naman siyang niyakap nito kahit na basa pa siya galing sa ligo. "Si mami...n-nasaan siya?" Walang muwang niyang tanong.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa bata pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Bukas pupuntahan natin siya kaya matulog ka muna." Seryoso nitong sabi pero hindi pa din tumitigil sa pag-iyak ang bata.
"B-bakit madaming dugo si mami? Sinaktan ba siya ng bad dog na 'yon?" Tanong ng bata.
Tumango naman siya sa bata. "Bukas ko na ipapaliwanag sayo basta makikinig ka ng maayos." Seryoso nitong sabi na agad naman na ikinatakot ng bata sa aura nito.
"P-pero hindi na ako inaantok." Sagot ng bata kaya agad namang napahilot ng sintido ang lalaki. Wala siyang ginawa kundi ang gamitan ng mahika ang bata para makatulog agad.
Tumayo siya sa pagkakaluhod at agad ng nagbihis dahil nakatapis lamang ito. Pagkatapos niyang matulog ay lumabas na siyang kwarto dahil sa naaamoy niya ang dugo ng bata.
"Pure and Innocent." Bulong niya habang umiinom ng alak sa balkonahe.
🥀