Chapter 2: Hey little Chloe.

Kinaumagahan ay nasa lamesa sila biglang bumaba ang isang batang babae na nagpupunas ng kanyang mukha kaya napatingin sila sa bata. "Can you explain who's this little creature? Huh Miguel?" Sabay lingon niya kay Miguel na nanahimik na kumain.

"No explanations Dalhia." Seryosong sagot nito kaya napairap naman si Dalhia. "Come here. Sit beside me." Alok niya sa bata na hindi alam ang gagawin.

Tumingin sa kanya ang bata pero tinuro niya lamang si Miguel. "Gusto mo umupo sa tabi niya?" Natatawanong tanong ni Dalhia. "Hey Miguel! Gusto niyang umupo sa tabi mo." Tawag niya sa atensyon ni Miguel.

Lumakad ang babae sa gilid ni Miguel pero hindi lamang siya nilingon nito kaya hinila niya ang laylayan ng damit ni Miguel para kunin ang atensyon. "Fine...." Bulong nito sa bata at ang kasama naman nito ay hindi makapaniwala sa nakikita. "Bring me the chair and prepare her food." Utos niya sa mga katulong na agad namang kumilos.

Habang sila ay kumakain ay hindi maiwasan na pagusapan ang bata. "Kaya pala kahapon may naaamoy akong dugo ng tao, ayon pala may batang dinala dito." Supladang sabi ni Rian.

"Shut your mouth, Rian." Babala ni Miguel. "She can understand, so be aware what are you going to say." Dugtong pa nito.

Biglang napayuko ang bata dahil akala niya ay nagaaway ang dalawa. "Ano ang pangalan mo bata?" Tanong naman ni Reyniel.

"Chloe."

Bigla naman silang natigilan sa pagsagot nito dahil sa ka-cutan ng bata. "Oh shit! She's cute." Pagbasag ng katahimikan ni Dhalia.

"By the way, bakit mo siya dinala dito?" Tanong naman ni Reyniel bago sumubo ng pagkain. Tumingin naman si Miguel sa kanila na nanlilisik ang mga mata. "From now on... Walang magtatanong tungkol sa batang ito." Seryoso niyang sabi habang iba ay natakot at si Rian naman ay napairap.

"Apo, Alam mo naman na naghahanap ng kahinaan ang mga kalaban mo para paslangin ka." Pagsingit ng kanyang lola na kanina pang nakikinig.

Tumayo si Miguel dahil kakasabi pa lang niya ay may sumuway agad sa kanya. Lola niya iyon kaya hindi niya maaaring saktan dahil sa mahal niya ito ng tunay.

Umalis na lamang siya sa hapag kainan habang buhat niya si Chloe na hindi pa tapos kumain. "Kuya, gutom pa ako." Bulong nito kay Miguel kaya napangisi ang lalaki.

Mabilis naman niyang inutusan ang mga katulong na magdala pa ng pagkain para kay Chloe habang nakatingin sa labas ng bintana. "Bakit mo 'ko tinawag na kuya?" Tanong ni Miguel sa bata na nakasilip din sa labas ng bintana.

"S-sabi po kasi ni Mami kapag may nakakatanda dapat tawagin kong kuya at ate o lolo at lola kasi po paggalang po 'yon." Pagpapaliwanag ni Chloe kaya napangiti si Miguel.

"Miss ko na si Mami." Sabay tingin ng bata sa kanyang mga mata na may halong lungkot at pagaalala. "Mamaya puntahan natin siya basta maligo kana pagkatapos kumain." Bilin niya sa bata kaya agad naman itong nabuhayan ng loob.

"Sige po!" Masigal niyang sagot.

Inaayusan na si Chloe ng mga katulong ni Miguel ng isang bestidang puti na may disenyong paru-paro. Habang sila ay abalang abala ay may pumasok. "Lumabas muna kayo." Utos nito at hindi nagdalawang isip na umalis ang mga katulong.

Ngumisi siya bago yumuko para pantayan si Chloe. "You know what Chloe, you better leave here because we are vampire and you? You are just human...a weak human being." Pananakot nito sa bata na ikinatakot ni Chloe.

Unti-unti ng namumuo ang kanyang mga luha dahil sa sinabi ni Rian. "H-hindi po totoo 'yan!" Pagdepensa ni Chloe pero tinawanan lamang siya ni Rian. "Oh really? Malas lang ang dadalhin mo dito kaya umalis kana!" Sigaw nito sa bata na mas lalong kinaiyak ni Chloe.

Nagulat si Rian dahil may sumakal sa kanyang leeg habang ang kanyang mga mata ay nanlilisik. "What I have told you, Rian? I already warned you!" Galit na sabi nito sa kanya at agad na sinampal ito sa pisngi.

Napahawak naman sa pisngi si Rian at habang masamang nakatingin kay Miguel. Si Chloe naman ay napaatras sa takot at nagtago sa gilid ng upuan. "Hindi kita sasantuhin Rian." Babala pa ni Miguel.

Tumayo ng diretso si Rian at para bang walang bakas na takot kay Miguel. "Ha.Ha.Ha it's a joke right? May pangitain ako na siya ang magiging dahilan ng problema." Madiing sabi pa ni Rian.

"Pangitain? you are funny too.. Lahat naman ng pangitain mo ay palpak kaya lumabas kana at huwag na huwag ka ng lalapit kay Chloe!" Galit na sabi ni Miguel.

Bago pa umalis si Rian ay masama niyang tinignan si Chloe na nangangatog sa takot. Pagkaalis ng babae ay agad ng dinaluhan ni Miguel si Chloe para patahanin. "Its okey now..." Pagpapatahan ni Miguel.

"V-vampire ka?" Walang puwang na tanong ni Chloe.

Dahan-dahan namang hinawakan ni Miguel ang magkabilang kamay nito na maliit. "Yes at hindi ako bad vampire okay? Kung bad ako dapat kinain na kita katulad noong nangyari kagabi." Pagpapaalala ni Miguel. "Don't worry as long as I'm here, I can protect you." Dugtong pa nito.

Niyakap siya agad ng bata. "Alam ko po na hindi ka bad kuya Miguel at ang bad si ate Rian.." Sabi ni Chloe na may paghikbi. "Shss stop crying.. Pupunta na tayo sa mommy mo." Pagpapatahan ni Miguel.

Pagkaalis nila ay agad silang dumiretso sa tahimik na lugar na maraming nagpapahinga. Nagtataka naman si Chloe kung bakit sila pumunta sa sementeryo, samantalang pupuntahan niya ang kanyang ina.

"Mami?" Tanong niya sa puntod na kanyang tinatayuan. Napahinga na lamang si Miguel dahil umiiyak nanaman ang bata sa pagalala ng kanyang ina. "S-sino pumatay sa kanya?" Tanong ni Chloe. "Namatay si Dadi noon... pinatay siya ng isang bampira sabi ni mami..." Dugtong pa nito.

"Hindi bampira ang pumatay sa mommy mo kundi ang mga lobo." sagot ni Miguel. Napaisip si Miguel kung bakit alam niya ang tungkol sa mga bampira samantalang tao lamang siya.

Kaya napaisip si Miguel na kaya pala napasama sa kanya si Chloe ay dahil alam niyang mga bampira sila. "Opo lobo...palagi ko silang nakikita sa tuwing bilog na buwan." Sabi ni Chloe na ikinatigil ni Miguel.

"Hindi ka ba nila sinasaktan?" Tanong ni Miguel.

"Hindi po, mayroong masama at mayroon ding mababait." Sagot ng bata at saka pinunasan ang mga luha niya. "Sa totoo lang hindi ko siya tunay na ina dahil inampon niya lang ako." Dugtong pa niya.

Nagkaroon naman si Miguel ng kaalaman sa bata dahil gusto niya itong makilala ng husto. "Mahal na mahal ko sila kasi inalagaan at minahal nila ako." Sabi ni Chloe habang hinahaplos ang puntod ng kanyang ina-inahan.

"Ikaw kuya, nasaan na ang mama mo?" Tanong ng bata at saka tumingin kay Miguel. Napatingin naman sa malayo si Miguel dahil sa tanong ni Chloe.

"Wala na din siya." Malungkot na sagot ni Miguel.

🥀