Habang sila ay nasa sala ay maiging pinagbilin ito sa mga kasamahan na ingatan at alagaan ang bata. "No problem! Ang cute, cute ni Chloe eh.." Masiglang sabi ni Dahlia. "At isa pa baka dalhin ko dito ang kapatid kong si Reiko para may kalaro siyang kaedad niya." Dugtong pa nito.
"Sige pero balaan mo ang kapatid mo patungkol kay Chloe." Babala ni Miguel. "Ayon lang makakaalis na kayong lahat sa harap ko." Utos niya kina Dahlia, Reyniel, Rain at sa mga katulong. Sumunod naman agad sila sa utos ng kanilang master.
"Saan ka ba pupunta kuya?" Tanong ng bata ng malungkot kaya binuhat niya ito at kinandong sa kanya. "May trabaho pa ako kasama si lola mo kaya hindi mo ako makikita ng ilang araw. Ako bahala sa kanila kapag may masamang nagawa sila sayo." Sagot ni Miguel.
Ang mabibilog na mata ni Chloe ay hindi napigil kay Miguel na pisilin ang magkabilang pisngi ni Chloe dahil sa ka-cutan nito. "Promise you will behave.."
"I promise!" Masiglang sagot ni Chloe na ikinangiti ni Miguel.
Pagkaalis ni Miguel ay bigla na lamang lumungkot si Chloe dahil napalapit na ang loob sa binata. Habang si Reiko ay nakatingin sa batang babae na si Chloe dahil hindi siya makapaniwalang tao ang sasamahan niya.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni Reiko na agad namang lumingon sa kanya si Chloe.
"Ako si Chloe.." Nakangiting sagot at nagpakilala din si Reiko.
Habang sina Dahlia at Reyniel ay tuwang tuwa sa dalawang bata. "Bagay silang dalawa.." Nakangiting sabi ni Reyniel pero agad naman siyang binatukan ni Dahlia. "Hindi pwede at iba si Chloe." Pagsusungit nito.
"Malay mo lang naman.." Sabay kamot sa ulo si Reyniel.
Ang dalawang bata naman ay pumuntang hardin para maglaro at tuwang tuwa naman si Chloe na ipinakita ang kapangyarihan ni Reiko. "Woah! Ang astig naman non!" Manghang sabi ni Chloe. "Ano tawag diyan?" Tanong pa niya.
"Isa itong elementong nagpapabuhay sa mga patay na halaman." Nakangiting sagot ni Reiko.
"Pwede ka bang bumuhay ng patay?" Tanong pa ni Chloe na maalala niya ang kanyang ina-inahan.
Umiling naman bigla si Reiko. "Hindi pwede kasi black magic 'yon at mahirap gawin 'yon." Sagot ni Reiko na ikinasimangot ni Chloe. "Gusto ko lang naman na mabuhay ulit ang mami ko." Malungkot pa nitong sabi na agad namang hinimas ni Reiko ang likuran niya. "Kapag namatay ang isang tao hayaan mo na, huwag mo na silang gambalain pa baka mapunta pa sila sa impyerno kapag tinawag mo ang kaluluwa nila pagkatapos ay bubuhayin kaya nga tinawag na black magic 'yon." Pagpapaliwanag ni Reiko pero hindi ito naintindihan ni Chloe sa bilis ng pananalita ng batang lalaki.
"Ah ganon ba..." Ayon na lamang ang kanyang naisagot.
Niyaya ni Reiko ang batang babae sa lawa para makapagtampisaw sa tubig. Tuwang tuwa naman ang dalawa dahil doon. Namangha pa si Chloe dahil sa mga maliliit na pixie na lumilipad sa ere habang sila ay pinalilibutan ngunit bigla silang lumipad palayo.
Biglang kinabahan si Reiko dahil naramdaman niya ang panganib sa paligid. "Chloe tara na!" Pagaya ni Reiko sa batang babae.
"Ayaw ko pa! Nageenjoy pa akong lumangoy eh!" Pagtutol ni Chloe pero agad naman na hinila ni Reiko ang kamay ng batang babae na may biglang sumulpot na mga lobo. "Tara na mapanganib!" Sabi ni Reiko kaya hindi agad makagalaw ang batang babae dahil sa naalala niya kung paano patayin ang kanyang ina-inahan.
"S-sila ang pumatay sa mami ko..." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Chloe at agad na kumuha ng bato para batuhin ang mga lobo. "Huwag! Mas magagalit sila.. tara na!" Sabi ni Reiko na may halong takot.
Bigla silang sinugod ng tatlong lobo kaya agad silang tumakbo pero natapilok si Chloe sa kanyang pagkakataranta at takot. "Umalis kana! Huwag mo na akong intayin!" Sigaw ni Chloe habang pinipilit na dinadaing ang sakit ng kanyang paa pero hindi siya pinakinggan ni Reiko kundi ay inakay niya ito.
Bago pa makahakbang ang dalawang bata ay hinarangan sila ng isang lobo at agad silang pinalibutan nito. "Reiko... natatakot ako." Bulong ni Chloe habang tumutulo ang kanyang mga luha.
"Huwag kang magalala."
Ang mga lobo naman ay unti-unting lumapit sa dalawa pero agad silang pinalibutan ng mga ugat ng puno sa pamamagitan ni Reiko. "Tara na bago pa sila makawala!" Sigaw ni Chloe kaya agad silang umalis pero biglang nag-anyong tao ang isang lobo at saka hinawakan ang kamay ni Chloe.
"Chloe!" Sigaw ni Reiko dahil nasa kamay na ito ng mga lobo. "Reiko, tulungan mo 'ko!" Takot na takot na sigaw ni Chloe. Hindi alam ang gagawin ni Reiko kundi pinulupot ang mga ugat ng puno sa tatlong lobo pero hindi ito sapat dahil sa lakas ng mga ito.
"Tumigil kana bata!" Pagkatapos ay tumawa ang isang nag-anyong tao na hawak-hawak si Chloe. "Ang sarap naman ng amoy mo..." sabay singhot kay Chloe na ikinasigaw ng batang babae.
"Tara na Zorco...nandiyan na sila." babala ng isang lobo.
"Hindi ko hahayaang makaalis kayo!" Galit na sigaw ni Reiko at habang si Chloe ay nagpapapasag hanggang sa ginamitan ng mahika para makatulog. "Hays...patulugin niyo na 'yang batang lalaki naiingayan ako." Utos ni Zorco hanggang sa tumakbo ito sa loob ng kagubatan.
"Chloe!" Habol na sigaw ni Reiko pero agad siyang inatake ng dalawang lobo. Hindi siya makaligtas sa kalmot ng dalawa at kagat nito. "Ate Dahlia!" Sigaw niya ng malakas na bigla siyang kagatin sa kaliwang binti.
Sa kabilang banda sina Dahlia at Reyniel ay hindi mapakali sa paghahanap sa dalawang bata habang si Rain ay nakaprenteng naka-upo sa sofa. "Damn! Malalagot tayo nito, Rey!" Kinakabahang sabi ni Dahlia.
"Shss.. kalma ka lang okay? hindi makakatulong ang mag-panic at umupo sa isang tabi." Sabay tingin kay Rain na naka-upo sa sofa pero napatingin siya sa mga pixie na paparating.
"Kailangan niyong pumunta sa lawa nandoon ang dalawang bata." Tarantang sabi ng isang pixie sa papamagitan ng paguusap sa isipan. Dahil sa maliit sila ay hindi mo maririnig ang kanilang sinasabi.
"Tara na!" Pagaalalang pag-aya ni Dahlia dahil naisip niya ang kanyang kapatid at si Chloe. Para naman silang nawala na parang bula at agad namang sumunod si Rian.
Pagkarating nila sa lawa ay agad nilang sinalakay ang dalawang lobo at habang si Dahlia ay dinaluhan ang kapatid niyang sugatan. "Reiko, gumising ka." Hanggang sa tumulo ang kanyang mga luha. "Patawad kapatid ko." Dugtong pa nito at nagsisisi dahil naging mapanatag siya na walang mangyayari sa kanyang kapatid.
Si Rey naman ay agad na ginamitan ng apoy ang dalawang lobo na agad namang ikinasunog ng dalawang kalaban.
Dahil sa sakit at hapdi ay naganyong tao ang dalawang lobo. " Nasaan si Chloe!" Galit na tanong ni Rey habang si Rain naman ay nakatutok ang espada sa dalawang kalaban.
"Hindi namin alam!" Sabay tawa ng isang kalaban na agad namang pinatay ni Rain. "Shit Rian!" Sigaw ni Rey. "Sabi niya hindi niya alam so pinatay ko na." Malditang sabi ni Rian. "Ikaw? Nasaan si Chloe? at anong balak niyo para kunin siya?" Tanong ni Rey sa nagiisang kalaban.
Tumawa ng nakakaloko ang kalaban. "Hindi ko din alam." Natatawang sagot nito at agad na sinunog ni Rey.
"Hindi pa natin napapatay 'yon." Masungit na sabi ni Rain na ikinataas ng kilay ni Rey. "At bakit? kita mo naman kung paano ko tustahin." Depensa ni Reyniel.
"Its just an illusion." sagot ni Rain at agad ng nawala na parang bula.
Napailing na lamang si Rey at agad na pinuntahan si Dahlia. "Tara na para mapagamot na siya agad." Sabi ni Rey na may halong pagaalala.
"Malalagot tayo kay master." Kinakabahang sabi ni Dahlia bago sila lumisan sa lugar na iyon.
🥀