Chapter 4: Siblings War

Lahat sila ay nangangatog sa takot habang si Miguel ay nakaprenteng naka-upo. Hindi mapakali si Dahlia sa kanyang mga kamay at ang dalawa ay kung saan-saan nakatingin. Bigla na lamang hinampas ni Miguel ang kanyang lamesa upang makuha ang atensyon ng tatlo.

Hindi aakalain ng tatlo ay maaga itong uuwi dahil sa pagdating nila ng mansyon habang walang malay ang kapatid ni Dahlia ay nakasandal ito sa gilid ng pintuan habang pinagmamasdan sila. Nagulat na lamang sila na magtanong ito kung ano ang nangyari kay Reiko at lalo na kay Chloe na wala sa kanilang tabi.

"Speak." Seryosong sabi ni Miguel habang ang kanyang mapulang mata ay tumingkad na nagbabadya ng babala sa tatlo.

Nagtinginan ang tatlo kung sino ang unang magsasalita at habang si Rian ay inirapan ang dalawa. "Nawawala si Chloe." Prenteng sagot ni Rian at ang dalawa naman ay sininghalan siya dahil sa ugaling inasta sa kanilang master.

"And?" Pagkatapos ay kumuha ng wine glass si Miguel at nagsalin. Kahit na kalmado si Miguel ay hindi mawala ang kaba ng tatlo sa takot nila na baka ay isang iglap makatulog sila ng ilang taon nanaman.

"Ki-kinuha siya ng mga aso." Tarantang sagot ni Dahlia at agad naman silang nabigla sa pagtayo ni Miguel. "Ano ang ginawa niyo? pinabayaan niyo ang mga bata!" Galit na sigaw ni Miguel at saka nilagok ang alak.

"Hindi kasi sila nagpaalam kung saa---" Pinahinto ng pagsasalita si Rey ng tutukan ito ng titig ni Miguel. "I Don't need an explaination dahil sinabihan ko kayo bago umalis at mabuti nakaramdam ako ng panganib sa mga kagubatang nadaanan ko." Seryosong sabi ni Miguel.

"At isa pa walang nakakaalam na kahit sino na bukod sa inyo na patungkol sa bata." Dugtong pa nito. Umalis sa pwesto si Miguel at isang iglap ay biglang sinakal si Rain.

"M-Miguel..." Nahihirapan niyang salita dahil nakabaon ang mga kuko ni Miguel sa kanyang leeg.

"Don't mention my name dahil pinagtaksilan mo 'ko!" Galit na sigaw ni Miguel habang nanlilisik ang mga mata nito. Mas lalo niyang diniinan ang mga kuko niya sa leeg nito.

Ang dalawa naman ay walang magawa kundi panoorin ang ginagawa ng kanilang master kay Rian. Hindi maintindihan ng dalawa ang sinabi ni Miguel na pinagtaksilan siya ni Rian. "Una palang ay mainit na ang dugo mo kay Chloe!" Sigaw ni Miguel at agad na binitawan si Rian na nanghihina dahil kinuha ni Miguel ang enerhiya niya biglang bampira.

Bilang isang bampira kailangang may sapat na enerhiya na makukuha sa dugo ng mga tao ngunit dahil dito ay hindi siya makakakuha ng kahit na anumang dugo dahil siya ay nanghihina na. "Hindi kita mapapatawad sa kahangalan mo Rian." Seryosong sabi ni Miguel.

Tumingin ng masama si Rian sa lalaki. "Kung gusto mo akong patulugin ng ilang taon ay gawin mo na! Dahil una palang binalaan na kita sa kung ano ang mangyayari. Isa siyang malas tandaan mo 'yan!" Sigaw niya pero agad siyang sinaksak ni Miguel ng mahiwagang kutsilyo na papatulugin ka ng ilang taon hanggang hindi ito natatanggal sa pagkakasaksak.

Sa isang iglap ay nasa harapan na ang kabaong ni Rian at nawala ito na parang bula. "Kayong dalawa tulungan niyo akong sugurin ang kampo ng magaling kong kapatid." Utos niya at agad siyang nawala na parang bula.

Sa kabilang banda si Chloe ay walang tigil sa pagiyak kaya nilagyan siya ng tape sa kanyang bibig upang manahimik. "Maya-maya lamang darating na ang aking kapatid." Nasasabik nitong sabi habang pinagmamadan ang bata na nakaupo sa sahig at habang siya ay kumakain.

Walang magawa ang bata kundi manahimik na lamang dahil wala siyang magagawa para siya ay makatakas. "Mabuti nanahimik ka.." Sabi ng isang lalaki na may katangkaran. Mahaba ang buhok nito hanggang balikat na may kulay na brown kasama na ang kanyang mga mata na kakulay ng kanyang buhok. Matangos ang kanyang ilong at ang kanyang bibig ay mapupula ngunit hindi rin manipis dahil katamtamang laki lamang.

"Bad wolf ka!" Sigaw ni Chloe ng tanggalin ang tape sa kanyang bibig. Natawa na lamang ang lalaki at lumuhod upang pantayan ang bata. "Hindi naman, sadyang ganito lang ako pinalaki eh.."Natatawang sabi ng lalaki. "Edi bad parents mo? sabi saakin ni mami nagrerepleksyon sa isang tao kung paano ka pinalaki." Sabi ng bata na ikinatigil ni Reigo.

"Maybe? and also don't mention my parents because they don't like me." Pagpapaliwanag ni Reigo. "Always my brother is the best for them." dugtong pa niya.

"Sino kapatid mo?" Tanong ng bata na unti-unti ng napapanatag ang loob dahil sa pakikipag-usap sa kanya ni Reigo ng formal. Hindi siya nakakaramdam ng takot o pangamba sa lalaking kasama niya.

"Anyway nasa likuran mo siya." Natatawang sagot ni Reigo at sabay tayo sa pagkakaluhod. "Hey brother! ang bilis natin ah?" sabay kindat ni Reigo sa kanyang kapatid na masamang nakatingin sa kanya. Napalingon na lamang si Chloe at agad siyang natuwa. "Kuya Miguel!" Tawag niya rito ngunit hindi siya nilingon.

"Oh~ I see! mukhang close na kayo ng bata ah? At ano ang ginawa mo sa bunso nating kapatid huh?" Tanong ni Reigo at saka kumagat ng mansanas pero agad na nawala sa pwesto si Miguel dahil sakal-sakal niya na si Reigo na natatawa pa.

"Natutulog, gusto mo bang sumunod? huh kapatid?" Taas noong tanong ni Miguel habang sinasakal si Reigo pero parang walang epekto sa kanya ang sakit.

"Kuya Miguel! Huwag mong awayin si kuya Reigo!" awat ni Chloe. Natawa naman si Reigo sa inasta ng bata. Binitawan ni Miguel ang kanyang kapatid ngunit pinakawalan ito ng malakas na pagkakasuntok sa tiyan na agad namang ikinasuka ng dugo ni Reigo. "Ayan ang pinag-kaiba natin Reigo.. ako walang dugo at samantalang ikaw sumusuka ng dugo." Seryosong sabi ni Reigo.

Pinunasan ni Reigo ang kanyang dugo at habang si Chloe ay nagtago sa likod ni Miguel dahil ayaw na niyang makakita ng dugo. "I know my brother. Ikaw umiinom ng dugo at ako naman ay kumakain ng tao para tayo ay mabuhay." Natatawang sagot ni Reigo at tumayo ng maayos. "Pero bakit importante ang batang iyan kaysa sa babala ng kapatid natin?" Tanong ni Reigo.

"Wala akong pake sa sinasabi ni Rian." Blankong sagot ni Miguel. "Huwag na huwag kang lalapit sa batang ito naiintindihan mo?" Dugtong niyang babala.

"Sayang dapat kanina ko pa siya kinain.." Bulong ni Reigo. "Kung ako sayo ilayo mo na ang batang iyan bago pa malaman ni lolo ang ginagawa mo." Babala ni Reigo.

Binuhat ni Miguel si Chloe at agad na pinatulog gamit ang mahika niya. "Wala na akong pake basta nasaakin siya." Huling salita ni Miguel at agad nawala sa isang iglap.

Natatawa namang naiwan si Reigo ngunit ang kanyang mga kuko ay bumaon sa lamesa. "Tignan natin..."

🥀