Chapter 16 - The Site

AMELIA HOMES...

Tinawagan ni Gian ang kaibigan.

"Pare may ipapagawa ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Maghanap ka ng kahit anong ebidensiyang magpapatunay na sangkot si congressman Dela vega sa mga anumalya dito."

"Utos ba 'yan ni don Jaime?"

Huminga siya ng malalim.

"Tama ka, gusto niyang makahawak ng matibay na alas kung sakaling baliktarin siya ni congressman."

"Madali lang yan sa dami ng kalokohan ng congressman na 'yan sigurado akong hindi tayo mabibigo."

"Salamat pare"

"Basta ikaw sir."

Muli siyang huminga ng malalim.

"Naalala ko pare noong malasing ako at dinala mo sa ospital, ayoko na sanang banggitin ito pero galit na galit ako sa'yo noon!"

"Bakit naman?"

"Tang ina pare! Akalain mo bang hindi ikaw ang kausap ko ng gabing 'yon."

"Kung gano'n sino?"

"Sino pa kundi si Ellah!"

"Gago! Eh di para ka na ring ginisa sa sarili mong mantika!"

"Iyon ay dahil hindi ikaw ang dumating sa bar at sinundo ako, ang mga lintek na staff ng bar hindi naman sinabi kung sino ang sumundo sa akin. Ang mga gago, dahil daw Boss ang nakapangalan kaya 'yon ang kanilang tinawagan!"

Humalakhak ng husto ang kaibigan.

"Anong pakiramdam noong malaman mong ang boss mo ang kinakausap mo?"

"Para akong natuklaw ng ahas pare, sa sobrang hiya ko tinawagan kita ng 'di oras. Parang gusto kitang sakalin nang makita kita."

Panay na naman ang halakhak nito.

" Bakit kasi boss ang nasa contact mo?"

"Siyempre, amo ko 'yon eh."

"Kasalanan mo talaga pare, kung darling sana 'yon eh tiyak ako ang tinawagan dahil pare ang pangalan ko sa contact mo."

"Darling? Eh 'di nasakal ako ni don Jaime kapag nalaman 'yon gago!"

"Naks! Takot siya kay lolo!"

"Sira!"

"Sige nga pare sabihin mo nga lolo Jaime!"

" Gago!"

"Pero, pare seryoso, huwag kang ma inlove doon sa babaeng 'yon ha? Naku pare delikado talaga."

Nahigit niya ang hininga nang maisip na hindi siya gusto ng don.

"Hindi mangyayari 'yon pare."

Hindi naman siguro hindi ba?

Anuman ang nararamdaman niya hindi naman pag-ibig ito. Malalim na paghanga lang.

Kapag wala na siya sa poder ng mga Lopez paniguradong makakalimutan din niya ang babae.

---

CURUAN HIGHWAY...

Tahimik na nagmamaneho ang bodyguard ni Ellah habang nasa biyahe sila papunta sa site.

Naidlip muna siya habang nakaupo sa tabi nito.

Limang oras din 'yon buhat sa siyudad patungong probinsiya kung saan naroon ang tunnel na pupuntahan nila.

Isang beses sa isang buwan ay talagang dinadalaw niya ang site.

Malakas ang ulan kaya medyo mabagal ang takbo nila.

Nagising siya nang makaramdam ng panlalamig.

Tahimik lamang siya habang nakamasid sa dinadaanan. Malapit na sila doon sa pinangyarihan ng krimen noon kung saan napatay ang tatlo niyang mga bodyguard.

Nang tuluyan na silang dumaan tila nagbalik naman sa kanya ang lahat.

Ang tawanan, ang biruan, ang pangakong binitiwan niyang hindi na papalitan ang mga ito.

Ngunit may mga bagay lang talagang nangyayari sa mundo na mahirap intindihin.

Kagaya ng pagkawala ng mga gwardya at napalitan ng iisa.

Sayang nga lang at hindi niya matagal na nakasama ang tatlong 'yon kaya hindi niya lubos nakilala, gano'n pa man lubos ang pasasalamat niya sa pagbuwis ng buhay ng mga ito mailigtas lamang siya. Utang niya rito ang buhay niya.

At ngayon may isa na naman siyang pinagkakautangan ng buhay niya. Kung nagkataon baka napatay siya sa barilang naganap.

Nilingon niya si Gian na nakatutok sa kalsada.

Kagaya rin ng isang ito, handa ring magbuwis ng buhay para sa kanya. Ngunit hindi naman niya lubusang kilala.

"Gian, nasaan pala ang parents mo?"

Sinulyapan siya nito. "They died long time ago."

"Oh, sorry, both?"

Tumango ang binata.

"Mind if I ask, paanong...I mean..."

"May sakit ang mama ko leukemia, then she died, si papa hindi nakaya ang depression, nagkasakit din dahil hindi na kumakain kaya sumunod siya. Six years old pa lang ako no'n."

"Sorry to hear that."

Matagal-tagal na rin niyang tauhan ang bodyguard/driver subalit ngayon lang niya nausisa ang tungkol sa buhay nito.

"Sino nag-alaga sa'yo?"

"Lola ko ang nagpalaki sa akin."

"Then where is she?"

"She died ten years ago."

"I'm sorry," tanging nasabi ng dalaga.

Ulila na pala ang kanyang bodyguard hindi man lang niya nahalata.

Mayabang kasi ito at arogante minsan, hindi kapansin-pansin na nag-iisa na lang pala sa buhay.

"My parents died in a car accident, both kaya si lolo ang nagpalaki sa akin."

"Parehas pala tayo, wala ng mga magulang."

"Ganoon na nga."

Sabay silang bumuntong-hininga.

"Mind if I ask you again, last na 'to promise."

"What?"

"Bakit wala kang girlfriend?"

Nilingon siya ng binata.

"Hinihintay kasi kita."

"Hmp! Makatulog na nga lang uli."

Natawa si Gian at muling itinuon ang paningin sa daan siya naman ay ipinikit ang mga mata.

Kahit kailan talaga, hindi ito matinong kausap!

---

MEDC TUNNEL...

Malapit na sila sa opisina ng site subalit napapansin niyang wala ng tao.

Nilapitan ni Ellah ang gwardya roon.

"Good afternoon po Ms."

"Bakit wala ng tao? Saan sila?"

"Ah, Ms. may bagyo po eh, maaga silang umuwi."

Umalsa ang dalaga.

"Bakit? Ang usapan ay usapan! Nagmamadali akong pumunta dito tapos wala akong aabutan!"

Hindi nakaimik ang lalaki.

"Siguro naman nandito pa ang manager?"

"P-pasensiya na po Ms. pero umuwi na rin, brownout po kasi."

"Ang generator pala? "

"Hindi rin po magamit sa lakas ng bagyo at baka babaha na."

Tinawagan nito ang manager. Mabilis naman itong sinagot ng operator.

"Alam naman niyang darating ako ba't 'di siya naghintay? " galit na bulyaw ng dalaga.

"Ms. Ellah" dahan-dahan niyang hinila ang dalaga palayo sa lalaki.

"Nakakabwesit naman 'to!" sinapo nito ang noo bago nagmartsa pabalik sa kotse.

Si Gian na ang kumausap sa gwardya.

" Pasensiya na brad, tigre ang amo natin"

Natawa naman ang kausap.

" Ayos lang sanay na kami."

"Malayo kasi ang byahe, gusto niya ng round trip kaya disappointed ng walang maabutan."

" Nagmamadali si sir kasi daw bumabaha na sa kanila. Nakalimutan yatang tumawag."

Tumango-tango ang binata.

" Paano brad, alis muna kami, pasensiya uli."

"Sige ho sir, mag-iingat po kayo ni Ms. Ellah."

" Salamat"

Maya-maya lang pumasok na rin siya sa loob at nag-umpisang magmaneho palabas.

Napansin niya ring sumaludo pa ang gwardya sa kanila kaya sumaludo rin siya.

Huminga ng malalim ang dalaga.

"Hindi tayo pwedeng umuwi ng wala man lang napala!"

"Bukas na lang natin..."

"Marami akong trabaho sa opisina, marami akong meetings at ayokong i- cancel 'yon!"

Hindi siya umimik.

"Hindi rin pwedeng matulog ako dito, wala akong mga dala dahil ini expect ko na makikita ko ang tunnel at may aabutang tao!"

"Look, ikaw naman ang boss, pabuksan mo ang tunnel at ng sa gano'n makita mo ang loob."

"Bitch Gian! Wala kang naiintindihan!"

Napikon ang binata.

"Pinipilit mo ang hindi pwede!" sigaw na rin niya.

Matagal silang walang imikan.

"Fine! Papa'no tayo ngayon?"

Ang resulta naghanap sila ng matutulugan.

Ang nakuha ay iisang kwarto na lang.

Sa inis ng amo ay namili muna sila ng mga gamit at damit sa isang department store.

"Isang gabi ka lang dito pero ang binili mo pang isang linggo?"

"Shut-up!"

Napansin kasi niyang iisang bag lang ang dala niya, pero 'yong sa amo niya tatlo tapos siya pa lahat nagbitbit.

Ilang sandali pa, nakabalik na sila sa hotel.

"O, paano, dito na lahat ng gamit mo, aalis na ako."

"Dinner muna tayo."

"Okay."

---

JV RESTAURANT...

Naninigkit ang mga mata ng dalaga habang papalapit ang waitress ng nakangiti.

Okay lang sana, ang kaso hindi siya nito nakikita!

Nagutom kasi siya kaya dinala siya ni Gian sa restaurant na karugtong ng hotel.

"Good evening madam, sir!" wika ng babae, sinulyapan lang siya, tinitigan si Gian.

Binigyan sila nito ng menu. Umikot ito at tumabi sa binata.

What the Heck!

'Kaunting pasensiya Ellah'. Sa loob-loob ng dalaga.

Namili na siya sa menu.

"Ms. ito na lang 'yong akin."

"Alin po diyan sir?" Mas lumapit pa ito para makita ang itinuturo ng binata.

"This one" lumingon si Gian ngunit bigla ring napaatras.

"Ops, sorry" nakangiting wika ng babae.

"Sorry din"

Nakita niyang muntik ng magtama ang mga labi ng dalawa.

Buti na lang mabilis na umiwas ang bodyguard niya.

Nagkailangan pa ang dalawa.

"Okay na 'yon," mahinahong turan ni Gian.

"Dessert, sir?" mahinhing alok ng babae, nakangiti.

"No, I'm fine," ngiti rin ng bodyguard.

Inaasahan niyang sa kanya naman lalapit ang waitress pero hindi nito ginawa at sa halip kinakagat-kagat nito ang labi habang nakatitig sa kanyang kasama.

Naalala niya ang sinabi nito noong minsang ginawa niya 'yon.

Napatid ang pasensiya niya.

"Miss bakit 'di mo na lang totohanin ang pagkagat diyan sa labi mo at ng dumugo?"

Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.

Natahimik ang babae.

"Ah, lumabas na lang tayo." Tumayo ang bodyguard at akmang lalapit sa kanya.

"Nilalandi ka ng babaeng 'yan, ni hindi na nga siya umaalis sa tabi mo eh!"

"Ang sakit niyo naman pong magsalita," tugon ng waitress na lumungkot.

"Nakakaramdam ka ng sakit pero hindi ka nakakaramdam ng hiya?"

"Ellah please!" pigil na sita ni Gian.

Binalingan niya ang gwardya na tila nagmamakaawang lumabas na siya.

Pinilit niyang kumalma nang pagtitinginan na sila at lumabas.

---

JV HOTEL...

Sumunod si Gian sa kanya pabalik sa hotel.

"Can't you see? That bitch is seducing you!

Ni hindi na siya umalis sa tabi mo! Balak pa yatang makikain!"

Natawa ito. "Hindi naman. Teka nga apektadong-apektado ka naman yata?"

"What?"

"Ano 'yan? May gusto ka na sa akin?" ngisi nito.

"Hah! Kapal! Bodyguard kita at ako ang boss mo. Nakakabastos ang ginawa niya.

Buti na lang noong muntik ka ng halikan, umiwas ka dahil kung hindi sasapakin ko kayong dalawa!"

"I'm sorry, napansin ko rin naman hinayaan ko lang kesa sisitahin ko pa, mapapahiya siya."

Naiinis na sa huminto siya sa harap ng pinto ng silid niya.

"Mag take out na lang tayo, okay lang ba 'yon?"

Tumango siya.

Lumabas si Gian.

Nahiga siya sa kama.

'Sumobra ba ang ginawa ko?'

"Granted na hindi sinasadya, ano 'yon mannerism? Ang sama naman yata!"

---

JV RESTAURANT...

Papasok pa lang si Gian sa restaurant ay agad na siyang sinalubong ng isang babae.

Nagpakilala itong manager at humingi ng dispensa.

"Pasensiya na rin ho kayo, hot kasi 'yon."

Ngumiti ang babae. "Kaanu-ano niyo ho ba siya?"

"My wife"

Napanganga ito.

"Pasensiya na po. Discounted na order niyo sir, pambawi sa misis niyo."

"Really?"

"Opo sir."

Namili ang binata, 'yong pinakamahal ang pinili niya at tatlong klase 'yon ng putahi.

Pero wala itong sinabi.

'Ayos ah?

Akalain mo nga naman, may instant asawa na may discount pa!'

Nang makabalik siya sa hotel ay inabutan niyang bukas ang pinto at pumasok.

"Kain na tayo?"

Inilagay niya ang pagkain sa lamesita.

Napansin niyang bagong ligo at naka pajamang pantulog na ang amo.

Nalanghap niya ang mabangong amoy nito.

"Okay. Wait, magkano 'to, babayaran ko."

Natawa ang binata.

"No need, discounted naman na' 'yan."

"Talaga?"

"Oo, pambawi daw sabi ng manager."

Inihanda niya ang pagkain nila.

Kumakain na sila nang magtanong ito.

"Ano palang sinabi mo sa manager nila?"

"Simply lang, sinabi kong asawa kita."

Naibuga nito ang iniinom na sabaw, tumilamsik sa mesa.

"Sorry, ikaw kasi!" angil nitong inuubo.

"Iyon lang ang madaling paraan para maging maayos."

Dinampot niya ang tissue sa gilid ng mesita at pinunasan ang mesa.

"Walang hiya, baka maniwala ang mga iyon."

Patuloy pa rin sa pag-ubo ang kasama habang umiinom ng tubig.

"Ayos ka lang?" Tinapik-tapik niya ang likod nito.

"Stop it, hindi naman ako nabulunan! This is your fault!"

"Sorry na..."

Umupo siya sa harap ng umayos na ito at saka sila nagpatuloy sa pagkain ng tahimik, hanggang sa matapos sila.

Kailangan na niyang iwan ang amo at matutulog siya sa kotse.

"Paano, iiwan na kita?"

"Wait!"

"Bakit?"

"Dito ka lang."

Nagimbal siya sa narinig. "What? No!"

"Yes!"

"Bakit ba gusto mo?"

Huminahon naman ito.

"Eh kasi hindi ako sanay na hindi sa bahay. Doon ka lang naman sa sofa. Bakit?

"May masama ka bang gagawin sa akin?"

" Wala ah!" depensa niya.

"O, wala naman pala."

" Pero kasi..."

"Ito na kapalit ng sorry mo."

"Ha? Pero-"

Hinarap siya nito. "Mr. Villareal, bilang boss mo, inuutusan kita. "