PHOENIX HEAD QUARTERS...
Hindi agad nakasagot si Gian sa tanong.
Panahon na nga yata para umuwi siya dahil hanggang ngayon wala pa ring linaw kung saan talaga nakatira ang mag-anak.
Walang balita ang detective.
"Pag-iisipan ko ho sir," aniyang nakatingin sa cellphone ng hepe, bagay na napansin nito.
"May problema?"
"Sir, pwede ko bang makita ang text message tungkol doon sa
Mount Gampo?"
Agad dinampot ng hepe at binusisi ang cellphone bago ibinigay sa kanya.
Tinanggap niya ang cellphone bagama't kabado ay sinimulan niyang basahin ang mensaheng naroon.
NANGANGANIB ANG ASSET MONG SI VILLAREAL. SIYA ANG TARGET.
Napalunok ang binata.
Sa trabahong ito madalas namang nanganganib ang buhay niya ngunit madalas ay siya mismo ang nakakatanggap ng mensahe na mga death threat na ipinagwalang bahala niya.
Ngunit iba ngayon.
"Gian, mag-iingat ka, hanggang ngayon hindi pa rin nakikilala ang nagbigay ng impormasyon sa intel," imporma ng hepe.
"Wala bang impormasyon saan galing?"
"Napag-alaman na, pero nagmumula sa isang mall doon sa KCC."
Nang dahil sa narinig ay humugot na malalim na paghinga si Gian.
Kapag ganyan klaseng impormasyon, malabo ng malaman kung sino ang nagpadala.
Isa lang ang malinaw sa mensahe na 'yon, binalaan siya.
Isang warning na nagmumula sa isang hindi pangkaraniwan o ordinaryong tao dahil derekta itong nagbigay ng impormasyon sa intelligence group nila.
"Ipinaalam mo ba ito kay don Jaime?" untag ng hepe.
Tumango siya. "Kailangan niyang malamang nanganganib din ang kanyang apo ng dahil sa akin."
"Mag-iingat ka na lang ng husto."
"Salamat ho sir." Tumayo siya.
"Gian, sandali."
"Bakit chief?"
"Hindi kaya, baligtad ang naiisip natin?"
"Anong ibig mong sabihin chief?"
"Hindi kaya, dahil sa naging bodyguard ka ng apo ni don Jaime kaya ka nanganganib? Ikaw ang target ng kalaban niya."
Natahimik ang binata at napaisip.
---
AMELIA HOMES...
Maging sa pagdating ng bahay at nakaupo na sa sofa sa sala ay hindi na siya mapalagay at napatingin sa kawalan.
'Kung ako ang target ng kalaban ni don Jaime, ibig sabihin nanganganib talaga ang apo niya. Ligtas na ako dahil wala na akong koneksyon sa kanila.'
"Tama bang iniwan kita, Ellah?"
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot na maong na pantalon at tiningnan ang larawan ng dalaga sa contact niya.
Ang larawang 'yon kung saan magkasama sila sa iisang kama. Nakapikit ito habang habang katabi siyang nakaupo at nakasandal sa headboard.
Naalala niya ang nangyari ng gabing iyon pagpasok nila ng hotel at lumapit siya sa front desk.
May dalawang babaeng nagbubulungan at panay ang tingin sa babaeng nasa likuran niya sa hindi kalayuan at naiirita.
"Hindi ba si Ellah Lopez 'yan?" sabay silip ng isa sa mga ito.
"Oo nga ano? Hala! Anong ginagawa niyan dito?!"
"Ah, miss, may bakante pa ba?"
Hinarap siya ng dalawa. Nakanganga ang isa.
"Ah, yes sir. Pero isa na lang, kasama niyo ho ba si Ms. Lopez?"
"Ha?" Nilingon niya ang tinatanaw ng mga ito.
"Ah, hindi, Villareal 'yan, misis ko."
"Talaga?!" bulalas ng isa pa.
"Oo, mukha bang hindi?"
"Bagay naman pero kasi..."
"Baka naman kamukha lang?" susog niya na ikinatango ng mga ito.
Nang bigyan siya ng form ay nakita ng mga ito ang sinulat niya.
MR. AND MRS. GIAN VILLAREAL.
Wala ng imik ang mga ito lalo na ng pakitaan niya ng driver's license na ID.
Pagdating sa loob ay wala pa rin itong imik.
Nagkasagutan lang sila sa restaurant pero nabawi rin ng sinamahan niya itong matulog sa iisang silid.
Nakatihaya ito at may talukbong na kumot hanggang leeg habang nakapikit.
"Madam, tulog ka na?"
Nang hindi ito umimik ay marahan siyang lumabas ng silid at muling nagtungo sa front desk, ibang babae naman ang nakatoka roon.
"Miss, may bakante na bang room?"
"Yes, sir."
Doon lang siya nakahinga ng maluwag.
Pagbalik niya saka naman ito nagising.
"Sa'n ka galing?"
"May bakanteng room na sa kabila."
Napabangon ito. "At anong plano mo?"
Umupo siya sa tabi nito.
"May bakanteng kwarto sa tabi nito, pwede na ako roon. "
"Hindi pwede! I said no!" singhal nito.
"Kapag hindi ka pumayag tatabihan kita o ano?" panghahamon na niya.
"Baka 'yon naman talaga ang gusto mo?" saka siya ngumisi.
Nanlaki ang mga mata nito. "Layas!" sabay tadyak na ikinahalakhak niya.
Pinigilan niya ang ngiting namutawi sa kanyang labi habang nakatitig pa rin sa larawan nito.
Wala ng dapat ikasaya, dahil wala na ang nagpapasaya.
Hanggang ngayon walang alam si Ellah sa ginawa niyang pag-angkin dito bilang asawa sa hotel na iyon maliban sa restaurant.
Ginawa lang niya para sa kapakanan ng dalaga. Ayaw niyang may makaalam na naroon nga ang apo ni don Jaime para sa seguridad nito.
Ipinikit niya ang mga mata at inalala ang sinabi ng tagapagmana.
"Gusto kong ibalik ang lahat sa dati, kung saan bago pa lang tayo nagkakilala, ako ang boss mo at ikaw ang tauhan ko. "
Idinilat niya ang mga mata.
Ano pang saysay na magkasama sila uli kung magbabalik sila sa dati?
Talagang ituturing siyang bodyguard nito, at amo niya ang babae.
Hindi siya nito kailangan. Sigurado naman siyang hindi pababayaan ni don Jaime ang nag-iisa nitong apo.
"Isang linggo lang Ellah, makakalimutan din kita."
---
MEDC OFFICE...
Tahimik na nagtrabaho si Ellah at iginalang 'yon ng kanyang sekretarya.
Pinilit niyang balewalain ang sakit na dulot ng pag-iwan sa kanya ng gwardya.
Gwardya lang naman ito hindi siya dapat masaktan.
Isinubsob niya ang sarili sa trabaho para kahit papaano ay magiging abala siya at panandaliang makalimutan ang mga iniisip hanggang sa dumating ang oras ng tanghalian.
Tiningnan niya ang cellphone, nagbabakasakali siyang may text si Gian.
Sa mga oras na ito, marami na itong mensahe at paalala sa kanya, ngunit ngayon wala kahit isa.
Napabuntong-hininga siya at hindi maiwasang makaramdam ng hinanakit.
Napatingin siya sa hawak na cheke. Ito nag kabayaran doon sa reject na naibenta nila dahil kay Gian.
Natandaan pa niya noon ang nangyari ng tumawag ang marketing manager.
"Ms. Ellah good news!"
"Ano 'yon?" Kabado man ay nanabik siya.
"Ms. Tinanggap ang produkto natin! Ang galing mo Ms. Ellah! Napakinabangan pa rin ang reject!"
Napangiti siya. Wala itong alam na galing sa kanyang bodyguard ang ideya.
"Congrats sa atin Mr. Javier."
Nahigit niya ang hininga.
Hanggang ngayon, walang alam si Gian kung ano ang nangyari sa reject na ipindala nila sa planta.
Ngayon, nanghihinayang siya dahil wala na ito.
Wala ng magbibigay ng opinyon na makakatulong sa kanya.
Marahas siyang tumayo at nagpalakad-lakad.
Ito ang gusto niya kaya paninindigan niya!
Hindi nawawala sa kanya ang isiping hindi ito seryoso sa kanya kahit sabihin pang nahuhulog na siya rito.
Wala naman talaga silang relasyon kaya malaki ang tsansang paglalaruan lang siya.
Bukod pa roon paano siya matutulungan sa negosyo sa kumpanya kung ang alam nitong trabaho ay pagiging gwardya lang? Oo nakakatulong ng kaunti ngunit hindi ganoon kalawak ang kaalaman.
Apo siya ng pinakamaimpluwensiyang tao sa kanilang lugar at ang madungisan ng kahit anong maliit na eskandalo ang kanilang pangalan ay isang malaking kahihiyan.
'Ako si Ellah Lopez, apo ng isang don Jaime Lopez!'
Bumukas ang pinto na nagpahinto sa kanya, bumungad ang sekretarya.
"Ms. Ellah, lunch time na po," untag ni Jen.
"Sige mauna ka na. Ano nga ulit schedule ko ngayon Jen?"
"May meeting po kayo with CBC construction po mamayang 5:00 pm. "
"Okay, thank you."
"Mag pa deliver po ba kayo?"
"Hindi 'wag na."
Lakas loob na nagsalita ang sekretarya.
"M-Ms. Ellah, dahil po ba ito kay sir Gian?"
"Hindi!" singhal niya. Mabilis umalis ang sekretarya.
Hindi si Gian ang nararapat para sa kanya.
Magdudulot lang ito ng kahihiyan.
Isang ordinaryong lalaki at hindi ito ang pinangarap ni don Jaime para sa kanya.
Hindi rin ito ang pinapangarap niya at natatakot siyang lumalim ang nararamdaman niya para sa isang gwardya lang.
'Masaktan na kung masaktan wala akong pakialam!'
Naupo siya sa kanyang swivel chair.
Kailangan niya ng lakas para sa meeting ng manager ng construction para doon kumuha ng materyales sa tunnel.
Kumalam ang kanyang sikmura sa gutom subalit tiniis niya.
Uminom lang siya ng tubig at saka nag trabaho ulit.
Masakit na ang ulo niya ngunit tiniis niya pa rin.
Parang nawalan siya ng gana sa lahat.
Napaigtad lang siya nang may kumatok sa pinto.
"Good afternoon po Ms. nag lunch na po kayo?" tanong ng sekretarya mula sa labas.
"Oo Jen," pinasigla niya ang boses para mapaniwala ang babae.
Hinimas ni Ellah ang kanyang sintido nang hindi na makayanan ang kirot.
Nakaramdam siya ng inggit sa sekretarya dahil parang wala itong pinoproblema samantalang mahirap lang naman ito, wala rin itong nobyo gaya niya, siya itong mayaman pero parang hindi siya nauubusan ng pinapasan.
Ipinilig niya ang ulo at binasa ang dokumento bago pinirmahan.
Sa mga gaya niyang may malaking responsibilidad ay walang lugar ang pagiging emosyonal.
Tuloy siya sa trabaho kahit masakit na ang ulo at gutom pa.
Maya-maya ay tila nakakaramdam na ng pagkairita ang dalaga dahil wala ng tigil sa pagkalam ang kanyang sikmura.
Ibinagsak niya, ang hawak na ballpen sa mesa.
"Hindi ako 'to eh!"
Kahit kailan hindi siya nagpapalipas ng gutom, makaligtaan man niya pero kumakain talaga siya.
Para siyang nanlalata na hindi niya maintindihan.
Hindi na siya maka pag concentrate sa trabaho, talagang masakit na masakit na ang ulo niya.
Alas kwatro at hindi na niya kaya nakakaramdam na siya ng pagkakahilo.
Tumayo siya at binitbit ang bag.
"Jen, mauuna na ako. "
"Sige po Ms."
Pagdating sa basement ay sinalubong siya ng mga gwardya.
"Good afternoon Ms. Ellah!" ang panabayang bati ng tatlong gwardya pero hindi niya pinansin at pumasok sa nakabukas na pintuan ng kotse ng walang imik.
Nagmaneho palabas ang tsuper at ang tatlong gwardya niya ay tahimik lang din.
"May meeting ako ngayon deretso tayo sa Cafe Marghareta," aniya at pumikit.
Nasa highway na sila nang biglang sumakit ang tiyan niya.
"Ah..." sapo niya ang kanyang tiyan.
"Ano pong nangyari sa inyo Ms. Ellah?" Halos magkasabayang tanong ng tatlong gwardya.
"M-masakit ang tiyan ko. "
"Bakit? Ano po ang kinain niyo?"
"W-wala akong... kinain... ah, "
namilipit siya sa sakit.
"Nagtatrabaho kayo ng walang kain? " gimbal na tanong ni Dan, ang pinuno ng grupo.
"Mang Jude, humanap ka ng pinakamalapit na kainan, may lugawan o noodles."
"W-wala akong gana."
Ang mahinang daing ng tagapagmana ay mas lalong nagpaalala sa mga ito dahil nakikita ang pamumutla ng amo.
Ipinikit ni Ellah ang mga mata habang isinandal ang ulo sa upuan, nagbabakasakaling maibsan ang nararamdaman.
Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa tapat ng lugawan.
Agad na inutusan ng tsuper ang tatlong gwardya upang bumili ng pagkain at gamot.
"Dalhin ko na lang kaya kayo sa ospital Ms. Ellah?" suhestyon ni Mang Jude na ikinagitla ng dalaga.
"No! Hinding-hindi ako magpapaospital!"
Ang bagay na 'yon ang pinakakinatatakutan niya.
Nagkaroon siya ng trauma ng maaksidente silang pamilya noong bata pa siya at dinala sa ospital at puro siya turok ng karayom sa mga kamay, may tahi pa sa gilid ng noo.
Ilang saglit lang ay dumating na si Bert bitbit ang isang mangkok ng may umuusok na arrozcaldo, isang tasang mainit na tubig at isang bottled mineral water.
Agad tinanggap ni Dan ang mangkok at sinubukan siyang subuan ng isang kutsarang lugaw na agad niyang tinanggihan.
"Ako na, Dan." Kinuha niya ang kutsara sa kamay nito at isinubo.
Pagsayad pa lang ng pagkain sa kanyang sikmura ay nakaramdam agad siya ng kaginhawaan.
"Ms. Ellah, ito po gamot!" Humahangos si Manuel na agad binuksan ang tabletas.
Tahimik na ininom niya ang gamot.
"Pumunta na tayo sa meeting-"
"MS.ELLAH!" Magkapanabayang singhal ng apat sa kanya na ikinagulantang niya.
Kumalma si Dan. "M-Ms. kasi po 'di niyo pa kaya."
Inalalayan ni Dan ang kanyang ulo pahiga sa unan.
"Paano ang meeting ko?" angal niya bago pumikit.
---
AMELIA HOMES...
Inabala ni Gian ang sarili sa samo't-saring gawain.
Naroong mag mop siya ng sahig, magwalis, magpunas ng bintana.
Kasalukuyan siyang nagpupunas ng salaming bintana nang tumunog ang kanyang cellphone.
"Detective? Kumusta?"
"Sir, alam ko na kung saan nakatira ang mag-anak!"
Dumagundong sa kaba ang kanyang dibdib. "Saan?!"
"Sa Makati condominium. I text ko ang address."
"Tangina uuwi ako!"