Chapter 33 - The Concede

Ngunit bago pa man magawa ay sinalubong na siya ng mga bala at nagpa ekis ekis ang takbo niya habang nakayuko, bumangga ng tuluyan sa sasakyan ngunit hindi napuruhan ang kalaban dahil mabilis nakaiwas at naiwan sa likod, saka niya binuksan ang bintana at pinagbabaril na tinamaan sa windshied, basag.

Pinalipad niya ang sasakyan at sumunod ang kalaban habang siya ay pinapuputukan.

---

BALIWASAN CHICO ROAD...

"Shit!"

Nag pa ekis-ekis ang kanyang sasakyan upang makailag sa balang naglilipana subalit natatamaan pa rin ang likuran ng kotse niya.

Sa pagkakataong ito ay ang pinto na mismo ang binuksan ng binata, inilabas ang kalahati ng katawan pahiga at gumanti ng pamamaril habang ang isang kamay ay nakakapit sa gilid ng upuan.

Inasinta niya ang lalaking lumabas sa may bintana na tinamaan sa dibdib kaya napabalik sa loob saka niya pinuntirya ang gulong!

Bigla itong nagpa ekis-ekis sa daan bago sumadsad sa isang poste.

Akmang lalabas siya ng kotse upang lapitan ito nang may mamataang isa pang sasakyang parating.

Tiim bagang na pinaharurot niya ang sasakyan paalis!

---

AMELIA HOMES...

"Ah..." Napangiwi si Gian nang hubarin ang suot na leather jacket at makita ang duguang braso na tinamaan ng bubog ng salamin mula sa nawasak na wind shield ng kotse.

Tinungo niya ang cabinet na may medicine kit sa loob ng kwarto at sinimulang gamutin ang sugatang braso.

Mag-uumaga na ngunit hindi man lang siya nakatulog.

Nahahapo na at pagod na pagod ngunit pinilit niyang tapusin ang pagagamot.

Matapos linisin ang sugat at gamutin ay binalutan niya ito ng gasa saka umupo sa sofa at ipinikit ang mga mata.

Alam niyang maraming nagtatangka sa buhay niya kaya hindi na niya alam kung sino ang gumawa nito sa kanya at ano ang motibo upang iligpit siya.

Napabuntong hininga ang binata at nagpasyang humiga. Inilabas niya ang cellphone mula sa likod ng pantalon at inilagay sa center table at napatitig doon.

Alam niyang masama ang loob ni Ellah sa kanyang sinabi ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag.

Dinampot niya ang cellphone ngunit sa halip na tawagan ang dalaga ay iba ang tinawagan niya.

"Hello?" animo lasing ang kausap niya.

"Vince, pare."

"Good morning pare, aga mong tumawag nakauwi ka na ba?"

"Vince, muntik na akong hindi makauwi."

"Bakit? May problema ba?"

"May nagtangkang iligpit ako."

"ANO?!" Sigaw ng kaibigan na tila nagising.

"Pare, tinambangan ako. Alamin mo kung may CCTV sa lugar na 'yon, kung kaya bang kuhanin ang plaka ng sasakyan."

"Lintek! Sino kaya ang gumawa niyan? Kumusta ka na?"

"Ayos lang ako. Hindi ako nabaril."

"Mabuti naman, akong bahala i send mo ang location."

"Salamat pare."

"Basta ikaw, pare. Ano nga palang gagawin mo mamaya?"

"Siguro magpapahinga."

"Ayos 'yan. Ako ng bahala sa pinapagawa mo."

"Salamat."