MARCIAN HOTEL...
Nanginginig ang mga kamay ni Ellah habang inaayos ang sarili.
Hindi tumitigil ang cellphone sa pag-iingay.
Naihilamos ni Gian ang isang kamay sa mukha bago sinagot ang tawag.
"Bakit?"
Ini loudspeak nito habang nag-aayos.
"Gian pare, kumusta? Nakita mo ba si Ms. Ellah? Magkasama ba kayo?"
Napalingon ang binata sa kanya habang nag-aayos siya ng damit.
"Bakit may problema ba?"
"Tumawag si chief, pinapahanap daw ni don Jaime ang apo niya!"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
"Damn!" Tinalikuran siya nito.
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko kumpirmahin ko sa'yo, hindi raw makontak ang apo ng don. Nakita mo ba?"
"Magkasama kami."
"ANO?! LINTEK! DIS ORAS NG GABI AH?"
"Uuwi na siya."
"Nasaan ba kayo? Anong ginagawa niyo!"
"Nag-uusap. Pare huwag mo na lang ipaalam kay hepe, ihahatid ko na."
"O, sige pare. Ingat kayo. Isauli mo na agad, naghahanap na mga tauhan ng don. Buo pa ba 'yan?"
"Tarantado, oo naman!"
Mariin siyang napalunok sa tinuran ng kasama.
Kung hindi tumawag si Vince saan kaya sila nakarating ngayon?
Nang matapos ang tawag nito ay nauna siyang nagtungo ng pinto.
"Kailangan mong umuwi."
"Alam ko," tugon niyang nakatalikod.
"Ellah, I... I'm sorry."
Kumabog ang dibdib niya ngunit sinikap kumalma.
"It's fine. Kasalanan ko."
"Ihahatid na kita."
"Huwag na."
"May ibibigay din ako sa lolo mo."
Tahimik siyang naglakad palabas bitbit ang bag at sumunod ito.
Habang nasa biyahe sila ay tiningnan niya ang cellphone na naka silent pala.
Twenty miscalls galing lahat sa lolo niya!
"Shit!"
Napalingon si Gian sa kanya, ngunit hindi niya pinansin.
"Galit ba talaga ang lolo mo?"
"Malamang sa dami ng tawag niya."
"Kasalanan ko, dapat dinala na kita agad sa inyo."
"Ayokong umuwi dahil sa kapalpakan ko, mag-aalala si lolo."
"Pero mas nag-aalala siya na hindi ka umuwi."
"Kaya nga, uuwi ako."
Natahimik sila hanggang sa malapit na sa mansyon.
"D-doon sa nangyari-"
"Please... huwag mo ng banggitin ulit. Kasalanan ko dahil natangay ako."
"Hindi ako lasing, ako dapat mas umunawa sa'yo. I'm sorry."
Nang dahil sa sinabi nito ay tinaliman niya ng tingin na para bang sising-sisi ito sa nagawa.
"Nagsisisi ka?"
"Oo kasi-"
"Wow! Ang taas naman ng standards mo at pinagsisihan mo ang tulad ko?!"
"Hindi sa gano'n I mean-"
"Whatever, Villareal!" Deretso siyang bumaba pagkapasok ng gate ngunit nahuli nito ang kamay niya kaya pinanlisikan niya ng mga mata ngunit hindi man lang ito natinag.
"I'm sorry kasi walang permission mula sa'yo ang ginawa ko. Pero hindi ako nagsisisi sa nangyari."
"Okay maliwanag. Kasalanan ko dahil nalasing ako. Pero kasalanan mo rin dahil wala ako sa tamang huwisyo pero muntik ng may mangyari sa atin."
"I'm sorry-"
Hiniklas niya ang kamay na hawak nito. "Pero hindi ka nagsisisi sa nangyari hindi ba? Nag sorry ka kasi walang permission.
Kung bibigyan pala kita ng pahintulot, gagawin mo pala ulit? Kahit wala ka namang gusto sa akin."
Nang hindi ito makaimik ay dismayado siyang napailing.
"Kagaya ka rin ng ibang lalake, kahit walang nararamdaman basta malibugan ay ayos lang."
"Hindi ako gano'n," may diin sa bigkas nito na lihim niyang ikinatuwa.
"Kung bibigyan kita ng pahintulot gagawin mo?"
Nagtama ang mga mata nila at nababasa niya roon ang sagot at gusto niyang ngumiti dahil ang totoo ay gusto niya rin ang nangyari.
'Shit Ellah! Umayos ka!'
"Gusto mo ako kaya mo nagawa 'yon gano'n ba?"
Ngunit sa halip na sumagot ay iniwas nito ang mga mata at tumingin sa paligid kaya tumingin din siya at nakita ang paparating na mga tauhan ng abuelo.
Binalingan niya ulit ang binata at gigil na sinihinghalan ito.
"Ano? Sagot! Gusto mo ako hindi ba?!"
"Hindi. Hindi kita gusto."
Umawang ang bibig niya at bumalatay ang sakit sa mga mata ngunit bago pa man nito mapansin ay tumalikod siya at mabilis na humakbang papasok ng mansyon.
Kumuyom ang kamay sa biglang pagkalito.
Humihingi ng tawad dahil walang permiso, gusto ang nangyari sa kanila ngunit hindi naman siya nito gusto!
'Gago!'
Pagkakita sa kanya ng mga tauhan ay agad nagsiradyuhan ang mga ito na naririnig niya.
"Nandito na si Ms. Ellah over!"
Alerto ang lahat kaya pagkapasok niya ng sala, naroon na ang abuwelo sa wheel chair nito, nakaupo, masama ang anyo at sa likuran ay ang alalay nito.
---
LOPEZ MANSION...
"Saan ka galing?" Tumalim ang tingin ng don sa kanyang likuran na ikinakabog ng kanyang dibdib.
"Bakit magkasama kayo!"
"Ah..."
"Sa bar, don Jaime."
Napatingin silang lahat sa dating bodyguard na kalmado lang at tila totoo ang sinasabi.
"Bar?!"
"Binantayan ko ang inyong apo hanggang sa nakumbinsi kong umuwi."
Bumalik ang nanlalaking mga mata ng abuwelo sa kanya. "Kailan ka pa natutong pumunta sa mga ganyang mumurahing lugar ha Ellah?!"
Napailing siya sa pagkadismaya. "Ano naman ang masama? Gusto kong magsaya!"
"Magsaya?" Dumilim ang anyo ng matanda at nakaramdam siya ng takot ng dumagundong sa buong mansyon ang boses nito.
"MAGSASAYA KA SA KAPALPAKAN MO?! PARANG HINDI MO ALAM NA NAG-ALALA ANG LAHAT SA'YO RITO!"
Nakagat niya ang labi at yumuko. "I'm sorry..."
"Pati ang hepe tinawagan ko na para ipahanap ka!
Alam mong ang daming naghihintay ng pagkasira mo para palitan ka pero hindi ka nag-iingat!
Mas binibigyan mo sila ng pagkakataon para tuluyan kang mapabagsak! Ang sabi mo kaya mong pamahalaan ang kumpanya pero 'yan ba ang hahawak? Ganyan ba?! Ni hindi pa natapos ang isang problema, may dagdag na naman!"
Umangat ang tingin niya sa abuelo na namumula sa galit ngunit nangibabaw ang pang-unawa niya rito.
"Lolo, doon sa materyales, inayos ko na. Doon sa babae, umatras na. Wala ng kaso."
"Nakakalusot sa'yo ang mga ganyang problema na nandito pa ako, paano na lang kapag wala na ako?!"
Natahimik siya.
"Ang kailangan lalaki ang dapat humahawak sa negosyong ganito. Ang tigas kasi ng ulo mo sinabing mag-asawa ka na!"
Napalingon siya kay Gian na ngayon ay deretso ang tingin sa kanyang abuelo.
"At ikaw!" Humagkis ang tingin ng don sa binata na nakatiim bagang. "Bakit hindi mo ipinaalam na kasama mo ang apo ko?"
"Pasensiya na ho don Jaime, nagkainitan kasi sa bar dahil doon sa nangyari sa babaeng reporter. Pero ayos na 'yon kaya naiuwi ko ang inyong apo."
Natahimik ang matanda.
"Don Jaime, magaling ang inyong apo. Hindi mahihirapan ang kalaban sa pagpapabagsak sa inyo kung hindi siya mahusay. Kung ano man ang hindi ninyo pagkakaunawaan, sana ipagpabukas na lang ninyo at pag-usapan ng kalmado."
"Umuwi ka na." Malamig nitong tugon.
"May ibibigay ako sa inyo, sa hiningi ninyong pabor."
Kumunot ang noo niyang napatingin sa katabi.
"Ellah, matulog ka na." Anang don na tila kumalma.
"Matulog ka na at may dadaluhan pa tayong okasyon bukas."
Napatingin siya sa dating gwardya na nakatingin din pala sa kanya.
Masakit ang sinabi nito kaya kahit ngiti ay hindi niya magawa.
"Hindi na pala kita kailangan bukas. Makakaalis ka na."
Tuluyan siyang tumalikod at iniwan itong blangko ang tingin.
---
Nang maiwan sina don Jaime at Gian ay kumalma kahit paano ang matanda habang nakasunod ang tingin niya sa apo nito.
Nahahabag siya sa kinasusuungan nitong sitwasyon.
Kung sa ibang ordinaryong pamilya siguro, ang magiging usapan ay tungkol sa hindi pag-uwi ng babae sa tamang oras at baka nasabihan ng hindi matinong babae, kung sinu-sinong lalaki ang kinakalantari o kung ano pa mang panghahamak sa pagiging babae nito, ngunit iba sa dalawa.
Hindi ito hinamak ni don Jaime bilang babae na umuwi ng dis oras ng gabi kung hindi doon sa paghawak nito sa kumpanya bilang babae!
"Nasaan na?"
"H-ha?" Napatingin siya sa don na nakalahad ang palad sa kanyang harapan.
"Ang sinasabi mo."
Dinukot niya mula sa loob ng jacket ang isang envelop at binigay rito.
"Umupo ka."
Umupo siya sa katabing sofa nito habang binubuksan ng don ang naturang envelop.
"Don Jaime, hawak ko na ang mga ebidensiyang magpapatunay na may kinalaman si congressman Dela vega sa mga anumalya dito sa ating lugar. "
"Magaling. "
Salamat kay Vince na nakahandang tumulong sa kanya anumang oras.
"Kalakip ho niyan ay mga kuhang larawan at mga papeles na magdidiin kay congressman. "
Tinitingnan ng matanda ang mga ibinigay niya.
Nasa larawan ang mismong congressman sa isang may kadilimang lugar sa loob ng pasugalan. Nakapalibot dito ang mga lalaking tila kausap ng kongresista. Ang ibang larawan ay nagbilang ito ng pera.
"Maaasahan ka talaga. "
Nilingon nito ang alalay na tahimik sa likod.
"Kumuha ka ng sobre sa drawer."
"Opo, don Jaime," agad itong umalis.
"Gian, salamat sa paghatid sa apo ko."
"Ayos lang ho, don Jaime."
"Bakit nga pala kayo magkasama?"
"Tinawagan niya ako. Maraming problema ang inyong apo don Jaime, hindi lang niya sinasabi para hindi kayo mag-aalala, sana unawain ninyo."
"Maraming naghihintay na pumalpak siya, bumagsak upang mapalitan, kaya hindi ko hahayaang mangyari 'yon."
Tumango siya.
"Sa tingin mo ba naayos na ang tungkol doon sa babaeng reporter?"
"Oho, pero hindi pa naayos ang nasa likod nito."
Bumuntong-hininga ang don.
"Alam ko. Hindi ko lang mapapaalis dahil walang ebidensiya. Pero malalaman ko rin kung sino ang may kagagawan nito.
Kung may asawa na itong apo ko, hindi na ako gaanong mag-aalala, hindi nagtitiwala sa kanya ang mga nasa kumpanya dahil babae siya."
Tumahimik siya. Hanggang sa naisip ang larawang ibinigay ng kung sino sa kanilang ahensiya.
"Don Jaime, may rest house ho ba kayo sa Pagadian?"
Kumunot ang noo nito. "Wala, bakit mo natanong?"
"Matagal na ba kayong magkakilala ng mga Delavega?"
Umiling ito. "Hindi gaano. Bakit may problema ba?"
Siya naman ang umiling. "Wala naman ho, nagtaka lang ako kung bakit inireto ninyo ang inyong apo sa anak ng congressman gayong hindi niyo pa pala lubos na kilala?"
"Siya ang nararapat sa apo ko, ang mga tulad niya."
Natahimik siya at napaisip.
Kung hindi pa gano'n ka tagal magkakilala ang dalawa, anong ibig sabihin ng larawang nasa kanila na walong taon na ang nakaraan?
'Ano 'yon gawa-gawa lang ng taong may galit sa kanila? O baka naman totoo at ang nagsisingungaling ay si don Jaime? Pero bakit naman magsisinungaling ang don sa akin? Unless...'
"Don Jaime, ito na po."
Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang tauhan nito na ngayon ay papalapit sa kanila.
"Gian, tanggapin mo itong sobre."
Nilagay ng matanda ang isang makapal na puting sobre sa tabi niya.
"Hindi na ho kailangan don Jaime. "
"Iba ang trabaho mo sa apo ko iba rin sa akin, kaya sige na tanggapin mo dahil kung hindi magagalit ako sa'yo!
Para ko na ring niyurakan ang totoong trabaho mo kung kukunin ko ito ng libre, isipin mo na lang 'yan ay professional fee. "
"Salamat ho."
Kinuha ng binata ang sobre at ibibigay niya kay Vince lahat.
Maraming salamat din, salamat at pinrotetakhan mo ang apo ko."
"Walang anuman ho." Tumayo siya.
"Bukas, aasahan kita."
"Pero ayaw na ng inyong apo."
"Ako ang masusunod, pumunta ka."
"Sige ho." Tumalikod siya.
"Ingat."
"Salamat."
Pagkalabas ng mansyon ay nilingon niya ang bahay habang nasa loob ng sasakyan.
Habang nasa daan ay mataman siyang napaisip.
Ni sa hinagap hindi niya maisip na matitikman ang apo ng isang don Jaime Lopez.
Siya ang hindi lasing ngunit siya itong parang nawala sa katinuan.
"Tangina yari ako kay don Jaime nito!"
Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang alisin sa isipan ang imahe ng tagapagmana dahil nag-iinit siya!
Subalit ang pag-iinit na iyon ay napalitan ng panlalamig nang biglang may humarurot na sasakyan mula sa kanyang likuran at muntik siyang banggain!
"Shit!" Buti na lang mabilis niyang nakabig ang manibela at hindi tuluyang sumadsad sa gilid.
Ni hindi pa siya nakabawi nang humarang ito sa harapan!
Tumalim ang tingin niya sa asul na sasakyang nasa unahan.
Gabi at madilim pa halos walang poste ng ilaw ang kalsada kaya kung sino man itong may masamang binabalak sa kanya malaki ang tsansa, bukod pa sa walang halos dumadaan na sasakyan ay walang ka bahay-bahay ang lugar at higit sa lahat silang dalawa lang ang nagbabyahe.
Pero malaki din ang tsansa niyang maunahan ito.
Kinuha niya ang baril sa compartment ng kotse.
Isinuot ang itim na sumbrero upang takpan ang mukha.
Tumalim ang tingin saka
inapakan ang silinyador at babanggain ito!