BAR CODE...
Inaasahan ni Ellah na patungo ang usapan sa eskandalo pero iba ang sinabi ng kaharap.
"Why are you asking? Who are you, by the way?"
"Ah, I mean... Naghanap ka kasi dati ng mapapangasawa." Nagkamot ito ng batok.
"Isa ka sa nag-aplay?" dugtong niya.
Tumango ito bago yumuko.
Sinuri niya ang kabuuan ng kaharap. Naka black suit ito.
Mukhang may kaya at gwapo rin.
"Hmm... Wala pa."
Umangat ang tingin nito at kumurap-kurap.
"T-talaga?"
"Wala akong asawa, wala pa." Paglilinaw niya.
"Pero may boyfriend ka na?"
Tumitig siya rito at tila nailang dahil muling yumuko.
"Ba't ka nagtatanong?" untag niya.
"I... I mean-"
Naaaliw siya rito. "Mag-aaply ka?"
"Ahm..."
"Walang bakante."
Nilingon niya ang nagsalita at napangiti. Nakatitig ito sa lalaking katabi niya.
"Oh! Hi Gian!"
"Whisky, please," anito sa bar tender nakatingin.
"Ah, boyfriend mo?" sa kanya nakatingin ang lalaking ni hindi niya pa kilala.
"Oo, may problema?" si Gian ang sumagot na nakatingin na sa kanila, kalmado lang naman ito na parang totoo.
"Ah, sige Ellah, thanks."
Sinundan niya ito ng tingin bago ininom ang alak na nasa baso.
"Sino 'yon?" untag ng katabi.
Nilingon niya ang binata, gaya ng dati, ang porma nito ay naka jacket ng maong na, jeans at rubber shoes.
Pormang pang ordinaryong tao, bonus na lang dahil mabango, mukhang bagong paligo.
"I don't know," balewala niyang tugon. "Ba't mo sinabing boyfriend kita? Gusto mo bang maging boyfriend ko?"
Hindi ito sumagot at uminom lang ng alak.
"Tell me, may gusto ka ba sa akin?"
Tumiim ang tingin nito sa kanya. "Nakikipag-usap ka sa hindi mo kilala?"
"Makikilala ko na sana kung hindi ka dumating."
"Parang wala lang sa'yo ang nangyayari ah? Ano? Okay ka ng iwan ko? Bahala ka na?"
Natawa siya ng pagak at sinulyapan ang katabi. "Hindi ba't iiwan mo naman talaga ako?"
Natahimik ito kaya diniinan niya ang tingin. "O baka naman nagbago na isip mo?"
Umiling ito at kaya tumingin siya sa kawalan. "Nakapagdesisyon na ako. Ba't mo nga pala ako pinapunta rito?"
"Ah, gusto ko lang magpasalamat sa pagpapadala mo kay Vince, atleast malaking tulong 'yon para hindi ako dumugin ng midya."
"Isa 'yon sa pinag-alala ko. At pwede ba, huwag kang makikipag-usap kahit kanino? Ni hindi natin alam kung patibong ng kalaban 'yon."
Muli siyang natawa. "Okay, sige na. Isa raw pala siya sa nag-aplay dati na mapapangasawa ko, pero hindi pinalad."
"Sa tingin mo 'yon talaga ang rason kaya ka nilapitan?"
"Malamang? Isa pa kahit patibong ng kalaban 'yon, wala akong magagawa. Aalis ka rin naman."
"Ellah!" singhal nito at biglang hinawakan ang braso niya.
"What?!" singhal niya rin.
"Lasing ka ba? Wala kang kwentang kausap."
"Wala rin namang kwenta na dahil 'di ba aalis ka na sa linggo? Bukas ang huling pagkikita natin. Aalis ka na, goodbye Gian!" Tinalikuran niya ito bitbit ang inumin.
Nagtungo siya sa dance floor at nagsimulang umindak sa nakabibinging ingay ng tugtog.
Hinubad niya ang blazer kaya humantad ang makinis at maputi niyang braso sa suot na sleeveless. Napapalingon ang mga lalaking nasa tabi ngunit wala siyang pakalam.
Nahagip ng tingin niya si Gian na patungo sa kanya ngunit itinuloy niya ang pagsasayaw. "HOOOOHH! LET'S PARTY!" sigaw niya at ininom ang alak sa baso.
Agad may nagbulungan sa kanyang tabi. "Hindi ba si Ellah Lopez 'yan?"
"Yeah, apo ni don Jaime."
"Nagpapakasarap siya ha, kahit na may namatay dahil sa kanila!"
"Sila kaya talaga nagpapatay sa reporter na 'yon?"
"Malamang, sino pa ba? Para matahimik ang kaso, tao pinatahimik."
Dahil sa narinig ay tumalim ang tingin niya sa dalawang babae. "What the fuck did you say!"
Napaigtad siya ng may humaklit sa kanyang pulso at kinaladkad palabas.
"Bitiwan mo ako!"
Subalit bingi ito at mas binilisan ang paglalakad na halos magkandatalisod siya dahil sa mataas na takong ng sandal hanggang makarating sila ng pagking area.
"Shit Gian! Gusto kong makausap 'yong mga impakta doon-"
"Para ano? Dagdag sa eskandalo?"
Hinihingal na nagpupuyos siya sa galit ngunit walang pakialam ang lalaking ito!
"Gusto ko lang linawin sa kanila na wala kaming kinalaman sa pagkamatay ng reporter na 'yon at-"
"Useless lang 'yon. Hindi mo kailangang magpaliwanag kahit kanino dahil wala kang kasalanan, at wala silang kinalaman sa buhay mo."
May punto ang kausap kaya natahimik siya.
"Umuwi ka na, ihahatid. Saan ang kotse mo?"
"Ayoko pang umuwi, mapapatay ako ni lolo kapag nakita niyang ganito ako."
"Alam mo naman pala, ba't mo ginawa!"
"Paki mo? Gusto ko lang makalimot, pakiramdam ko mababaliw ako kapag umuwi na ako."
"Nasaan ba mga gwardya mo?"
Umiling siya na ikinapanlaki ng mga mata nito. "Ako lang pumunta rito."
"Ano! Putang... Hindi ka talaga natatakot ah? Kaya mo na sarili mo, umuwi ka na!"
Gumapang ang sakit s akanyang dibdib sa narinig ngunit pinilit niyang kumalma. Nagtiim ang kanyang mga ngipin. "Hindi pa ako uuwi, at wala kang pakialam!" Tumalikod siya at akmang babalik sa loob.
"Wala ka ng pakialam sa lolo mo? Sa kumpanya niyo?"
Naitulos siya sa kinatatayuan dahil tama si Gian, ano man ang gagawin niya sa lugar na ito, madadamay ang kanyang abuelo at ang kumpanya. Makakahanap ng butas ang mga may ayaw sa kanya para paalisin siya bilang susunod sa yapak ng abuelo.
Madalas siyang matibay at matatag sa kahit anong problema, ngunit iba ngayon. Pakiramdam niya wala siyang kakampi, walang makakaintindi. Nanghihina siyang napaupo dahil parang bubuwal siya sa pagkakatayo.
Nilapitan siya ng binata. "Mag-usap tayo." Inilahad nito ang palad at nakatingin lang siya roon.
"Para saan pa? Aalis ka na rin naman, iiwan mo rin ako."
Hindi ito kumibo, hinawakan ang kamay niya at marahang itinayo.
Nakaramdam siya ng kakaibang init nang magkadaop ang kanilang mga palad habang sabay naglalakad patungo sa kotse niya.
"Susi," binitiwan siya nito at inilahad ang palad sa harap niya.
Tahimik niyang kinuha sa bag ang susi at binigay dito. Binuksan nito ang pinto para sa kanya at dumeretso ito sa driver's seat. Tahimik siyang pumasok.
Nang nasa byahe na ay nilingon niya ang katabi. "Saan tayo?"
"Sa hotel," walang gatol nitong tugon.
Napaawang ang bibig niya. Wala namang malisya iyon sa kausap, ngunit iba ang dating sa kanya.
"What? Dinadala naman kita doon kapag mag-uusap tayo hindi ba?"
"Bakit sa hotel?"
"Bakit hindi? Doon lang safe. Delikado na pakalat-kalat tayo sa labas."
Natahimik siya at ipinikit ang mga mata.
Sinusulyapan ni Gian ang katabi na mukhang tulog na.
Naaawa siya sa dalaga, ngunit kailangan niya itong iwan lalo pa at nagkakaproblema na ang detective na kausap niya.
Hanggang sa nakarating sila ng hotel ay tulog ang kasama.
Marahan niyang hinawi ang buhok na tumabing sa pisngi nito. "Ellah, gising na."
Ngunit hindi man lang ito natinag kaya niyugyog niya sa balikat na ikinaungol nito.
"Nandito na tayo."
Papikit-pikit itong tumingin sa kanya. "I want to sleep."
"Then, let's go."
Binuksan niya ang pinto at inalalayan itong makalabas. Nakaakbay siya rito habang papalapit sa front desk ng hotel, nakayukyok ang ulo nito sa balikat niya.
"Isang kwarto, please."
"Fill up the muna form, sir." Binigyan siya nito ng papel at habang nagsusulat, dinig niya ang bulungan ng iba pang naroon gamit ang lingwahe ng mga ito. Bagamat naintindihan niya ng kaunti.
"Ellah Lopez, gayot?"
"Ansina!"
Kahit saan nakikilala ang dalaga mumurahin man o hindi.
Bagama't sa medyo mumurahin pa ring hotel niya dinala ang tagapagmana ni don Jaime hindi na sa pang short time lang dahil matutulog na ito.
Nang matapos ay inakay na niya ang dalaga.
"Let's go, Gina." May kalakasang banggit niya sa pangalan upang iparinig sa mga naroon na ikinatahimik ng mga ito.
Pangalan niya iyon na ginawa niya lang pambabae.
Ngunit habang akay niya ang dalaga ay nakalungay na ang ulo nito at halos hindi na lumalakad paakyat ng hagdan.
"Hindi mo na yata kayang maglakad, buhatin na kita." Pagkasabi ay agad na niyang ginawa na ikinahiyaw nito at tila nagising ng diwa.
"Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!" Anitong nakakapit sa leeg niya na hindi na lang niya pinansin.
"Umayos ka kundi parehas tayong mahuhulog," kalmadong banta niya na ikinatahimik naman hanggang sa makarating sila ng silid, gamit ang key card ay binuksan niya ang silid at sumalubong ang bango ng loob. Inihiga niya sa kamang may puting bed sheet at dalawang unan ang dalaga.
"Hmmm... ayoko pang umuwi."
Inayos niya ang pagkakahiga nito, tinanggal ang suot na sandalyas at kinumutan hanggang leeg saka tumalikod at tinungo ang pinto.
"Sa'n ka pupunta?"
Natigil siya at nilingon ang kasama. Nakaupo na ito at nakatingin sa kanya. May dumidikit pang buhok sa pisngi.
"Uuuwi na ako."
"No! Dito ka lang!"
Nagtiim ang bagang niya sa singhal ng babae. "Hindi mo na ako bodyguard."
"Babayaran kita, magkano ka ba?"
Nang dahil sa narinig ay mabibigat ang mga hakbang na binalikan niya ito. "Talagang tingin mo makukuha ng pera ang lahat ano?"
"Hindi ba?" Nakatingala ito sa kanya at namumungay ang mga mata sa kalasingan.
"Lahat naman kayo pera lang habol sa akin."
"Tumigil ka!" Tumalikod siya.
"O baka naman katawan ko? Ano Gian?"
Napatingin siya rito at bahagyang nanlaki ang mga mata nang hinubad nito ang blazer, isinunod ang sleeveless. Tumambad ang maputi at makinis nitong dibdib.
"Putang! Isuot mo 'yan!" singhal na niya at mabilis tumalikod.
Hinihingal siya sa galit ngunit hindi maitatanggi na nag-iinit siya sa nakita.
"Sige iwan mo ako! Diyan naman kayo magaling lahat! Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko pero hindi niyo ako naiintindihan!" Tuluyan na itong humagulgol at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naaawa siya sa babaeng ito.
"Matulog ka na." Tinungo niya ang mini ref at kumuha ng inumin doon, binuksan at tinungga ang beer in can. Nakaramdam siya ng kaginhawaan pagsayad ng alak sa kanyang lalamunan.
"H-hindi mo na ako iiwan?"
Umiling siya habang nakatalikod dito. "Babantayan kita." Dere-deretso ang paglagok niya ng alak.
"Yehey! May protektor na ako! Salamat Gian!"
Paglingon niya, sumalubong ang mga braso nito payapos sa kanyang leeg, subalit bago pa siya mayakap ay naitulak na niya ito sa kama kaya napaupo roon.
"What the hell, Ellah!"
"Sungit mo naman, papasalamat lang eh," nakanguso ito at yumuko.
Naisuklay niya ang kamay sa buhok at bumuga ng hangin para kumalma. "Kung gusto mong bantayan kita, matulog ka na."
Hindi na ito umimik at nang tatalikod na siya ay bigla nitong hinatak ang pulso niya kasabay ng kanyang pagmumura ay ang pagbagsak ng katawan sa katawan nito na ikinahalakhak lang naman.
"Damn it!" Tatayo na siya nang umangat ang palad nito at hinaplos ang kanyang pisngi.
Malamig ang palad nito ngunit animo sinisilaban siya. Marahas niyang hinawakan ang pulso nito at idiniin sa kama upang tumigil sa paghaplos.
"Alam mo bang ang gwapo mo Gian?" Umangat ang isa pang kamay nito upang haplusin siya ulit kaya't gamit ang isang kamay ay idiniin niya ulit ang isa pa sa kama na ikinatawa nito.
"Ang suplado mo, boss."
Saka niya namalayang magkadikit na ng husto ang kanilang katawan at ang init at amoy alak nitong hininga ay nasasamyo na niya na mas lalong nagpapatindi ng init na nararamdaman.
Unti-unting humigpit ang kapit niya sa magkabilang pulso ng dalaga habang unti-unti ring lumalapit ang mukha niya sa mukha nito. Natuon ang mga mata niya sa mapupula at nakaawang na mga labi. Kasabay ng kanilang pagpikit ay ang paglapat ng mga labi niya sa labi ng dalaga.
Nawala sa huwisyo ang binata.
Para siyang gutom na gutom na siniil ng husto ang mga labing iyon.
Panay ungol ng dalaga at haplos sa kanyang likod.
Bumaba ang mga halik niya sa leeg nito habang ang isang kamay ay humahaplos sa makinis nitong hita papasok sa loob ng palda.
Nang makapa ang pakay ay mas lalo siyang nagliyab sa init kahit may saplot pang sagabal.
Hinagod niya ng palad ang malinis at malambot nitong hiyas.
"Aaahh..." Umarko ang katawan ng dalaga.
"Akin ka Ellah," kasabay ng pagpasok ng kamay niya sa huling saplot nito.
Nang tumunog ang kanyang cellphone na siyang ikinaigtad ng dalaga sabay bangon.
"Shit!" Hinagilap nito ang kumot at ipinantakip sa katawan habang siya ay tila hindi pa nahimasmasan!
"Tangina!"