Chapter 30- The Scandal

MEDC OFFICE...

Ang nag-iisang kaibigan ni Gian.

Hinarangan siya nito pero nakatalikod sa kanya kaya napagitnaan siya ng dalawang lalaki at ito ang humarap sa mga midya.

"Sir, ano pong masasabi ninyo tungkol sa issue na ito?"

"Sa ngayon, wala pa po kaming masasabi. Nananatiling tahimik ang magkabilang panig. Kaya hintayin na lang po natin ang kanilang statement!"

Sabay-sabay na umangal ang mga mamamahayag.

Animo nabunutan siya ng tinik nang sinagot nito ang tanong kaya dito nabaling ang atensyon ng mga mamamahayag.

"Kailan sila magbibigay ng statement?"

"Ano ang motibo ng pagpatay?"

"Sino ang pumatay?"

"May kinalaman ba ito sa mga Lopez?"

"Walang kinalaman ang mga Lopez. Bakit nila itutumba ang taong makakatulong para mahuli ang salarin?

Biktima rin ang naturang reporter."

Sa kabila ng sunod-sunod na tanong ay nagagawa pa ring sagutin ni Vince ang mga ito.

"Inatras na ni Ms. Jakie Diaz ang demanda laban kay Ellah Lopez bago pa man ito mawala."

"Iyon kaya ang dahilan kaya ito pinatay?"

Napaisip ang dalaga dahil may punto ang sinabi ng reporter.

"Kagaya po ng sinabi ko, wala pang statement ang pamilya ng biktima kaya sana igalang natin ang kanilang desisyon. Kung maaari padaanin natin si Ms. Lopez."

Nagbigay daan ang mga ito.

Umaabante ang kanyang head security at siya pero ang lalaking nagtanggol sa kanya ay umaatras para walang makagawa ng harang sa daanan.

"Vince, salamat ha. "

"Wala 'yon Ms. Ellah. "

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Si Gian ang nagpadala sa akin. Ayos ka lang ba?"

"Oo, salamat. Nasaan pala siya?"

"Nasa opisina, busy."

Nang tuluyang makapasok ay hinarap na niya ito.

"O paano Ms. ligtas ka na, babalik na ako sa aming kaharian. "

Napangiti siya. "Maraming salamat. "

"Sige." Tumalikod ang lalaki.

"Ah, Vince..."

Lumingon ito. "Bakit?"

"Ahm, paki sabi kay Gian, salamat. "

Lumuwang ang ngiti nito.

"Makakarating, madam. "

Tumalikod na siya at pumasok sa loob.

Hindi man nagpakita sa kanya si Gian, pero para na ring tinupad nito ang ipinangako.

Pero iba pa rin sana kung ito ang kasama niya.

Gano'n pa man, mas maigi na rin siguro na wala ito at baka sa kung saan pa mapunta ang mga pang-uusisa ng mga taga midya.

Mahirap magkamali ang isang kagaya niya!

Napakalaking bagay ang ginawa ni Vince n kumpleto pero sapat para tigilan ng medya ang kumpanya nila.

Buti na lang talaga!

---

PHOENIX AGENCY...

Magkaharap sina Gian at ang babaeng kasama niya sa loob kanyang opisina at masinsinang nag-uusap tungkol sa impormasyong sinasabi nito.

"Matagal ng may mga anumalya si congressman dito, hindi lang talaga nakukulong. Wala ring may lakas ng loob na kalabanin siya. Wala rin kasing matibay na ebidensiya laban sa kanya.

Ngayon may clue na tayo.

Luma ang larawan sa restaurant maging itong rest house. Kung talagang malinis si don Jaime bakit binigyan tayo ng ganitong impormasyon?"

Napatiimbagang ang binata bago nagsalita.

"Pero hindi sapat 'yon para mapatunayang may kinalaman si don Jaime kay congressman Delavega."

Kumunot ang noo ng kausap kaya nagpatuloy siya.

"Pero Gian-"

"Ang resthouse na luma na ay pagmamay-ari ni Delavega pero walang makapagpatunay na magkasabwat sila.

Ang nakitang pera sa loob ng attache case ay naganap sa isang restaurant na luma rin pero walang ebidensiya na ito ay isang bribery o kung ano pa man."

"Pero bakit sa isang restaurant pa talaga naganap ang gano'n? Sa VIP restaurant na sila-sila lang?"

"Pwedeng business transaction. Walang malakas na pruweba na may ginagawa silang anumalya unless may nakitang droga o anumang illegal na bagay."

Muli nitong pinagmasdan ang attache case sa gitna ng mesa nakahantad ito at parehas nakatingin ang dalawang lalaki sa laman ng attache case.

Ni hindi matukoy kung para kanino ang pera.

"Gano'n pa rin 'yon Gian magkasabwat sila!"

"Hailey makinig ka. Si Don Jaime ay isang negosyante, si Delavega ay isang pulitiko. Kahit maglabasan sila ng pera o magbayaran wala tayong katibayan na ito ay masama.

Hindi sapat ang larawan para idiin si don Jaime bilang kasabwat."

Natahimik ang babae at kitang-kita ang pagkadismaya sa anyo nito.

"K-kung gano'n hindi ba natin sasabihin 'to kay Chief?"

Umiling siya. "Hangga't walang katibayan para madiin si Delavega o si don Jaime ay makakabuting huwag munang ipaalam kay Chief Romero ang tungkol dito."

"Hindi kaya ginagawa mo lang ito para sa babaeng apo ni don Jaime?"

Saglit na natahimik ang binata.

Muling nag-alala para sa dalaga.

"Walang kinalaman si Ellah sa trabaho natin. Nasa propesyon natin huwag ihalo ang personal sa trabaho, huwag mong kalimutan 'yan." Tumalikod siya at walang paalam na lumabas.

Hindi niya mapigilang mag-isip sa maaaring maging resulta ng pagpunta ni Vince sa dalaga.

Inabangan na niya ito sa labas.

Ilang sandali pa dumating ang kaibigan na pababa ng sasakyan nito.

"Anong nangyari pare? Nasaktan ba siya? Sinaktan ba siya? Nagtaka ba, nagulat?"

Ngumiti ito ng nakakaloko, kaya napailing siya.

"Ayos lang naman siya, buti na lang talaga timing ang pagdating ko, kasi inuulan na siya ng tanong. "

"Pare, salamat."

"Wala 'yon. Kumusta kayo ni Hailey?"

Tumiim ang mga labi niya at tumingin sa kawalan.

"May problema ba sir?"

Sinulyapan niya ang kaibigan.

"Wala, wala naman."

"Nagpapansin na naman ano?"

Tumango na lang siya upang hindi na humaba pa ang usapan.

Ngunit ang totoo ay hindi siya mapakali sa natuklasan.

Hindi niya alam kung ano ang pakay ng taong nagpadala ng larawan ng dalawang taong kilala sa lipunan.

"Vince, may alam ka ba sa ilegal na gawain ni congressman Dela vega?"

"Maraming pasugalan na ilegal 'yon. Nahuhuli pero nakakawala rin."

Napatango-tango siya.

Pasugalan.

Hindi rin naman niya kabisado ang mga Dela vega maging ang mga Lopez dahil pang isang taon pa lang niya ngayon sa Zamboanga.

Ang alam niya may shipping lines ang mga Dela vega.

Ang mga Lopez ay minahan.

Noong nakaraang anim na buwan na may misyon siya sa Pagadian at na ospital ay doon pa lang niya napag-alamang ang mga Lopez ang isa sa tumulong sa kanila gamit ang kanilang charity foundation kaya nagkaroon siya ng utang na loob na hindi naman niya alam kung alam ng mga Lopez na isa siya sa natulungan.

"Mayaman ang mga 'yon dahil sa shipping lines, may-ari din ng beach resort ang pamilya."

Mga legal ang ganoong negosyo, at kung pasugalan lang ang ilegal, hindi sila kailangang bigyan ng larawan ng congressman at ni don Jaime dahil PDEA sila.

'Ano 'yon? Nang trip lang?'

Tumingin siya sa kausap.

"Tingin mo hindi sila involve sa drugs?"

Natigilan si Vince.

"Hindi ko alam, wala namang kaso 'yon na sumabit dahil sa droga. Bakit mo na tanong? May nalaman ka?"

Umiling siya. "Wala. Gusto lang malaman ni don Jaime kung may ginagawang anumalya si congressman."

"Marami, 'yon nga lang walang ebidensiyang matibay.

Minsan pang nasita ng customs dahil kulang ang dokumento ng kargamento, pero nalusutan din."

Natahimik siya.

'Kung gano'n, posible bang ipinadala lang ito ng taong may galit sa dalawa?'

Ipinilig niya ang ulo. Wala na siyang dapat alalahanin kung hindi ang nalalapit na pag-alis.

"Pare, pwede bang mabigyan mo ako ng dokumentong sinasabi mo?"

"Bakit pa? Susundin mo pa rin ang utos ni don Jaime paalis ka na nga?"

"Last request na niya, at huling hiling ko na rin sa'yo."

"Tsk, kung hindi ka lang talaga malakas sa akin captain!"

Napangiti ang binata. "Ikaw na rin naman kapalit ko."

Umiiling itong umalis.

Huling hiling na rin iyon ng don.

Pabalik na siya ng opisina nang tumunog ang kanyang cellphone na agad niyang sinagot.

"Detective?"

"Sir kailan ang uwi mo ng Luzon?"

"Sa linggo, bakit?"

"Sir, may problema tayo."

Agad kinabahan ang binata. "Anong problema?"

"Sir, palagay ko naghihinala na sa akin ang security guard dito, baka sitahin na ako nito sir."

"Saan ka ngayon?"

"Kagagaling ko lang sa condo ng mag-anak, umalis na ako agad kasi panay na tingin ng gwardya."

"Namukhaan ka?"

"Hindi naman."

"Ganito, alternate na lang pag punta mo diyan. Huwag gabi-gabi."

"Okay, sir."

"Hindi ba nagawi diyan si Manolo?"

"Wala talaga sir, sa ilang pabalik-balik ko rito, silang mag-anak lang talaga ang narito. Tsaka, tingin ko masama ugali ng pinsan mo sir, matapang kung tumingin eh."

"Makakausap ko rin ang mga 'yan, malapit na akong uuwi."

"Okay, sir ayos 'yan para hindi ako mapaghinalaan."

"Wala ka bang makuhang contact number kahit isa sa kanila?"

"Wala sir eh. Mahigpit ang management dito. Hindi basta-bastang nagpapasok kapag hindi kakilala ng tenant."

"Inalam mo ba kung saan nagtatrabaho ang mga 'yon?"

"Yes, sir. Nalaman ko kung saan nag-oopisina ang tiyuhin mong si Leonardo."

"Mabuti, subukan mong makuha ang contact number niya."

"Okay sir."

"Salamat, detective."

"Walang anuman sir, pauwi ka na rin naman."

"Oo, sa linggo."

Pagkatapos ng usapan ay bumalik na siya ng opisina at umupo sa swivel chair.

Nalalapit na ang pag-alis niya, pero hindi pa rin niya nalaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay doon sa reporter.

Walang ebidensiya, walang bakas.

Walang na i record ang bug device na ginamit niya.

Wala ring CCTV.

Magaling ang kung sino mang salarin!

Kailangang malutas ang problema ng tagapagmana bago niya ito iiwan.

---

MEDC OFFICE...

"Napadalaw ka Mr. Malvar?"

Pormal at tila natatakot ang anyo ng kaharap. "Ms. Ellah, may problema ho tayo."

Kumunot ang noo niya at agad kinabahan.

"A-anong problema?"

"Ang harang na pinagawa natin sa tunnel bumigay."

"Ano!"

Napatayo si Ellah mula sa kinauupang swivel chair

"Kasi Ms. marupok ang mga materyales na ginamit."

Tila umusok ang ilong niya sa narinig.

"First class ang ni request dito at kahit mahal pumayag ako, tapos sasabihin mong low class?!"

"Pasensiya na Ms. pero dahil doon, pansamantala munang ititigil ang operation ng tunnel hanggang hindi nauubos ang tubig na nakapasok."

"Hindi pwedeng matigil ang production! May kontrata tayo Mr. Malvar, araw- araw nagpapadeliver ang mga planta!"

Nanghihinang napaupo ang dalaga, parang nawalan siya ng lakas matapos ang sinabi ng kaharap.

"Pero Ms. Ilang araw lang, makakabalik na ulit tayo. Sa ngayon inaayos na ang bumigay na pader."

"Paano ninyo aayusin kung ang ikakabit ninyo ay low quality pa rin!"

"Hindi na ho Ms. sinigurado na naming high quality ito."

"Paano ka nalusutan ng ganitong klase Mr. Malvar?"

Napayuko ang kausap. "Kasalanan ko ho Ms. Nagtiwala akong walang problema at hindi na inalam ang kalidad ng produktong ginamit."

"May nasaktan ba sa nangyari?"

"Kunti Ms. Mga trabahante."

"Alamin mo kung bakit pumalpak, kapag hindi mo nalaman sa loob ng isang linggo, suspended ka Mr. Malvar."

Umawang ang bibig nito gano'n pa man ay tumango.

"This time, siguraduhin mong hindi na 'yan papalpak or else... I' ll fire you."

"Yes Ms."

"Hindi ako nagbibigay ng second chances Mr. Malvar, palalagpasin ko 'to pero kailangang may managot."

"Yes, Ms. Aalamin ko ang puno't dulo nito."

"You can go."

Tumango ito at umalis.

Napabuga ng hangin ang dalaga.

Sunod na araw sabado na.

Kung kailan dapat wala na siyang ibang alalahanin saka naman nag sunod-sunod!

Lalo pa at iiwan siya ng taong sinasandalan ngayon.

Mariing napapikit ang dalaga.

Matapos ang trabaho ay tila nahahapong tinungo niya ang sasakyan, kung saan naghihintay sa labas ang mga bodyguard.

"Uuwi ka na ba Ms. Ellah?"

Dumeretso siya sa kotse bago binalingan si Dan.

"May pupuntahan lang ako."

Paglabas ng basement ay pinaharurot niya ang kotse at naiwan ang trio.

Kailangan niya ng pampakalma ng utak kung hindi ay mababaliw siya!

Nang makakita ng bar ay agad siyang pumasok.

---

BAR CODE...

Sumalubong ang matitinding ingay, patay sinding ilaw.

Nagtungo siya sa bar counter, umupo saka nag order at mag-isang umiinom.

Hindi siya madalas nagpupunta sa ganito kaya ang suot niyang black blazer, inner white blouse, black fit mini skirt at high heels ay hindi nababagay sa ganitong lugar.

Katagalan ay kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan si Gian.

"Busy ka ba? Nasa bar code ako kita tayo?"

"Umimom ka? Pupuntahan kita. Delikado diyan, mainit ka ngayon sa publiko baka dumugin ka na naman?"

Napangiti siya. "I'm fine, Gian. Hintayin kita." Ibinaba niya ang tawag at uminom.

"Ms. Lopez? Ellah Lopez?" untag ng isang lalaki na tumabi sa kanya.

'Tama yata si Gian, eskandalo na ba ito?'

Kabadong nilingon niya ang lalaki. "No?"

Ngumiti ito. "May asawa ka na?"