P R O L O G U E
Tuwid ang mga hita at binti habang nakaupo sa damuhan na tila nagpapakita ng pinagkaloob na kahabaan ng aking biyas. Hindi alintana kung kukulay ba ang berdeng damo sa suot kong maong na mistulamg naghahalong asul at puti ang kulay.
Katabi ko siya, I mean katabi ko ngayon ang lapida niya.
KAIAN ANTHONY ACUNAUNA VILLALOBOS
September 29, 1993 - January 19, 2010
The value of life lies not in the length of days, but in the use we make of them...
Isa si Kai sa mga importanteng tao sa buhay ko. Malaki ang naging parte ng gagong yan kung sino ako ngayon. Hindi lang siya basta naging isang matalik na kaibigan, para ko na siyang kapatid. Kaya lang loko to eh! Ang agang nang-iwan.
Maiksi lang ang naging pagsasama namin. Nakilala ko siya noong first day namin bilang first year highschool student. Pareho kasi kaming tatanga-tanga at hindi makita kung nasaan ang classroom namin.
Pero kahit na mabibilang lang sa daliri ang taon na nagkasama kami ni Kai ay pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Siguro mag-bestfriend pa rin kami nito sa past life namin.
Noong bata pa lang ako ilang ako sa ibang tao. Wala akong kaibigan, hindi ako madaldal at palaging sketch pad ko lang ang hawak ko. Not until lumipat kami ng pamilya ko sa bayan na 'to, nakilala ko siya, sila Kai at Simeonne, ang buong barkada. Nagbago ako, natuto akong makihalobilo, umingay, tumawa ng malakas, maging abno, lahat na.
Naging totoong tao ako, I mean yung hindi takot maglaro sa liwanag at hindi na nagtatago sa dilim. I am me now because of them.
Ano nga ba ang ginagawa ko dito sa sementeryo? Humihingi lang ako ng tulong kay Kai, hinihintay ko ngang magsalita eh!
P'wera biro. Kailangan ko talaga ng tulong ngayon. Some wise words can help. Kailangang-kailangan ko lang talaga at ako 'tong si tanga kay Kai humihingi ng tulong. Baliw na talaga 'ko.
Siguro kung buhay pa 'tong ugok na 'to kanina pa ako may solusyon sa problema ko. Hobby niya 'yan noon! Ang solusyonan ang mga problema namin, kasiyahan na niya ang tumulong at ayaw na ayaw niya ng may nasasayang na oras. Kaya bwisit na bwisit sakin 'yan noon dahil sa kakuparan ko.
Problema ko? Siya. Siya nga ba? O ako? Itong puso ko.
Itong puso kong nasa right side na kahit kailan wala na yatang ginawang tama. Kapareho ng pusisyon niya, mali rin ang dinidikta.
Mali nga ba?
Kahit alam naman ng pusong 'to na may mahal siyang iba, hindi parin magawang mapagod. Kahit nasasaktan na siya ng sobra, pinipili parin niyang masaktan.
Ipaopera ko na kaya itong puso ko at ipalipat sa nararapat na posisyon niya ng gumawa na ng tama.
Hindi naman sa sinasabi kong mali ang mahalin ko siya. Humigit walong taon ko na siyang mahal saka ko pa ba sasabihing mali?
Timing. 'yan ang mali! Kaya lang kung hindi pa kasi ako susugal ngayon baka lalo na akong mawalan ng chance.
Kung sana noon pa. Kung noon pa sana'y nasabi ko na. Kung nilakasan ko lang sana ang loob ko. Kung sana nakinig na ako kay Kai at hindi nagmabagal pa. Kung nasabi ko sana noon na 'Mahal ko siya' hindi siguro ganito kakumplikado.
Kaya pre tulong naman o! Kailangan ko ng word of wisdom mo. Kahit ibulong mo nalang sa akin, 'wag ka ng magpakita baka kumaripas ako ng takbo dito.
Seryoso. Gulong-gulo na ang isip ko. Nais ko lang naman malaman kung ano ba ang dapat kong gawin...
Ipaglaban ko pa ba?
O tanggapin nalang ang katotohanan, na ang puso nya iisa lang ang nilalaman...
at hindi ako yun... =(