~1~
* Chasing her *
SEIGE
15, 16...
17...
18...
19, 20, 21...
22...
23...
24...
Kasabay ng pag-bilang ko ay ang pag-sunod ko ng tingin sa mga taong dumadaan sa harapan ko. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay sa kanya. Araw-araw palaging ganito ang routine ko. Pagkatapos ng klase ko ay agad akong dumidiretso dito para intayin siya. Nandito ako ngayon sa College Building nila nakaupo sa isa sa mga bench dito sa garden. Nasa may likuran mismo ng inuupuan kong bench ang lecture room kung nasaan siya ngayon.
25...
26...
27, 2──
"Oy Seige, bakit nandito ka?", Naputol ang pagbibilang ko dahil sa may tumawag sa pangalan ko. Agad naman akong napatangin dito, si Aron kaklase ko. Architecture nga pala ang course namin, 4th year.
"Oy pare! Iniintay ko kasi si Frielle", sabi ko sa kanya sabay tayo. Naglakad naman sila papalapit sa akin kaya hindi na ako nag-abalang maglakad papalapit sa kanila. "Hi Max!", bati ko naman sa kasama niya si Maxene, girlfriend niya. Accountancy din ang course ni Maxene pareho sila ni Frielle, 2nd year pa nga lang si Maxene samantalang 4th year naman na si Frielle.
"Hi Kuya Seige!", sabay wave niya ng kamay niya sa akin, nakakatuwa talaga ang batang 'to.
"Ang tiyaga mo ha! Kanina pang alas dos ang awas natin, alas kwatro na oh!", sabay tingin ni Aron sa wristwatch niya.
"Ganun talaga, ikaw nga eh sinundo mo din si Max", sabi ko sabay baling ng tingin kay Maxene at ngumiti dito.
"Naku Kuya Seige! Subukan lang nyang hindi ako sunduin, sa iba ako magpapahatid pauwi", sabay irap ni Maxene kay Aron.
"Ahhh.. ganun!", si Aron na umaktong nagtatampo ngayon dahil sa sinabi ng kasintahan.
"Siyempre joke lang yun babe", sabay yakap ni Maxene sa kaliwang braso ni Aron, at si Aron naman ay nilapit ang kanyang mukha kay Maxene at saka kinurot ang pisngi nito.
OK. Mayroong kupal este... couple na naghaharutan sa harapan ko.
"Ehem... Pare, Max... Hey! Nandito pa ko!" pang-iistorbo ko sa pag-haharutan ng dalawang nasa harapan ko. Natinag naman ang dalawa at agad naman silang umayos pero si Maxene ay nanatili paring nakayakap sa braso ni Aron.
"Pasensya na pare, ang cute lang kasi talaga nitong girlfriend ko eh", sabay pisil ulit sa pisngi ni Maxene. "O sya pare, alis na kami. Pupunta pa kasi kami sa mall may bibilin daw kasi tong Maxene eh!"
"Ganun ba? Ok sige pare... Bye Maxene!", Tinapik ko sa balikat si Aron at naagpaalam naman ako kay Maxene.
"Bye Kuya Seige!", ni-wave niya ulit ang kanang kamay niya at nagsimula na silang maglakad na dalawa palayo sa akin.
Pabalik na sana ako sa pagkakaupo ng sa paglingon ko sa aking likuran ay may nakita na akong mga estudyante na lumabas sa lecture room kung saan naroon si Frielle. Dali-dali akong naglakad papunta sa lecture room na iyon at tumayo sa tapat ng pintuan habang hinihintay siyang lumabas.
Lumabas na lahat ng estudyante pati narin ang instructor nila pero wala paring Frielle ang niluluwa ng pintuang nasa harapan ko ngayon. Agad ko namang sinilip ang loob ng lecture room at nakitang wala ng ibang estudyante sa loob maliban sa isang babaeng nakatungo sa desk at natutulog.
Hindi na ako nag-atubili pa at pumasok na sa loob ng lecture room at lumapit sa babaeng natutulog. Hindi nga ako nagkakamali sa hinala ko. Si Steff iyon at himbing na himbing na natutulog. Grabe naman ang mga kaklase nito hindi man lang siya ginising.
"Steff...", pag-gising ko sa kanya sabay tapik pa sa balikat nito.
"Ayy... Present po ako Ma'am!", biglang sabi niya na pupungas-pungas pa sabay napaupo pa ng ayos at nagtaas pa ng kanang kamay. Nagulat ako sa ginawang 'yon ni Steff at pagkatapos ay hindi ko na napigilang matawa dahil sa naging reaksiyon niya.
"Grabe ka Steff! Di ka parin nagbabago tulugin ka parin sa klase", sabi ko habang hindi parin mapigil ang pagtawa. Epic talaga ang reaction ni Steff kanina.
Habang hindi ko parin mapigilan ang pag-tawa, si Steff naman ay kunot na ang noo at masama nang nakatingin sa akin.
"Pwede ba Mr. Vernandez tumigil ka na sa kakatawa", sabi niya sabay tayo sa kinauupuan at akma na sanang papaalis dito sa loob ng lecture room.
"Hoy Steff, teka lang!", pigil ko sa kanya. Pinipigilan ko narin ang hindi matawa, nabadtrip na yata si Madame Steff.
"Ano!?", iritadong sabi nito.
"Ito naman! Sorry na hindi ko lang talaga mapigilang hindi matawa. Ang epic ng reaction mo kanina", natatawa-tawa ko namang sabi.
"Tse!", tanging sabi nito at tuluyan ng naglakad palabas nitong lecture room.
"Hoy Steff, nasan si Frielle?", hinabol ko naman siya at agad siyang napatigil ng sabihin ko yon.
Agad naman niya akong nilingon. "Nasan si Bessy?"
"Tintanong nga kita diba? Kayo ang magkasama!"
"Nakatulog nga ako diba!? Bakit naman daw kasi parang naghehela yung instructor namin kung magturo ih!", Halata na ang pag-aalala sa mukha ni Steff. "O teka? Diba hobby mo mag-intay sa labas, hindi mo ba siya nakita?", dagdag niya.
"Hindi ih! May kausap ako kanina nakita ko nalang na naglalabasan yung mga kaklase niyo", mukhang nauna ng makalabas nitong lecture room si Frielle bago ko mapansin na lumalabas na ang iba pa nilang kaklase.
"Nasan na kaya ang babaeng yon?"
"Mauna na 'ko Steff baka hindi pa nakakalayo si Frielle", sabi ko sabay karipas sa paglabas dito sa lecture room.
"Sige, hanapin ko din siya text ka nalang kapag nakita mo na siya", narinig ko pang sabi niya pero hindi na ako nakasagot dahil sa pagmamadali ko.
Nananakbo kong binaybay ang daan palabas nitong University na pinapasukan namin hanggang makarating na ako sa main gate ngunit hindi ko parin siya nakita. Mabuti nalang at katropa ko si Kuya Raul ang gwardiya dito at kilala niya si Frielle. Nakalabas na nga raw si Frielle dito sa University at itinuro niya sa akin ang daan na tinungo nito. Hindi naman ako nag-aksaya pa ng panahon at agad tinakbo ang itinurong daan ni Kuya Raul.
Habol ko ang hininga ng tumigil ako sa pagtakbo. Hawak ko ang kanang dibdib, ang bilis kasi ng tibok ng puso ko siguro dahil sa layo ng tinakbo ko maabutan lang siya.
Mabuti nalang at hindi pa siya nakakasakay ng jeep. Nasa kabilang side siya ng kalsada, tahimik at tila wala sa sariling naglalakad sa side walk. Nagsimula na akong maglakad at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ang malawak na kalsada ang pumapagitan sa amin ngayon. Patuloy lang siya sa paglalakad na tila walang pakialam sa mga taong lumalagpas at nakakasalubong niya. Hanggang ngayon hindi parin siya ok.
Halos humigit tatlong buwan na ang nakalipas magmula ng mangyari ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Hindi ganito ang Frielle na kilala ko.
Isa si Frielle sa masayahing taong naging parte ng buhay ko. Mapagbiro. Hindi nawawalan ng hirit at kawawa ka kapag napag diskitahan kang lokohin. Prankster din kasi 'yan. Bungisngis din, yung tipong kahit hindi nakakatawa ay tatawanan mo parin dahil sa paraan ng pagtawa niya. Sobrang masayahin at palaging nakangiti. Ibang-iba ang Frielle noon sa nakikita ko ngayon and it's all because of that bastard who broke her heart at sa kasamaang palad saksi ako kung paano siya magmaka-awa 'wag lang iwan ng gagong 'yon.
Masakit para sa akin ang makita siyang nasasaktan, lumuluha. Kasabay na nadudurog ng puso niya ang puso ko. Umiwas ako kasi akala ko si Ydric na ang magpapasaya sa kanya, hindi pala.
Gusto kong habulin si Ydric ng gabing 'yon para basagin ang mukha niya pero mas kailangan ako ni Frielle. Mas kailangan ako ng babaeng mahal ko.
Sa kabila ng mga ngiti at halakhak ng mga taong nasa loob ng theme park na 'yon ay may isang babaeng lumuluha, durog, wasak at dahil 'yon kay Ydric na hanggang ngayon ay hindi namin alam kung nasaan. Kasama ng pagkawala niya ay ang tunay na dahilan kung bakit siya umalis at iniwan si Frielle.
Pero sa kabila ng pagkawala niya ay ang muling pagkabuhay ng pag-asa ko. Pag-asang sana ay ako naman. Pero hindi ko 'yon magagawa hangga't nasasaktan pa siya. Hangga't mahal pa niya. Tutulungan ko muna siyang makalimot sa lahat ng sakit, maghilom ang sugat sa puso niya, makalimot kay Ydric bago ko magawang maangkin ang puso niya sa pagkakataong ito.
Naging duwag ako noon. Pinalagpas ang lahat ng mga pagkakataong dumating at meron ako pero hindi na ngayon. Lalaban ako. Kahit ang kapalit ng paglaban kong ito ay mga sugat at sangkatutak na sakit na handa akong saluhin maipanalo lang ang laban para sa puso ng babaeng natatanging minahal ko. Para sa puso ng kaisa-isang babaeng minahal ko ng humigit walong taon na.
I love her. I still love her at hindi naman nawala 'yon kahit na naging sila pa ni Ydric. Sa panahong sila pa nakuntento nalang ako na mahalin siya sa malayo. Masakit man makitang masaya siya sa iba pinilit ko nalang maging masaya para sa kanila, para sa kanya. Kasi kahit masakit para sa akin, sa t'wing nakikita ko ang mga ngiti sa labi niya dahil kay Ydric somewhat parang natatanggap ko na. Na kaya siguro hindi ko nagawang aminin noon at sabihin na 'mahal ko siya' kasi hindi naman talaga ako, baka silang dalawa nga talaga at ang patuloy nalang na mahalin siya sa malayo at palihim ang tangi kong magagawa.
Pero nag-iba ang ikot ng mundo. Ang lahat ng tao noon tingin sa relasyon nila ay perfect kaya lang sa isang iglap ang masayang pagsasama nila bigla nalang nagwakas resulting her to be like this, miserable at sobrang nasasaktan. Alam kong mali pero maalis niyo ba sa akin na maging masaya kasi nakakita ulit ako ng chance sa kanya?
I over thinks so many things before kasunod ang takot na naging resulta ng katorpehan ko at naging outcome ay ang napakaraming regrets at what ifs ko which is dala-dala ko until now. I had all the chances before pero binaliwala ko lang 'yon dahil naging duwag ako. Isang 6 feet flat and 75 kilogram na DUWAG. But not anymore dahil natuto na 'ko at hindi ko na kakayanin pang lumipas ang chance kong ito ngayon.
Patuloy ko paring tinutungo ang parallel path kung saan siya naroon ng bigla siyang tumigil at humarap sa roadway.
Tahimik parin siyang nakatayo sa kinaroroonan niya. Hinahangin ang mga hibla ng mahahaba at itim niyang buhok na naging dahilan para mabulgar ang maganda niyang mukha na kanina ay natatabunan ng ilang hibla ng buhok niya.
Kahit nasa malayo ako kita ko parin ang lungkot sa mga mata niya. Kung kaya ko lang alisin ang sakit na nararamdaman niya gagawin ko na agad. I hate seeing her like this.
Nabalik ako sa reyalidad ng mapansing may biglang tumigil na Jeep sa harapan ni Frielle. Akma na sana siyang sasakay dito ng may isang babaeng inunahan siya paakyat ng Jeep. Binalewala lang niya ang babae at hindi ito pinansin nanatili paring tahimik. Nagpaubaya narin siya sa ibang pasahero na sasakay din sa Jeep.
Nang siya na ang pasakay ay tatawid na sana ako para makasakay din sa Jeep na sinakyan niya at makasabay siya pag-uwi pero ng akma na akong patawid ay kamuntikan na akong masagasaan ng dumaan na tricycle. Pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa bigla at takot. Kamuntikan na ko doon! Mabuti nalang ay agad akong naka-iwas at umurong kaya hindi ako nahagip nito. Humingi naman ako ng pasensiya sa driver ng tricycle na tumigil sa gilid at galit na kinakausap ako.
Nang tinanggap naman nito ang paghingi ko ng dispensa ay nilingon ko ang kinaroroonan ng Jeep na sinakyan ni Frielle. Nandoon parin ito sa puwesto kanina at naghihintay pa siguro ng mga pasahero.
Nang makasiguradong ligtas na ay tumawid ako agad at tumakbo papalapit sa nakaparadang Jeep. Nang paakyat na ako sa Jeep ay kaagad ko siyang nakita. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nito. Tahimik siyang nakatungo kaya hindi niya napansin na lulan narin ako nitong Jeep na sinakyan niya.
"Sabay tayong umuwi ha!", napa-pitlag pa siya ng sabihin ko 'yon at agad akong nilingon. Kita ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi siguro niya inaasahan na maabutan ko siya.
Agad din namang nawala ang pagkagulat sa mukha at tinitigan nalang niya ako. Wala akong makitang emosyon sa tingin niyang iyon sa akin. Hindi nagtagal ay nagbawi na siya ng tingin at saka ibinaling ang kanyang mga mata sa labas ng bintana nitong Jeepney.
Alam kong gusto niyang mapag-isa. Naiintindihan ko naman 'yon pero hindi mawala sa akin ang mag-alala lalo na sa kalagayan niya ngayon. Kaya kahit takasan man niya ako ulit, susunod at susunod parin ako at hahanapin parin siya. Hinding-hindi ko na hahayaang makalayo pa siya. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan. Hindi na.