PROLOGUE

"We become who we say we are.

The stories we tell about ourselves and our lives

have consequences." - J Downton, Jr.

*****************

4:03 am SUNDAY August 26, 2018

"Are you ready for your flight?"

the silhouette of a man facing the glass window talked to someone over the phone. The room where he stood was dark and the only light that went through that window was the faint light coming from the nearby mid-rise buildings.

"Yes." Came the voice that he could hardly hear. He sighed.

"Always remember that I am always by your side, baby. No matter what happens." His voice couldn't hide the love and care that he felt for her. He waited for her reply.

"I know." She replied after five seconds. He smiled before ending the call.

The city was colorful. It's full of lights that made the city alive. He hoped that the liveliness of the world he's overseeing from his window at that moment would never last.

*****************

7:00 am sharp lumapag ang eroplano sa NAIA at maya-maya pa ay naglakad na siya papuntang waiting area kung saan niya makikita ang susundo sa kanya. She's wearing a black 3 inches heeled shoes, black leather pants, brown jacket na pinanlooban ng white fitted sando at puting scarf na nakabitay sa kanyang leeg. Nakalugay ang kanyang mahaba at straight na buhok na ang iilan ay tumatakip sa kanyang mukha at sa malaking eyeglasses na suot. She scan the area at may nakita siyang isang pares na may hawak na puting cartolina kung saan nakasulat ang pangalan niya. Nilapitan niya ito at agad naman siyang napansin at kinawayan pa siya ng babae.

"Ma'am Alex, welcome home po!" magiliw na bati sa kanya ng singkwetay tres na ginang. Tinanguan niya ito bilang tugon.

"Welcome back to the Philippines, ma'am! Siguradong napagod po kayo sa biyahe kaya ako na po ang magbubuhat ng maleta nyo." Tuwang-tuwa na dalo sa kanya ng singkwenta y nwebe na ginoo.

Binitiwan niya ang kanina'y hila-hilang maleta at nauna ng maglakad. Naiwang nagkatinginan ang mag-asawa habang papalayo ang dalaga sa mataong luagar ng airport na iyon.

Sa paglabas ng airport ay sinalubong siya ng mainit na hanging pamilyar sa kanyang balat. Tiningala niya ang papainit na haring araw at sinalubong ang sinag nito.

"Home." She murmured.

Pinasakay siya sa backseat ng sasakyang dala ng mag-asawa. Panaka-naka siyang tinatanong ng mag-asawa sa kalagayan niya at pinagsabihan siya na kung may kailangan siya'y magsabi lang kaagad.

"Gusto ko lang pong makapagpahinga."

Habang nasa biyahe ay inoobserbahan niya ang mahinang usad ng mga sasakyan dulot ng trapik. Walang pinagbago. Maalikabok at napakainit sa labas ng sasakyan. Katulad noon, maraming gusaling hindi pa natatapos at ang kalsada ay unti-unti ng nasisira. Dahil sa hilig ng mga negosyate na magpatayo ng mga gusali ngunit hindi kaagarang natatapos dahil sa kakulangan o kawalan ng budget.

Sa ganitong oras ay marami ng naglalakad sa kalsada na mga trabahante, mamimili, manlalakbay atbp. Di alinatana ang init at sangsang ng panahon at ang mga basura nakatumbok sa gilid ng kalsada.

Author's Note:

This story is 100% unedited.

This writer here accepts healthy critics/judgements and comments.

Don't forget to like and share to your friends.

Spread positivity!