CHAPTER I

"We often get back from others what we have given them. If people treat us badly, it maybe because we have treated them badly..." –J Downton, Jr.

**************

Eight Years Ago

"Good morning, ma'am!"

I smiled back at the body guard standing on the front desk. Inabot ko sa kanya ang dala kong backpack na binuksan ko ng konti. Pagkatapos niyang icheck ang laman nito ay agad ko itong sinara at dumiretso na sa elevator.

"Hi, good morning!"

"Morning."

Bati ko sa katabi kong babae. Sa pagkakarinig ko Elaine Monte ang pangalan niya. Twenty four years old at limang taon na sa BPO industry. Lumipat ito ng kompanya ng mag pull out ang client nila sa sa dating kompanya, kaya't kasama ko ito ngayon.

Nasa labing pito kami sa loob ng training room na ito kasama na ang trainer naming babae na nasa treinta na ang edad. Kahit treinta anyos na si Jan ay para pa rin itong dalaga kung kumilos, maliit ang katawan nito ngunit may malalaking pang upo at balakang na bumagay naman sa katawan nito na biniyayaan ng maliit at bilugang mukha.

Kinukumusta nito ang kalagayan namin ng nakangiti. Sa loob ng kwartong ito ay may anim na lalaki at ang karamihan ay babae.

Ako ang pinakabatang trainee at ang nag-iisang newbie sa batch na ito.

"Today is our eight day in core training and we will have a very challenging activity. We will focus on your language competency and avoidance of unnecessary fillers. I will give you two minutes to talk about a certain topic that you will pick in this box. When you talk, you must not use any fillers like uhm and ah. Avoid stressing words like and, so, the, etcetera. This will be very challenging because you need to continually speak without those fillers and unnecessary stressed words. You need to stop the moment you will utter fillers or stress words and I will give you an exciting task later after the game. That is the consequence of the activity."

Pagbibigay alam ni Jan habang seryosong nakatayo at inilibot ang mga mata sa bawat isang nandito. I hear some complaints and some are excited for the activity. Di ko maiwasang kabahan habang nilalaro ang hawak kong ballpen.

"We will start the game in two minutes. We will do it alphabetically. Don't worry I will give you a minute before you will start talking." Umingay ang kwartong yun sa sinabi ni Jan na ngayo'y nakangiti na at di maitatago ang excitement at tuwa sa mga mata.

Nagsimula ang laro at wala pang nakatapos ng dalawang minutong patuloy sa pagsasalita ng walang fillers and unnecesarry words. Habang sumasabay sa katuwaan kapag nagkakamali ang nagsasalita sa harapan, nag-iisip rin ako kung ano ang magiging consequence.

"Alexis Sanchez!" tumayo agad ako pagkatawag sa pangalan ko. I forced a smile out of nervousness. Kumuha ako ng isang lukot na papel sa transparent box at binuksan ito. I look at their smiling faces and they are also staring at me intently.

"Are you ready?" nilingon ko si Jan na nakatayo sa aking kaliwa. Nginitian ko siya ng tipid at tumango ng marahan. Their faces are waiting, dahil sa loob ng training room na ito ako yung pinakatahimik at hindi nakikipaghalubilo sa kanila. Siguro dahil isa akong newbie o ayoko lang talagang makikipagsalamuha sa kanila.

"My topic is, "Tell me something about your family."

I hesitated.

"I know you've been waiting for me to talk about something interesting in my life, and even if I am really not confident to talk about this, I will do it for you. My family is simple. We are living in a small wooden house on a province. My father is a fisherman and my mother sells fruits, vegetables, and fish that my father caught on sea. I have two brothers who are studying at the nearest elementary school on our house. Even though we live our life the simplest way than other people, we are beyond happy because we have each other. We care and love each other and the simple life that I have, I will never trade that to luxury or the noisy life here in the city. A year before I graduated college, I learnt from my parents that I am not their daughter. They adopted me when they found me wandering on the road towards the province, ten years ago. They were going home from Divisoria that night and they picked me up bruised, dirty and crying, isolated on the dark road. I can't remember where I came from but my parents told me that I am from the city because of my look and behaviour. Learning that I am not their child is not easy, I felt lost for some time; but they never treated me that I am not one of them after that confession. They loved me more. In fact, they were the ones who encouraged me to look for my biological family; that is why I'm here. Looking for my family to seek answers. Looking for my family is like looking for a mysterious culprit, I don't know where to go and where to start. I've been here for a month and I've ran out of money, that's why I decided to find a job because I never know when will I find them especially when I don't have money anymore." I laugh a little to lighten the mood dahil ang ibang nandito ay medyo naluluha na pati si Jan.

"That's all. Thank You!"

Nagpalakpakan sila habang pabalik na ako sa upuan. I went silent again throughout the day. Marami sa mga kasamahan ko ang nilalapitan ako at kinakausap and I also treated them nicely.

***************

The following days went well hanggang dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan. Regular na rin ako sa trabahong pinapasukan. Nasa loob ako ng Department store ng Robinsons at namimili ng gulay at prutas.

Namimili ako ng junk foods at ng paborito kong Richeese at inilagay sa dala-dala kong push cart. Tuwang-tuwa ako habang kumukuha ng Richeese ng may maramdaman akong tao sa aking kanan.

"Cami?" May nakatayong artista sa tabi ko at maluha-luha pang tinititigan ako.

Nginitian ko siya dahil sa sayang naramdaman ko, marami akong nabiling Richeese. Pero napakunot ang noo ko ng wala akong makitang camera man sa palibot at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng mas lalo niya pa akong nilapitan.

"Cami, it's you." Napaatras ako ng hinawakan niya ang aking balikat.

Naiiyak siyang humakbang pa palapit hanggang sa mahawakan niya ang mga pisngi ko. Hindi ko na magawang igalaw ang mga paa ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko at pagkalito.

Maraming posibilidad ang pumapasok sa utak ko feeling ko ay nahihilo na ako.

"Imposible!"

"Ma-may shooting po ba kayo, Mr? Artista po ba kayo?" nagtatanong ang mga matang tumitig siya pabalik. Umiling siya ng marahan at niyakap ako.

"Teka po, tatay ko po ba kayo?"  Tinulak ko siya at tinalikuran dahil sa nararamdamang kaba.

"Cami, it's me…. Lynx. Your kuya Lynx." Nanigas ako sa kinatatayuan dahil sa narinig.

"You loved Richeese so much." Kinuha niya ang Richeese na hawak ko at nilagay ito sa push cart.

"Hahaha! Mr, your acting is so good. I'm sure you are so famous because of your looks and great acting." Nilingon ko siya at hinarap. "May caravan ba dito sa mall ngayon at ako napagtripan niyo? I apologize coz am not interested."

Tinalikuran ko na siya at nagmadaling maglakad. Naiwan ko tuloy ang mga pinamili kong pagkain. Huhu Richeese ko!!!

******************

Nasa bahay ako habang kumakain ng sliced apple ng pumainlang ang ringtone ng aking cellphone. Tumayo ako at kinuha ang telepono sa ibabaw ng study table.

Mama Calling.

I smiled before swiping the answer button.

"Hello, ma! Kumusta?"

"Ang energetic naman ng anak ko!" lumawak ang ngiti ko. Close kami masyado ng mama ko pati mga kapatid ko kaya masyado ko na silang namimiss.

"Okay lang kami dito anak. Ikaw naman kumusta na riyan? May bagong balita ka na ba?" ramdam ko ang lungkot at pag-aalala sa boses ni mama.

"Wala pa po ma eh. Siguro babalik na lang po ako diyan sa atin namimiss ko na po kayo ng sobra ni papa." Napahigpit ang hawak ko sa telepono ng maalala ang nangyari sa department store kagabi.

"Day off ko po ngayong araw, ma." Iniba ko na ang usapan at di naman ako nabigo dahil sumakay din agad si mama at nakausap ko rin ang mga kapatid ko pati si papa. Pagkatapos ng mahaba-habang pakikipag-usap sa kanila ay agad akong naghanda sa pagtulog para makabawi sa puyat pero katulad ng nagdaang gabi ay di rin ako nakatulog sa dami ng iniisip ko ay umaga na ako dinalaw ng antok.

Nagising ako ng alas onse na pawisan at habol ang hininga.

*****************

Kinabukasan ay saka pa ako lumabas ng bahay dahil kailangan kong pumasok sa trabaho. Tinahak ko ang daan papuntang sakayan ng tricyle.

Kinakailangan ko kasing sumakay ng tricy para makapunta sa sakayan ng Bus.

Nakayuko ang ulo ko dahil medyo lutang pa ako at kulang sa tulog ng may biglang humila sa akin at may panyong itinakip sa ilong ko.

Nararamdaman ko pang isinakay ako sa isang van na nasa tabi ng kalsada.

******************

Alex's POV:

6:15 pm SUNDAY August 26, 2018

"Mahigit dalawang libo katao ang nagra-rally ngayon sa tapat ng KLEX at humihingi ng paliwanag at hustisya sa mga namatay at nasaktan sa nangyaring pagguho ng MERTLEX building dalawang buwan ang nakalipas. Bawat isa ay pursigidong pinapanagot ang KLEX at ang sangkot nito sa nangyaring pagguho na naging dahilan ng pagkamatay ng mahigit dalawandaang katao." Isang lalaking reporter ang pinakita sa 36 inches na flatscreen TV sa sala, nagsasalita ito habang patuloy ang pag-ikot ng camera sa mga taong nagra-rally sa tapat ng malaking building na iyon sa Guadalupe."

"Magiging busy ka na naman today, kuya."

Nginitian ko na lang ang kapatid ko habang ipinaghahanda ko siya ng pagkain.

"Trabaho ko yun, Sandy. At wag mo akong ipag-alala dahil lalo kang papangit niyan!" nakasimangot na ang mukha ng kapatid ko ng lingunin ito. Kaya natawa ako. Ang sarap talaga nitong asarin.

"Nagsalita naman si Sen. Mallari tungkol dito kagabi." Mula sa kusina kung saan kami kumakain ay rinig na rinig ang balita sa TV na nagmumula sa sala. Umupo na rin ako sa tapat ni Alissandra.

"Kailangang pakinggan ang tinig ng mga taong ito. Kamag-anak, kaibigan, at kapamilya nila ang namatay at nasaktan. Gagawa kami ng hakbang upang mapanagutan ang pangayayaring ito. Bibigyan namin ng tulong ang pamilya ng bawat nasawi. Makakaasa kayo sa ating gobyerno. Gagawin ko po ang lahat, makakaasa kayo." Ani sen. Mallari sa isang panayam.

***********

11:05 am WEDNESDAY August 29, 2018

Maingay, masangsang ang amoy, mainit na atmospera, crowded at paroo't parito ang mga taong namimili sa palengkeng iyon na mas kilala sa tawag na Divisoria. Sa mataong lugar na iyon ay nakikisiksik ang isang babaeng may mahabang buhok na nililipad ng mainit na hangin.

Nakasuot ito ng gray na leggings at sando na pinatungan ng puting blazer na mahaba.

May hinahanap ang mga mata nitong nakasalamin ng itim.

Ng makita ang eskinitang pakay ay lumiko ito at isinuot ang itim na mask ng makadaan sa isang mabahong imbornal.

Pumasok ito sa isang establishemento at ng makaraan ang tatlong minuto ay lumabas na ito dala ang dalawang maleta na binalutan pa ng plastic at may nakabitay resibo.

Bumalik ito sa dinaanan at tinungo ang kotseng puti. Nilagay nito ang dalawang maleta sa sekretong lagayan sa likuran, pinasadahan nito ng huling tingin kung meron mang nagmamatyag sa paligid at agad na pumasok sa loob ng kotse.

Alam nitong walang taong makikialam sa kinikilos niya ngayon at napaka busy ng mga tao para pagbigyang pansin ang normal na kinikilos niya.

Tinanggal nito ang suot na salamin at mask at ipinatong sa safe box. Pinausad na nito ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.

Tahimik ang malaking bahay at kung titingnan mo ay walang tao sa paligid dahil maingat na kumikilos ang babae sa paglalagay ng kanyang mga intrumento sa buong kabahayan lalo na sa sikretong silid na iyon.

Pinabakasyon niya ang mag-asawang nangangalaga sa bahay na iyon kaya't malaya siyang nakakakilos.

Binuksan niya ang dalawang maletang dala kanina at inilabas doon ang mga espesyal na gamit niya.

Maliliit na CCTV cameras, recorders, earpiece; spy glasses, relo, gloves, at bulletproof na bra at sando atbp. At sa isang maleta naman ay inilabas niya ang kanyang mga weapons, baril, blades, hunting knife at iba't ibang uri ng matutulis na bagay, kasama na roon ang isang lubid.

Sa loob ng silid na kinaroroonan niya ay may anim na 26 inches flatscreen TV na nakahanay sa dalawa, at isang 50 inches na flatscreen TV sa dulo.

Binuksan nito ang isang may kalakihang wooden cabinet at isa-isa nitong nilagay ang weapons na dala-dala kanina.

Pitong hakbang bago makarating sa mga computer na naroroon ay may isang malaking larawan ng lugar kung saan tanaw nito ang malawak na patag sa baba.

Tahimik, malinis, may makakapal na damo, at iilang puno ang naroroon sa kung saan ang taong kumuha ng napakagandang tanawin na iyon kaya't malalaman mo nasa tuktok ito ng bundok.

Sa tabi ng malaking larawan na iyon ay ang isang napakaayos na kamang may kulay asul na bed sheet, kumot at unan. Ang buong silid na iyon ay maaliwalas dahil sa ayos ng pagkaka-arrange ng mga kagamitan, malinis na kabuuan, at sa liwanag na nagmumula sa dalawang malalaking fluorescent.

Sa araw na ito ay ang silid na iyon ang operasyon niya. Natapos na siya sa pag install ng mga CCTV cameras sa buong kabahayan noong isang araw habang nandito pa ang mag-asawa at ibang tao ang binayaran niya para doon.

Kailangan niyang makonekta sa satellite ang computer niya at kailangan niyang mahack ang satellite ng isang bansa na target niya. At dahil narito na ang gamit na kailangan niya ay hindi na siya mahihirapan pa roon.

************

3:40 pm THURSDAY August 30, 2018

Nanginginig ang buong katawan niya habang nasa kamay ang cellphone.

Kausap niya ang isang taga media ilang segundo lamang ang nakalipas.

Alam niyang hindi siya dapat magtiwala sa kahit na kanino pero pinapatay na siya ng kanyang konsensya kaya personal niyang tinawagan ang isa sa mga matatapang na broadcaster na nagngangalang Tatang Syano.

Kailangan niyang sumugal para kahit papaano ay mamamatay siyang may dangal. Dahan-dahan itong napaupo sa nag-iisang sofa na naroroon sa silid na pinagtataguan ng lampas isang buwan.

Nangayayat ang maamo nitong mukha dulot ng pag-aalala, halos walang tulog, walang sustansyang pagkain at mas lalo pang nadagdagan ang kunot nito sa mukha ng mapagtantong bilang na ang oras niya. Napasabunot siya sa maguloat may kahabaan ng buhok.

Nagtiis at nakakulong siya sa maliit at mumurahing silid na ito para sanay iligtas ang sarili sa mga humahabol at naghahanap sa kanya.

Ang ikinababahala niya ay kung makikita niya pa ba ang pamilya bago siya mamatay sa kamay ng halimaw. Sa loob ng treinta'y otso ka araw na pagtatago ay dalawang beses niya lamang nakausap ang asawa at malapit niya pang ikinamatay iyon. Sinuntok niya ang kinauupuang sofa ng paulit-ulit hanggang naubusan siya ng lakas.

**************

Sa isang opisina, tatlong oras ang lumipas.

"Nahanap niyo na ba siya?" isang lalaking nakaputing barong at nakaupo sa swivel chair kaharap ang lamesang puno ng mga papeles ang nagsalita. Base sa hubog ng likuran at ng boses nito ay nasa singkwenta pataas na ang edad ng lalaki.

"Opo, boss." Rinig nitong sagot ng nasa kabilang linya. Nanginginig ang kamay na kinulamos nito ang papel na nasa harap at nangigil na nagbigay ng utos sa taong kausap sa telepono.

"Bring him to me, breathing." He evilly smirked.

"Bring me the traitor."

********************

6:55 pm SAME DAY

Balik sa silid kung saan nagtatago ang isang lalaki. Siya si Pacito Ferrer, singkwenta'y uno aňos, isang engineer, may butihing asawa at isang anak na babae.

Nakaupo ito sa plastic na upuan kaharap ang plastic na lamesa kung saan naroroon ang mga de-latang ulam, asin, mantika, toyo, suka at mga ingredienteng unti-unti ng nangingitim.

Naroroon din ang platong ginagamit niya sa pagkain sa oras na iyon.

Sunod-sunod ang pagsubo nito ng malamig na kanin at sardinas na ulam. Napaubo at napahampas tto sa dibdib ng mabilaukan at agad na inabot ang basong tubig at nilagok. Tinungo nito ang lababo dala-dala ang pinggan at halos mapatalon ito ng may kumatok sa pintuan kasabay ng pagbitaw sa pinggan na nagdulot ng ingay.

Nadagdagan ang mga dagang nagtatambulan sa kanyang dibdib at pakiwari niya'y ngayon na matatapos ang buhay niya. Ni hindi man lang niya nakikita ang mag-ina niya.

Napakapit ito sa lababo at nararamdaman nito ang malapot na pawis na naglalandas sa takot nitong mukha.

"Blaggs!" bumukas ng marahas ang pintuan. Unang pumasok ang isang malaking tao, mabangis at nakakatakot ang mukha nito.

Tinatawag itong Jimmy, isa sa masunuring aso ng senator. Kasunod nitong pumasok ang limang tauhan na dire-diretsong nagkalat sa maliit na kwarto at sinira ang mga naroroon na waring may hinahanap.

Lahat sila'y nakasuot ng black slacks, white polo and black coat na aakalain mong mga businessman sila. Mas lalong nanginig si Mr. Ferrer ng nilapitan ito ni Jimmy na nakangisi na ngayon ng mapanuya.

"Pinahirapan mo ako ng kunti sa paghahanap sayo tanda." At mas lalo pa itong ngumisi ng makitang halos mapaihi na si Mr. Ferrer sa kinatatayuan. Alam kasi nito kung ano ang kayang gawin ng gagong ito.

"Pinapasundo ka na ng kaibigan mo. Masyado ka raw kasi niyang namimiss." Nawala ang nakakalokong ngiti nito sa mukha at napalitan ito ng matalim na titig.

Ilang minuto ang lumipas at ngayoy akay-akay na si Mr. Ferrer ng dalawang lalaki. Halos maglambitin na ang matanda sa dalawang may bitbit sa kanyang balikat, bugbog ang mukha nito at halos wala ng malay dahil sa panggugulpi ni Jimmy.

Dumaan sila sa isang eskinita kung saan may mga kabataang sumisinghot singhot sa plastic na dala. Ang iba'y nakaupo sa maruming semento, may isang nakahiga ng patagilid at ang iba'y nagbibigay daan sa kanila. Nakasunod ang malalam at walang buhay nitong mga mata sa hila-hilang si Mr. Ferrer.

Sa labas ng eskinitang iyon ay naroon ang kanilang sasakyan. Isinakay si Mr. Ferrer sa pangalawang sasakyan kung saan may iniwan silang isang tauhan roon na inatasang magbantay ng mga sasakyan nila kanina.

Sumakay si Jimmy at ang isang tauhan nito sa puting sasakyang nasa unahan.

Pasakay na ang isang tauhan nito sa kung saan nakasakay si Mr. Ferrer ng biglang sumara ang pinto at binangga ang puting kotse at pinaharurot ito.

Lumabas muli si Jimmy at sinigawan ang mga tauhan na nagmamadaling sumakay sa isa pang kotse sa likod.

Hinabol nila ang itim na sasakyan habang naghanda si Jimmy ng baril at nilagyan ito ng silencer at sunud-sunod na nagmura.

"Sino ba ang hayop na yun?"