CHAPTER II

A drained person is like a well without water, which is of no use to anyone.

-J Downtown Jr.

***********

Mr. Ferrer's POV

Masakit ang buong katawan ko sanhi ng mga sipa at suntok ni Jimmy.

Sinubukan kong magmakaawa, naisipan kong di naman masama kung ibaba ang pride minsan at magmakaawa sa kalaban pero ito ang napala ko.

Sa huli nagmakaawa na lamang akong patayin pero mas lalo pa itong nag enjoy sa pananakit sakin.

"Patience, tandang Paco. Patience. Susunduin ka na rin ng kamatayan mo mamaya."

Yun ang huling sinabi ni Jimmy bago nito sinenyasan ang mga tauhan para damputin ako.

Para akong bigas na binitbit sa magkabilang balikat ng inalis nila ako sa maliit na silid na iyon.

Nahihilo at halos di ko na makita ang dinaanan namin.

Maraming tao sa eskwater na iyon pero wala ni isa sa kanila ang nag-abalang tulungan ako. Takot silang madamay. Ang iba naman ay wala lang pakialam.

Naramdaman ko ang paghinto namin at ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan.

Itinulak ako papasok roon at bumukas naman ang kabilang pintuan pero bago pa man may tumabi sa akin ay bigla na lang sumarado ang sasakyan at narinig ko pa ang pag click ng lock.

Di ako makaupo ng maayos dahil sa pagiwang at bilis ng takbo ng sasakyan.

Sa mga sandaling ito ay nabuhayan ako ng kaunting pag-asa sa puso kahit na hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari.

"Mr. Ferrer!" narinig kong tawag sa akin ng tao sa driver's seat. Kahit na nahihirapan ang mga mata kong aninagin ang loob ng sasakyan ay sinikap ko.

Nakabukas ang ilaw sa loob nitong kotse at unti-unti o na ring naaaninag ang driver.

Nakaitim ito.

"Nasa barko na ang mag-ina mo at ihahatid ko kayo roon. Umalis muna kayo sa lugar na ito. Alam na ni Mrs Ferrer ang pupuntahan nyo. Pero sa ngayon, tutulungan niyo muna ako."

Hindi ko siya masyadong naririnig pero sa kutob ko'y tutulungan niya ako.

Napakalalim ng boses ng lalaking ito, nagtataka man ako sa mga sinasabi niya at di ko mapapaniwalaang may tutulong pa saakin sa mga oras na ito.

"Hindi ko kayo tinutulungan, may huhuliin lang akong malaking buwaya."

Naramdaman ko ang bilis ng sasakyan at sa dami ng overtake na ginawa nito.

"Anong itutulong ko?" pinilit kong umupo pero hindi parin ako nagtagumpay.

"Sa ilalim ng inuupuan mo, iupo mo ang taong nandyan sa pwesto mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. May tao sa ilalim ng upuan? Kinapa ko ito at meron nga akong nahawakan.

Bigla akong binalutan ng takot.

"Kung pangingibawan ka ng takot mo ngayon ay mahihirapan akong iligtas ka. Pwede naman kitang ihatid sa kaibigan mo kung gusto mo. " nararamdaman ko ang pagngisi niya sa loob ng maskara.

Nanginginig ang mga kamay ko at pilit na hinihila ang taong nasa ilalim.

"Teka lang, mabigat ang isang to." Pinilit kong umalis sa kinahihigaan ko at nag skwat sa sahig para mahila ko ang taong isiniksik sa ilalim ng upuan.

Wala itong bahid ng dugo ngunit...

"Bihisan mo siya ng damit mo. Wag kang matakot patay na ang isang yan."

Ano pa nga ba ang kinatatakutan ko?

Susundin ko ba ang taong to na hindi ko kilala o di kaya'y ipaubaya na lamang ang kamatayan ko sa halimaw na iyon. Kung sasama ako rito, makikita ko na rin ang pamilya ko at makakasama ko na rin sila.

Pero, teka?

"Paano ako makakasiguradong hindi ka kalaban at nasa panig ng kabutihan ka?" baka isa na naman itong frame up at mas lalo na akong madidiin dito.

"Pwede kitang ibalik sa mga taong iyon o di kaya'y ihatid kita ng diretso sa kaibigan mong pasimuno ng pag frame up sayo. Hindi ko hihingiin ang tiwala mo, ang gusto ko lang gawin mo ay umalis sa lugar na ito kasama ang pamilya mo. Sisingilin ko ang kapalit sa tamang panahon. At sa huling tanong mo…"

nahinto ako sa paghuhubad ng huminto ito sa pagsasalita at nag overtake sa dalwang sasakyan sa unahan.

Nakasunod pa rin ang dalawang sasakyan sa amin, sampung metro na ngayon ang layo.

***************

Halos isang oras ang lumipas, at ngayo'y marami ng humahabol sa itim na sasakyan. Patrol at police cars, at dahan-dahan ng sumunod ang dalawang sasakyan kung saan sina Jimmy pang hindi sila mapaghalataan ng mga pulis.

Pumasok ang itim na kotse sa daanan ng tren, huminto ang sasakyang nakasunod.

Maya-maya'y maririnig mo ang pagsalpok at pagkagupo ng isang sasakyan ng masagasaan ito ng rumaragasang tren.

"narito ako para pugsain ang mga anay ng lipunan."

*************

Alex's POV

Natatarantang nagtakbuhan ang mga tao palabas ng train station. Pilit kong sumisiksik sa rumaragasang mga tao at ilang beses ring may nakabanggaan ako.

Kailangan kong puntahan ang crime scene. Sumunod saakin ang mga tauhan ko at tinungo namin ang madilim na bahagi nitong istasyon kung saan nadurog ang isang itim na kotse.

"Damn!"

di ako makapaniwala sa nakita. Puro debris ang nagkakalat na ang iba'y napapaliguan ng dugo. Narinig ko ang pagduduwal ng isa sa mga tauhan ko dahil sa gutay-gutay na katawan na sumabit sa railing.

******************

"Wala pa ring nakuhang karagdagang impormasyon ang pulisya sa nangyaring aksidente sa SLEX Train Station kanina. Ayon sa mga saksi, hindi naman raw aksidente ang nangyari dahil sinadya ng itim na kotse ang pagpasok sa istasyon." Habang patuloy sa pagsasalita ang naturang broadcaster sa TV ay ang pagkabasag ng baso sa kamay ng lalaki.

"Kasama sa nagupok na kotseng itim ay ang dalawang lalaki na hanggang nagyon ay hindi pa natutukoy kung sino."

Takot ang mababakas sa mukha ng mga kasamahan ni Jimmy, pati ito ay kinakabahan na rin sa maaaring gawin ng kanilang amo pero hindi niya iyon pinahahalata.

Halos mapatalon ang mga ito ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang nagtatangkarang lalaki na pulos nakaitim at naka shades.

Ang dalawang ito ang tinatawag na reaper ng kanilang amo.

"Boss, wala na po ang pamilyang Ferrer sa kanila at walang nakakapagsabi kung kalian pa sila umalis doon at saan...."

"Bang!" putok ng baril ang nagpahinto sa nagsasalitang reaper. Nilingon ni Jim ang mga tauhan at isa sa mga ito ang bumagsak. Inaasahan niya na ito pero potek hindi niya inaasahang manginig ang kalamnan niya sa kaba.

******************

Alex's POV

5:45 am THURSDAY August 30, 2018

Hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang mga nangyayari nitong nakaraan.

Dalawa ang sakay sa kotseng iyon pero walang nakatukoy kung sino ang mga ito. natakot ang mga mamamayan dahil iniisip nilang isa na naman ito sa mga kagagawan ng terorista. Napabuntung hininga ako. Kailangan ko munang umuwi dahil halos tatlong araw na akong walang tulog, maliban kasi sa aksidente sa station kahapon ay may inaasikaso pa akong isang kaso.

Napangiti ako ng malapit na ako sa gate. Bukas na ang ilaw sa kusina at lumabas doon si papa at siya na ang nagbukas ng gate para sakin. Iginarahe ko ang sasakyan at lumabas na dito.

"Good morning, pa!"

"Magandang umaga, anak!" tinapik ako ni papa sa balikat at iginaya niya akong pumasok sa bahay.

"Hay naku ang gwapo kong anak ay puyat na naman!" natatawa ako sa bati ni mama pero sinalubong ko rin ang yakap nito agad.

"Good morning, ma!" kumalas ito ng konti sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at sinuri ang aking mga mata. Pinalaki ko ang aking mga mata at nginitian siya ng malaki. Natawa ako ng kurutin niya ako sa pisngi, hinigpitan ko pa ang yakap k okay mama. Sobra ko silang namimiss. Buti na lang at bakasyon nila ngayon. Ilang araw na rin silang naririto kaya nga lang ay ngayon lamang ako nakauwi.

"Buti na lamang po at mahaba ang bakasyon niyo rito satin." Nakaupo na kami sa hapagkainan at binigyan ako ng gatas ni mama, para daw makatulog ako. I prefer coffee though. Mother knows best daw, sabi nila. Katabi ko naman si papa at si mama naman ang nasa tapat. Ganito kasi ang setup namin sa hapagkainan simula pa noong bata ako. Katabi ko si papa at si Alissandra naman ang sa tabi ni mama.

"Alam mo ba anak na umuwi na ang anak ni sir Lennox." Natigil ako sa paghigop dahil sa narinig. Umuwi na si Lynx? Namiss ko ang gagong yun ah!

"Ang bait niya talagang bata dahil pinagbakasyon niya kami ng isang buwan. Syempre tuwang-tuwa kami ng papa mo kahit umuuwi naman kami rito buwan-buwan." Napangiti ako, simula kasi ng lumipat na sina Lynx sa ibang bansa ay ipinagkatiwala nan g mga ito ang malaking bahay sa mga magulang ko.

"Ang bait nga na bata. Mana sa ina pati ang ganda pero nakakaawa lamang at parang dala na nito ang mundo. Hindi na marunong ngumiti at di umiimik para bang wala ng nakakapagpasaya sa kanya." Sa bawat salitang binigkas ni papa ay feeling ko di na ko nahinga.

"Si Lynx po ba ang tinutukoy niyo, ma?" sa wakas ay ay nakapagsalita rin ako.

"Gusto niyang tawagin siyang Alex, anak. Hindi ko nga mainitindihan ang batang yon eh hindi naman iyon ang pangalan na ibinigay sa kanya ng mga magulang niya." Malungkot na wika ni mama.

******************

Alex/Cami's POV

01:30 pm same day.

Perfect!

Awesome!

Kickass!

Best Player!

Best Kickass!

Perfect!

Awesome!

Tagaktak na ang pawis ko pero mas ginanhan pa ako sa pagwo-workout. May isa na naming kalaban ang lumabas sa malaking screen kaya't sunud-sunod koi tong sinuntok at binigyan ng roundhouse kick.

Nice move!

Naglaho ito at sumunod ang tatlong kalaban na projected ng screen. I defended, flipped and attacked until the game ended.

"And the winner is...!"

Pinatay ko na ang audio kasunod ang screen gamit ang remote. Pumalit ang imahe ng bundok sa screen at ilang segundo ko itong pinakatitigan. I enhaled deeply three times bago ngumiti. I need a bath.

I'm working on my computers when my eye caught something on the large screen. I shifted my gaze to the digital clock beside it. 2:02 it says. I look back at the screen where the red dot is going. I clicked on the keyboard and the locator navigated the location where it is heading to.

"Glorietta." I murmured.

**************

Twenty minutes later ay nasa loob na ako ng Glorietta. I am wearing a knee length grayish sexy dress and red stilletos matched with my red lipstick. I smiled sweetly and the security guards let me enter easily.

I continued to walk getting attention from every individual. My curly fake hair is bouncing and I continued giving my fake smiles and winks to every men na natutulala. The mole that I put on my lower left cheek make me conscious but I disregard it since I'm also on a heavy make up.

In my peripheral vision, sandaling nawala ang atensyon sa akin. Di ko ginawang libgunin ang mga paparating instead I countinuosly walk sensuously.

Third Person's POV

"Oh I'm so sorry!"

Putang'na! Ang ganda ng babaeng nakabangga at nagso-sorry ngayon kay boss.

Pinigilan kami ni Mr. Lopez na suriin ang magandang babae at nagsibalikan naman kami sa pwesto.

Halos nakanganga lahat ng mga kasamahan ko at pati mga tao dito sa mall ay napatigil rin at napapahanga.

Para itong dyosa sa ganda.

"Oh it's okay iha!" malapad ang ngiti ni boss at alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

"I'm really sorry, Mr! I was just mesmerized by that gown inside and I haven't noticed tha there was a gorgeous man in my back." Ang bilis nito magsalita at nakakanosebleed ang accent nito. Pero hindi mo iyon mapapansin dahl sa hinhin ng pananalita at nakakaakit na kilos at pagalaw ng mga labi nito.

"No problem, miss. You're british?" halata mo sa kilos ni boss na tuwang-tuwa ito sa babae na tango lamang ng tango.

"I'm really sorry if I did not see you. I'm getting engage and I am looking for a beautiful gown. The one on display is fantastic isn't it?"

nakikita ko ang unti-unting pagkawala ng ngiti ni Mr Lopez, habang ang babae naman ay hinaplos-haplos ang salamin ng boutique kung saan naroon ang puti at mahabang gown.

"Well, the gown will suit you well." Nakangiti na si boss ng humarap muli ang babae. Tuwang-tuwa naman na nagpasalamat ang babae at hinampas hampas pa ang braso at dibdib ni boss.

Sigurado akong hindi nito kilala si Mr Lopez at kung ano ang katayuan nito sa bansa. Sinilip ko ang suot kong wrist watch at nilapitan si boss.

"Mr. Lopez, malelate na po kayo sa appointment nyo." Bahagya akong nilingon ni boss at tumango.

"Apologies, beautiful miss. I still have an appointment to attend. It's nice meeting you and I hope we can see each other again." Kinindatan pa ni Mr. Lopez ang babae na tuwang-tuwa naman.

Wala talagang kakupas-kupas si boss!

Pumasok kami sa isang business meeting room. Syempre, pinaupo ko muna si boss. Mukhang siya na nga lang ang inaantay dito sa loob.

Nagsimula na silang magkwentuhan kaya oras ko na para lumabas.

*************

He was standing seven feet away from her. He seems waiting for someone by looking on his expression.

His hand is on his hip, his left hand taking a phone call.

He looks like he doesn't notice her presence, and a spark hit her head when she sees the men approaching in her peripheral vision.

Seven feet became five steps.

"Hey babe!" The man turned and is crash by her hug.

She couldn't see the shock expression displayed on his face but she feels him stiffened and the hand that automatically wrap in her tiny waist.

He's strong and masculine.

But that is not part of her business.

She see Lopez and his men eyeing them and went on going out the building.

"Ahmm". She automatically push the man away.

But he seem to fall down due to the impact...

She catch him halfway.

Resulting to her hugging him and his arms in her again.

"You can get those hands off of me now." She coldly said.

Realizing what just happened in a few seconds, the man pushed her away and frowned at her.

She looks like an angel, he thought.

He couldn't think of anything but what has just happened.

The woman is not looking at him though.

"Ahmm ex..." He choke.

The woman look at him in the eyes. Those eyes. It hit him. Those eyes are sharp yet lifeless. Cold.

And then she smiled.

This woman really amaze him.

And what awed him the most, is when she reached her smooth hand on his cheek and her red lips met his.

Another happening that shock him.

And then she's gone.

Who's that woman?

*****************

Two (2) Weeks Later

10:00 am Monday

Nagkagulo ang mga mamamayang nakapanood ng videong biglang lumabas sa social media. Mula sa TV, cellphone, radyo, internet at kompyuter ng mga maliliit at malalaking kompanya. Para itong virus na biglang kumalat ngunit walang nakakaalam kung saan ito nagmumula.

Isang pagpupulong tungkol sa gumuhong building ang lumabas sa video. Nabunyag kung paano pinagplanuhang pasabugin ang naturang building na iyon ilang buwan ang nakaraan. Ayon sa usapan ng mga taong nasa video ay may itatayo silang malaking establisyemento sa lugar na pinaguhuan ng building na iyon.

Natatarantang patayin ng ilan ang lumabas n video upang pigilan itong kumalat sa publiko, ngunit wala silang nagawa hanggang natapos ang video.

Ang videong iyon ay nakatatak na sa isipan ng karamihan at nagdulot ito ng paghihimagsik ngunit kung sino ang kanilang kalaban ay hindi pa nila tiyak.

Maayos ang pagkagawa ng video. Walang mukha ang ipinakita. Ngunit may mensahe ang nagpalabas ng video.

Hell

Comes

And

Get

You 👉

Iyon at bigla na lamang naglaho ang video na iyon.

At mananatili sa kanilang isipan ang limang salita na iyon.

May mga nataranta dahil sa takot.

May mga natakot sa kung ano ang susunod na mangyayari.

May mga nagtatanong kung sino ang may pakana niyon o isa lamang ba iyong gawa-gawa ng media.

May mga nagagalit sa gobyerno at sa mga taong nasa likod ng pagguho ilang buwan ang nakaraan.

May mga nagagalit sa kung sino man ang may pakana niyon.

May mga pumalahaw sa iyak na mga kaanak ng mga natabunan sa pagguho.

At may mga natutuwa't nagagalak dahil pakiramdam nila'y malapit na nilang makamit ang hustisya.

Agad na kumilos ang medya upang halughugin kung sino ang pakana. Hinihingi nila ang opinyon ng gobyerno na agad namang nagpalabas ng utos na imbestighan ang naturang pangyayari at ang pagguhong naganap kamakailan.

Iba-ibang opinyon naman ang nakuha mula sa mga kilalang imbestigador, mamamayan at pulisya.

Ang di nila alam ay nagmamatyag lamang ang taong iyon mula sa pinakamataas na building.

Pulos itim ang suot nito at pinagmamasdan ang mga pangyayari sa baba.

Wala nga namang makakakita sa kanya dulot ng kadiliman.

*******************

Wearing a high school uniform, eyeglasses and a backpack, the girl followed those assholes.

With her head bowed, she walked past them and stood at the bus stop.

When those men neared her spot, she clicked the camera on her eyeglasses. She got their faces now.

She waited until they are ten feets away before she moved.

She diverted her eyes and proceeded to the third building on her left. She went to the backdoor being aware of the CCTV cameras.

Labin-limang minuto ang lumipas ay tumatakbo at tumatalon ang ang isang taong naka-itim sa rooftop ng buildings na naroroon.

Madilim na ang gabi kaya't walang makakapansin sa kanyang paglipad sa taas.

"There you are."

She opened the small passage, went inside and closed it again slowly.

Ang daming paliko-liko sa pasilyong iyon but she didn't mind anyway.

She have read the blueprint at alam niya ang lusutan ng mga iyon.

At isa pang nakakatulong sa kanya ay ang kanyang super compass na suot sa wrist.

She went downstairs leaping and jumping.

Pinakiramdaman niya ang paligid saka kumilos ng mabilis.

She opened another smaller passage.

Closed it slowly and then she started to crawl not causing any noise.

She reached the passage cover and opened it saka lumabas at naglambitin gamit ang mga paa.

Kailangan niyang maisarado ang passage na iyon.

She doesn't work recklessly, after all.

There's art in thrills, she believes.

Agad siyang nagtago ng may marinig na mga yabag.

She controls the CCTV cams in this building but not in this area thus she needs to be extra careful.

Tinungo niya ang silid na pakay at agad na nagtago sa madilim na sulok.

May isang lalaki ang napalingon ngunit agad din nitong binalewala.

Tiwala ang mga ito sa seguridad ng lugar na pinagtatrabahuan nila.

Ang silid na iyon ay isang laboratoryo ng mga ilegal na droga.

It is located in the underground most of the building. At ang tanging daanan papasok rito ay sa storage room ng kabilang building na dinaanan ng mga lalaki kanina.

Ngunit ang di nila alam ay meron pang isang daanan.

And that is the passage na dinaanan niya kanina.

She took ample of pictures and left with no trace behind.

Ilang minuto ang lumipas ay sakay na siya ng kanyang big bike at tahak ang daang kokonti lamang ang dumadaan.

Dumiretso siya sa lugar na gustung-gusto niyang pinupuntahan tuwing gabi. Yun ay ang rooftop ng dati nilang kompanya.