Katapusan | Old Version

Missing Bodies

Written by: XenontheReaper

- - -

Puro iyak lang ang nagagawa ko habang tinitignan ang walang kabuhay-buhay kong mga kaibigan, alam kong walang maitutulong ang iyak ko pero sa sitwasyong ito ay 'yon na lang ang magagawa ko.

Ayokong magaya sa mga kasamahan ko.

At parang pinaglalaruan nga naman ako ng tadhana at humakbang siya papalapit sa 'kin. Dala ng takot ay nagtangka akong gumapang papalayo, ngunit naabutan pa rin niya ako.

Ang buong akala ko'y papatayin niya na talaga ako at magagaya sa mga kasama ko, pero inalis niya lang pala ang busal ko.

"M-maawa ka... Maawa ka sa 'kin. Please! H'wag mo 'kong patayin! Aalis ako! Pangako 'yan! Hindi kita isusumbong! Please! H-hayaan mo na ako..." Iyak ko't pagmamakaawa nang magkaharap kami.

Kahit na takot na takot ako ay nilakasan ko ang aking loob para mahikayat siya at pumayag siyang pakawalan ako.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo," para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi niya, "pero manuod ka muna."

Kinabahan naman ako sa nais niyang iparating. May ideya na ako pero ayokong pangunahan ang sitwasyon. Hindi ko pa alam kung anong plano niya kung kaya't nagmasid lamang ako't hindi inaalis sa kaniya ang aking tingin bilang pagsunod sa kagustuhan niya at para naman sa kaligtasan ko.

Tinamaan naman ako ulit ng kaba nang hubarin niya ang kaniyang suot na jacket, kasama na rito ay ang kaniyang hood. Nakatalikod siya sa 'kin kung kaya't napakahirap para sa 'kin ang aninagin at kilalanin siya.

Sunod niyang inalis ang kaniyang damit at naiwan na siyang topless. Tahimik lamang ako habang pinapasadahan ng tingin ang maskulado ngunit puno ng galos at pasa niyang katawan.

At ang huli niyang inalis ay panyo sa mukha. Kasabay no'n ay ang unti-unti niyang pagtingala. Hindi ako nagulat sa kaniya bagkus natulala lamang.

"Malamang magtatanong ka kung sino ako. Ako nga pala si Clifford." Pakilala niya sa 'kin at ako nama'y nanatiling tahimik habang pinapanood siyang may kinuha sa loob ng parisukat na butas ng pader. "Ikaw si Eurie diba?" Tanong niya at naglabas ng isang lagari. Iba na ang kutob ko sa lagari niyang tangan-tangan.

"O-oo." Nauutal kong sagot at napatango ng makailang ulit.

"H'wag kang matakot Eurie, hindi ako nananakit ng buhay." Sabi nito at nilapitan ang kawawa kong kaibigan na si Charice na nakabitin patiwarik.

Wala na ngang buhay pa si Charice. Naaaninagan ko sa 'king pwesto ang nag-aasul na marka ng lubid sa leeg niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip 'yong sinapit niya kanina na kalunos-lunos.

Nagimbal ako sa mga sumunod na nangyari. Halos masuka ako nang lagariin ni Clifford ang bewang ng bangkay ni Charice. Kahit patay na ito ay may kung anong malapot na dugo pa rin ang tumatakas sa sugat.

Naiyak na lang ako't iniwas ang aking tingin para hindi masaksihan ang nangyari. Pero kahit nakapikit at nakaiwas ang tingin ko'y dinig na dinig ko pa rin ang tunog ng laman napupunit.

At makalipas ang ilang minutong pagtitiis ko'y narinig ko ang mumunting kalabog. Palatandaang nahati nga niya ang katawan ni Charice. Napangiwi na lang ako dahil sa nangangasim na ang sikmura ko at batid kong nasusuka na ako.

"Bakit mo ito ginagawa?" Wala sa sarili kong tanong habang nakaiwas pa rin ng tingin. Hangad ko lang namang alamin anong rason niya kung kaya't sana'y h'wag niyang mamasamain.

"Mahilig lang talaga ako sa mga patay." Pagsasalaysay niya, base sa naririnig ko'y naglakad ito at lumipat na naman ng pwesto.

Narinig kong may kung anong kumakalansing mula sa kaniya at napupunit na damit. Pero hindi talaga ako lumingon man lang para hindi makita ang kulupitang ginagawa niya.

"Nasisiyahan kasi ako sa mga patay, sobrang sarap sa pakiramdam na kontrolado ko sila. Kaya panoorin mo ito kung gusto mong mabuhay pa at makaalis dito Eurie." Pagbabanta niya kaya wala na akong magawa kung hindi ang lumingon.

Mas importante pa rin ang buhay ko kung kaya't isasantabi ko muna ang pandidiri at tinignan siya. At 'di sinasadyang nahagip talaga ng paningin ko ang sinapit ni Charice. Hindi ko talaga maiwasang hindi makita ang nakalambitin niyang binti at balakang, lalong-lalo na ang nakabulagta niyang katawan sa sahig kasama ang nagkalat na laman-loob.

Nasusuka man at naiiyak ay nanatili pa rin akong matatag. Wala akong ibang iniisip kung hindi ang pamilya ko, kailangan ko pang umuwi.

Nakakagulat naman ang ginawa ni Clifford. Gustuhin ko mang umiwas ay nakita ko talaga kung paano niya ginawang parausan ang bangkay ni Bella na nasa sahig na ngayon. Gusto ko siyang sigawan na itigil 'yon pero natatakot ako, gusto ko pang mabuhay.

Napuno ng ungol ang paligid, sari-saring ungol na nagmula sa kaniya kung kaya't napaiwas ako ng tingin at mariing napapikit. Hindi ko na kayang tiisin ang nakikita kong pinaggagawa niya.

Hanggang sa matapos na siya, kumawala ang malutong na ungol sa kaniya't tuwang-tuwa pa itong isinuot ang pantalon niya.

"Diba sabi ko Eurie manood ka!?" Nanginginig akong napalingon ulit sa kaniya at nakita kong nagsuot siya muli ng pantalon.

"Please, pakawalan mo na ako Clifford. Hindi ko na kayang panoorin 'yang pinaggagawa mo." Pagmamakaawa ko ulit at naiyak na naman.

"Panghuli na 'to Eurie." Aniya at gumaan naman ang loob ko.

Konting-tiis na lang.

"Si Wreen 'to diba?" Tanong niyang kumuha sa 'king pansin.

H'wag! H'wag si Wreen!

Gusto kong isigaw na h'wag siyang idamay pero ayoko ring mapahamak, nakatulala lamang ako't walang humpay sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa kaniya.

"Alam kong may alitan kayo. Sa ilang oras kong pagmamanman sa inyo ay may nalaman din ako konti patungkol sa inyo." Sabi niya. "Ano kayang magandang gawin sa kaniya para makaganti ka?"

Umakto siyang nag-iisip at ilang saglit pa'y kumuha siya ng itak. Base pa lang do'n ay alam ko na kung anong nais niyang gawin. Gustuhin ko mang magwala para itigil niya ito ay hindi pwede, siguradong magagaya ako sa iba. Kaya napatitig na lang ako't iyak nang iyak habang pinapanood ang walang-pusong si Clifford sa kaniyang palabas.

At tama nga ako, pinagtataga si Wreen.

Napayuko ako agad at tahimik na humihikbi, pilit iniiwasan ang tanawing ewan ko lang kung kakayanin ko ba.

Kapalit nga ng ipinangako niyang pagtakas ko'y mabigat naman na parusa ang ipinataw niya sa 'kin. Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako nito sa gabi dahil sa nakakasukang pinapakita niya.

Dahil sa malapit lang sa pwesto ko ang bangkay ni Wreen na nakasabit ay dinig na dinig ko ang malutong na tunog ng mga laman at butong natataga, umabot din sa 'kin ang dugong nagtatalsikan at 'yong dugong nagkalat sa sahig, mistulang gumapang ito at lumapit sa 'kin para humingi ng tulong.

Gustuhin ko mang umiwas dito ay hindi ko magawa dahil sa kumapit na talaga ang dugo at nabasa ako. Walang tigil pa rin ako sa pagiyak ngunit iniiwasan kong humikbi. Baka magalit siya't hindi na niya ako patakasin.

"Tingnan mo ito Eurie." Aniya.

Parang tuta naman akong sumunod. Hawak-hawak niya ang nagkapira-pirasong katawan ni Wreen at paisa-isa itong hinagis sa isang batya sa tabi. Mas lalong naiyak ako't natakot dahil sa kaniya.

Hindi na kasi normal at makatao 'yong ginagawa niya. Kahit gano'n si Wreen at may alitan kami ay hindi pa rin katanggap-tanggap na pagtatagain siya.

Hindi ko alam na ganito pala ang aabutin ng isang simpleng misyon namin. Ang kahapong buong grupo ay nagkawatak-watak at bumagsak dahil sa isang lalake, sa isang salarin.

Matapos niyang malipat lahat ng parte ng katawan ni Wreen sa batya ay nilapitan niya ako habang hawak-hawak ang isang itak. Nanginginig ako't baka ako na ang isusunod niya. Ngunit hindi pala.

"Malaya ka na." Bulong niya nang magtungo siya sa likod ko.

Naramdaman kong unti-unti niyang kinalagan ako't lumuwag na ang tali, kung kaya't tuwang-tuwa ako't sabik na sabik. Ito na ang kapalit ng pagsunod ko sa kaniya. Makakalaya na rin ako.

"Pero ayoko." Makahulugan niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ang kamay niya sa 'king balikat na sobrang higpit kung humawak. At may kung anong matalim na bagay ang pilit na bumabaon sa likod ko. Napasigaw ako't hindi na magawa pang gumalaw dahil sa sakit na nadarama. Tanging pagsisipa't pagbabaluktot ng binti at paa ang nagagawa ko.

Mula sa kaloob-looban ko'y ramdam ko ang pagkapunit ng laman ko. Dinahan-dahan niya talaga animo'y gusto akong pahirapan. Natigil rin ako sa pagsigaw dahil sa may dugo nang bumubulwak sa bibig ko.

At saktong tumagos ito at kitang-kita ko kung paano niya punitin ang laman ko. Halos tumirik na ang mata ko't hinahabol ko na ang aking paghinga.

"Ngayon pwede na kitang galawin." Narinig kong bulong niya.

Hanggang sa manghina ang katawan ko't hindi ko na ito makontrol pa. Ang paghinga ko'y bilang na lang at unti-unti na akong binalot ng dilim.

×× The End ××