KABANATA 2: Ang Mabangis na kulay abong Lobo.

"MORDAKU,MORDAKU,MORDAKU!!!"

Sigaw nang mga nanonood na nilalang sa buong Anera.Ang Anera ay isang bungalong gusali na kung saan ay ginaganap ang Mano manong labanan hanggang kamatayan.Ang mga manonood ay pinagpupustahan ang mga nilalang na kalahok sa labanan.Ang tawag sa labanang ito ay Etarak Oduj.At ang tawag sa mga kasaling mandirigma ay isang Etarakos.

Tuwang tuwa ang mga manonood nang Etarak Oduj dahil sa magandang laban at malupit na pagkitil nang buhay ni Mordaku sa kanyang mga katungali,ang kanilang kampeon.Ang Abong Lobo nang balwarte nang Garragos na pagmamay ari ni Yoram Selerri,isang mayaman na nilalang mula sa lahi nang mga Atawid o Engkanto.

Ang mga Atawid o Engkanto ay ang mga marangal at mataas na uri nang nilalang sa mundo nang Akiham.Sila ay kasama sa sinaunang nilalang sa mundong ito kasama ang mga Orekigam o mga Engkantado pati na ang mga Yonip o ang malalaking nilalang na Kapre.Ang mga Atawid ay ang mortal na kalaban nang mga Orekigam kahit noong unang panahon na nagdaan.Ang Atawid ay kabaligtaran nang mga Orekigam.Kung gaano kapayapa ang kalooban nang mga Orekigam ay ganun naman kagulo o kadumi nang kalooban nang mga Atawid.Makasarili,gahaman sa kangyarihan at kayamanan.Ngunit dahil sa kanilang pagkatuso, kasamaan at pandaraya dagdagan pa nang malakas na kapangyarihan halos kalahati nang mundo nang Akiham ay pagaari nang lahi nang mga Atawid.Nagsimula ito sa unti unting mananakop sa mga maliliit na bayan hanggang sa maliliit na lungsod pati na ang mga ibang kaharian nang mga iba't ibang lahi.At ang mga nasakop nila ay ginagawang alipin o tagapaglingkod kapag mahinang nilalang at kung nakita nilang malakas ay gagawing kawal o isang Etarakos.

"Magaling...magaling oh aking kampeon,tuwang tuwa na naman ang lahat nang manonood sa iyong ipinakita,pasasaan pa makakarating din tayo sa Etarak Oduj Mombi sa palasyo nang Ordepnas."tuwang tuwang sabi nang Yoram kay Mordaku.

"Inyong ipaghanda nang masarap na pagkain ang ating kampeon at gamutin ang mga sugat nito."Magpahinga ka nang maayos aking kampeon"huling sabi ni Yoram Selerri at mabilis na itong tumalikod.

Umaga.Pupungas pungas pa ang kampeon nang makita niya sa bulwagan nang pagsasanay nang balwarte nang Dogos ,may mga bagong alipin na nakahilera,mga bagong alipin na sasanayin upang maging isang Etarakos.Iba't ibang lahi ang mga ito.

Pinanood nang kampeon ang mga bagong Etarakos habang siya ay nagaagahan.Umupo siya sa isang malaking bato malapit sa mga magsasanay.

"Mayroon kayang matira sa kanila hanggang matapos ang kanilang pagsasanay,ang aking tingin kasi mukhang mabibigo na naman ang ating mahal na Yoram sa grupong ito."sabi ni Tibbar na isang Arak Eldob o Tiktik.Ang mga Arak Eldob na lahi ay ang mga nilalang na may kakayahang magibang anyo.At walang sinuman na nakakakilala sa kanilang totoong anyo.Ngunit si Tibbar ay kabaligtaran hindi niya kayang magibang anyo at minabuti niyang maging isang Mandirigma o isang Etarakos.Si Tibbar ang nagiisang kaibigan o kinakausap nang kampeon sa balwarte nila.

"Simulan na ang pagpapakilala nang sarili"utos nang nilalang na nakatayo sa gitna nang mga bagong saltang etarakos.Siya si Edmuk,isang Markun tulad ni Mordaku,ang kanilang Orug sa balwarte.Ang Orug ay ang mga nagsasanay sa mga etarakos sa isang balwarte.Dati rin silang mga mandirigma sa bulwagan nang Etarak Oduj at ang ilan ay mga dating kampeon pa.Tulad ni Orug Edmuk isang kampeon nung kapanahunan niya.Ang bansag sa kanya ay Bangungot dahil sa brutal na pagpaslang sa kanyang mga kalaban.

"Ako si Bombes,isang Mansulik."At nagsunod sunod na nagpakilala ang mga bagong Etarakos.Sa lahat ang nakapukaw nang mata ni Mordaku ay si Siul na isang Golagat.Ang mga Golagat o Engkantao ay kalahating Engkanto o engkatado at kalahating tao.Oo isang tao.Kasama rin ang mga tao sa unang sibilisasyon sa mundo nang Akiham.Ngunit sa sobrang gahaman sa kapangyarihan na sakupin ang buong Akiham ay pinalabas at ginawaan nang sariling mundo nang Bathalang Suseh.Batid ni Mordaku ang kakayahan nang isang Engkantao dahil sa dalawang lahing pinagsama,ang malakas na mahika nang mga Atawid at Orekigam at ang natatanging talino at lakas nang isang tao.Ngunit bakit naririto ang isang Golagat?Tanong sa sarili nang kampeon.

"Ang aking sagot sa tanong mo ay siguradong mayroon,may makakapasa sa pagsasanay sa grupong ito."sagot ni Mordaku sa tanong nang kaibigan.

Gabi.Bilog na bilog ang Buwan sa kalawakan.Mga bituin na kaygagandang pagmasdan habang ito ay mga nagkikislapan.

"Ang gaganda nilang pagmasdan para silang mga nagsasayawan sa kalangitan".sabi ni Siul habang nakahiga sa sahig nang bulwagan nang Dogos katabi niya si Herpesu isang Ednewud o Duwende.Ang mga Ednewud ay maliliit ding mga nilalang.Ang pagkakakilanlan sa kanila ay ang pagkakaroon nang bigote at mga balbas.Mahilig din sila maginbento o magsaliksik nang kahit anu.

"Tama ka,kayganda nila tilang napakalaya nila hindi tulad natin."malungkot na sagot ni Herpesu sa bagong kaibigan.

"Wag ka nang malungkot aking kaibigan,tulad ng mga bituin magiging malaya rin tayong muli,hindi tayo magiging bilanggo sa balwarteng ito habang buhay."pampalakas nang loob na sabi ni Siul sa malungkot na Ednewud.Nagpahinga na silang dalawa na baon ang pagasa sa sinabi ni Siul.

Madilim pa lang at hindi pa sumusikat ang haring araw nagsimula nang magsanay ang mga bagong Etarakos.Bitbit ang napakalaking troso na nakapatong sa kanilang balikat habang paikot ikot na naglalakad sa buong bulwagan nang balwarte.Hindi sila makakakain nang agahan kung Hindi nila matatapos ang limang daang ikot sa bulwagan.Ang ilang bagong Etarakos ay nagbabagsakan na sa sobrang pagod at hirap kasama pa ang gutom dahil maaga pa lang ay nagsimula na sila nang walang kain kain.Napaluhod si Herpesu,agad itong inagapan ni Siul at tinulungan na muling pakabangon upang magpatuloy sa pagsasanay at makakain na nang agahan.

"Wag kang susuko,kaya mo yan...patatagin mo isip mo at loob kaibigan"pampalakas muli nang loob na sabi ni Siul sa kaibigang Ednewud.

Muling nagpatuloy ang dalawa sa pagsasanay upang agad na matapos at makapagagahan na.

Hindi pa natatapos sa kanilang agahan ang dalawang magkaibigan tumawag si Orug Edmuk nang madaliang pagbubuklod sa gitna nang bulwagan.Dali daling tumayo na sumunod ang dalawa subo subo pa ang isang tinapay ni Herpesu na pumunta sa gitna.

"Humanay ang lahat"sigaw ni Orug Edmuk.

"Sa susunod na pagsasanay aalamin natin ang kakayahan at kapasidad niyo sa pakikipaglaban,magkakaroon tayo nang mano manong labanan gamit ang mga kahoy na sandata."pagsasalaysay nang Orug nang balwarte nang Dogos.

Napatigil sa kanilang pagsasanay ang mga dati nang mga Etarakos.Pati na sila Mordaku at Tibbar.Upang panoorin ang mga bagong saltang mga mandirigma at kilatisin kung sinu sinu ang mahuhusay sa pakikipaglaban.

"Naku patay ako dito,hindi ako isang mandirigma...isa akong manunuklas,paano kaya ito?pabulong na sabi ni Herpesu kay Siul."Sana hindi ako agad ang mapili"takot na sabi ni Herpesu.

Ngunit nanlaki at pinagpawisan si Herpesu nang makita ang mga kamay ni Orug Edmuk na nakaturo sa kanya.

"IKAW!!!TAYO!!!"

"Dito malalaman kung anu ang itatawag sa inyo sa loob nang Etarak Oduj sa pamamagitan nang inyong galaw at kilos sa pakikipaglaban."paliwanag muli nang Orug.

"IKAW DIN!!!TAYO!!!"sabi nang Orug habang nakaturo sa Mansulik na si Bombes.

Kinuha ni Herpesu ang isang masong kahoy na sandata dahil sanay siyang humawak nang maso sa paggawa nang mga baluti at mga espada at iba pang gamit na pandigma.

Samantalang ang kinuha ni Bombes ay isang espadang kahoy at kalasag na kahoy din.Nakangisi ito habang pinagbabangga ang mga sandatang hawak.

Unti unti itong tumawa nang mahina gang palakas nang palakas.Biglang tumigil ito at mabilis na sumugod sa kalabang Ednewud.

Isang malakas na bangga nang kalasag nang Mansulik ang tumama sa dibdib ni Herpesu,talsik ito nang may kalayuan.Hawak ang kanyang dibdib pinilit ni Herpesu na tumayo muli.Natingin lang,nakangisi na tilang nagiinsulto ang tingin ni Bombes sa kalaban.Hinawakan nang mahigpit ang kanyang maso,hinihintay ang muling pagatake nang kalaban.Muling tumawa si Bombes,tumigil ito at muling sumugod ngunit nasangga ni Herpesu ang pagatakeng yun,ngunit mayroon pang isang atake ang Mansulik,isang mabilis na hampas nang espadang kahoy sa may bandang leeg ni Herpesu.Muling tumumba ang Ednewud sa sobrang lakas nang atakeng yun halos mawalan na siya nang ulirat.Tinaas ni Bombes ang kanyang espada bilang pagbubunyi.Muling bumangon si Herpesu tumingin ito sa kaibigang Golagat na nanonood sa kanyang laban.Isang tango ang ibinalik ni Siul sa tingin nang kaibigang si Herpesu.

Sa pagkakataon na ito handa na siya sa susunod na pagatake nang kalaban.Nakita ito ni Bombes,"Pumoporma ka na,talaga bang kaya mo nang depensahan ang susunod kong atake?"nangiinis na turan nang Mansulik.Muli itong nagsimulang tumawa at muling isang mabilis na pagatake ang kanyang ginawa.

Tulad nang una at pangalawang atake nang kalaban, kalasag ang unang ginawang opensa nito at sumunod ang espadang kahoy ngunit sa pagkakataon na yun ay nailagan na ni Herpesu.Ngunit dahil sa katangian nang isang Ednewud,mabilis niyang nabasa ang mga galaw nang Mansulik na kalaban.Isa pa sanang atake na patusok sa kanyang dibdib ang ginawa nang kalaban.Ngunit sinalag nang Ednewud nang kanyang maso ang espada nang kalaban.Ikinagulat iyun nang Mansulik,ito na ang pagkakataon ni Herpesu umikot at hinampas niya ang dibdib nang kalaban.Dahil sa lakas nang atake nang Ednewud tilapon si Bombes.Nahihirapan mang tumayo pinilit pa rin niyang tumayo.Pero bago pa siya tuluyang na nakabangon itinigil na nang Orug ang kanilang laban.

"Mahusay ang pinakita niyong dalawa,magkaiba kayo nang estilo pero naipakita niyo ito sa amin!"tuwang tuwang sabi ni Orug Edmuk.

"Kaya ngaun ikaw Mansulik ay tatawagin sa pangalang...Surkang,ang kidlat,dahil sa bilis nang iyong mga galaw at kilos."

Ikaw,Ednewud,tatawagin ka naman na Tormenkor ang Tore dahil sa taglay mong depensa sa pakikipaglaban."paliwanag nang Orug sa dalawa.

At sumunod na ang mga ibang laban,ang ilan ay hindi na nakayanan ang hirap at sakit,nawalan na sila nang buhay sa pakikipaglaban.

Dumating na ang pagkakataon nang Golagat,ang laban niya ang hinihintay ni Mordaku.Hinihintay niya ang kakayahan at katangian nang Engkantao na si Siul.

"Ikaw Golagat!Tayo!"agad na tumayo si Siul.

"Ang makakalaban mo ngaun,ikaw"itinuro ni Orug Edmuk.

Tumayo ang malaking Ongilam,isang maligno na kulay itim.Ang mga Ongilam ay tahimik at mabait na nilalang.Nakakatakot lang ang laki nito pero hindi sila nananakit nang ibang nilalang.Nadismaya si Mordaku sa napiling kalaban ni Orug sa Golagat.Dahil madali niya itong magagapi.

Tumayo ang kampeon at lumapit kay Orug Edmuk.

"Maari bang ako na lang ang lumaban sa Golagat,aming Orug"bulong ni Mordaku sa kanilang Orug.

Nagtataka man napilitang pumayag ang Orug sa kanilang kampeon.

Kumuha nang Espadang kahoy at kalasag ang Golagat.Walang anumang sandata na kinuha ang kampeon.Tanging mga kamay lang ang gagamitin sa pakikipaglaban.Nagsigawan ang lahat bago pa magsimula ang laban.

"Simulan na ang laban"sigaw nang Orug.

Mabilis na sumugod ang dalawa.Isang malakas na suntok nang kaliwang kamay ang ginawa nang kampeon.Nailagan ito ni Siul sa pamamagitan nang pagsirko.Mabilis na atake ang ginawa nang Golagat habang nakatalikod pa ang Markun.Isang malakas na hampas nang espada sa may batok ang pinakawalan ni Siul sa kampeon.Mabilis ding siyang umatras pagkatapos nang atakeng ginawa dahil hindi man lang nasaktan ang kalaban.Dahil kahoy lang ang kanilang sandatang gamit.Ngunit kung tunay na espada baka nawalan na nang ulo ang kampeon.

"Mahusay ang iyong pagatake Golagat,kung tunay na espada ang iyong gamit siguradong napuruhan mo ako...Marunong kang gumamit nang espada,lalo akong naging interesado sayo."papuring sabi nang kampeon kay Siul.

"Muli aking Orug,isa pang kahilingan ang aking nais....hayaan mo siyang gumamit nang tunay na espada at kalasag."hiling muli ni Mordaku kay Orug Edmuk.

"Alam ko na ang gusto mong mapatunayan Mordaku...gusto ko ring malaman ang mga kakayahan nang isang Golagat dahil may espesyal na kakayahan daw ang mga ito"sabi sa sarili nang Orug.

Isang tango lang ang sagot nang Orug sa hiling ni Mordaku senyales na siya ay pumapayag sa gusto nito.

Hinagisan si Siul nang totoong espada at kalasag.At muling nagsigawan ang lahat nang Etarakos nang balwarte nang Dogos.

Pinulot nang Golagat ang mga sandata na inihagis sa kanya.Batid niyang magsisimula na ang tunay na laban.Kumuha rin ang kampeon nang isang maliit na palakol.

Sumigaw muli ang Orug,"SIMULAN NA ANG LABAN"

Sabay na sumugod ang dalawa palapit sa isa't isa.Unang umatake ang Kampeon na si Mordaku isang wasiwas nang kanyang palakol namuli ay naiwasan ni Siul.Mabilis siyang bumawi nang atake gamit ang kanyang espada ngunit mabilis na salag nang palakol ni Mordaku kasabay nang malakas na sipa kay Siul.Nasangga man nang Golagat ang sipa na yun nang kanyang kalasag sa sobrang lakas nito ay tilapon palayo ang bagong Etarakos.Bago pa man makatayo ay sumugod ang Markun kay Siul.Tumalon ito nang mataas at hinampas nang malakas ang kalaban.Kung walang kalasag na hawak ang Golagat ay tiyak ang kanyang kamatayan.Hindi pa nakontento ang kampeon hinampas nang hinampas nang malalakas ang bagong Etarakos na walang magawa kundi sanggahin lang nang kalasag ang sunod sunod na pagatake.Nagpatuloy sa pagatake ang kampeon,unti unting nasisira na ang kalasag na pansalag ni Siul.Tumatagos na ito nang paunti unti sa katawan nang Golagat,dumudugo na ang bawat sugat na natatamo nito hanggang sa halos malunod na sa sariling dugo ang bagong Etarakos.

"TAMA NA,TAMA NA YAN MORDAKU!"isang sigaw ang narinig ni Mordaku mula sa likuran na siyang nagpatigil dito.

"Pumunta ka ngaun din sa aking silid at mayroon akong gustong ipabatid sayo at kay Orug Edmuk,magmadali kayo"nagmamadaling utos nang Yoram sa dalawa at tumalikod na ito papalayo sa bulwagan patungo sa kanyang silid.

Hawak pa rin ang palakol sa kanyang kamay.Isang malakas na pagatake na lang ay katapusan na nang kalaban.Tumayo ito habang nakatitig sa kalabang walang malay at naliligo na sa sariling dugo.

"Mapalad ang iyong kaibigan,at hindi siya tinuluyan nang kampeon nang Balwarte nang Dogos,si Mordaku ang abong lobo."sabi nang isang Etarakos kay Herpesu.