KABANATA 3: ANG UNANG LABAN SA BAYAN NANG TARKAKOS.

Ang lahat nang nasa Bayan nang Tarkakos ay nasasabik sa araw na ito dahil magkakaroon na naman sa kanila nang Tradisyon nilang Etarak Oduj ginaganap ito kapag nalalapit na ang Kaarawan nang kanilang Gobernador nang lalawigan nang Tarkakos.

Iba't ibang Balwarte ang makikilahok pati na ang balwarte nila Siul at Herpesu.

Pagkatapos nang ilang buwan na pagsasanay,dito na mapapatunay kung may natutunan sila sa pagsasanay.Sa sobrang hirap at lupit nang pagsasanay ilan lang ang natira sa grupo nila Siul.Ang iba ay nagkasakit hanggang sa mawalan nang buhay.Ang mas masaklap ang iba ay namatay o napatay nang kapwa Etarakos,nangyayari minsan ang mga ganung sitwasyon kahit hindi sinasadya o sinadyang patayin.

Dumating na ang takdang araw.Ang araw nang labanan nang mga Balwarte sa iba't ibang lugar.Bawat isang balwarte ay may itinuturing na kampeon.At siyempre sa balwarte ni Yoram Selerri ay ang Abong Lobo na si Mordaku.

"Aba,aba ang aking kaibigan..."bati nang isang lalaki Kay Yoram Selerri natilang isang maharlika rin tulad niya.

"Antagal na nating hindi nagpangita aking kaibigang Selerri."turan muli nitong lalaki na isa ring Yoram at kalabang mortal nang Balwarte nila Mordaku.

"Ikaw pala aking kaibigan,Yoram Larzaniz....oo nga antagal nating hindi nagkita,hindi ko na matandaan kung ilan buwan na o baka isang taon na"bati rin ni Yoram Selerri sa isa ring Yoram,sa Balwarte nang Mortages.

"Magkakaharap na ba ngaun ang ating mga kampeon?"tanong ni Yoram Larzaniz.

"Inip na inip na kasi ang aking berdugong kampeon na makasagupa ang abong lobo nang Garragos."sunod na tanong nito.

"Ah naalala ko lang ang makakalaban nga pala ni Mordaku ngaun ay si Koranus,ang isa ring Markun mula sa balwarte nang Porpoca... kung sinu ang manalo ay lalaban sa aking berdugo na si Balkoro."muling sabi ni Yoram Larzaniz na parang may panunuyang laman ang sinasabi.

Tila namang sasabog ang dibdib nang Yoram nang Garragos sa galit sa panunuya at pangmamaliit sa kanya nang Yoram nang Mortages na pinakamataas na balwarte sa buong distrito nang Dormango ang halos kalahati nang buong nasasakupan nang mga Atawid.Ito ay nasa hilagang bahagi nang mundo nang Akiham.

Pumapangalawa dito ay ang balwarte nang Porpoca na pagmamayari rin nang isa maharlikang Atawid na si Yoram Succo.

At ang pangatlo ay ang balwarte nang Garragos.

Hiyawan,sigawan at tawanan nang mga manonood ang maririnig sa ilalim nang Anera na kung saan ginaganap ang taunang Etarak Oduj sa bayan nang Tarkakos.Na kung saan ay naroon ang balwarte nang Garragos.

"Kinakabahan ka ba Siul?Ay Naihtul pa la..."tanong ni Herpesu kay Siul na tinawag na Naihlut,na ibig sabihin ay delikadong nilalang.Ipinagbawal sa kanila na magtawagan nang kanilang pangalan buhat nang makapasa sa mga pagsasanay.Ang dating sarili ay dapat kalimutan na at mamuhay nang bagong sarili bilang isa Etarakos.

"Kung totoo man na natatakot ako,hindi na mahalaga yun ngaun Tormenkor ang mahalaga ay yung mabuhay tayo ....Kaya ang isipin mo na lang ngaun ay maghanda at maging alerto sa pakikipaglaban mamya"paliwanag ni Naihlut kay Tormenkor.

"Maghanda na ang Balwarte nang Garragos at kayo na ang susunod."sigaw nang isang kawal na tagapagbantay.

Naghanda na ang mga bagong Etarakos nang Balwarte nang Garragos.Isa isa silang kumuha nang kanilang mga sandata.Ang kinuhang armas nang Ednewud na si Tormenkor ay isang masong malaki samantalang si Naihlut ay isang espada at isang kalasag.

Isa isa silang lumabas mula sa malaking pintuang bakal papunta sa loob nang Anera na kung saan magaganap ang labanan.

Huling lumabas si Siul at nakita niya ang iba't ibang klase nang mga nilalang sa mundo nang Akiham.Malakas itong nagsisigawan at naghihiyawan.Masaya silang lahat na makasaksi muli nang isang malupit na labanan.Masaya silang may nakikitang namamatay sa labanan.Mga nilalang na nagbibigay nang kanilang buhay para sa dignidad at kasayahan nang mga Aristrokatang Atawid na maligayang maligaya na nakikita na may nagpapatay para sa kaaliwan nila.Ito ang matagal nang Tradisyon nang mga Lahing Atawid.Bilang simbolo nang kanilang kapangyarihan,kapangyarihan na maging pinakamataas na uri nang nilalang dito sa Akiham.Pasunurin sa kanilang gusto ang lahat nang mga nilalang anumang uri ito nang lahi o pinagmulan.

Tuttutttuuuttttttt!!!!malakas na tunog nang isang malaking trumpets na hudyat na magsisimula na ang Etarak Oduj para sa kanilang Gobernador.Ngunit isa pala itong anunsyo nang pagbabago nang labanan.

"Sa malungkot na pangyayari ay may magaganap nang pagbabago sa mga natakdang laban,sanhi nang nangyari sa balwarte nang Portikus na inatake nang mga Hindi pa alam na mga grupo,ikinamatay ito nang lahat nang Etarakos sa balwarteng iyun,kaya binago at pinalitan po ang kalaban nang kalabang balwarte nang Portikus.Sa magiging kalaban nang Balwarte nang Garragos ay ang kahilingan nang ating Mahal na Gobernador ay ang kanyang mga sikretong mga Etarakos at ang kampeon nang bayan nang Tarkakos sa isang grupong labanan laban sa Balwarte nang Garragos.

Lalong lumakas ang hiyawan at sigawan nang mga nilalang na manonood,lalo na ang mga Atawid dahil muli nilang makikita ang kanilang mga kampeon na makikipaglaban sa loob nang Anera sa isang Etarak Oduj.

Sa isang silid ay galit na galit si Yoram Selerri dahil sa pagbabagong naganap sa makakalaban nila.Batid niya ang husay at galing nang mga sikretong Etarakos nang Gobernador.Ito ay malulupit at walang awang lumalaban,mga mandirigmang nabuhay para pumatay at mamatay.Nagagalit siya hindi para sa mga mangyayari sa kanyang mga bagong Etarakos kundi naghihinayang siya sa pilak at gintong ibinili niya sa mga aliping ito at mamamatay lang nang ganun kadali.Ngunit wala siyang magagawa kundi sumunod sa patakaran at sumugal sa isang malahimalang pangyayari na malusutan nang mga bagong Etarakos nang Balwarte nang Garragos ang malahalimaw na mga Sikretong Etarakos nang Gobernador.

Ilang sandali na lang at magsisimula na ang ETARAK ODUJ sa Bayan nang TARKAKOS.