Living Alone (2)

Lira's POV

Habang kumakain narinig kong naguusap ang dalawa sa mga housekeeping attendants.

"Huy beh, dadating na daw mamayang gabi yung may-ari ng hotel galing France. Dito daw mag-iistay pagkagaling ng airport."

"Kaya pala pinapalinis yung penthouse at aligaga ang mga tao dito kanina pa. Grabe! Ang sakit na ng katawan ko. Parang doble ang pagod ko ngayong araw."

"Ganun talaga beh. Ayaw masita e. Pero balita ko hunk daw yung boss natin!" kinikilig na sabi nito. "Sana ako yung mautusang maglinis ng penthouse pag andun na sya."

"Good luck sayo. Baka imbis na hunk, si da hulk pala. Takot na takot mga supervisors natin e. Nadadamay ang lahat sa pagkastress nila."

"Ah basta. Ang alam ko pogi daw. blah blah blah." di na nya pinakinggan pa ng husto dahil puro kilig lang naman ang sinasabi nito.

Andito na yung may-ari?

Ang alam kasi ng lahat ay ang pinsan lamang nito ang pinamamahala sa hotel na ito dito sa bansa dahil bukod dito, may ibang mga business pa ito sa ibang bansa na ito mismo ang namamahala. Rivera ang apelyido ng kinikilala nilang boss.

Malamang ito ang laman ng meeting nila mamaya. Pinapatawag kasi silang lahat ng receptionists at conceirge ng manager nila. Urgent meeting daw.

PAGDATING ng ala' singko ng hapon ay di nga siya nagkamaling ito ang magiging topic ng meeting nila. At dahil na rin sa maghapong trabaho ay di na siya gaanong nakapag-focus sa pakikinig. Tutal naman ay alam na nya ang sasabihin nito.

Nang matapos ang meeting makalipas ang isang oras ay agad na nagpaalam sya sa mga kasamahan at nagtime out na.

Habang naglalakad ay di nya napigilang humikab ng humikab. Muntikan pa nga syang masagasaan ng itim at tinted na sasakyan nang aktong tatawid. Mabuti na lang at nakita nya ang ilaw nito dahil kung hindi ay baka pinaglalamayan na sya ngayon.

Ang bilis bilis naman nito magpatakbo! Akala mo naman kung sino.

PAGDATING sa bahay ay agad na tinanggal nya ang kanyang sapatos at umupo sa sofa.

hayyy... nakakapagod!

*Grrrr

Napahawak sya sa kumakalam na sikmura. Oo nga pala. Nakalimutan nyang bumili sa kanto ng pagkain.

Dumiretso sya sa lamesita at kumuha ng slice bread. Nagtimpla sya ng gatas at doon isinawsaw ang tinapay.

"You should eat more. Hindi ka mabubusog sa tinapay lang."

Marahas syang umiling. Hindi na dapat nya binabalikan ang nakaraan. Maayos na sya. Kung ano man ang nangyari noon ay matagal na nyang ibinaon sa limot. Iba na sya ngayon. Masaya na sya sa kung anong meron sya.

Masaya ba ang mag-isa?

*sigh

Nilingon nya ang kabuuan ng bahay. Bungalow style ito at maliit lamang. Pagkapasok mo palang ay sala na agad at kusina. Ang pintuan ng nagiisang kwarto at ng CR ay agad mo ring makikita sa kanan. Masikip kumpara sa ibang bahay ngunit para sa kanya, sapat na ito dahil sya lang naman mag-isa. Ito ang bunga ng kanyang pagpapakapagod sa loob ng tatlong taon na nakalipas. Matapos ang lahat ng hirap at pasakit na naranasan ay ito ang maituturing nyang unang tagumpay.

Napahawak sya sa kwintas na suot at malungkot na napangiti. Ito ang kanyang nagsisilbing lakas.

Ang kanyang munting anghel.

"Miss ka na ni mama, anak." at doon muli'y tumulo ang kinikimkim na luha.

Itutuloy...