He's my ex-husband (1)

Lira's POV

Nalate ako ng pagpasok kinabukasan. Buong magdamag akong umiyak at nakatulugan ko na ito.

Suot ang walang gradong salamin ay mabilis akong pumunta sa pwesto. Doon, naabutan kong nag-uusap si sir Bobet at si ate Libby.

"O! Anyare sayo girl? Umiyak ka ba?" ani ni ate Libby. Hindi ako makatingin ng diretso dito kaya minabuti ko na lamang na yumuko.

"Pasensya na po kung nalate ako. Di na po mauulit."

"I understand." nakakaintinding tumango ang manager namin. Mabait ito sa amin na under nito; yun lang ay wag aabusuhin dahil mas malala pa sa babaeng may dalaw kung mapagiinitan ka nito. "I guess, you also need some rest. Mag-iisang linggo ka nang straight shift. Sorry for bothering you so much Lira. Don't worry, next week pwede kang mag off ng two days."

"Nako! Thank you po sir! Naiintindihan ko naman po ang sitwasyon."

"Okay sige, maiwan ko na kayo." marahan kaming tumango at tumalikod na nga ang manager sa amin.

"Okay ka na ba?" tanong sa akin ni ate Libby. Ngumiti ako ng tipid.

"Oo naman." tila nakakaintindi naman nitong hinimas ang braso ko. "Kaya mo yan. Kaya natin to." pagpapatatag nito sa kanilang dalawa. Sa nakikita nya dito ay mukhang hindi na naman ito nagkasundo at ang biyenan nito. Hindi na nya inusisa pa bagkus ay nagpasalamat sya dito.

PAGSAPIT ng alas diyes ng umaga ay busy na kami ni ate Libby sa pagsagot ng tawag at pagasikaso sa mga guest na pumapasok o kaya'y may concerns.

"Nakakaloka naman yung guest sa room 201. Ang daming demand!" nakasalumbabang reklamo ng house keeping na si Harold. Close namin to kasi napakafriendly na tao at bukod pa don, kasabayan din namin sa pag-aaply. "Patago muna saglit mga gurlash ha. Kainin ko lang saglit tong skyflakes. Gutom na gutom na kasi ako." pasimple itong nagpunta sa likod nila at kunwari ay nagwalis doon.

"Baliw ka talaga. Pag-ikaw nahuli sa CCTV ewan ko na lang sayo." sita ni ate Libby.

"Ngayon lang naman ate gurl. Super nagutom na kasi ang beauty ko. Haggard na haggard na. Fast lang to promise!" sagot naman ni Harold na puno ang bibig. Inabot ko dito ang tumbler ko.

"O, dahan dahan. Baka mabulunan ka."

"Ay, thank you so much sis! You're an angel!" tuwang tuwa na pagtanggap nito. Nawala ang ngiti ko sa narinig.

"You're my angel." inayos nito ang buhok na tumatabing sa mukha ko at inilagay sa likod ng aking tenga. "I feel like I'm in heaven whenever I get to hold you this close."

Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ba naaalala ko ulit ang lalaking yun? Hindi tama ito. Huminga ako ng malalim at bumilang ng sampu.

"Okay ka lang?" tanong nila sa akin. Mukhang napansin ng mga ito ang pag-iiba ko ng mood. Pilit akong ngumiti sa kanila at binalingan si Harold.

"Ubusin mo na yan bilisan mo."

Pabirong inirapan ako nito. "Oo na. Ito na nga e, o." sabay subo ng malaking bahagi ng biscuit. Iiling iling na lang kaming bumalik sa trabaho ni ate Libby.

Itutuloy...