He's my ex-husband (2)

Lira's POV

"Lira, pinapatawag ka ni sir Bobet." ani ni Carlo, isa sa mga concierge.

"Ah, osige susunod ako. Salamat."

Pagpunta ko sa labas ng opisina na sir ay agad na kumatok ako.

"Oh, I think she's here." narinig kong sabi nito. Nang bumukas ang pinto, nabungaran ko agad ito at ngiting-ngiti na tiningnan ako. "Come inside Lira." agad ko namang pinaunlakan ito. Pagpasok ko ay napansin kong hindi ito nag-iisa, sa halip, mayroong lalaking nakaupo paharap sa desk ni sir Bobet. Nakatalikod ito kaya wala akong ideya kung sino.

"Sir, I want you to meet our most outstanding employee, Lira Santos."

agad naman akong nag-bow.

"Good morning si-" nabitin sa ere ang sasabihin ko nang lumingon ang lalaking kanina lang ay kausap ng manager ko. Tila ba natulos ako sa kinatatayuan nang tumayo ito at tuluyan nang humarap sa amin.

"Lira, this is our big boss, Mr. Beaumont. Sir Jared Bastien Rivera Beaumont, the cousin of our executive director, sir Nathan Rivera." hindi ko na gaanong maintindihan pa ang sinasabi nito dahil tuluyan nang nakuha ng kaharap ko ang atensyon ko.

Ang taong gumugulo sa isip ko noong mga nakalipas na araw. Ang taong nagmula sa aking nakaraan. Ang taong pilit kong ibinabaon sa limot. Andito... Andito ngayon sa harap ko.

At boss ko pa?

Nathan... Nathan Rivera. Bakit nga ba nakalimutan kong magpinsan silang dalawa ng lalaking ito? Disin sana'y ibang trabaho ang pinasok ko.

"It's nice to see you again. How are you Lira?" sa isang iglap, parang bumalik sa akin lahat. Naging sariwa ulit ang mga sugat na buong tapang kong pinaghihilom.

Napatungo ako. Parang may bikig sa aking lalamunan. Hindi. Hindi na ako iiyak ulit. Hindi ngayon. Hindi sa harap nito.

"Uh. I'm sorry but have I heard it right, sir? Again? You mean you've met before? You know each other?" bumaling ito sa akin. "Lira?"

Ibinalik kong muli ang tingin sa harap. Tinanggal ko ang kung ano mang emosyon sa aking mukha. At nakipagsukatan ng tingin dito.

Ito ang naunang sumagot.

"Yes, Mr. Garcia. We knew each other." hindi nito pinutol ang pakikipagtitigan sa akin. "She's my wife."

"EX." pagtatama ko rito. "I'm his ex-wife. And he's my... EX- husband."

Itutuloy...