He approached me (2)

FLASHBACK

Simula nun napadalas ang pagkikita namin ni Sean. Nalaman kasi nito na nagstudent assistant ako kaya ayun, hinihintay ako pauwi at tinutulungan sa mga ginagawa ko. Nakakahiya na nga e. Kaya lang mas gusto daw niya akong kasama kesa sa mga ka-engineering niya kasi bukod sa may mga kanya-kanya nang barkada ang mga iyon, naaartehan pa sa kanya makipag-usap. Galing pala kasi ng Australia si Sean kaya ganun yung accent.

Sa ilang linggo naming magkasama, naging palagay na rin ang loob ko sa kanya kaya naging close kami. Naikwento ko na nga din yung mga ginagawa kong mga letters para kay Jared pati na rin yung muntik na akong mabuko. At imbis na damayan ako, aliw na aliw pa ang loko kesyo sana daw nakita niya yung mukha ko nung mga panahon na yun. For sure daw nakakatawa!

Isipin nyo yun?! Damuhong to.

Pero infairness, nakakahakot din ng mga fans si koya. May ilan-ilan ding nagtangkang makipagkilala sa kanya kaya lang tinatanggihan nya. Pagtinatanong ko kung bakit, ang sinasabi lang nito sakin, di nya type.

Ang suplado no? Haha

Minsan nga naiisip ko kung... alam nyo na... hehehe lalaki din ang gusto niya... pero shhh lang kayo ah. Hahanap pa ko ng tiempo para itanong sa kanya.

Anyway, nagpapasalamat din naman ako sa kanya kasi sya ang kauna-unahang naging kaibigan ko sa school. Lahat kasi, iwas sakin kesyo mukha kasi akong manang sa suot ko at parang si sadako sa makapal kong buhok at bangs. Dakilang wallflower ang peg ko. Sabi nga nila para daw kaming beauty and the beast. Yun nga lang sa kaso namin, ako si beast. At ang damuhong kasama ko, tawang-tawa nang unang mabasa yun sa secret files ng university namin. Ang sweet nya no? Isang tunay na kaibigan. *insert sarcasm

----

Isang araw, habang sabay kaming naglalunch ni Sean (nilibre nya ko), nang biglang napadaan ang barkada ni Jared sa harapan namin.

Hindi ko na sana papansinin pero bigla na lang akong sinundot sundot sa tagiliran nitong katabi ko. Kung hindi ba naman nang-aasar!

"Ano ba. Tumigil ka nga." pero parang walang narinig ito.

"Ayieee... nakita nya yung crush nya."

nanlaki ang mata ko at dali-daling tinakpan ang bibig nito.

"Shhh! Ano ka ba! Baka may makarinig sayo."

*ehem

"Ah, excuse me." napalingon kami parehas nitong si Sean sa nagsalita.

Hala si Jared! Naku patay! Narinig kaya niya yung sinabi ni Sean?!

"Ah...ehem...ano kasi... can I talk to you for a minute?" sabi nito sa akin. Wala sa sariling napaturo ako sa sarili ko.

"Yeah, ikaw." pagkumpirma nito.

Tiningnan ko ang katabi ko na parang nagpapaalam kaya nginitian ako nito at sinabing 'Go!'

Magsasalita pa sana ako pero hinila na lang ako bigla ni Jared.

Napadpad kami sa park.

"Ah, bakit mo ako gustong makausap?" panimula ko.

"I..."

"Ha?"

"I... sht." napakunot ang noo ko.

"Ano yun?" diretso ako nitong tiningnan sa mata

"I'm sorry."

"Huh? Saan?"

"For confronting you last time." nyemas pinaalala pa. Kahihiyan ko yun eh!

"Nako, okay lang." (¬_¬)

"Ano sana..." nag-abang ako sa sasabihin nito.

"Pwede ba kitang itreat ng lunch bukas?"

"Ha?"

"I mean, to sincerely apologize. Nagi-guilty kasi ako dahil feeling ko napaka-awkward nun sa part mo diba?"

ay kung alam mo lang!

"Nako nako. Di naman na kaila-"

"I insist!" nagulat naman ako. "Please?"

"Ahh... o-okay sige. S-sasabihan ko si Sean na sasabay kayo samin kumain."

"NO!"

"ha?"

"I mean. Ano... okay lang ba kung tayong dalawa lang?"

*dugdug

totoo ba to? niyayaya nya akong magdate?

'Nagsosorry lang yung tao! Assumera ka naman!'

Ehhh ganun na din yun! Yaan mo na.

'Ewan ko sayo! Sige umasa ka"

"Ah... okay sige." pabebeng sagot ko dito.

"Yes!" nagulat ako nag bigla akong yakapin nito. Hmm bango!

Parang natauhan ito kaya bigla ako nitong binitawan.

"Ah.. ano I'm sorry. Ahh. sige ah. See you tomorrow."

"S-sige."

Pagkatapos nun, tumakbo na sya paalis at kumaway sa akin. Kumaway rin ako pabalik.

Itutuloy...