Flashback
"So, how did your lunch go?" usisa ni Sean sa akin. Nasa library kami ngayon, binabalik yung mga reading materials na hiniram ni dean.
"Ayun, ayos naman." pabalewalang sagot ko pero nung magkatinginan kami sa mata halatang hinuhuli nya ko kaya wala akong nagawa kundi impit na mapatili. "Ihhhh!!!! Grabeeee!!! Alam mo ba, di ko alam yung gagawin ko nun. Para ngang nakalimutan kong huminga e. Alam mo yun, parang... parang panaginip lang lahat. Na nasa harap ko sya. Magkaharap kami. Tapos nagkakatinginan kami habang kumakain. ahhhhh!!!" hinampas hampas ko pa sya.
"How do you eat?"
"Ha?"
"I mean like, pano ka sumubo ng food? I bet you eat like a barbarian."
-_-#
"Ang sama mo! Hindi ako barbaric kumain no!"
"Oh really? The last time we ate, you almost finished 3 cups of rice. You talk while your mouth is full and you carelessly leave sauces on you cheeks."
namula ako sa sinabi nito. Hindi ako aware na naalala nito yun. Siya kasi tagapunas ng amos ko sa bibig. haha
"Grabe ka! Huy, pabebe nga ako kumain nun e. 1 cup lang ng rice."
"And I bet you're still hungry after you ate." tinaasan ako nito ng kilay.
"Hmmm.. medyo. Pero okay naman na kasi at least nakausap ko sya. Tsaka pag dinamihan ko ang kain, baka maturn-off yun sakin. Syempre, pa-good shot muna." ginalaw galaw ko pa yung kilay ko.
"Then you're not being true to him. If you want a guy to like you, you should be yourself. You surely don't want him to fall for a fake 'ikaw' right?" napapout ako sa sinabi niya. May point sya oo, pero kasiiiiiii....
"Oo naman. Kaya lang syempre alangan naman gawin ko yun edi una palang bad impression na ko diba." inirapan ako nito.
"But you do everytime you're with me. What's the difference then? The moment I saw how you eat, I really find it cute. You know, you look like a squirrel shoving nuts on its mouth like you'd run out of it." pinalobo nito ang pisngi na parang ginagaya yung itsura ng squirrel kapag punung-puno yung bibig nito.
-_-#
'Sabihin nyo nga sakin kung bakit ko to naging kaibigan?'
"Ah! Or chipmunk? Diba?!" dagdag pa nito. "Which reminds me," nilagay nito ang hintuturo sa baba na parang nag-iisip ng malalim. "you somehow resemble simon from that chimpunk movie. Ah no! The girl version of that!"
(︶︹︺#)ง
Sa inis ko, sinuntok ko sya sa pisngi.
"Ouch! Damn that hurts!" reklamo nito habang hinihimas ang pisngi. "Just what is your fist made of? Iron bars? Dang! And you call yourself a woman?"
"Shatap!" umuusok ang ilong na nilayasan ko sya. Bahala sya jan.
-------
"Hi!" napalingon ako sa nagsalita.
S-si... Jared!
*thump thump
→_→
←_←
"Ako?" turo ko sa sarili ko. Shit! Nakakahiya mukha akong shunga!
*chuckle
"You're cute." komento nito.
"Ha? A-ako?" Ako? Cute?!
Ngumiti lang ito at pumulot din ng mga bola na ginamit namin sa PE namin kanina. Volleyball ang tinuro samin ni coach Gomez at dahil ako ang dakilang nerd sa university, ako ang nakita ng magaling naming prof para mamulot ng mga ginamit naming bola.
"Here. This is the last one. Tara?" ito na ang nagtulak ng lalagyan.
"Ah... Salamat." nahihiyang sabi ko dito.
-----
Pagkatapos namin ibalik yung mga bola sa storage room, biglang namatay ang ilaw. Parehas kaming natigilan.
"Fck!" narinig kong sabi ni Jared.
Napaka-cliche man pero hiniling ko na sana ma-lock kami dito tapos magdamag kaming maiiwan tapos magtatabi kami sa isang sulok kasi kaming dalawa lang tapos magkukwentuhan kami tapos magiging magkaibigan na kami paglabas kinabukasan. Hayy...
Pero dahil maganda nag facilities ng school, salamat sa major sponsors, ayun, nakalabas kami ng maayos. tsk!
Sabay kaming nag-tap ng ID sa exit. Pero hindi pa kami nakakalayo ay rinig na rinig na namin ang lakas ng ulan.
'Kung minamalas ka nga naman! Bakit naman ngayon pa na wala akong payong na dala? Ihinampas ko pa naman yun sa salbaheng pusa ni aling Koring kahapon kasi ninakaw yung isdang iniwan ko lang saglit sa lamesa para kumuha ng kanin sa kaldero. Tsk. Ano pa bang i-eekspek ko sa tig-50 na payong sa palengke? Ni hindi ko man lang napuruhan yung matabang pusa na yun!'
'Wala na rin akong pera pambayad man lang ng special sa tricycle. Tsk! Plano ko pa namang maglakad na lang sana ngayon.'
"Mukhang hindi pa huhupa ang ulan. May bagyo ata. Want a ride home?"
andito pa pala tong kasama ko. Kala ko umalis na.
Mabilis akong umiling.
"Nako wag na! M-makakaabala pa ko sayo. A-Ano... Aantayin ko na lang humupa ang ulan!"
"Come on! Tara na!" hinila ako nito at isinukob kaming dalawa sa varsity jacket nya. Patakbo naming tinungo ang sasakyan nya sa parking.
*gulp
*thump thump
'Tadhana naman o! Napaka-unpredictable mo talaga. I love you na!!!!!'
-------
Tatlong linggo ang lumipas mula nang ihatid ako ni Jared sa bahay at matapos nun, ewan ko ba. Parang may nag-iba na. Parang normal na sa kanya na batiin ako tuwing nagkakasalubong kami sa hallway. At minsan sumasabay siya sa amin ni Sean sa Caf. Hindi sa nagrereklamo ako ah. Masayang masaya nga ako e.
Pero kasi, nakakahiya na. Pano, hindi man sabihin ng iba, alam kong nagtataka sila kung pano kami naging malapit ni Jared. Kay Sean pa nga lang nagtataka na sila kung bakit sakin sumasabay e. Kaya nakakahiyang madawit sa chismis si Jared sa isang kagaya ko.
At ngayon, mas malala ang makukuha kong discrimination panigurado dahil kasabay lang naman namin ang buong barkada nila. Ramdam ko ang mga nanlilisik na mga mata ng mga babaeng umaaligid sa mga gwapong nilalang na kasama ko.
Gayun pa man, hindi ko pa rin maitanggi na paminsan ay lihim kong sinusulyapan si Jared.
'Grabe, pati sa paghigop nya ng sabaw lumalabas ang dimples nya sa pisngi.'
"Poor guy, he doesn't have any idea that a girl from the amazon is after him." bulong nitong hinayupak kong 'friend'.
Sinamaan ko ito ng tingin pero imbis na tumigil, bumulong pa ulit.
"Kung ice cream lang sya, I bet natunaw na sya kanina pa."
i bet pakbet! urghhh...Bwiset!
At dahil napakadaldal nitong impaktong to, papatayin ko lahat ng kuko nya sa paa.
"Ouch!!!" natuhod nya pa yung lamesa namin kaya mejo umangat ito.
"You okay pare?" tanong agad ni Enzo.
"ughh.. not the slightest bit. This 'amazona' just stepped on my foot." tinuro pa ko nito. Damuhong to! Ni hindi man lang magsinungaling!
"Ay, naapakan kita? Sorry friendship!" maang-maangan ko. "Mejo makapal kasi ang swelas nitong rubbershoes ko kaya di ko ramdam. Masakit ba masyado?" sarcastic ko pang dagdag.
"Hell yeah! Damn, it feels like my toenails are gonna be dead any minute now." saad pa nito.
Sinamaan namin ng tingin ang isa't isa.
"Hahahaha!" narinig kong tawa ni Enzo at Gavin.
"Nakakatuwa kayong panoorin!"
sabi ni Gavin.
"Oo nga! Para kayong aso't pusa." si Enzo.
"Sure kayong di nyo type ang isa't isa?"
si Meiko.
"No way!" "Hindi no!" sabay naming sabi.
"Hahaha ang cute nyo! Bagay kayong dalawa." sabi pa ni Gavin.
*ehem
"Uhh.." lahat kami napatingin kay Jared. "This saturday is my upcoming birthday. I hope you two can come."
*singhap
'Oo nga pala! 21 na sya. Pero ano ulit yun? Iniimbitahan nya ako? kami?'
"You're inviting us?" paninigurado ni Sean.
"Yes. And i hope you two can make it. Maliit na salu-salo lang sa bahay namin." sagot nito pero sakin nakatingin. "So, can I count you in?"
"Ah, oo! Oo naman!" agad kong sagot.
"And there she goes." pabulong na sabi nitong katabi ko pero wa na kong pake dahil super excited ako!
------
"Why the long face? You look like a horse you know." sinamaan ko ng tingin tong pesteng 'friend' ko.
Aba't palagi akong kinukumpara sa hayop. Pero di ako nagkumento pa at inirapan lang ito.
*buntong hininga
"Can you stop sighing? It makes you sound like a horse even more." hahampasin ko na sana ito ng harbound kong libro nang dumaan ang discipline officer namin.
Tatawa-tawa naman ang lalaking to dahil tiklop agad ako. Buset!
"So, what is your problem? Care to tell me now?"
*hayyy
"Eh pano kasi, sa isang araw na yung birthday ni Jared."
"So?"
"Wala akong maayos na damit! Okay lang sana kung bastang pagbisita lang e. Kaya lang cocktail party pala yun with buffet kineme. Huhuhu"
Tinulak ako nito sa noo gamit ang hintuturo.
"You dimwit. What kind of brain do you have? Ano pa't I am your bestfriend?"
"Ihhh.. nakakahiya naman kasi sayo. Major sponsor na nga kita sa lunch, pati ba naman damit? Atsaka ang pangit namang tingnan na lalaki pa ang fairygodmother ko no!"
"What are you? Si Cinderella? Goodness! You don't even look like her so stop dreaming. I ain't gonna be your fairygodmother." napangiwi ako sa sinabi nito. Napakaharsh ha!
"Oo na! Oo na! Pangit na kung pangit! Bwisit!" sagot ko dito para matapos na. "Pero di nga? Sponsoran mo yung damit ko?"
"As if I can withstand your sad face."
"Ha?" ang hina kasi ng sabi nito.
"I said, Oo na nga. Just how many times do I have to repeat myself?"
"Ahhhhhh!!!!!" tili ko at niyakap ito.
"Thank you 'friendship'! Hulog ka talaga ng langit, may sungay nga lang pero keri na!"
"Can you stop that? I can't breathe." sabi nito at marahas na pinalis ang yakap ko. "Were you try'na kill me?"
"Huy huy! Di ah!!! Love na love nga kita e."
"Tss"
"Kaya lang..." *pout
"Stop pouting! You look like a squid."
-_-+
'Kakaiba talaga sya magcheer up ng kaibigan ano madlang pipol? Nakaka-energize. Sarap i-flying kick!'
"Friendship," paawa kong sabi pero pwe! Nakakasuka. "Hindi ko alam ang ireregalo sa kanya."
Mukhang natigilan din ito at nag-isip.
"Why not just draw a sketch of him?"
Oo nga no?! Ba't ba di ko naisip yun?!
Sa totoo kasi nyan, kung may pera lang ako at pagkakataon mamili ng kurso, architecture o kaya fine arts ang kukunin kong kurso. Kaya lang kasi, bukod sa wala akong pera, mas in demand ang mga office jobs.
Kaya nga minsan, kapag may drawing assignment sila Sean, inaako ko agad para may mapagpraktisan ako.
"Ang brilliant mo talaga friend!" akmang yayakapin ko ulit ito pero hinarang agad nito ang dalawang kamay sa akin.
"Whoa! Stop right there! I've had enough choking so spare me." pabiro ko na lang itong inirapan.
Arte arte!
------
Sa mansyon ng mga Beaumont, wala akong ibang masabi kundi 'wow' kasi as in super 'wow'!
Ito ba yung sinasabi nyang simpleng salu-salo? Eh para na kong nasa palasyo nito e! Nakakamangha ang bawat madaanan kong palamuti. Naglalakihan ang chandelier at napakalawak ng espasyo.
"Can you close your mouth? Mapapasukan ng fly yan sige ka." ang arte ng fly ha! Kundi lang utang sayo tong damit ko, nako. Hmp!
Inirapan ko ito at tinungga ang laman ng basong hawak ko. Champagne daw to sabi nung waiter kanina.
"Tss." iiling iling na sabi ng katabi ko at umalis na lang. Hindi ko ito sinundan. Sa halip, naglakad-lakad din ako sa kung saan ako dalhin ng paa ko.
Napadpad ako sa isang fountain. Wow! Ang ganda! Nagrereflect yung ilaw ng bwan sa tubig.
Umupo ako doon.
"Sa wakas! Nakaupo din!"
Pinagmasdan ko ang paligid. Sa buong kabahayan, mukhang ito lang ang lugar na tanging hindi kasama sa nilagyan ng dekorasyon. Napakatahimik at kung hindk pa sa liwanag ng bwan at ilang ilaw sa poste ay maaaring madilim rin.
Tahimik akong nagmumuni-muni nang makarinig ako ng kaluskos.
*gulp
Dahan-dahan akong tumingin sa kaliwa't kanan ko pero wala akong nakitang kahit na sino.
Huhuhu
*gulp
Tumayo ako at unti unting umikot papunta sa kabilang bahagi ng fountain nang mamataan kong may tao roon at nakalingon sa akin!!!!
"Ah!" gulat kong tili.
"J..ja...jared??" lumapit ako ng tuluyan dito at di nga ako nagkamali. Si Jared nga!
Pero bakit andito sya?
"Bakit andito ka? Di ba dapat andun ka sa loob." sabi ko dito.
"*sigh. I just want to be alone for a moment."
"Ganun ba? Nako sorru. Sige balik na lang-"
"Hey!" hinawakan ako nito sa braso at pinaupo sa tabi nito. "just... stay with me for a little bit."
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Ang saya ko! Mejo awkward pero, ihhh!!! Kinikilig ako.
"What's that?"
"Ha?"
"Ano yang hawak mo?" napatingin ako sa lap ko at... oo nga pala! Nakalimutan kong ibigay.
"Ay, ito pala! Happy Birthday!"
inabot ko dito ang regalo ko. Agad naman nitong binuksan.
"Wow! You sure are talented! I love this. Thank you!" niyakap ako nito.
'emerged! emerged!'
Inilayo nito ang katawan sa akin ng mga isang dangkal.
"Thank you." nginitian ko ito at nagwelcome.
Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin. Sa halip, para bang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko.
"You look beautiful." sabi nito bigla.
*singhap
⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄
"I...I like you Lira." dahan dahan nitong inilapit ang mukha sa akin.
"Can I kiss you?" wala sa sariling napatango ako. Dahil sa mga oras na yun, tila ba nahipnotismo na ako sa mga mata nya.
Nang unti-unti itong lumapit pa, napapikit na ako. At doon, saksi ang malaking bwan at mga bituwin, hinalikan ako ng lalaking matagal ko nang itinatangi.
Itutuloy...