Darling

ting!

Hinatak na naman niya ako palabas ng elevator pero hanggang ngayon, nakatingin pa rin ako sa lalakeng nanghila sakin kanina.. siya? Bat siya ginagalang dito? Pati yung office niya nasa pinaka tuktok at walang ibang pintong makikita kundi yung kanya lang.. slow ba ko o ayaw ko lang paniwalaan?

"Stop staring, you look stupid tsk"

Napaiwas ako ng wala sa oras ng sinabi niya yun aba at ano daw? Stupid? Ako?! Okay wala akong karapatan magalit kasi 50% true naman hehe kaya di ko na lang siya pinansin, if I know nagpapapansin lang sakin tong matabang lalakeng to eh

"Pano naman kasi aba ikaw na na mukhang mama sa kanto ang CEO dito? Ha-ha kalokohan talaga tong naiisip ko" dinadaan ko na lang sa pilit kong tawa dahil sa sobrang gulat, nalaman kong siya yung CEO dahil nakalagay sa name plate sa table niya

Prente lang siyang nakaupo sa office chair at tinitignan lang ako ng taimtim, na conscious tuloy ako at napairap ng wala sa oras, nakita ko namang tinaas niya yung dalawa niyang paa sa ibabaw ng table habang nakalagay sa baba niya yung kanan niyang kamay, yuck mukha siyang manyak

"So Ms. whoever you are, tell me about yourself. Hindi naman pwedeng i-hire na lang kita basta basta di ba? Be professional at wag kang mag asal kalye tss. Go on." sabay ngisi ng baboy na to, aba ang kapal naman pala talaga ng taba niya akala mo kung sinong makapangyarihan.. erase erase erase, mayaman nga pala siya. Tell me about myself pang nalalaman if I know gusto niya lang akong makilala hhihi

Huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos, tinignan ko siya ng diretso sa mata at nag simula nang may ngiti sa labi..

"Good morning Sir, Loren Salvador is my name and I am.." naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat

"21 years of age who graduated in San Beda College taking Bachelor of Science Business Administration Major in Marketing. You have 3 siblings in Davao under the care of your mother and father who's job is dependent. You are hard working of course, friendly and loyal according to your ex co-workers, hmm.. your family is also in debt, I don't wanna say the amount because it was really high in a low class like you"

Nakatingin lang siya sa papel na hawak niya habang sinasabi niya ang mga bagay na yun, teka anong sinabi niya? Low class kami?! Nakakainsulto ahh, breath in breath out, patience you need patience Loren, be professional whoo. Pero hanggang ngayon nakatulala lang ako sa kanya sa sobrang gulat, pinaimbestigahan niya ba kami? Pero may isang bagay siyang di nabanggit, ang sideline ko bilang

"Waitress in a bar" sh*t! Pati ba naman yun nalaman niya?! huhu pero wala namang masama sa trabaho ko kaya di ko ikakahiya kahit na alam na niya.

"Thank you for your effort sir, am I hired?" pasimpleng sarcastic kong sinabi, mukhang di naman niya nahalata dahil ngumisi lang siya at umaktong nag iisip

"I'll think about it, you graduated in a private and known school in College but your living is low. Something's not right" parang nang aasar niya pang sabi, aba di niya alam na working student ako simula highschool hanggang college pero ilang parte ng kwento ng buhay ko alam na niya? tss

"Okay sir, I am willing to wait for your decision. Thank you and have a nice day"

Tumalikod na ko upang lumabas ng pinto, hawak ko pa lang ang seradura ng pinto ng may humawak sa braso ko.

"Where do you think you're going? I didn't ask you to leave yet darling" bulong niya sa tainga ko na naging dahilan ng pagtaas ng buhok ko sa katawan. Oh God, what to do?!