Calling Card

Nakatulala lang ako habang nakahiga sa kama ko, alas onse na ng gabi pero di pa rin ako makatulog. Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa bar. Mariin ko na namang tinignan ang calling card na binigay niya sakin kanina.. Joshua Mclain Lauengco

"Aaaaahh!! Di ko na alam gagawin ko"

Ginulo gulo ko na ang buhok ko sa sobrang frustration, hanggang ngayon malinaw pa rin sa utak ko yung nangyari sa bar. Alam kong di niya ko namumukhaan pero sa pangyayaring yun sobrang pangit na ng image niya sakin, pero ngayon.. there is something sa pagkatao niya na hindi niya pinapakita basta basta.

Riiing! Riiing!

(Nanay calling..)

"Hello ma! Napatawag po kayo? Anong oras na po ahh, dapat nagpapahinga na kayo"

Ang haba ng pag bati ko sa nanay ko eh noh? namimiss ko na kasi siya eh huhu :(

"Ahh anak pasensya na sa istorbo ahh, kasi.. ano.."

"Pera po ba nay? Magkano po ba?" pilit kong pinasigla ang boses ko para mawala ang hiyang nararamdaman ng nanay ko, willing naman akong tumulong hanggat sa makakaya ko lalo na at matanda na sila ni tatay.

"Ma-raming salamat ang may anak kaming kagaya mo" napansin kong umiiyak sa kabilang linya si nanay kaya naman tumawa lang ako at nagpasalamat para kahit papaano ay mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya, alam kong hirap na hirap na rin sila sa pagkakayod para mapag aral ang tatlo ko pang kapatid.

Hay.. maoobliga yata akong tanggapin ang alok na trabaho ni Joshua kahit wala pa kong ideya kung ano ang papasukin ko.

Diyos ko, tulungan niyo po ako sa hakbang gagawin ko. Wag niyo po sana akong pabayaan pati na rin ang aking pamilya. Maraming salamat po. Amen

"Manong dito na lang po, ito po bayad ko. Salamat!"

Grabe ang laki naman ng building na to, dito ba nag tatrabaho yung tabachoy na yun? Siguro office worker siya kaya siya lumobo ng ganun HAHA

"Ahh miss anong sadya niyo dito?"

Aba di pa nga ko nakaka isang hakbang sa loob hinarang na agad ako nitong guard na panot tss sobra namang higpit ng may ari nito

"Kuya pinapapunta kasi ako ni Joshua dito, ito nga po yung calling card na binigay niya sakin kahapon oh" sabay pakita ng kapirasong papel sakanya

"Alam mo miss marami ng gumawa ng ganyang stilo niyong mga babae ni Sir, nag sasayang pa kayo ng panahon para magpaggawa ng ganyan sa Recto eh ni posisyon nga ni Sir Lauengco dito sa Kompanya eh di nakalagay dyan eh hahaha hay nako kayo talaga, oh siya sige na umuwi ka na sa inyo"

Hanep tong panot na to ahh, mukha ba kong nag sisinungaling? at ano daw? Mga babae ng Sir nila? Aba sa itsura ng matabang lalake na yon? Sabagay may pera naman siguro kahit papaano bilang taga type ng dokumento dito HAHAHA ang sama ko na sakanya, siya pala tutulong sakin, behave na Loren.

"For your information, pwet mong may lotion panot na guard with matching mabantot na hininga.."

Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng may humila sa braso ko papasok sa building na nasa harap ko, wow ang ganda naman dito sa loob halatang mamahalin at pinaggastusan talaga ang pagpapaayos dito. Sarap siguro mag trabaho dito hihii

Oh bat ako niyuyukuan ng mga tao dito? Tsaka sir daw eh ma'am ako HAHAHAHA!