Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng opisina ni Sir Ryan at pumasok na ko ng marinig ko ang pahintulot niya. Kinakabahan ako ngunit kailangan ko talaga ang trabahong to, kaya sana pagbigyan pa ko ni Boss huhu.
"Ahh.. uhm Sir Ryan-"
"There is no chance for you to continue working here, you may go now."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa masakit na katotohanang sinabi sakin ng boss ko.. gusto ko pa sanang lumaban pero mukhang seryoso siya sa sinabi niya kaya naman tumalikod na ko at dahan dahang naglakad palabas. Tumulo ang luha ko ng maisara ko na ang pinto. Masakit, sobrang sakit..
"Oh Loren bakit ka umiiyak?" alalang tanong ng isa kong katrabaho dito na si Sam
"Ahh wala ano.. uhm punta lang ako sa baba may sasabihin lang ako sa iba nating katrabaho" pamamaalam ko kay Sam, nagpatuloy na ko sa pag lalakad ng tumango ito.
Nakakahiya dahil baka maistorbo ko sila, may mga customers pa naman ngayon hay..
Una kong nilapitan si Mitch, nakatayo lang siya at nag hihintay na may tumawag para umorder. Nakayuko akong papalapit sakanya ng bigla akong may nabangga..
"Ayy paalam na Mitch!" sa gulat ko ay nasambit ko ang dapat na sasabihin ko kay Mitch. Napatingin ako sa dako ng katrabaho ko at nag tataka itong tumingin sakin, hay nako naman oh.. nawala sa isip ko ang naka bunggo ko at naalala ko lang nung naramdaman kong basang basa ako.
"Ohh sheez.." sa sobrang lamig ng binuhos sakin ng impaktang nasa harap ko ngayon ay di ako agad naka react aba ang kapal naman ng mukha ng babaeng to.
"Hoy miss! At anong karapatan mo para buhusan ako ng tubig ha?! ha?!" sa inis ko ay pabalang akong nag salita sakanya aba akala niya kung sino siyang maganda, mukha namang pok pok na ewan tsk.
"Ang kapal naman ng mukha mo sumagot sa customer mong katulong ka! Akala mo kung sino, bakit? Anong pakialam mo kung gusto kitang paliguan eh mukha kang dugyot!! Where's your manager? Di nila kailangan ng katulad mo dito, walang modo."
Sabay sampal sakin ng malakas sa magkabilang pisngi ko. Aww shit ang sakit nun ahh, namanhid buong mukha ko sa ginawa niya.. naalala ko bigla na tinanggal na pala ako sa trabaho kaya naman walang takot na sinapak ko siya sa mukha, you read it right.. sapak. Huh akala niya siya lang may kakayahang manakit ahh tss.
"Aaaahh my nose, my nose is bleeding. Baby Joshy come here, I need your help huhu call their manager and make sure that stupid girl will be out of this restaurant huhu"
"Tss tanggal na ko kanina lang kaya wag kang mag alala" bulong ko sa sarili ko bago tumalikod at tumulo ang luha dahil sa lungkot na nararamdaman.
"Hay, Lord tulungan mo po akong makahanap agad ng mapag kikitaan. Wag niyo po sanang pabayaang mamatay kami sa hirap ng pamilya ko, kailangan po nila ako." mahinang anas ko sa sarili habang paakyat ng hagdan.
Papasok na ko sa kwarto para makapag ayos na ng gamit ng biglang may nag salita sa likod ko.
"I can help you to have a job right away miss"