You're Fired

Sobrang nakakapagod tong araw na to. Pagkatapos akong ihatid ni Joseph sa apartment na tinutuluyan ko dito sa Makati ay dumiretso agad ako sa banyo para maligo at ngayon nakahiga na ko, bumalik na naman sa isipan ko yung nangyari kanina..

"Pwede kang sumama para anim na kayo"

Oh shit! Narinig niya yung sinabi ko? Grabe naman yung tainga niya sa sobrang talas. Poise Trisha, poise poise..

Dahan dahan akong humarap sakanya kahit na sa kaloob looban ko ay nararamdaman ko yung sobrang pagkapahiya pero ang kapal naman ng mukha niya para idamay ako, di ako kagaya ng mga babae niya noh tsk.

"Excuse me sir?" magalang kong tanong kahit na medyo nainis ako sa sinabi niya

"Ang sabi ko pwede kang sumama sa limang to para anim na kayong mapapaligaya ko" mayabang na saad niya sabay ngisi.

Nakakaasar yung ngisi niya putik wala man lang akong nakitang ka cute-an sa pag mumukha niya tsk! Kasuya.

"Sakto na yang lima sir, panigurado namang pera kailangan nila hindi tawag ng libog mo! If I know.. baka nga hanggang dalawa lang siguro kakayanin mo sa taba mong yan, bye sir. Have a good night!"

Whoo! Akala niya di ko siya papatulan ahh, pasalamat siya yun lang natanggap niya aba nakapag pigil pa ko ng mga 1% nyan tss..

Ayoko na mainis kaya naman natulog na lang ako, madaling araw na rin pala..

Kriiiiiing!!!

Nako nako nako, anong oras na?! Late na ko sa trabaho kooooo shemay naman oh.

Umaga na naman pala, balik na ko sa pagiging Loren na namamasukan bilang waitress din sa isang sikat na restaurant naman.

Time check: 8:50am

Late na ko ng 20 mins kaya naman nag madali na kong kumilos. Nak ng tokwa naman oh, kung kailan mag mamadali at tsaka traffic.. kapag minamalas ka nga naman oh hay.

10am na ko nakarating sa pinapasukan kong restaurant at saktong nandun yung boss namin sa bar counter at kinakausap yung mga katrabaho ko. Kinakabahan ako habang papalapit ako sakanila lalo na nung tumingin sakin si Boss.

Shet shet galit yata si boss.

"Good morning po boss Ryan!" with matching wide smile ko pa, sana di mahalatang pilit

"Good morning Loren, you're fired!"

"Sir.. ano.. uhm.. ba-kit po? Maayos naman po yung-"

Naputol ang sasabihin ko ng mag simula na siyang mag lakad palayo. Ano na gagawin ko? Pero nagkaroon ako ng pag asa ng makita ko yung ngisi ni boss ng saglit niya kong tinignan. Di ko alam kung masama o mabuti ba balak niya pero kailangan ko pa ring subukan kaya naman dali dali ko siyang sinundan sa kaniyang opisina.