Loren a.k.a Trisha

"Dalian mo Trisha, marami ng customer sa labas!"

"Opo sir, bibilisan ko na po."

Hay, napakahirap ng walang pera. Tunay nga naman na kakapit ka talaga sa patalim kahit gaano kataas ang dignidad mo sa sarili. Ito ako, Loren sa umaga at Trisha naman kapag lumubog na yung araw.. at dahil 8 na ng gabi, oras na para mag lagay ng makapal na make up sa mukha, mag suot ng maikli at hapit na damit at habaan ang pasensya sa mga manyakis at bastos na mayayamang lalake sa bar na pinag tatrabahuhan ko, mag iisang taon na ko dito kaya sanayan na lang.

Pagkatapos kong mag ayos, humarap ako sa full length na salamin at pabulong na binigyang lakas ng loob ang sarili ko.

"Kaya mo to Loren a.k.a Trisha, go go go! Para sa pamilya mong ikaw lang ang maaasahan!" sabay salubong ko sa malakas na ingay ng musika at amoy ng pinag halong sigarilyo at alak ng mga tao.

"Uy Trisha! Kanina ka pa hinihintay nung regular mong customer, mukhang inip na inip na dahil naka sibangot yung mukha hahaha! Infairness ang cutie talaga nun yiee"

Pabulong na sinabihan ako ng kaibigan kong si Denise o Den den kapag nandito kami sa trabaho. Siya yung tumulong sakin na makapasok dito sa bar at malaki ang utang na loob ko sakanya dahil sa mga tulong na naibigay niya sakin.

"Ahh kung gusto mo sayo na lang yun, alam ko namang matagal mo ng pinag nanasaan yun eh. Ikaw talaga Den den oh" sabay tusok ko sa tagiliran niya.

"Enebe Trisha, puntahan mo na yun at baka di ko mapigilan ihain sarili ko" sabay tulak tulak sakin ng mahina para puntahan ang customer na tinutukoy niya.

"Oo na sige na, ito na nga oh. Una na ko ahh, good luck satin!" huli kong sinabi bago dumeretso sa pinaka dulong couch kung saan nag hihintay sakin si..

"Joseph! Kamusta? Kanina ka pa raw dito?" Unang pag bati ko sa matalik kong kaibigan, mukhang inis na nga dahil nakakunot yung noo niya kaya di ko napigilang matawa ng mahina.

"Oh tatawa tawa ka pa dyan, tinatanong mo pa eh alam mo namang kanina pa kong nag hihintay sayo dito." sabay pout niya sa harap ko kaya naman mariin kong kinurot ang pisngi niya sabay sabing

"Eh sinabi ko na naman sayo na safe naman ako dito sa trabaho ko kaya di mo na ko kailangang bantayan araw araw"

"aruy baby Lo mashakit tama na.. aww"

Nag kulitan pa kami saglit tapos nag focus na ko sa trabaho. Madalas ko makitang pinag mamasdan lang ako ni Joseph, alam kong binabantayan niya ako at laking pasalamat ko dahil nandyan siya lagi para sakin.

Nilapag ko ang bote ng alak sa isang lamesa kung saan may isang lalakeng chubby pero pinapaligiran ng 5 babae.

"Kaya niyang pag sabay sabayin yang limang babae? Aba ang tibay" bulong ko sa sarili ng tumalikod na ako para pag silbihan yung iba pang customer.

"Pwede kang sumama para anim na kayo"