Chapter 1 The perfectionist

Chapter 1

Mabilis akong tumakbo sa kusina habang sinusubukan kong isoot ang isa po pang sapatos at saka kinuha ang lunch box ko at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng kotse ko. Inutusan ko ang driver ko na bilisan niya ang pag mamaneho dahil sa 5 minutes na akong late. Nakakainis dapat talaga hindi na ako nag lalaro ng video games evey Sunday nights, nagmamadali tuloy ako ngayon. Habang nasa byahe ay sinuklayan ko na ang bohok at baka mapag kamalan pang nakipag sabunutan ako sa kung sino lang.

Pag dating ko sa building ko ay agad agad na akong tumakbo sa hagdanan. Ngayon palang hinihiling ko na nasa first floor lang ang room ko at hindi sa 4th floor. Pagdating ko sa tapat ng pinto ay huminga na muna ako ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses at saka ako pinag buksan ng teacher ko. Agad akong nag sorry dahil sa late ako. PAg dating ko sa upuan ko ay may nakaupo sa tabi ko. Tumingin ako sa teacher at saka niya ako nginitian.

"He is your new classmate, since wala naman na siyang mauupuan dito…" napatigil sa pag papaliwanag ang teacher ko ng biglang nagsalita ang lalaking nakaupo sa tabi ko

"Miss, can I change my seat? I don't want to have a seatmate who cant tie her ribbon"

Agad akong napatingin sa ribbon necktie ko, at doon ko lang din napansin na mas malaki yung sa kaliwa kaysa sa kanan

"I don't want to be his seatmate, wala akong panahon para sa mga taong perfectionist

"Sorry Ms Chavez and Mr Gonzalez but I cant grand your request. Mas lalo na at may dadating na bisita sa school natin." sabi ni teacher namin

Magrereklamo pa sana ako kaso nilakihan niya na ako ng mata. Tsk kung hindi lang ako nalate ngayon ipaglalaban ko talagang hindi makatabi tong lalaking to eh.

Nagtitigan kaming dalawa at saka ko siya inirapan bago ako umupo.

"Pero hindi naman siguyrong masama kung makikpag palitan ako ng upuan sa babaeng nasalikod ko?" sabi niya

Tinignan ko si Ashley ang Class president namin, hmm… mas ok naman siyang katabi kaysa sa lalaking to

"Will that be ok with you MS Perez?" Tanong ng teacher namin at tumango naman si Ashley kaya ngayon ay kami ng dalawa ang mag katabi at yung lalaking yun ay nasa likod ko.

….

Pag kauwi na pag kauwi ko ay agad kong binaksak ang sarili ko sa higaan ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang mas nakakapagod ngayong araw na to kaysa dati. Napatingin ako sa bookshelf ko. Nakaramdam ako ng pag kakulo ng dugo dahil naalala ko nanaman kung anong nangyari sa school. That guy! Wala na akong narinig sa kanya kundi kung papaano niya itama lahat ng taong nakikitang nagkakamali, kahit yung mga small details na hindi naman talaga kaylangan tunan ng pansin pinapansin niya. Alam kong walang masama sa pag tatama ng mali mo kaso pag sobra na, yung tipong hindi mo na maaappreciate yung ginagawa niya yung tipong ikakairita mo na talaga arrgghh ang sarap niyang iuntog sa pader.

Tumayo ako at saka na sana ako maglalaro para mawala itong stress na nararamdaman ko nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Come in" utos ko at saka pumasok sa kwarto ko ang personal maid ko na si Anna. Inilapag niya ang pagkain ko at saka inabot saakin ang isang sulat.

Binuksan ko iyon at napabuntong hininga dahil mag kakaron nanaman ng isang walang kakwenta kwentang family reunion. Sa totoo lang hindi ako pupunta diyan kung hindi lang si lola ang gumawa ng mga imbitasyon haist.

"Maghanda ka na ng sosootin ko at bigyan mo ako ng information tungkol sa mga nangyayari sa kanilang lahat" utos ko sa kanya at saka siya nag bow saakin at saka lumabas ng kwarto. Kumuha ako ng isang libro at nagsimula ng magbasa na sinasabayan ko ng pag kain ko.