Chapter 2
Dalawang linggo nalang at family reunion na namin. NAbasa ko na lahat ng mga walang kakwenta kwentang pinag gagawa nila sa buhay. Kaya ang unang problema ko ay tapos na, ngayon kaylangan ko nalang matutong magluto ng palihim. Dahil panigurado pag kayang gawin ang mga pinsan ko na ipinagyabang nila, paniguradong kukumpisin ng matandang yun ang mga manga books at games ko pag napahiya ko siya.
Hmm… kanino kaya ako pwedeng mag paturo magluto? Napatigil ako sa pag lalakad ng kamita ko ang cooking club. Pwede kaya akong maging temporary member dito?
"Sasali ka po?"Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nakasoot siya ng pink apron at may dala dala siyang isang basket na punong puno ng kamatis.
"OMG!! ikaw po ba si Stella Chavez?" Tanong niya saakin
"Amm, hi?" sabi ko at binigyan ko siya ng awkward smile. Bigla niya akong hinila papasok sa loob ng kwarto at inalok niya ako ng upuan at mabilis siyang kumuna ng tsaa at cake. Pag katpos niyang ilagay yun sa harapn ko at saka siya upumo sa harapan ko
Nakangiti siya saakin at halata sa kanyang mata na sobrang excited siya. Uminow ako ng tsaa at sinubukan kong hindi makipag eye contact sa kanya.
"Gusto mong sumali saaamin?by the way ako nga pala si Misaki pero pwede mo akong tawaging Aki" Masaya niyang tanong
"Well Aki ganito kasi yun…" Ipinaliwanag ko sa kanya ng sitwasyon ko pero hinaluan ko parin ng konting kasinungalingan at nang malaman niya yun ang ngiti sa labi niya ay bigla nalang napalitan ng lungkot.
Bumuntong hininga siya at saka sumubo ng cake.
" Madali lang yung request mo, for sure mas mabilis kang matuto pag si Jasper ang nagturo sayo" walang ganang sabi niya.
"May problema bang kinakaharap ang club ninyo?" For unknown reason nagawa ko iyung itanong sa kanya at malungkot niyang ipinaliwanag ang problema ng club nila.
"May isang linggo nalang kasi kami para makapag hanap ng dalawang member ng club at pag wala kaming nahanap madidisband ang club namin. Dati naman marami ang gsutong sumali sa club namin pero hindi dahil sa gusto nila ang pagluluto kundi dahil sa gusto lang nilang mapalapit kay Jasper, kaya ayun simula noon ang higpit na ni Jasper pag dating sa mga sasali" Malungkot niyang kwento
"Hindi ako pwedeng maging member ng club ninyo pero kaya ko kayong tulungan" Nakangiti kong saad.
At ang lungkot niya ay biglang napalitan ng ngiti.Habang kinukwentuhan ako ni Aki ng mga pangyayari sa club nila ay may biglang dumating na binatilyo. Agad na lumapit doon si Aki at kinuwento niya kung bakit ako nandito. Tinanong niya ako kung anong alam ko sa pagluluto at sinabi ko sa kanya na alam ko lahat ng pangalan ng kitchen utensils.
"hmm… Sa tingin ko matagal pa bago ka matuto sa pagluluto" sabi niya at saka bumuntong hininga.
"Pagluluto ng itlog, kaya mo?" Tanong niya ulit
Tumingin ako sa iba at pinilit na hindi makipag eye contact sa kanya.
"I think it means no, amm pag gagayat?" tanong naman ni Aki at saka ako umiling. Bumuntong hininga silang dalawa
"may certain food ka bang gustong matutunan?" Tanong niya saakin.
"Mga Filipino foods sana, since gustong gusto ni lola ang mga pagkaing pinoy" sabi ko sa kanya.
"Ok, sa tingin ko mas ok na muna kung pag aaralan mo kung papaano mag gayat at kung papaano mag luto ng itlog" Sabi niya at saka ako inabutan ng apron " Oo nga pala, ako nga pala si Jasper" pag papakilala niya at saka niya nilahad ang kamay niya
"Stella" pag papakilala ko at saka naki pag shake hands sa kanya. Sinoot ko ang apron at saka niya pinakita kung papaano mag gayat ng kamatis, sibuyas at bawang at siya siya ng biyak ng itlog, nilagyan niya yun ng pampalasa at saka niya ginisa ang sibuyas at kamatis at siya nilagay ang itlog sa kawali. Kumuha naman siya ng malamig na kanin at saka niya na muna ginisa ang bawang at saka niya nilagay ang kanin at nag lagay ng pampalasa doon.
Nag simula na siyang mag plating at kahit itlog at sinangang lang yun ang ganda tignan.
"Filipinoes breakfast yan" sabi niya at saka ako tumango
" wala na ba tayong dried fish?" tanong ni aki
"Oo, inubos mo na kaninang umaga eh"
Tinikman ko yung pag kain at masasabi kong napasarap talaga niya.
"So gusto mo ng simulan?" Tanong niya at tumango naman ako.
Nag simula na akong mag gayat at…
"Well atleast creative siyang mag gayat"Sabi ni Aki habang tinitignan ang mga gayat ko
"Uulitin ko ba?"
"NO, ok lang yan" sabi ni Jasper at saka ako nabutan ng dalawang itlog. Dahan dahan ko iyong krinack, sa una ay nabasag ko ang egg yolk at sa pangalawa naman ay nasama ko ang egg shell. Tinignan ko sila at binigyan lang nila ako kaya-mo-yan-look. GInawa ko na lahat ng dapat kong gawin.
SInerve ko na yun sa kanilang dalawa at masasabi kong… ginawa ko lahat ng makakaya ko para sa pag kain nayun. Tinikman nila yun at ilang minuto na ang nakalipas wala parin silang sinasabi kaya tumikim na ako at pag katikim ay agad agad akong nagpunta sa lababo bara idura ang pag kain na niluto ko.
ANG ALAT!!!
Lumapit saakin si Aki at sinusubukan niya akong icheer up.
"Dont worry ganto rin naman ako mag luto dati at pinapangako kong matutuwa ang lola mo sa luto mo" sabi ni Jasper at saka niya na muna ako pinauwi at bukas daw ay pumunta ulit ako doon para maturuan niya ako.
Sa totoo lang tingin ko naman mabait siya kaya siguro maraming babae ang gustong mapalapit sa kanya dahil sa gwapo na nga siya, mabait at masarap pang mag luto. Di tulad nung Gonzalez na yun gwapo ang pangit naman ng ugali kaya kung may mag kakacrush man sa kanya nawawala rin dahil sa sobrang harsh niyang mag salita, pero hayaan na natin siya may problema pa akong dapat solusyunan. Kaylangan kong pumunta sa cookery building para malaman kung sino sa kanila ang interesadong sumali sa cooking club.