Chapter 3 long day
"Hindi mali yung pag hawak mo ng kutsiyo"
"Padice lang yung cut"
"Wag mong lakasan yung pag halo matatlsikan ka ng mantika"
"Sige ilagay mo, wag kang matakot"
"Sobra sa toyo, lagyan mo ng tubig para mabasawan yung alat"
"Konti lang yung ilalagay mong pampalasa"
Clang!
Bougshh!!
"Sorry" nayuko kong sabi habang umiikot sa sahig ang kaldero na nahulog ko
"Nah! Ok lang yan" nakangiting sabi ni Jasper at saka niya pinulot ang kaldero, agad naman akong kumuha ng basahan at saka siya tinulungan na linisin ang kalat na ginawa ko.
Sa totoo lang sa loob ng dalawang araw na pag tuturo niya saakin hindi lang ang pag luluto ang nasubukan kong gawin, naranasan ko naring mag hugas ng pinggan at mag linis ng sarili kong kalat. Sa totoo lang sa buong buhay ko ngayon ko pa lamang naranasan ang gawin ang mga ganiting bagay. Mas nakasanay ko na rin kasing may ibang taong gagawa nun para saaakin.
"Oo nga pala, bakit wala ngayon si Aki?"
"Ang sabi niya may practice raw sila ngayon para sa role playing nila"
"Ahh, Jasper pwedeng malaman kung ano yung requirements para makasali sa club ninyo?"
"bakit? Gusto mong sumali?" Tanong niya
Umiling ako saka sinagot ang tanong niya
"Hindi naman, curious lang"
"Hmm… simple lang naman eh, kung mapapatunayan mo lang na mahal mo yung pagluluto o di kaya desidido kang matuto, bakit hindi diba?" Sabi niya
"Tingin mo, magagawa ko kayang makapag luto ng maayos?" Tanong ko sa kanya
"Oo naman, mas lalo na at desidido kang matuto magagawa mo rin ng tama ang lahat. Huwag kang mag alala lahat naman nag simula sa ganyan" Sabi niya at saka siya ngumiti saakin
Haist bakit ang bait niya?
Pag katapos na pag katapos ng pag tuturo niya ay agad akong nag punta sa ssg office. Kumatok ako at nang makarinig ako ng sign na pwede akong pumasok ay pumasok na ako.
"Wow! it was very unsual to see you Ms.Chavez, have a seat" sabi niya
"Thank you Mr.President" seryoso kong sabi at saka umupo
" So how may I help you? Your magesty"
"How sarcastic"
Lumapit saamin ang secretary niya at nag lagay ng tag isang tsaa sa harapan namin.
Ipinaliwanag ko sa kanya na gusto kong bigyan niya pa mas mahabang oras ang cooking club para makahanap ng magiging member nila subalit sinabi niya na hindi niya pupwedeng gawin yon dahil sa may mga ibang club na kakailanganin ng kwarto. Sa dalawang oras na pag uusap namin wala kaming ginawa kundi ang pagtalunan ang bagay na iyon. Natigil lamang ang pag uusap namin dahil sa kaylangan ko nang umuwi dahil kailangan akong kausapin ng babaeng yun. Tsk ano nanaman kayang walang kakwenta kwentang bagay ang gusto niyang pag usapan namin?
Pag uwi ko sa bahay ay napairap nalang ako nag makita ko siyang nakaupo sa paborito kong upuan sa front parlor. Tumayo siya at saka lumapit saakin.
"How's your day sweety?" Nakangiti niyang tanong saka niya hinaplos ng hinaplos ang bohok ko
Lumayo ako sa kanya at saka umupo sa iisa mga mga upuan doon, Kaylangan kong mautusan sila kaagad na palitan ang inupuan ng babaeng yun. Nag cross legs ako at saka siya tinignan.
"What do you want?"
"What kind of attitude is that Stella Chavez? I am your mother so learn how to respect me!" Galit niyang sabi
"my mother? Pardon but the last time I check I don't have one, so if you excuse me I still have something important to do Mrs.Chavez" Sabi ko at saka siya iniwan
"I'm still talking to you young lady!"
Humarap ako sa kanya at saka tinignan siya ng matalim
"If you're worrying about that so called famiy reunion, don't worry Im ready"
Nasa loob na ako na kwarto ko at nakahiga lamang ako habang naka tingin sa kisame. Napaupo ako nang may biglang kumatok sa pintuan ko.
"Come in" Utos ko at saka pumasok si Anna at may dala dala siyang damit.
Nag simula na kaming mag sukat ng mga damit at pakiramdam ko aabutin pa kami ng taon dahil sa dami ng mga damit na dinala ni Anna.
"Masyado po bang mahigppit?" Tanong saakin ni Anna, tumingin ako sa kanya at saka umiling
"Ang sabi nila mabilis ka raw magkakalubot pag palagi kang naka kunot noo" Sabi niya at saka ngumiti
"Anna…" Tawag ko sa kanya, dapat ko bang sabihin sa kanya ang isang bagay na bumabagabag saakin?
"Hmm?"
"Sa tingin mo bakit kaya nila tinawag na family reunion yun eh hindi naman pamilya ang turingan namin sa isa't isa pwera nga lang kay lola"
"My lady…"
"Nah hayaan mo nalang" Tumingin ako sa salamin at tinignan maigi ang violet dress na soot ko
"Eto ang gusto ko at saka nga pala linisin ninyo ang buong front parlor"
"Yes my lady"