Una po sa lahat, huwag po muna nating madaliin ang mga bagay-bagay. Nagpapasalamat po ako sa mga taong nagbuhos ng kahit kaunting panahon sa story ko, appreciated ko po ang oras ninyo.
Meron lang po akong isang bagay na sasabihin sa inyo, at isang tanong na malamang naitanong nyo na sa pagbasa ninyo.
Malamang pilipino lahat ng nagbabasa nito(Malamang lang) kaya itatanong ko lang po. Kumusta po yung story? Maganda ba? Pangit ba? Boring ba? Pangit ba ang lettering? Mali ba mga grammar?
Gusto ko po talaga malaman ang palagay ninyo sa story, kaya pakiusap po ay bigyan nyo po ng review, at bigyan ng star kung gaano nyo ito kagusto.
Hindi ko sinasabi na kailangan i-5 star, ang sinasabi ko lang po ay sana bigyan nyo ng star sa kung ano ang nararamdaman nyo sa story at pakisabi kung anong mali at kung anong maganda, para po ay mapaghusayan.
Kaunting oras lang po ang hinihingi ko para diyan. Kaya sana po ay gawin ninyo.
At malamang maitanong ninyo, bakit 500 words lang kada chapter? Tight po kasi schedule, kaya definitely hindi ko maabot ang 5,000 words per chapter so nakaisip ako ng ideya, 500 words na lang araw-araw, kasama na Sabado at Linggo.
Pero magbibigay ako ng 1,000 words kapag maluwag ang schedule ko. Sana po maintindihan ninyo.
Eh ano na bang nangyayari sa story? Kung binasa ninyo yung nakaraang chapter, nalusutan na ni Clover Maliaford/Martin Hoover yung mga assasin. Kaya nagpapagaling siya sa hospital. Alam ko naman na walang character development yung bida pero gagawan natin ng paraan iyan.
So kaunting pasensya lang po.
Ang susunod na Arc ay pamamagatan na Mystery At Auction Arc. Magsisimula na po ito bukas, Friday, July 5 2019.
Ang Mystery At Auction Arc ay eeksena at iikot sa dalawang bida, si Clover Maliaford/Martin Hoover at si Ruck Voltia(malalaman niyo rin kung sino siya.) Kayo na po bahala kung paano ninyo iinterpret yung Mystery At Auction.
Iyan lang po ang mensahe ko sa inyo.