Our Plan

Habang nasa progreso ang plano ko ay nasa gubat muna ako at naghihintay ng plano.

Baka pagtawanan ninyo ang plano ko dahil napanood ko lang naman sa TV. Pero hindi ako bobo para asahan ang mga assasin na mahulog doon. Kaya inayos ko ng kaunti ang planong ito.

Habang nasa gubat ulit ako, dumating ang isang assasin na may peklat sa kanyang noo. Nakasuot siya ng itim na damit at baril sa kanang braso at kutsilyo sa kaliwang braso. Nakangiti siya sa'kin at nagsabi:

"Clover Maliaford, mamatay ka na! Bitawan mo na ang posisyon mo! Kung hindi ay wala akong ibang pagpipilian kundi barilin ka!"

Sinasabi ba niya na patayin ko ang sarili ko o babarilin niya ako. Hindi ko alam kung babalik ba ako sa dati kong mundo kung mamatay ako. Isa pa... ayoko nang bumalik sa mundo kung saan... isang kayod isang tuka ang buhay ko! Ngayong naranasan ko na ang buhay ng mayaman, sa tingin ninyo bibitiw na lang ako! Hindi man ito Completely Stress-Free, minahal ko na ang mundong ito!

Umiling ako sa sinabi niya bilang reaksiyon at pumitik lang ang bibig niya kumunot ang ulo at sinabi nya sa'kin.

"Ganun ba, sige magkita na lang tayo sa impyerno!"

Pero bago pa niya putukin ang baril ay sumugod ako sa kaniya, hindi niya naputok ang baril pero... nasaksak niya sa'kin ang kutsilyo na nasa kaliwang braso.

Malas niya, gumana ang plano ko! Pagkasaksak ng kutsilyo sa aking tiyan ay biglang tumumba ang puno sa kanyang tabi at nadaganan siya non.

Muntik na rin akong madaganan kung hindi pa ako umatras. Humihina na ang aking paghinga... pero nasa... mainit ako na kung ano. Malapit... na... ba akong... mamatay.

Sinabi... ko sa sarili... ko na hindi... ako mamatay! Pero kung... titingnan mo... ang... ang sarili ko... ay kaawa-awa ako.

Ang laki kong tanga... para isipin na... kung gagawin ko yun katulad... sa pelikula ay... gagana talaga. Iba nga talaga ang realidad at imahinasyon... lang.

May nakikita akong kulay puti sa taas, ito ba ang langit, mukhang hindi na ako nakabalik sa mundo ko. Sana man lang makabalik ako doon kahit 1 oras lang para makita si Christina, pero ganun talaga ang buhay.

Habang humihinga ako ng malalim ay may tumatawag sa'kin. Boses iyon ni Hidan, namatay din ba si Hidan. Pero noong minulat ko ng mabuti ang aking mata ay kisame lang pala ng hospital ang nakikita ko. Dissapointed din ako ah.

Bumangon ako ng kaunti at itinanong kay Hidan kung ilang araw akong natulog. At isinagot niya ito:

"Natulog ka po ng 3 araw, Master Maliaford."

Ganun pala, natulog pala ako ng 3 araw, nagsasalita pa pala si Hidan, nakalimuta ko kaya pinatuloy ko siya:

"Mabuti na lang po at gumana ang plano ninyo."

Oo nga! Yung plano! Kung nagtataka kayo kung ano ang plano ko, ito ang plano ko.

Wala kaming kahit anong uri ng sandata kaya gumamit kami ng puno. Nagsilbi akong decoy sa gitna ng gubat sa loob ng isang oras. Tinakpan ko ang sarili ko ng mga dahon sa loob ng kalahating oras at tinanggal ko ito para sadya nila akong mahanap. Pero ang nakahanap lang sa'kin ay yung assasin na may peklat sa noo.

Malamang iniisip niyo kung anong ginamit naming pamputol ng puno. Ginamit namin yung sasakyan, binunggo namin yung unang puno gamit yung kotse at pag tumumba yung unang puno ay tutumba rin yung pangalawang puno hanggang sa makarating sa kinaroroonan namin. Buti na lang mababa yung pundasyon ng mga puno at madali silang tumumba.

Kailangan ko pa daw magpahinga ng 2 linggo.

Pero naiisip ko minsan ay... kung ako si Clover Maliaford dito, nasaan yung Clover Maliaford na nandito bago ako pumunta dito?

Hindi kaya... Posible nga iyon? Kung ganun nga ang nangyari siya lang ang maasahan ko sa isang bagay.

Ito ang kwento ng buhay ko. Mula sa pagiging alipin ng trabaho ay naging mayaman na tagapamahala ng black market. Pero hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpadala ng mga assasin. Aalalahanin ko na lang yun pag nandiyan na!