Dalawang buwan na ang nakalilipas simula noong nangyari ang engkwentro pero walang lumabas na pulis. Lumalabas na wala silang sinabi may kinalaman sa amin.
Nasasanay na rin ako dito sa mansiyon na ito. Humihilata lang ako dito sa buong mansiyon na ito at walang ginagawang espesyal na karapat-dapat pang baggitin.
Nagtataka na nga ako kung businessman ba talaga ako o hindi eh, kasi ang alam ko sa businessman laging busy eh. Pero hayaan mo na, ang importante hihilata lang ako dito, buong magdamag!
Noong akala ko na makakahilata na ulit ako ay... biglang dumating yung butler na hindi ko pa rin alam ang pangalan kaya i-refer na lang natin siya bilang... ButlerMan!
"So ButlerMan, ano ang kailangan mo?"
Sinabi ko kay ButlerMan ng may ngiti at agad namang sumagot si ButlerMan:
"Pakiusap, wag nyo po akong tawaging ButlerMan, ako po si Hidan."
At ang era ni ButlerMan ay natapos na.
"Mayroon po kayong meeting ng 12:00 nn, Master Maliaford, kaya maghanda na po kayo."
May kakaunti naman akong nalalaman sa mga meeting dahil office worker ako eh, kaso meeting ito ng mga illegal!
Baka mapatay ako! Pero kahit natatakot ako buong tapang akong pupunta doon.
Habang nasa sasakyan kami papunta doon, nanginginig ang tuhod ko. Ano na nangyari sa linyahang "kahit natatakot ako buong tapang akong pupunta doon." Pampukaw interes lang ba yung linyahang yun?
Nakarating na kami sa venue ng meeting, at ito na yun!
Pagkadating ko ay nagsitayuan agad ang mga tao sa building. At pagkarating ko sa kwarto kung saan gaganapin ang meeting ay nakatayo na agad ang mga ka-meeting ko.
Nagsimula ang meeting pero wala naman akong sinasabi, hindi ito katulad ng mga napapanood ko sa telebisyon na lagi silang nag-aaway. Sa totoo lang, magkasundong-magkasundo nga sila eh.
Natapos agad ang meeting ng saktong 1:00 dahil wala namang nag-aaway.
Pero lingid sa aking kaalaman kung bakit hindi sila nag-aaway ay sa kadahilanang... hindi ko rin alam.
Habang pauwi ako, ang kasama ko lang sa sasakyan ay si Hidan at dalawa sa mga bodyguards.
Habang tumitingin ako sa napakagandang sikat ng araw ay may ingay na bumulabog sa kanan ko. At ng lumingon ako pakanan ay...
Nakita ko ang isa sa mga bodyguards na may tama ng baril sa ulo. Kinikilabutan ako, paano nangyari ang kahila-hilakbot na bagay na ito?!
Kahit nabaril na ang isang tao ay patuloy pa rin sa pagmamaneho si Hidan, sinubukan ko siyang pigilan pero sinagot niya lang ako ng ganito:
"Master Maliaford! Kailangan na nating tumakas! May mga nagpadala ng mga assasin para iligpit tayo!"
Assasins! Yung mga napapanood ko lang sa TV na Assasins! Sino naman kaya ang magpapadala nito sa'kin? Wala akong oras isipin yan ngayon! Kailangan naming tumakas!
Hindi ko pwedeng suhulan ang mga ito, dahil mahal bayad sa kanila! At masyadong silang loyal sabi ng TV!
Nangyayari na naman, nakaka-stress ang mga pangyayaring ito! Hindi ako pwedeng mamatay dito! Hangga't hindi ko pa... nalalaman... ang... dahilan... kung bakit ako napunta dito!!!
"Hidan! Huminto ka muna, may naisip akong magandang ideya, kapag gumana ito, makakaligtas tayo!"
Ito ang kuwento ng buhay ko, di ko inaasahan na sa pagpunta ko sa mundong ito ay...
makakaranas akong mahabol ng isang assasin.