Katulad ng dati,nasa gym na naman si Bayliegh kasama ang mga kaibigan na sina Grace at Emma. Kapag ganitong oras kasi alam na alam ng 16 years old na dalaga na naglalaro si Nathan Altamirano kasama ang mga kaibigan nito.
"Go Nathan!"
"Nathan, ang Gwapo mo!"
Tilian ng mga college students na alam na alam ni Bayliegh na patay na patay sa binata.
"hmmpp!" halos maduling ang dalaga kakairap sa mga babaeng nagtitilian sa kanyang crush. "Ang lalandi talaga ng mga yan!"
"Hay naku Bay, naiinis ka lang kasi madami kang kaagaw kay Nathan." sabi ni Grace.
"Tama si Grace,bakit ba kasi si Nathan pa nagustuhan mo,eh ang tanda tanda nya sayo. Tapos college na yun,ga graduate na next year yan samantala ikaw , Senior high school pa lang." sabi naman ni Emma.
"Ang gwapo kasi nya,ang bait pa at matalino!" tila nanaginip pa na sabi ni Bayliegh habang nakapikit ang mga mata,ng bigla na lang may matigas na bagay na tumama sa mukha nya.
"Naku Miss,sorry di namin sinasadya." sabi ng isang boses na kilalang kilala ni Bayliegh.
Halos ipanalangin na ng dalaga na sana bumuka ang lupa at lamunin siya upang mailigtas siya sa matinding kahihiyan. Ang bola pala ng basketball ang tumama sa mukha nya.
"Miss okay ka lang ba?" si Nathan yun di sya pwede magkamali. "Pasensya ka na,di namin sinasadya."
"O-okay lang,di naman masakit." sabi ni Bayliegh habang tinatakpan ang mukha sa sobrang kahihiyan. Agad agad nyang kinuha ang bag at nagmamadaling umalis.
Nang makalayo ang tatlong magkakaibigan ay saka pa lang napa bunghalit ng iyak ang dalaga.
"Shit ang sakit!" sabi ni Bayliegh.
"Gosh Bay,look at your face!" si Emma ay pinindot pindot pa ang namumulang mukha ng dalaga. "Nakakahiya ka!"
"Ano ba Emma,nasaktan na nga ang kaibigan natin ganyan ka pa, instead na aluin mo inaasar mo pa." sabi ni Grace.
"Totoo naman eh,nakakahiya talaga."
"Oo na nakakahiya na ako,you dont have to rub it in my face!" singhal ni Bayliegh sa kaibigan.
"Pabayaan mo na nga yang si Emma," saway ni Grace kay Bayliegh, " okay ka lang ba? do you need something to put in your face? ice pack?"
"Bahala nga kayo dyan,uuwi na ako!" at nagmartsa na palayo si Emma.
"Alam mo Bay,minsan yang ugali ni Emma napakasama. Alam mo ba sinisiraan ka nya sa akin kapag wala ka."
"Hay naku,kapag si Emma kasama ko,sirang sira ka sa kanya. Kapag ikaw kasama ko si Emma ang sirang sira. " natatawang sambit ni Bayliegh.
"Totoo naman sinasabi ko eh." Sabi ni Grace.
"Alam ko naman." pang aalo ng dalaga. "Mabuti pa ay umuwi na tayo,nandiyan na ang sundo ko."
Maya maya pa nga ay nasa sasakyan na si Bayliegh pauwi sa kanila.
Mayaman ang pinagmulang angkan ni Bayliegh. Doctor ang kanyang mga magulang at ang kaisa isang kapatid niya na si Ate Beatrice. Kaya naman inaasahan ng magulang nya na magiging doctor din sya pagdating ng araw. Mayroon ding hospital ang pamilya niya na itinayo pa ng lolo ng lolo nya. Nang namatay ang great grandfather nya ang Lolo na nya ang pumalit dito bilang director ng hospital. Doctor din ito at sa edad nitong 70 ay matalas pa din ito at malakas.
Pagdating sa driveway ng bahay,napansin agad ni Bayliegh na nakabukas ang lahat ng ilaw sa living room. At tulad ng iniisip nya,pagpasok pa lang nakita na nya ang magulang nya na nakaupo sa sala kaharap ang umiiyak niyang kapatid.
"Ate, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" Agad na nilapitan ng dalaga ang kapatid.
"Bay,sila Mommy pinagkasundo na pala nila ako sa anak ng kaibigan nila."
Napatingin ang dalaga sa magulang.
"Bea,mabait ang binatang iyun. At magiging isang doctor,sya ang nababagay sayo." wika ng ginang ng tahanan.
"Pero ayoko pakasal sa kanya ,My."
Naguguluhan na si Bay,kanino ba ikakasal ang ate nya at sobra sobra ang pagtanggi nito.
"My,Dy,kanino nyo po ba pinagkasundo si ate?" tanong ng dalaga sa magulang.
"Sa kaisa isang anak ni Governor Altamirano." maikling sagot ng ama.
Halos lumaki ang mata ni Bayliegh sa nadinig. Ang kaisa isang anak ng Governor na sinasabi ng ama ay walang iba kundi ang kanyang si Nathan.
"Si Nathan???!!" napasigaw na sabi ng dalaga.