Chapter Two

Hindi mapakali si Bayliegh sa loob ng kanyang silid. Kanina pa sya palakad lakad, nagiisip ng paraan pano pipigilan ang kasunduan sa pagitan ng magulang at ng ama ng kanyang si Nathan.

"Di ako makakapayag na ikasal si Nathan ko sa ate Bea ko!" mariing bulong ni Bea sa sarili. "Pero ano gagawin ko?"

Naupo ang dalagita sa kama at nag isip. Nang bigla ay naalala nya ang mariing pagtutol ng ate nya sa napipingtong engagement niya kay Nathan.

Nagmamadaling lumabas si Bayliegh sa kanyang silid at nag martsa patungo sa silid ng ate nya.

Pagbukas niya ng silid ay naabutan niya ang ate nya na nakadapa sa kama at tahimik na umiiyak.

"Pati ba sa pag-iyak napakahinhin ni Ate?" bulong ni Bayliegh sa sarili.

Kahit noong bata pa sila ay totoong napakahinhin ng nakakatanda niyang kapatid. Sabi nga ng mga tiyuhin at tiyahin nya ay di ito makabasag ng plato sa sobrang hinhin. Kung maglakad ito at may maapakan na palaka siguradong patay na ang palaka di pa nabubuhat ng ate nya ang mga paa nito.

Pero tila nagiging ibang tao ang ate Beatrice nya kapag nasa loob na ito ng hospital o operating room. Bumibilis ang kilos nito kapag buhay na ng tao ang nakataya. Kaya naman bilib sya dito.

"Ate?" marahang tawag ni Bayliegh sa kapatid.

"Bay..." ang mga mata ni Beatrice ay puno ng luha at namumula na. "anong gagawin ko."

"Ayaw mo ba talaga pakasalan si Nathan? Gwapo ito at mapapit ng maging doctor like you."

"Hindi ko sya mahal, Bay." bulong ng ate nya. "May iba akong mahal."

Halos tumalon ang puso ng dalagita sa nadinig. Di mahal ng ate nya ang kanyang si Nathan.

Pigil ang ngiti at pilit itinagi ang ang excitement sa boses ay tinanong niya ang ate nya, "may nagugustuhan ka.na ba ate?"

Biglang namula ang mukha ng nakakatandang kapatid ni Bayliegh.

Confirmed!

"Kilala ko ba kung sino ito?"

Marahang tumango si Bea.

"Sino?"

"Hector." maikling bulong ni Bea.

Iisang Hector lang ang kilala niya at ng ate nya.

Ang Hector na tinutukoy ni Bea ay walang iba kundi ang gwapo at machong janitor sa hospital nila.

"Si Hector na janitor?!" bulalas ni Bay.

"Oo. mahal na mahal ko sya Bay. Kakamatay ko kung mawawala ito sakin." Muli na namang bumunghalit ng iyak and nakakatandang babae.

"Ate, alam mo ba ang maaaring gawin nina Mommy at Daddy kay Hector?" tanong ng dalagita. "Maaaring mawalan ito ng trabaho."

"Kaya nga inililihim muna namin, malapit ng magtapos si Hector. Magiging engineer na sya, Bayliegh."

"Ate, di mo talaga gusto si Nathan kahit konte?"

"Hindi, bakit ba?"

"Naninigurado lang ako ate." may ngiti sa labi ang dalagita. "Mag relax ka lang ate, let your little sister handle this."

"What are you planning to do, Bay?"

"Just relax, ate."