Lumalapit

Ang tanga ko. Umasa akong may something si JV para sakin kasi alam nya pangalan ko, pero langya pag nagkakasalubong kami parang hindi ako nakikita. Umasa akong babatiin nya ako or papansinin. Sino nga ba naman ako? Haha. Nakakainis. Noong una medyo naconcious ako sa itsura ko. Natuto akong pumili ng mas magandang damit, though puro t-shirt at pantalon lang mga damit ko. Hindi na ako nagtsitsinelas pagpumapasok, sapatos o sandals na ginagamit ko. Palagi narin ako nagpupolbo at nagsusuklay. Halos ipaligo kona rin ang pabango pero lahat ng yun walang kwenta kasi hindi naman nya ako napapansin. Tiningnan kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Well…. Ou, hindi ako maganda perooo hindi din naman ako pangit na pangit. Mga average lang siguro ang beauty ko or medyo below average pero hindi naman ako sobrang pangit. Pero I guarantee you guys sobrang ganda ng kalooban ko. Pero realtalk, hindi totoo na hindi importante ang panglabas na itsura. Ito ang pinakaunang nakikita ng ibang tao sa atin, ito ang unang nagiging basehan natin kung magugustuhan ba natin ang isang tao o hindi. Pero sabi nga nila ang ugali dapat ang basehan kung dapat bang patuloy na mahalin ang isang tao o hindi. Kaya therefore, I conclude mas mahalaga parin ang pangloob na kagandahan kaysa sa panglabas. HAHAHA! Sana marealize nya yun. Sana mapansin nya ako kahit papano.

Tinigil ko na ang pag-aayos ko. Sino bang niloloko ko? Kahit siguro araw-araw ako mag-ootd hindi nya pa rin ako mapapansin. Hayun, balik sa dating ako. Balik sa dating gusgusing ako. Dumating ang vetmed week, ang daming event sa department. Noon ko narealize na ang dami palang vetmed students kasi noon ko lang naman sila nakita lahat. Ang daming magagandang vetmed students. Panalo sa beauty, height, kasexyhan at lalo na sa katalinuhan. Naisip ko tuloy, malabong wala pang nagustuhan si JV sa mga babaeng ito. At sigurado naman akong kahit sino sa mga babaeng ito eh magugustuhan din si JV. Haaay naakooo mukhang ngayon palang kailangan ko ng magmove on.

Ang daming game na sinalihan si JV, kahit mga quiz bowl sinalihan nya. Aba may utak din pala ang kumag. At ako naman palaging nanonood sa bawat laro at event na sinasalihan ni JV. Secret supporter nya ako. Hihihi. Sumasali din naman ako sa ibang games.

Nauhaw ako kaya bumili muna ako ng maiinom at makakain na rin. Last day na ng vetmed week at mamayang gabi ay ang closing program kung saan kailangan magsuot ng magandang damit. Dress daw. Jusko saan ako manghihiram ng dress tsaka siguradong di ako bagay dun kaya napagdesisyonan kong wag na umattend. Matutulog nalang ako o magmomovie marathon. Tanggal stress pa. Pabalik na ako sa department ng may mga lalaking naghahabulan at may pinagpapasa-pasahan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na ako nakaiwas. Natumba ako at naapakan ng dalawang lalaki. Ang sakit! Hindi man lang huminto ang mga gago. Patuloy pa rin silang naghabulan pero yung iba huminto saglit. Paglingon ko sa mga naghahabulan nakita ko si JV. Hindi ako maaaring magkamali si JV yun, sigurado ako. Bakit di man lang nya ako tinulungan o kahit lumingon man lang. Ouch! Mas masakit.

"Yel! Okay lang ba?" narinig kong sigaw ng ilang kaibigan ko. Tinulungan nila akong tumayo. Para akong maiiyak eh. Natapon na nga pagkain ko inignore pa ako ni JV. Nakakainis talaga.

"Okay lang. okay lang ako."

"Nasugatan ka ba?"

"Wala. Wala na man. Okay lang ako. Kunting galos lang to."

"Miss pasensya na di ka namin napansin eh. Sorry talaga. Naglalaro lang naman kami." ah, another game na pakulo ng officers siguro. Atleast may isang nagmagandang loob na huminto at kamustahin ako.

"Nako, okay lang kuya. No worries. Wala 'to. Sanay na akong masaktan, maapakan at hindi mapansin. Immune na ako. Pero sa susunod na mangyari 'to, lintik lang ang walang ganti." Hindi nakasagot si Kuyang higher year. Nagulat yata sa sinabi ko. May kasamang hugot at pagbabanta. Pumunta na kami sa quarters ng batch namin. Umuwi na rin agad ako. Sakit ng galos ko eh, pati puso ko.

"Ate Yel may naghahanap sayo sa labas." Sabi ng isang roommate ko. Sino naman kaya 'to eh past 6pm na.

"Sige, thanks!" sina Ellen at Bandie pala. Inaaya ako pumunta sa closing program. "Naku sorry guys wala akong dress."

"Okay lang yan. Hindi naman required magdress eh. Ang sabi lang 'wear your best clothes'."

"Ganun na rin yun. Eh t-shirt lang ang meron ako eh. pano yun? Ako lang hindi nakadress dun?"

"Hindi no, syempre yung mga lalaki hindi magdedress." Tiningnan ko lang ng masama si Bandie. "Joke lang ito naman! Pumunta kana kasiiiii.. plsss… plssssss…"

"A…..yo….ko….period! Bye!"

"Ililibre kita ng Jollibee for one week!!!" bigla akong napalingon at napangiti ng maluwang kay Ellen.

"Teka lang magbibihis lang ako!"

"Huh?! Waiiit! Nagbibiro lang ako! Bigla k--"

Hindi ko na pinakinggan si Ellen at tumakbo na ako sa kwarto. Bahala na magmukha akong ewan dun, isang gabi lang naman samantalang yung libre isang buong linggo!! Ayos!! At hindi ako papaya na bawiin nya pa yun.

As expected, ako lang ang babaeng naka t-shirt at pantalon with shoes naman, sa event nayun. Ang bobongga ng mga dress ng mga babae. Parang star magic ball lang. Yung mga lalaki naman nakaformal attire. Mukhang nagsisisi akong umattend pa ako dito eh. Para tuloy akong waitress or utusan. Dahil nga yun lang ang suot ko kaya walang halos pumapansin sakin. Walang tumitingin kahit ang mga kaklase ko biglang di ako nakilala. Mga hayup na 'to. Si Ellen at Bandy lang kasama ko sa table. 'Yung ibang barkada namin ayon, nasa iba ibang table kasama jowa nila. Magaganda din naman sila Ellen at Bandie sa mga dress nila. Pero parang mga ewan eh. Kilig na kilig sa mga lalaking nandon. Tumingin ako sa paligid, halos lahat talaga ng mga nandon eh ang gaganda at gagwapo. Parang feeling ko di ako belong hahaha. Pero paki ko maya-maya uuwi na din naman ako.

Nagsimula na ang program, may mga intermission number from different batches. Meron ding nagpeperform ng solo. Okay naman, going smooth. Pero kanina pa ako may hinahanap eh. Di ko makita si JV. Hindi kaya sya umattend? Sabagay sa dami ng tao di ko talaga sya makikita agad agad. Awarding na sa mga nanalo sa contests. Tinawag ang pangalan ni JV. Tug tug tug. Nakita ko sya papunta sa gitna para kunin yung prize at certificate nya. Ang gwapo nya sa suot nya. Ang daming naghiyawan. Lalo na ang mga babae.

"Ang dami nyang napanalunan! Grabe hindi lang gwapo, matalino at magaling pa sa sports! Waaah pakasalan nya sana akooo!" parang ewan talaga tong si Bandie, eh.

"Ou nga eh, I think dalawa lang yung games na natalo sya. Yung sa chess at dun sa habulan, yung nabunggo ka yel, naalala mo?" ani Ellen.

"Oh? Ba't natalo sya eh mukhang nangunguna nga syang tumakbo that time eh. Hindi nga nya alam na nakadisgrasya na sila." Sarcastic kung sabi. Bumalik tuloy ang inis ko.

"Eh pano naman huminto sya bigla at bumalik."

"Bakit daw?" Wow ha nagawa pa nyang bumalik pero di man lang ako tinulungan. Ang gagong yun.

"Ewan ko. Di ko na alam nabusy na ako non kakaworry sayo eh pano mukhang paiyak kana that time eh. Hahaha"

"Ou nga naalala ko pa yung mukha mo non. Hahaha!" Inaasar na naman ako ng dalawang 'to. Mukhang nakalimutan na yata nilang mas matanda ako ng dalawang taon sa kanila.

"Sige pagtawanan nyo lang ako. Sanay na ako sa pambubully nyong dalawa." Patuloy pa rin na nagtawanan yung dalawa ako naman nakatingin pa rin kay JV na ilang ulit ng bumalik sa front para kumuha ng prize at certificates. E di sya na!

"Okay guys, now we will going to announce the face of the night for both male and female categories. For female categories! Ms. Janine Perez! And for male categories, Mr. John Vincent Jones!" Hindi na nakapagtatakang nanalo ang loko. Ang gwapo eh. Nakakalaglag panty eh. Bwisit. Pero infairness naman dun sa Janine Perez nayun, maganda rin at sexy. Bagay sila. Okay. Kailangan ko ng umuwi. Bago pa mas masira ang mood ko. Pero itong dalawa kong bwisit na mga kaibigan eh napakakontrabida. Wala akong magawa kundi ang tignan silang sumayaw sa gitna. Ang sakit. Sana ako nalang si Perez nayan. Sana naging maganda nalang ako. Kaso hindi. Ilang beses ko na bang hiniling kay Papa Jesus na sana gumanda ako pero never nyang grinant ang wish ko. Ilang beses ko na bang winish kay Papa Jesus na sana mapansin ako ni JV, pero wala. Siguro nga may ibang plano si God for me. Ano ba 'to para akong tanga. Hayaan ko nalang. Hayaan ko nalang ang lahat ng nangyayari. Go with the flow lang. Wag magpapahalata na affected. Kunwari masaya ka para sa kanila kahit ang totoo gusto mo ng magwala, umiyak at saktan yung babaeng yun!

Tiningnan ko sila habang sumasayaw. Gusto kong makita ng malinaw ang mukhang ni JV para kahit papano mabawasan ang selos ko. Pagtingin ko, nakatingin sya sakin? Wait… what? Or namamalikmata lang ako? Nakatingin nga sya sa akin, well I'm not sure kung sakin pero nakatingin sya sa direksyon namin.

"Oh my God! Looook nakatingin si JV sakiiiiin!!!" narinig kong sigaw ng babae sa likuran namin. Tama nga, siguro sa iba nga sya nakatingin. Malabong sakin... Malabo.

Dumami na ang nagsayawan sa gitna. After non disco na, ang pinakahihintay ng lahat. Ayoko sanang magdisco kaso pinilit na naman ako ng dalawang kumag na to. Tinakot pa akong di itutuloy ang one week treat sa Jollibee. Naaakuuuu talaga naman!

Ayun, sayaw sayaw kunti. Maya-maya medyo nawala ang hiya ko kasi sobrang dami ng nagsasayaw at medyo madilim din kaya sumayaw sayaw na rin ako. Sarap pala sa feeling magdisco eh. Parang lahat ng sama ng loob ko nailalabas ko sa pamamagitan ng sayaw. Walang nanunuod at walang steps na sinusunod, basta sayaw ka lang at mag enjoy. Ang saya!

"Aray! Ang sakit ah!" may bumangga sa'kin. Ang lakas. Parang sinadya. Tumingin ako sa likod ko para tingnan kung sino ang bumunggo o nakabunggo sa'kin. "Anong probl---"

"Ano ba Yel hayaan mo na hindi siguro sinasadya, nasa discohan tayo ano kaba." Awat sa'kin nila Bandie. Nagpigil ako ng inis. Ou nga naman. Sige hayaan ko na. Sayaw ulit. Aray! May bumunggo na naman. Gago, nakakapikon na! buti sana kung di masakit kaso ang lakas eh. Haharapin ko na sana yung nakabunggo ng may nagsalita malapit sa may tenga ko.

"Sorry Yel, di ko sinasadya." Boses ni JV. Ou si JV nga. Di ako makagalaw sa gulat. Biglang bumukas ang ilaw at tumugtug ng sweet song. Pero walang JV sa paligid ko.

"Halika ka na Yel! Upo na tayo!" hinatak na ako nila ellen. Si JV kaya yun? Or guni-guni ko lang? ewan. Hinayaan ko na kahit paulit-ulit kong tinatanong sa isip ko kung totoo yun o imagination ko lang. Ah ewan!

May mga nagsasayawan na sa gitna. Mga couples at yung iba sinasayaw mga crush nila. Ang gaganda naman nila. Nakakatuwa. Sana makasayaw din ako sa gitna.

Biglang nagsigawan ang lahat. Yung iba kinikilig, yung iba nagchecheer. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatingin ang lahat. Kay JV.

"Go Janiiine!!! Go girl!" may narinig akong sumigaw. Si Janine, lumapit kay JV at hinatak ito sa gitna. Mukhang gustong makipagsayaw ulit. Ngayon, hindi na bilang Mr. and Ms. Face of the Night kung hindi dahil gusto ni Janine si JV. Si JV naman nagpahatak lang. Bilib na talaga ako sa kagwapohan ng lalaking 'to. Babae pa ang lumalapit. Sila ang naging center of attention sa buong gabing 'yun. Gusto kong makisabay sa kasiyahan nila pero di ko magawa. Naiinis ako. Nagagalit ako. Nagseselos ako.

Bumalik muna kami sa may mesa namin. Kumuha ng pagkain si Bandie pangsnack daw. Gusto ko ng umalis. Niyaya ko na sila pero sabi nila mga thirty minutes nalang daw. Wala akong nagawa kahit gustong gusto ko ng magdabog. Iniwasan ko ng tumingin kay JV, mas maiirita lang ako. Maya-maya nanglaki bigla ang mga mata nila Ellen at Brandie pati na rin ng mga babae sa katabi naming mesa.

"Oh, napano kayo? Parang nakakita lang ng multo?" Tanong ko sa kanila sabay lingon sa likuran ko. Si JV papalapit. Pati maliliit kung mata muntik lumuwa pero sandali lang kasi hindi ako nagpahalata. Baka sabihin eh, patay na patay rin ako sa kanya (totoo naman pero ayoko magpahalata noh). Papalapit ng papalapit si JV at pabilis ng pabilis naman ang heartbeat ko. Umupo sya sa tabi ng upuan ko. Wala syang sinabi. Kumuha sya ng kropeck, yung parang chicharong pasquare. Basta yun. Kumain sya at kunwari nagtingin tingin sa mga sumasayaw. Ako naman nakatingin lang sa kanya. Actually kaming tatlo sa mesa at yung mga babae sa katabi naming mesa. Lahat kami nakatingin kay JV. Maya-maya bigla syang tumingin sa'kin at biglang nagtanong.

"Gusto mo pang sumayaw?" Napakunot noo ako para kunwari ayaw ko pero sa totoo lang kinikilig ako hanggang buto't kasukasuan ko. Pati si Ellen at Bandie di napigilan mapatili ng mahina lang naman. Yung tipong pinipigil na tili.

"Ayoko, pangit ng suot ko. Mukhang out of place." Gumana na naman ang kaabnormalan ko. Patanggi-tanggi pero ang totoo gustong-gusto kong sumigaw ng "OO!". Pati sila Ellen napasimangot sa sagot ko.

"Naku, kuya JV gusto pa nyang sumayaw. Kanina pa kami inaayang sumayaw ulit pero pagod na kami eh, kaya kayo na lang." Agad na sagot ni Ellen na kaharap namin."Sige na bruha ka, wag ka ng pakipot." Pabulong nyang sita sa'kin.

Nakatingin lang sa akin si JV, parang sinusuri ako. Nakikipag eye to eye ang gago. Sa sobrang kaba ko di ako makatingin ng deretso sa mata nya. "Sa mga barkada mo na lang ikaw makipagsayaw. Andun sila oh." Sabi ko habang tinuturo ang grupo ng barkada nya na sumasayaw sayaw sa gitna. "Or di kaya, kay Janine. Ayun oh, nakatingin dito. Kawawa naman."

"Yel! Ano ba?!" sabay akong sinaway nila Bandie at Ellen. Agad naman akong tumahimik. Minsan talaga itong bibig ko ang clumsy eh.Nakatingin pa rin si JV sa'kin. Wala syang naging reaksyon sa sinabi ko.

"Sorry…." Naguilty ako kaya humingi ako ng tawad. Tumayo si JV at nagpaalam kina Ellen at Bandie na aalis na sya at tumingin ulit sa'kin.

"Gaga ka ba? Ano bang iniisip mo? Ba't mo ginawa 'yon?"

"Ou nga Yel. Si JV na nga lumapit sa'yo eh, pinahiya mo pa." agad akong pinagsabihan ng dalawa ng medyo nakalayo na si JV sa mesa namin. Wala akong masabi kasi aware akong naging bastos ako kay JV. Nakatungo lang ako.

Hindi ako makatulog ng gabing 'yon. Paulit-ulit kong naaalala si JV at paulit-ulit ko ring pinagsisihan ang ginawa ko kanina. Mukhang na-fafall na ulit ako sa lalaking 'yon. Dapat hindi kasi sa mga ganong klasing lalaki siguradong masasaktan lang ako. Ayokong umasa kasi malabong magustuhan ako non. Nakatulog akong si JV parin ang laman ng utak ko.