Sa mga sumunod na araw naririnig ko na ang mga tsismis na nagdedate na daw si JV at Janine. Wala akong karapatang masaktan at magselos, pero sa t'wing nakikita ko si Janine sa school parang gusto kong sabunutan at bugbugin eh. Sabagay, hindi naman nya kasalanan kung ipinanganak syang maganda, sexy, matalino at higit sa lahat hindi nya kasalanan kung magustuhan sya ni JV.
Papunta kaming palengke ng mga roommates ko, bibili lang ng dinner. May mini palengke ang campus namin since malayo sa syudad. Dito kumakain halos lahat ng estudyanteng nagdodorm at nagboboarding house malapit sa school. Malayo palang nakita ko na sila, si Janine at JV, magkasama. Makakasalubong pa yata namin. Ewan ko parang gusto kong bumalik. Ayaw ko silang makita ng malapitan. Baka mas masakit pa dito ang maramdaman ko. Napahinto ako. Babalik ako. Bahala na.
"Ate Yel, san ka pupunta?" 'Ate' ang tawag sa akin ng mga rommates ko dahil ako ang pinakamatanda sa room. Twenty-one na ako at sila nasa eighteen to twenty pa lang ang edad.
"Ha? Eh naiwan ko wallet ko eh. Babalikan ko lang."
"Wag na 'te. Malayo na tayo eh. Utang ka nalang muna sa'kin. Bayaran mo nalang ako pagdating sa dorm."
"Okay lang, ako nalang ang babalik." Parating na sila JV. Kailangan ko ng umalis agad.
"Ou nga naman 'te. Sabay sabay na tayo." Sabi ni Jona. Wala na akong nagawa. Hinayaan ko na baka mahalata pa ako. Magpapanggap nalang akong di ko sila napansin.
"Si JV Jones yan di ba? Ang gwapo nya talaga. Girlfriend nya ba yan?" pati pala roommates ko kilala sya, sabagay, campus crush nga naman. Nakatingin pa rin ako sa kanila kahit papalapit na kami. Di ko maalis tingin ko eh. Parang magnet. Kwento ng kwento si Janine samantalang si JV tahimik at patango-tango lang. biglang napatingin si JV, nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Eye to eye. Binawi ko agad ang tingin ko. Kunwari wala lang. pero ang totoo ang sakit.
"Tara na ng makakain na tayo baka puno na kina Mang Gusing." Sabi ko sa kanila para makaiwas na rin kina JV. Si Mang Gusing ang may ari ng karenderyang palagi naming kinakainan. Napatingin ulit ako kay JV na nakatingin pa rin sa'kin haggang sa nakalampas na kami sa kanila eh nagtitigan pa rin kami. Ang awkward naman. Parang may something sa tingin nya pero kung iisipin mo imposible eh. Ah gutom lang 'to. Pag nabusog na ako mawawala na rin tong mga weird imaginations ko.
Laboratory namin sa major pero wala pa si Doc kaya nasa hallway pa ang buong class at naghihintay. May mga higher years na naglabasan. Mukhang tapos na ang class nila at vacant na nila ngayon.
"Yel! Kumusta?" si Liam, 5th year student, naging kaibigan ko nong vetmed week. Sabi nila si Liam daw ang top 1 sa lahat ng 5th year na vetmed. Gwapo din ito, maappeal, at matangkad. Marami ding nagkakagusto.
"Yam, ikaw pala. Okay lang. Vacant nyo?"
"Ou eh. Mukhang di na dadating si Doc Josh ah. Kanina pa kayo?"
"Sabi dadating daw. Hintay lang kami ng kunti kasi ibibigay nya yung next laboratory exercise." Napasarap usapan namin ni Liam. Napunta na kami sa ibat-ibang topic. Nagtatawanan at nagbibiruan. Mabuti nalang kahit papano di ako nabagot kakahintay kay Doc.
"Liam!"
"JV! Pre kumusta? Kelan sunod na gala?" si JV pala. Di ko alam magkaibigan pala sila. At mukhang close pa.
"After midterms? Kayo bahala. Sabihan nyo lang ako." Tumingin sya sakin. Nanigas ako. Di ko alam sasabihin ko. Tumingin nalang din ako sa kanya.
"Si Yel pala, J." mukhang nakahalata si Liam.
"Yup! kilala ko sya. And I think kilala nya rin ako. Di ba Yel?"
"Huh? Ah, o-ou. We're schoolmates before." Paliwanag ko kay Liam.
"Talaga? Wow. At magkaschoolmate ulit kayo ngayon." Parang naamaze si Liam. Ewan ko kung napapansin nya ang pagka awkward ko.
"Di ko alam magfriends pala kayo?" tanong ni JV. Nakatingin sa'kin.
"Ah ou, naging teammates kami nong vet med week. And yun naging close na." buti nalang si Liam ang sumagot.
"Really? That's just 2 weeks ago right? Pero ang close nyo na ah?" I can hear sarcasm on his voice.
"Ou eh. Masarap kausap kasi 'tong si Yel. Kalog din kaya gustong gusto kong kausap." Owww ang sweet naman netong si Liam.
"Really? That's good to know." Naiinis na ako sa tono ng JVng to eh. Bat kaya di napapansin ni Liam na napakasarcastic ng lalaking 'to? Buti nalang dumating na si Doc Josh. Makakatakas ako kay JV.
"Liam, pasok na'ko nandyan na si Doc eh. Sige. JV exit na'ko." Tumango lang si JV na nakatingin parin sa'kin. Mukhang may problema 'tong lalaking to sakin eh.
"Sige yel. By the way, free ka ba mamaya? Dinner time."
"Ou, bakit?"
"Sabay na tayong magdinner. Okay lang?" di ko alam isasagot ko. Nag-aaya ba 'tong magdate? Napatingin ako kay JV. Nakatingin sya sa'kin na parang hinihintay ang sagot ko. Well! Ipapakita ko sa kanyang maganda ako! Haha!
"Sure! Text mo lang ako. You have my number right?"
"Yah, yah. Puntahan nalang kita mamaya sa dorm mo. See you mamaya!" Allright! Ang saya ko! Makikipagdate ako mamaya at alam pa ni JV yun! Blessing in disguise talaga 'tong si Liam eh. Hihi! Ano ka ngayon JV?
Nasa palengke na kami ni Liam. Maraming mga kainan dun na mura lang kaya nagtingin-tingin muna kami ng masarap na ulam.
"Liam! Liam!" ang mga kaklase at barkada ni Liam nasa isang mesa. Nandon din si JV.
"Sabay na kayo sa'min. Dito na kayo." Aba't gago 'tong JV na 'to ah. Date nga eh, tapos makikisabay kami sa kanila? Loko 'to ah!
"Ou nga yam. Dito na kayo." Sumang-ayon naman ang iba. Nakoo pano 'to, ang awkward.
"Ha? Eh, may kasama ako eh." Nag-alinlangan si Liam.
"Okay lang 'yan para makilala din namin 'yang kasama mo. Libre pa naman daw ni JV lahat."
"Oh? Anong hangin ba't manlilibre ka?" Wow ha. Ang yaman ng unggoy na 'to.
"Wala lang. Advance birthday celebration." Walang anumang sagot ni JV.
"Gago! Sa December pa kaya birthday mo."
"Basta! Join nalang kayo. Ang dami pang tanong eh."
"Okay lang ba sa'yo Yel na sumali tayo sa kanila? At ipapakilala na rin kita sa iba naming barkada."
"Ha? Eh…ehhh.. okay lang naman. Pero di ba nakakahiya?"
"Wag kang mahiya samin miss. Gwapo lang kami pero di kami artista." Sabi ng isang kabarkada nila. Anjo yata ang pangalan neto. Nagtawanan ang lahat at nakitawa na rin ako. Ito yata ang tinatawag nilang pakikisama kahit sobrang awkward. Napilitan na akong makisama. Nakuuu nabubwisit talaga ako sa JV na 'to. Makaganti nga. Umorder ako ng maraming ulam. Barbeque, adobo, softdrinks at tatlong rice. Tignan natin kung di ka mamolubi. Hihihi.
"Wow, ayos 'tong si Yel huh. Parang lalaki ring kumain." Napansin si Dino ang inorder ko. Napakilala na sila ni Liam sa'kin habang hinihintay ang mga order naming.
"Kasi sabi n'yo libre ni JV eh, edi chance na 'to." Sabi ko naman tsaka nagdasal ako kunti at nagsimula ng kumain.
"Ayos nga 'yan kesa kunti lang kainin mo baka ma out of place ka sa'min hahaha." Sabi ulit ni Dino.
"Tama. Buti di ka tulad ng ibang babae pachicks kumain. Pahalf-rice half-rice lang pero reklamo ng reklamo na gutom sila." Dagdag pa ni Vin.
"Eh hindi naman ako chicks eh at sakto 'to noh, nagtitipid ako ngayon kaya blessing in disguise 'tong panglilibre ni JV." Nagtuloy-tuloy lang ang kwentohan namin. Katagalan napalagay din ang loob ko sa barkada nila. Masaya silang kausap at napapatawa nila ako. Nakakasabay na rin ako sa mga biruan nila. Paminsan-minsan napapatingin ako kay JV na nakatingin lang din sa 'kin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip n'ya. Minsan sumasabay sya sa biruan pero minsan nakikinig lang at kada tingin ko sa kanya nakatingin din sya sa 'kin. At everytime na nagkaka eye to eye kami, ako ang unang umiiwas. Naguguluhan ako sa mga tingin nya. Mahirap isiping may chance na magustuhan ako ng lalaking 'to eh, kaya mas naguguluhan ako sa mga titig n'ya.
"Cr muna ako guys." Nagpaalam si Anjo. Tapos na ang lahat kumain at nagkwekwentuhan na lang.
"Sama ako." Sumama na rin sila Mikey, Vin, Liam at Jovito kaya apat na lang kaming natira sa mesa. May pinag uusapan ang iba na di ko na masabayan kaya nakikinig na lang din ako ng biglang nagsalita si JV. Nasa tabi ko na pala sya di ko namalayan.
"Kumusta si Liam?" napakunot noo ako.
"Bakit ako ang tatanongin mo? Andon si Liam sa CR oh, sya tanungin mo." Nagtataka ako sa kanya. Mukha ba akong nanay ni Liam na sa akin nya kukumustahin?
"Nililigawan ka ba nya?" napatingin ako sa kanya.
"Hindi. Ba't naman nya ako liligawan?" Dineretso ko na sya ng sagot. Kung maganda lang ako, iisipin kong nagseselos 'to eh.
"Pero may gusto sya sa'yo."
"Pano mo naman nasabi? Porket inaya akong kumain, may gusto na agad? Judgemental ka rin eh. Atsaka ano naman ngayon kung mag kagusto sya sa'kin. Single s'ya, single ako. Perfect combination." Nagjoke lang ako ng kunti pero wala s'yang sinagot sa sinabi ko. Nakatingin lang ulit sya sa mga mata ko at maya-maya nagtanong.
"Gusto mo ba s'ya?" napakaseryoso ng mukha nya. Napatigil ako at kinabahan. Ewan ko kung bakit pero kinabahan talaga ako. Pero naalala ko ang tsismis about sa kanila ni Janine kaya kinalma ko ang sarili ko. Malabo ang iniisip ko kasi nakikipag date na sya kay Janine.
"Wala." Deretso kong sagot habang deretsong nakatingin sa mga mata n'ya.
"Oh, ba't parang seryoso yata kayong dalawa? Okay lang kayo?" Naputol ang eye to eye namin sa tanong-puna ni Dino. Dumating na pala sila. Si Liam nakatingin lang din sa amin ni JV.
"Tara na?" walang may sumagot sa amin ni JV sa tanong ni Dino. Nag-aya na syang umuwi. Hindi ko magawang tumingin kay JV. Napapaisip ako sa sinabi nya kanina.
"Oh, pano guys, una na kayong umuwi. Salamat sa libre JV. Hatid ko lang 'to si Yel." Paalam ni Liam sa barkada.
"Naku, okay lang Liam. Ako na lang, malapit lang naman eh." Tanggi ko. Feeling ko ang ganda ko dahil sa trato sa'kin ni Liam eh.
"Hindi pwedi, delikado. At sinundo kita kanina kaya dapat ihatid kita." Ito naman ang gusto ko kay Liam, di lang matalino at gwapo, gentleman pa.
"Sama na kami." Lahat napatingin kay JV dahil sa sinabi nya. "M-maaga pa naman kaya samahan na namin kayo. Tsaka delikado para kay Liam bumalik mag isa. Di ba?" siniko ni JV ang katabi nyang si Sam at sinenyasan nya ang iba kaya napa-oo agad ang mga ito.
"Ou sure why not. Mas marami tayo mas safe. Ayaw mo non marami kang bodyguard, Yel?" agad namang sabi ni Dino.
"Talaga bang okay lang sa inyo? Kung ganon okay lang din sa'kin. Salamat." Wala na akong nagawa. Nagsimula na kaming maglakad. Nasa may bandang hulihan kami ni Liam at napansin kong napaka tahimik nya. Nasa harapan lang namin si JV.
"Okay ka lang?" di ko napigilang tanong.
"Yup, napapaisip lang."
"Ng? Pwedi kang magshare baka makatulong ako." Kahit bago lang kaming magkaibigan ni Liam palagay na ang loob ko sa kanya kaya gusto kong makatulong kahit papano.
"Wala naman. May konting iniisip lang." Hindi ako sigurado kung anong iniisip ni Liam pero sigurado akong ayaw n'yang ishare sa'kin siguro naiilang pa s'ya or masyadong private ang problema n'ya kaya di na ako nagpilit pa. Hanggang sa nakarating na kami sa dorm at nagpaalam na ako sa kanila.
"Guys thank you sa paghatid. Yam, salamat sa pag invite sa dinner. Mag ingat kayo pauwi o mas tamang sabihin mag ingat sila sa inyo." Pabiro kong sabi.
"Talagang mag ingat sila sa 'min. Sa lalaki ng katawan namin nakooo…" pabiro namang sagot ni Dino na sinabayan naman ng iba.
"O, sige na, sige. Lumakad na kayo. Malapit na ang curfew. Salamat ulit. Ingat."
"Bye, Yel." Halos sabay sabay nilang sagot.
"JV?" paalis na sila ng di ko napigilang tawagin si JV.
"Yes?" agad-agad naman itong sumagot. Noong una di ko alam ang sasabihin. Nagulat din ako sa ginawa ko. Ito na naman ang bibig ko pinapangunahan ang isip ko.
"Uhmmm…. Ano… ahhhh…. S-salamat sa libre? Yun. Thank you sa libre. Nabusog ako. Sige bye." Buti nalang mabilis mag isip utak ko ng masasabi hahaha. Agad akong pumasok sa dorm. Hindi ko na hinintay ang sagot nya feeling ko kasi pulang-pula ang mukha ko. Kahit alam kong gabi at madilim natatakot pa rin akong mapansin nya.