KABABABA ko lang ng tricycle na sinakyan ko para maka-uwi pero parang gusto ko nalang ulit umalis. But the driver already took off when I realized that Law was still outside my house, naka-sandal sa kotse na mukhang pagma-may-ari niya. And out of frustration, padabog akong lumapit sa kanya kahit na may possibility na matanggal ang heels ng sandals ko. This guy needed to stay away.
As far as possible!
"What are you still doing here? Hindi pa ba malinaw ang nangyari kaninang umaga sa kokote mo?" Salubong ko kaagad sa kanya. Mabilis naman siyang lumingon sa gawi ko at mukhang natuwa pa na makita ako. Pero dahil iba ang salubong ko sa kanya, mabilis ding nawala ang tuwa sa mukha niya. Just like earlier, his face now displayed of guilt.
Nakaka-inis.
"What the fvck is wrong with you, asshole?" I snapped. Sinalubong naman niya ang tingin ko matapos humugot ng malalim na hininga.
"Can I...rent a room at your house? Hindi mo na kailangan mag-provide ng pagkain ko. I'll pay everything, just...just, I'll rent a room." Kinunutan ko siya ng noo. I wanted to take that as the red flag proclaiming war pero hindi. There was something different about his tone.
Unlike the rough and stiff tone on his voice, it was now begging, pleasing and soft to the ears. Not waging any war like it did back then.
"Why?" Imbes ay tanong ko nalang sa kanya. Mukhang alam naman niya kung bakit hindi kaagad ako pumayag kaya naman sinagot nalang kaagad niya ang tanong ko.
"Wala na akong ibang matutuluyan." At hindi ko na maalala pa ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa kanya. All I felt was guilt. Lalohg-lalo na nang mapansin ko ang medyo bakat na palad ko sa pisngi niya.
Have I been too rough on him?
"DON'T GET the wrong idea. Hindi kita pinatawad sa ginawa mo sa akin noon. At lalong-lalong hindi ako magso-sorry para sa malulutong kong sampal sayo kaninang umaga." Kaagad kong salubong sa kanya nang maabutan ko siya sa kusina after kong mag-bihis at gutumin. Mukhang nagluluto ng pagkain niya.
Ambango.
"Pa-rentahan na talaga 'tong bahay mula nang ipamana sa akin ng lolo at lola ko bago sila umalis dito sa Pilipinas. Sayang ang rooms kung hindi ko parerentahan. Besides, I also needed the extra money out of this house. Might as well make it useful." Pagpapatuloy ko pa bago umupo sa isa sa mga stool ng lamesa.
It was true. Rentahan na talaga 'tong building ng lolo at lola ko bago pa man ipamana sa akin. Wala talaga akong balak na ipagpatuloy ang business na 'yon. But I didn't know why it was "conveniently" the perfect situation for him and for my conscience. Nakaka-irita mang aminin, naawa ako sa kanya at na-guilty ako sa pananampal ko sa kanya kaninang umaga. His face had swollen up and it was my fault.
"Alam ko." Maikli lang niyang reply. Kaya naman nang matapos ang usapan ay tumayo ako para mag-handa ng sarili kong pagkain. Pero mabilis niyang kinuha sa akin 'yong ingredients.
"Anong ginagawa mo?" Medyo inis niyang tanong sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at binawi ang kaninang hawak kong toyo.
"Maglu-luto ng pagkain ko, ano sa tingin mo? Kung sa tingin mo pagma-may-ari mo 'tong toyo ko, hindi. Ingredients ko parin ang ginagamit mong pang-luto. Bumili ka nalang ng sarili mo kung pati toyo ko aagawin mo." Sita ko kaagad sa kanya. Mukhang hindi niya naintindihan base sa pagkaka-kunot ng noo niya. Gets ko naman kasi pati ba naman toyo ipinaglaban ko pa.
What an embarrassment, Rei.
Huminga siya nang malalim at ngumisi, halatang nagpi-pigil ng tawa. He cleared his throat and faced me. "It was actually my way of telling you that I prepared dinner for the both of us. Kaya hindi mo na kailangang mag-luto. I'm sorry to have made you misunderstand that." Pinaningkitan ko siya ng mata. His expression and tone was soft. Too soft for a rough person like him. Kaya naman pinanduruan ko nalang siya at pinanlakihan ng mata.
"Wag mong lalagyan ng kahit anong lason 'yan ha?" I demanded him. And he chuckled. I must be losing my mind to think of him as the 'cute-type-of-person'.
"Rest assured. Wala akong nilagay na gayuma." I scoffed at him. Pero mukhang mas naaliw pa siya sa reaksyon ko. Ako, naaaliw sa expression niya.
Am I really softening up to this person? Isn't it kind of unfair for my situation?
Kaya naman bago pa ako lamunin ng 'kabutihang-puso' para sa demonyong ito. Umakyat na ako sa kwarto ko. I needed to rethink my actions and reflect on them. I should not let him make a fool of me. He did this once. I won't let him do this the second time around. Pinaniwala niya ako noon na mabuti siyang tao. Now, he won't make me believe on those lies. Kaya naman nang katukin niya ako para kumain ay dire-diretso lang akong lumabas at hindi na pinansin ang witty niyang line tungkol sa 'lason' ng pagkain ko.
Tahimik akong umupo sa stool at siya naman sa harapan ko. At hindi ko sinasadyang masulyapan ang tingin niyang naga-alala.
"Is everything okay, Rei?"
Okay? Kahapon lang halos mura-murahin mo'ko sa labas ng bahay! You even called me bitch! At dahil mabait ako at may awa sa mga nangangailangan ng tulong, nagawa kitang papasukin sa loob ng bahay ko! And you ask me if I'm okay? Nagpapa-awa kalang na hayop ka! I don't know why and how but, come to think of it, it's what a jerk like you can do. I badly regret this, Law. I badly regret this.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He pressed his lips together and looked at me with full of guilt and...pain.
"Alam kong this is so out of the blue at alam kong hindi kaagad kita mapapaniwalang nagsisisi ako sa mga ginawa ko noon." Bumaba ang tingin niya sa pagkain. "I may be an asshole and a jerk, pero alam kong tumanaw ng utang-na-loob. I know I don't deserve being here, sharing a meal with you na alam kong para sayo ay lason lang. But again, I'm sorry. I wanted to show you my appreciation just for once. Even though you hated me and cursed me, nagawa mo parin akong patuluyin sa loob ng bahay mo. You don't know how grateful I am for that." Sana, katulad ng pagiging estudyante na lahat ng naririnig ay pumapasok sa kabilang tenga at lumalabas lang sa kabila ay ganoon din ako. Pero hindi, dumidiretso sa utak ko ang lahat ng sinasabi niya. Nadadamay pati ang konsensya ko.
Napa-buga ako ng hangin bago ibinaba ang tingin sa pagkain at itinulak 'yon sa harapan niya. He looked up at me and he looked like a wreck. Mas lalong piniga ang puso ko ng konsesya. And I still can't get rid of that swollen cheeks because of me in my sight.
"It's okay. I'll just stay for one night and I'll find somewhere else to stay tomorrow." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Tinatanong ko?" Kumunot naman kaagad ang noo niya. "Tikman mo 'yung pagkain ko. Tignan natin kung may lason o wala." Kahit na naguguluhan ay ginawa niya ang sinabi ko. Binigyan ko siya ng diretsong tingin bago kinuha sa kanya ang plato ko at nag-simulang kumain.
"Now we'll be both victims of good poisoning." Maikli kong sabi sa kanya.
"What..."
Huminga ako ng malalim at idineretso ang tingin sa kanya. And this time, I let him see that I was willing to help. Kahit na hindi ko alam kung saan ko pa hinuhugot ang konsensya ko para sa kanya.
"I don't know what the deal is pero hahayaan kitang mag-stay dito. Hindi parin kita napapatawad sa pambubulabog mo dito sa bahay ko kahapon ng gabi. At hindi ko rin alam kung bakit tinutulungan kita. All I know for sure is that...you're not okay. Hindi ka masaya. Hindi ka tulad ng dati. You're saying sorry but I can't accept it just like that in a snap. Understand that I can't forgive you just yet." Nginisian ko siya. Tipong nanga-asar.
"In other words, I'm doing this out of pity." Pero kahit na ganon na ang sinabi ko sa kanya, kahit na natapakan ko na ang pride niya ay tipid lang niya akong nginitian.
"Thank you, for pitying me. I needed that. Kahit na mula pa sa taong madami akong kasalanan." Natigilan nalang ako at napa-titig sa mata niyang makikita mo ang tuwa at releif. I...I couldn't...
What the hell happened to you, Law?