Chapter 3 : Heart full of mellows

"ANONG ginagawa mo?" Salubong ko kaagad nang makita ko na naman si Law na busy sa kusina ko. He faced me and sheepishly smiled. Napa-ismid nalang ako.

Halos kagigising ko lang pero mukhang maaga akong maaasar. Hindi dahil kay Law, kundi dahil sa sarili ko. Last night, before I went to bed, I realized why I let him rent a room and stay at the house. Why I let myself be ruled over by my guilt. Dahil ibang tao ang nakikita ko. It wasn't the rough guy I used to know. Kaya ganon nalang siguro ako kabilis lamunin ng konsensya ko.

Tsk. Straight up excuses.

"Making breakfast for the both of us?" Hindi ako umimik at umupo nalang sa isa sa mga stools.

"I don't do breakfasts. Just make me some coffee." Mukhang wala siyang balak mag-inarte o kaya mainis sa pagu-utos ko sa kanya. All the more reason kaya nakaramdam na naman ako ng konsensya. Hindi ako yung pala-utos na tao.

Kaya naman mabilis akong humarang sa sink at tinabig siya sa gilid. "Nevermind. Ako na gagawa." Hindi na rin siya nag-reklamo at umupo na sa isa sa mga stool.

"You have to eat some breakfast, Rei. Relax, walang lason 'to." Hindi ako umimik. I was frustrated at myself.

Why was I pitying this guy? Why am I talking to him like he did not take anything from me? Why...Why did I...

"Masasayang niluto ko pag nagkataon." Wala akong sinabi at naupo lang sa tapat niya. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya o tapunan man lang siya ng tingin.

Ayoko kasing tuluyan akong mauto niya. I know I said I would help and I am willing to. Pero hindi ko pa siya napapatawad. I've helped him enough, right? Tama na ang 'kabutihang-puso' na ipinakita ko sa kanya kahapon. I won't let him go all the way.

"Are you still having doubts?" Sumimsim ako sa kape.

"About what?"

"About me?" Suminghap ako ng hangin pero hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya.

"Kailangan ba nating pag-usapan 'yan? Alam mo namang may mas magandang topic kesa diyan." Walang gana ko nalang na sagot sa kanya.

"Right. Then...do you want me to explain why I'm here?" To that, hindi ko na napigilang mapa-tingin sa kanya. Hindi ko nasalubong ang tingin niya. His eyes were focused on the plate infront of him, holding the fork and just playing with the food. Pero mukhang walang balak kumain.

"Ikaw bahala. I'm not planning on knowing any personal...things, about you." Natigilan siya sa pagtutusok sa pagkain. Mukhang nasaktan sa sinabi ko. And I could feel the hint of guilt inside me.

"Yeah. You're right. My bad." His voice was filled with regret. Kandagigil ako sa sarili ko. He's making me feel guilty over trivial things when he's done things I couldn't just forgive.

Dahil hindi nako nakapag-pigil sa sarili kong emosyon. And I'm literally annoyed about that fact, kinuha ko nalang ang isang plato malapit sa akin at nilantakan na 'yon. Nang maabutan ko siyang naka-tingin sa akin na parang nagtataka, pinanlakihan ko lang siya ng mata. He smiled and tilted his head a few times before starting to eat. I scoffed.

This is ridiculous, Rei.

"OMG! Nag-rent siya ng room sa bahay mo?" Hindi ako umimik. "Ano namang sinabi mo? Naawa ka ba? Kinilig ka? Hala beh! Pinarentahan mo naman sa kanya? Ano! Sabihin mo!" Inismidan ko siya saka binigyan ng isang batok. Hindi pako tapos mag-kwento, todo react na ang bruha.

"Pwede bang wag mo kaming pag-interesan? He's just a jerk from the past. Ano bang kinahihibangan mo?" Lumabi siya at lumingon-lingon sa paligid bago lumapit sa akin na parang may ibubulong. I scooch a bit closer para mas marinig ko siya.

"Hindi ka ba nagtataka? He came the night your red envelope got delivered to you." Tinaasan ko siya ng kilay.

"And so?"

"You don't think he's..." Mabilis kong pinagsalubong ang kilay ko sa thought.

Me and Law? Hell no. Magkamatayan na muna bago mangyaring siya nga ang fiànce ko. I hate the jerk. Malabo ring magustuhan ako ng gagong 'yon.

"Kilabutan ka nga, Jin! Alam mo naman ang nangyari sa past, diba? Besides, sinabi ko naman sayong rentahan na talaga ang bahay. And---"

"And if you ever so hate him. Why'd you let him rent a room? Sa pagkaka-alala ko, wala kang balak magpa-renta ni isang kwarto doon." Hindi ako naka-imik. "Tell me, Rei. Are you softening up? Or bumabalik na ang pagka-crush mo sa kanya?" Iiling-iling nalang akong humarap sa computer ko at inasikaso ang estudyanteng kararating lang na nanghihiram ng book. Nang matapos ay humarap ulit ako kay Jin.

"You know that's not the case." Humigop siya sa kapeng dala-dala nang pumasok sa loob ng library.

"And you know he's innocent. Kaya ka siguro naaawa. Kaya mo siguro siya pinabayaang mag-rent ng room sa bahay mo." Natahimik ako. "It's not his fault, Rei. It was an accident. Mukha namang nagsi-sisi na talaga yung tao, so why don't you forgive him?" I cleared my throat and raised an eyebrow at her. Nakaramdam ako ng inis dahil tama naman ang sinabi niya. And I hated that fact. Being innocent is not in his image. He deserves to be punished.

"Haven't you punished him enough already? Kailan mo ba titigilan ang paninisi sa kanya? I mean, you're happy with this life, right? Masaya kang nagsusulat. You're a happy and a healthy author, Rei. No sign of unhealthiness. No sign of sadness." Pinanlisikan ko siya ng mata. "You're just angry and you're blaming him." With that, mabilis na niya akong iniwanan sa library. Naramdaman siguro na hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig niya.

Jin knew I blamed him. Jin knew I was angry. And she knew...I'm guilty towards it.

"Argh!" Inis kong panggigigil sa buhok ko nang humarap ulit ako sa desktop. "Why do I have to be guilty towards it?" Inis kong tanong. As if on cue, nakita ko ang line ng isa sa mga character na ginawa ko sa screen ng computer. As if it's telling something.

'Because you did something wrong. Kaya ka nagi-guilty. You're just...a person who's too soft to hold a grudge. You can never stay angry at someone.'

So, anong gagawin ko? Mag-sorry para sa pananampal ko sa kanya? No way!

"ARAY! Teka, masakit!" Mas lalo kong diniinan ang paglapat ng hawak kong icebag sa pisngi niyang sinampal ko kahapon.

Dumating ako at naabutan ko siyang ganoon ang ginagawa. It doesn't look swollen pero mukhang naapektuhan ang loob. And I hate myself for representing myself to help him for that. Siya? Kapal ng mukhang ngitian ako at ibigay sa akin 'yung icebag.

"Masakit? Lalaki ka?" Ngumisi siya.

"Of course." I nodded at him and just focused my eyes on the icebag I'm holding. Nararamdaman ko ang pagtitig niya kaya medyo nakaramdam ako ng pagka-awkward sa sarili ko. Sabagay, ang weird ko nga naman sa mga inaakto ko.

Magagalit. Magiinarte. Magsusungit. Cold. Pero sa huli, bumabawi sa mga pinaggagagawa ko sa kanya.

"Is this you saying sorry for slapping me not once but twice?" Mabilis akong umiling.

"No. This is me cleaning my mess." Maikli ko nalang na sagot sa kanya. He chuckled then took a deep breath bago niya kinuha yung icebag sa kamay ko.

"Ako na. Kaya ko na 'to." Walang tanong ko nalang na iniabot sa kanya 'yon. Pero imbis na umalis na ay hinintay ko pag ilapat niya ulit ang icebag sa pisngi niya. Hindi ko sinasadyang matignan siya sa mata niya. But when I did, I felt my tummy turn almost upside down. I don't know why.

He smiled. "Thanks, Rei." Tinaasan ko siya ng kilay. Pilit tinatago ang kaba.

"For what?"

"For being born with a kind heart. Honestly, akala ko talaga palalayasin mo ako kahapon kapag sinabi kong magre-rent ako. But you didn't. Yeah you cursed me but you still let me stay." Humugot ako ng malalim na hininga at tumabi sa kanya. I crossed my arms and looked away from him.

"Honestly, I do hate you. Beyond comprehend. Gusto kong iparanas sayo lahat ng hirap na naranasan ko. So I don't know why I still let you roam about my life. I don't trust you yet, though." Mahina siyang natawa sa sinabi ko. Kala mo naman may nakakatawa sa sinabi ko.

And while he was laughing, hindi ko na naiwasang mapa-tingin sa kanya. Parang hindi si Law na nakilala ko. Hindi ang prangka, gago, bweset, kamura-murang, at tarantadong lalaki ang katabi ko. He seemed gentle and soft. Lalo na nang nakita kong umabot ang tuwa sa mata niya. Again, I hated myself.

"Alam ko namang hindi ko makukuha ang tiwala mo. And I don't think you can do the things I did back then, confidently speaking." Napa-nganga ako sa narinig.

Ano daw? Hindi ko kayang manapak? Sumipa? Mag-tapon ng basura sa isang tao? Hindi ko kaya?

"You're too soft to do so. And I'm thankful for that." Pinagsalubong ko ang kilay ko and he laughed again. "Pero kaya mong maging mataray. I guess...mabait na mataray." Lumabi ako saka siya malakas na sinapak sa braso niya. Umakto siyang nasaktan pero hindi halata dahil nangingiti siya.

Napa-buntong hininga nalang ako sa lakas ko. "Guess I'm a wimp then." Iniangat ko ang tingin sa kanya. "Ikaw? Why did you suddenly change? Why are you saying sorry? Bakit ka thankful bigla sa mga ginagawa ko? If I go back, you seem to hate me upon knowing that you were...uhmm..." I cleared my throat. "You know." Mabilis naman siyang ngumisi.

"Na crush mo 'ko?" Iniiwas ko ang tingin ko.

"That was a long time ago." Mabilis kong dagdag. At muli na naman siyang natawa.

"I know." Ibinaba niya ang icebag sa sink at hinarap ako. "I thought you didn't want to be personally attached?" Sinalubong ko ang tingin niya.

"Did I say that?" Ngumiti siya.

"Yeah, you did." Tahimik nalang akong nagkibit-balikat.

"Heto nalang. Let's say I just had...a change of heart. The things I've done can't be undone. But I can make up for it." I once again raised an eyebrow at him.

"So nandito ka para lang mapatawad kita? Are you seriously telling me to do just that?" Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"No. I...have business here with you. Pero sa tingin ko hindi pa ito 'yung tamang panahon? I'm still...you know." He chuckled. And I couldn't hate myself more than I do now.

I hate it. I hate myself for being guilty and this kind towards you. Why can't I just hate you and be done with it?