II/ Welcome to each other

Matapos kong magpabagsak ng apat na lalaki ay iba ang tumambad sa akin. "JIWOO?!" Kapwa kaming napanganga nang makita namin ang isa't isa sa ganitong sitwasyon. "Anong-" napatingin ako sa paligid. Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinila siya palayo sa lugar na to'.

"Teka lang- uy!" Bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Ano yun?" Painosente ko.

"Ano yung nakita ko? Totoo ba yun? Pinabagsak mo sila?" Natulala ako sa sunud sunod nyang tanong. So.. nakita nga nya. Lahat? As in.

"Nakita mo pala yun?" Pagpapatay malisya ko.

"Oo." Napaisip siya. "At sigurado akong ikaw yun."

Napapikit ako. Sumakit ata yung sentido ko. Napabuntong hininga ako. Ngumiti siya. Tinapik ako sa balikat.

"Ang astig. Pramis!" Pumalakpak siya ng dahan dahan.

"Astig ka dyan. Tsk." Naglakad na ako. Sumunod naman siya.

"Bakit? Ayaw mo yun? Malayo ka sa kapahamakan." Huminto ako sa paglalakad. Tinignan ko siya. Natikom ang bibig nya.

"Hindi ko na pwedeng gawin yun ulit."

"Ha? Bakit naman?"

"Basta." Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. "At wag mong mabanggit banggit kay Mama na nakapagpatumba ako ng apat."

"Bakit naman?"

"Pwede ba Jiwoo?-"

Nag cross arms siya. "Eh... kung sinagot mo na yung mga tanong ko kanina edi sana tapos na tayo."

"Hindi lahat ng curiosity nasasagot."

"Fine.. sige.. sasabihin ko-" tinakpan ko ang bibig nya.

"Don't you dare."

Inalis nya ang kamay ko na nakatakip sa bibig nya at hinila nya ako papalapit sa kanya. "Any clue?" Natulala ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Lumayo ako ng kaunti. Para akong kinabahan dun ah.

"Magaling akong mag karate."

"Wow." Napa palakpak siya sa sinabi ko. Sinabayan na nya ako sa paglalakad. "Naku... hindi na kita bibiruin simula ngayon. Nakakatakot ka siguro."

"Tigilan mo ko."

"So.. secret lang yun?"

"Malamang."

"Syempre may kapalit." Napahinto ako sa sinabi nya. "Hindi naman pwedeng ititikom ko yung bibig ko na walang kapalit." Kumindat siya

"Balian kaya kita."

😂😂😂😂 "hindi mo pwedeng gawin yan." 🤔 "ano kayang magandang deal?"

"Deal talaga?"

"Ganito nalang ... gawin mo nalang lahat ng gusto ko."

"Tsk. Hindi mo ko mauuto sa ganyan."

"Sige bahala ka."

___________________________________________________________

Nang makarating kami sa bahay ay nakita namin ang mga nanay namin na naglalakad patungo sa bahay namin.

"Ano na naman- Tsk!" Singhal ni Yejin. Tikom naman ang bibig ko sa nakita ko. "Si Mama talaga oh."

"Hindi na siguro mapaghihiwalay ang mga magulang natin." Inakbayan ko siya. "It's means ... magkakasama tayo forever." Inalis nya ang braso kong nakapatong sa balikat nya.

"Anong forever? Tsk. Ma!" Tumakbo siya papalapit sa mga nanay namin.

"Oh... Yejin! Jiwoo!" - Tita Rian. Kumaway ako. Lumapit na rin ako sa kanila.

"Aba... mukang nagkasalubong kayo sa daan ah." Sabi ni Mama.

Nagkatinginan kaming dalawa. "Ah... Oo, Ma. Nanuod kami ng action movie." Tinaliman nya ako ng tingin. Ngumiti naman ako ng nakakaasar para mapikon siya.

"Anong movie?" Tanong ni Tita Rian

"Ah... Wala yun Ma. Dyan mo ba gustong kumain ngayong gabi? Sige ... tara na Ma. Gusto ko din kasi makasabay sina Tita minso at syempre pati si Jiwoo."

"Ayy! Maganda yan. Tara na sa loob!" Masayang sabi ni Mama.

Nagpipigil naman ako ng tawa.😂😂😂 pero mukang sasabog na. Habang siya namumula sa galit.

Pinapanuod namin magluto sina Mama at Tita Rian. Kami naman ni Yejin ay nakaupo sa sofa.

"Bakit kaya hindi nalang tayo tumira sa iisang bahay nu?" Biro ko

Napanganga siya sa sinabi ko. "Ayoko."

"Wow. Ang straight 😂😂😂" pumalumbaba ako. "Tingin ko kasi hindi malayong mangyari yun dahil close ang mga nanay natin."

"Ayoko. Magugulo lang ang mundo ko."

"Edi gawin mo kong mundo mo."

Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay nya sa banat ko.

-

"Ok. Class dismiss."

Tumayo na ako. Kinuha ang bag at libro ko. Pwede na akong kumain. Siguro breaktime na rin nina Yejin.

"Jiwoo!" Tawag sa akin ni Kyun

"Oh."

"Kain tayo?"

"Sige. Wala ka bang kasabay?"

"Wala eh. Ikaw?"

"Meron. Kung gusto mo sumabay ka nalang sa amin ni Yejin."

Parang nag isip siya bago sumagot. "Siya ba yung chikababes na nakaangkas lagi sa motor mo?" Kinutusan ko siya ng mahina. "Aray-"

"Anong chikababes? Anong akala mo dun?"

"Ang protective naman." 😑😑😑

"Tigilan mo ko."

"Jiwoo!" Kapwa kaming napalingon sa nagsalita.

"Lianne!" Kumaway si Kyun sa kanya. Napansin namin ang babaeng kasama niya. Siniko nya ako ng mahina "Mama ni Lianne." Nang makalapit sila ay agad na bumati ang loko. "Hello po Tita Elizabeth."

"Hello din."

"Hi." Bati ni Lianne. "Ma, si Kyun and si Jiwoo."

"Nice to meet you po. Kang Ji Woo." Nakipagkamay ako sa mama nya.

"I think I remember you." Sabi nya. Napatingin siya kay Lianne. "Siya ba yung boyfriend mo anak?"

Nagulat man ako sa sinabi ng Mama nya ay hindi ko pinahalata. Napatingin lang ako kay Lianne. "Ma, naman..." walang Oo/hindi?

"I see. Kaya naman pala nagustuhan ka ni Lianne. Gwapo ka and base sa mga nakukwento niya sa akin ay matalino ka daw."

"Ah..." hindi ko alam anong irereact ko. "Thank you po. Pero ... hindi po ako boyfriend ni Lianne."

"Ha? Ano?" Nagkatinginan silang mag ina.

"Sige po. Mauuna na po kami." Hinila ko si Kyun paalis.

-

"Uy. Ang harsh naman nun."

"Mas harsh siya. Hindi siya sumagot ng Hindi kanina." Inayos ko ang pagkakasukbit ng bagpack ko. "Kakain na ko. Tsk."

___________________________________________________________

Pinagmamasdan ko siya habang kumakain kami. Himala... tahimik tong' walanghiya. Anong meron?

"Baket?" Wow. Halatang may sumpong.

"Anong meron? Nahanginan ka ba? Kinabag tapos ayaw ng magsalita para di mapasukan ng lamig?"

"May nangyari lang kanina." Nakayuko lang siya.

"Ano naman yun?"

"Si Lianne kasi ..."

"Ano? May LQ kayo? Sabi ko na nga ba eh... Love will-"

"Hindi!" Malakas na sabi nya. Napatingin sa amin lahat ng tao. "Tsk." Yumuko siya. "Nainis lang ako kanina kasi kasama nya yung Mama nya tapos hindi ko alam kung anong mga sinasabi nya dun at iniisip ng nanay nyang boyfriend nya ako."

"Choosy ka pa." Bulong ko. Uminom ako ng coke.

"Hindi ako choosy. Saka hindi siya attractive para sa akin."

"Hindi attractive? Bulag ka ba? Ang ganda ganda ni Lianne."

"Hindi ok."

"Oh sige." Binaba ko ang softdrinks na hawak ko. "Paanong attractive ba?"

"Ah- eh- ano-" hindi siya makatingin sa akin ng maayos. "Basta! Wag na nga natin pag usapan yan."

Kita mo to. Parang bata kung magmaktol. Tsk.

-

Nagsasalamin ako sa CR nang may pumasok na babae. Pinagmasdan ko siya. Si Lianne to ah. Hindi ko na siya pinansin. Lalabas na sana ako nang bigla nya akong tinawag. "Ms. Soo Ye Jin?" Lumingon ako pero di ako nagsalita. "I am-"

"Bo Lianne." Sagot ko.

"It's good to hear you know my name." Walang karea-reaksyon ang mukha ko. Diretso lang ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry about last time. Alam mo naman .. iniisip ko lang yung kapakanan ng mga estudyante dito."

"Ok." Maiksing sagot ko. "Sige mauuna na ako."

Lumabas na ako ng CR. Hindi ko gusto ang presensiya ng taong yun.

-

Pauwi na kami ni Jiwoo sakay ng motor nya nang mapadaan kami sa isang convenient store. "Jiwoo! Mag ice cream tayo."

"Ha? Oh sige." Hininto nya sa gilid ang motor. Bumili kami ng ice cream at naupo sa isang table na nasa gilid. "Bakit bigla ka atang nagyaya kumain ng ice cream?"

"Wala lang. Pantanggal stress." Simpleng sagot ko

"Bakit? Stress ka ba?"

Umiling ako. Tumingin ako sa kanya. "Nakasalubong ko si Lianne kanina." Napatingin siya sa akin.

"Nagkita kayo?"

Tumango ako. "Oo. Nagsorry siya dun sa nangyari last time." Actually ... hindi ko alam kung sincere ba si Lianne sa paghingi nya ng paumanhin or ano.

"And ... what did you feel after that?" natigil ako sa pagkain ng ice cream. Nag isip ako kung dapat ko bang sabihin sakanya yung pakiramdam o hindi.

___________________________________________________________

Pinagmamasdan ko ang mukha nya. Hindi nya ako masagot. Alam ko yung pakiramdam na meron siya. Marahil ay- "Mabait naman siguro si Lianne." Sagot nya. Alam kong ramdam nya na hindi sincere si Lianne sa sinabi nyang sorry kanina. "Ah... eh... Ano? Tara na? Baka mamaya hinihintay na tayo nina Mama eh." Tumayo na siya.

"Sige. Tara."

-

Maaga pa ay nagkakagulo na ang mga estudyante sa bulletin board. "Anong meron?" Tanong ko kay Kyun

"Nakikita mo ba to?" Pinakita nya ang flier na hawak nya

WELCOME PARTY FOR TRANSFEREES

"Meron pa pala nyan?"

"Yes." Tinupi nya ang flier. "Nageexist pa to' hindi ka lang umaatend."

"Wala naman kasing gagawin dyan eh."

"Akala mo lang yun. You know what..." inakbayan nya ako. "You should try, madaming magagandang transferees ang university ... pwede kang mangisda. Haha!"

"Baliw." Bulong ko. Puro pambababae alam nito. Tsk.

"Diba? Yung chix na kasama mo... bago yun? So... kasama siya dito."

Napaisip ako. Oo nga nu. Transferee nga pala si Yejin.

"Taon taon ang daming magagandang estudyante ang Song Dang ..."

-

Naghihintay ako sa parking lot. Maya maya ay narinig ko na ang takbo ni Yejin na papalapit sa akin.

"Sorry medyo nalate ako."

"Okay lang." Sagot ko. Napansin ko ang flier na hawak nya. "Ano yan? Event?"

"Ha?" Napatingin siya sa hawak nya. "Ah. Oo, Sabi nila Welcome Party for transferees daw. Maganda daw pumunta dito kasi all levels daw to."

"Yeah. Makakakilala ka ng iba't ibang tao from different levels kahit college."

"Ah..."

"Pupunta ka ba?"

"Ha? Ah... eh... hindi ko pa alam eh."

"Ah... kung gusto mo pwede kitang samahan."

"Talaga?"

"Oo." Kinuha ko ang flier na hawak nya. "Next week pa naman to' eh. Saturday night so... makakapaghanda ka pa."

"Makakapaghanda?"

"Yeah. Song Dang University to' you should wear nice dress."

"Ah... kailangan ba talaga yun?"

"Oo naman." Nag isip ako. "May kilala akong makakatulong sayo." Kumindat ako.

___________________________________________________________

"Yejin, pupunta ka ba?" Tanong ng classmate kong si Chris.

"Ah... eh... Siguro?" Sagot ko. Actually, nag iisip pa ako kung pupunta ako. Napasandal ako sa upuan ko. Napabuntong hininga. Maya maya ay dumating na ang prof namin.

"Alam mo magandang pumunta dyan." Bulong ni Chris. "Kumbaga ... chance na yan para ipakilala mo ang sarili mo and syempre para makakilala ka din ng mga kaibigan sa iba't ibang levels. Full of surprises ang event na yan."

"Talaga?"

Tumango siya. "Taon taon bumibida talaga ang mga transferees sa event na yan. Nakalista kasi lahat ng bago na pumapasok dito."

-

Break Time. Magkausap kami ni Chris sa labas ng room since katatapos lang ng klase.

"Yejin." Lumingon kami sa nagsalita.

"Oh- anong ginagawa mo dito?" Pinakita nya ang maliit na bag na hawak nya. "Ano yan?"

"Edi pagkain. Pinagbaon tayo ni Mama."

"Magkapatid ba kayo?" Tanong ni Chris.

"Ha?" Nagulat kami. Nagkatinginan sabay sagot ng "Hindi."

"So... mag boyfriend girlfriend?"

Napanganga kami ni Jiwoo. "Hindi rin."

"Eh... anong pinagbaon kayo ng Mama nya?"

"Ano kasi Chris ... medyo long story." Sagot ko

Naglipat lipat ang tingin nya sa amin na tila di siya kumbinsido sa mga sagot namin. "Bagay kayo."

"Ano?!" Napatingin sa amin ang mga schoolmates namin.

"Ano ka ba Chris... ang laki ng age gap namin nito. Pano kami naging bagay?"

"Yejin, 14 lang tayo. 20 lang naman si Jiwoo... ok lang yan. Saka gwapo naman siya eh." Bulong nya.

Napatingin ako kay Jiwoo. "Salamat sa papuri Chris."

-

"So ... nakapagdecide ka na ba kung pupunta ka sa event?" Tanong ni Jiwoo habang kumakain ng burger.

"Oo. Gusto kong pumunta. Sabi kasi ni Chris, madami daw surprises sa event na yun."

"Oo. Madami nga daw." Natigil ako ng marinig ko yung salitang DAW. Anong ibig nyang sabihin dun?

"Daw?" Nahinto siya sa pagnguya. "Hindi ka ba pumupunta sa ganun?"

"Hindi."

"Eh... bakit mo sinabing sasamahan mo ako?"

"Eh... ba-baka kasi ano..."

"Ano?"

"Mapano ka. Late na rin natatapos yun nu."

"Ah... pero sure kang okay lang sayo?"

Tumango siya. "Oo naman."

-

Kakauwi lang namin sa bahay. Bumaba ako sa motor nya at tinanggal ang helmet na suot ko.

"Ah... eh... Yejin, sa weekend puntahan natin yung kaibigan kong mag aayos sayo."

"Ah... Sige."

"Sige."

___________________________________________________________

(JIWOO'S HOUSE)

SATURDAY

Pagkagising ko ay bumaba na ako para mag almusal. Nakaluto na si Mama. "Good morning Ma."

"Good morning din Anak. Maupo ka na at kakain na tayo."

"Sige po."

Naupo na ako at kumain na ng almusal.

"Himala... maaga ka atang gumising ngayon."

"Ah... Opo. May pupuntahan po kasi kami ni Yejin." Napangiti si Mama at mukhang alam ko na anong iniisip nito. "Ma, ano na naman yang iniisip mo?" Patuloy lang ako sa pagkain

"Wala naman anak."

"Ma, kung anuman yang iniisip mo... tigilan mo na yan."

"Wala naman akong iniisip." Humigop siya ng kape.

"Okay."

"Saan ba kayo pupunta?"

"Maghahanap kami ng susuotin nya para sa Welcome party for transferees."

"Ayy... oo nga pala nu? Next week na nga pala yun."

"Yes. Nagpunta po ba kayo sa school?"

Umiling si Mama. "Wala pa akong time saka tinatamad din ako. Busy din kasi ako sa trabaho ko."

"Ah..."

Matapos kong mag almusal ay hindi muna ako naligo. Nagpasya muna akong sumaglit kina Yejin para tignan kung gising na siya.

"Goodmorning po Tita."

"Oh- Jiwoo, ang aga mo naman." Nangangamoy may niluluto dito sa kanila nang papasukin ako ni Tita Rian. "Naku, sorry iho ha. Kasi nagluluto ako ng almusal. Tulog pa si Yejin."

"Actually, nandito po ako para gisingin siya."

"Ha? Gisingin siya?"

Tumango ako. "Opo tita. May pupuntahan po kasi kami."

"Saan?"

"Welcome party po kasi next week so... kailangan po namin maghanap ng susuotin nya para dun sa event."

"Ganun ba? O- sige maupo ka muna dyan at gigisingin ko lang siya."

"Pwede po bang ako nalang ang gumising?"

"Ah... eh... s-sige."

___________________________________________________________

😴😴😴😴😴😴😴😴😴

"Yejin ..."

"Hmmmm?"

"Yejin..."

"Hmmm?"

"Huy! Diba may pupuntahan pa tayo?"

"Hindi ako sasama sainyo!"

"Ano? Huy! Gumising ka nga!"

Napamulat ako sa bumatok sa akin. "Tsk! Ano ba ma?!" Tumayo ako. Napanganga ako sa nakita ko. "Jiwoo?"

"Oo. Ako nga. Bakit?"

"AHHHHH!!! Anong ginagawa mo dito?!!!"

"Edi ginising ka- ARAY!" Hinampas hampas ko siya ng unan hanggang sa makalabas siya ng kwarto.

Bakit ba nandito yung kumag na yun? Ang aga naman nya? Saka bakit siya hinayaan ni Mama na umakyat at pumasok dito sa kwarto ko. Buti nalang talaga nagpajama ako kundi nakita na nya ang paradise. Mygadd!

___________________________________________________________

Anong?! "Yejin!" Sigaw ko sa labas ng kwarto nya. Pisting bata yun ah. Maya maya ay lumabas na siya nakatali ang buhok pero di pa naghihilamos.

"Ang ingay mo." Plain face nyang sabi.

"Panong di ako mag iingay eh.. pinaghahampas mo ko ng unan." Reklamo ko

"Excuse me. Trespassing ka kasi Sir. Dapat si Mama ang gumising sa akin hindi ikaw."

___________________________________________________________

"Busy si Tita ok." Nagpapaliwanag siya habang pababa kami ng hagdan. "Saka diba sabi ko naman sayo pupuntahan natin yung mag aayos sayo?" Natigil ako. Oo nga pala nu? May usapan pala kami ng walanghya na to'.

"Eh... bakit hindi ka pa naliligo?"

"Dahil baka mamaya maghintay ako ng 2 hours kasi hihintayin pa kitang maligo. So... mag almusal ka na tapos sabay tayong maligo."

Lumaki ang mata ko sa sinabi nya at ganun din siya na tila narealize nyang wrong term ata siya.

"May mali sa sinabi ko diba?"

"Siguro? Baka wrong grammar ka? Medyo manyak ka pala pag nagkakamali."

"Ok lang ba kayong dalawa?" Nakatingin si Mama sa amin.

"Oo naman ma. Bakit po?"

"Para kasing narinig kitang sumigaw eh."

"Ay... naku tita. Masmalakas pa nga to-" tinakpan ko ang bibig nya at pinandilatan siya ng mata.

Nagalmusal, naligo at nag ayos ako ng sarili ko. Maya maya ay nagpaalam na ako kay Mama. Lumabas na ako ng bahay. Nadatnan kong nakaupo doon si Jiwoo. Naka white jacket siya at itim na sumbrero. Infairness, ang gwapo nya sa suot nya. Kaya siguro nahuhumaling dito si Lianne.

"Jiwoo!" Tawag ko

Tumayo siya. "Tara na?"

Naglakad kami patungo sa bus stop. Di nagtagal ay may huminto ring isa. Kaso pagpasok namin tayuan.

"Hindi ko alam na madami palang tao kapag sabado." Bulong nya

"Oo nga eh. Pero siguro saglit lang yan makakaupo din tayo."

Hindi pa man ako nakakahawak ay biglang umandar ang bus dahilan para muntik akong matumba. Agad naman akong nahawakan ni Jiwoo sa bewang. Nagtama ang tingin namin pero umiwas din ako agad.

"Tsk. Baliw tong' bus driver ah. Hindi pa nga tayo nakakaayos umandar na." Bulong nya. Parang napako ang tingin ko sa kanya.

Napansin ko nalang na napahawak pala ako sa dibdib nya. 😦😦😦 agad kong inalis ang kamay ko.

"Napaka sweet naman ng boyfriend mo iha." Sabi ng isang matandang nakaupo sa harapan namin.

"Po? Boyfriend? Ito?" Tinuro ko si Jiwoo. "Naku... hindi po. Hindi ko siya boyfriend."

"Hahaha! Oo nga Lola." Sang ayon ni Jiwoo.

"Naku... napakagwapo nya. Malay mo balang araw ligawan ka nya."

Natawa kaming dalawa.

Nagfocus nalang ako sa labas. Pinagmamasdan ang tanawin habang umaandar ang bus. Yung puso ko ang lakas ng tibok. Ano? First time mag bus Yejin?! Manahimik ka!

After 45 minutes ay narating namin ang isang boutique. Sa labas palang ay alam mo ng pang mayaman ang mga tinda nila.

"Dito na yun." Sabi ni Jiwoo

"Dito? Eh... mukang mahal eh." Bulong ko

"Ano ka ba? Wala kang babayaran dyan. Akong bahala sayo." Kumindat siya

___________________________________________________________

Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ni Margarette Lao.

"Wow... himala napabisita ka." Niyakap nya ako.

"Wala lang namiss lang kita." Sagot ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Namiss o may pabor ka?"

"Pareho."

Napansin nya si Yejin na nakatayo sa gilid ko. Tumingin sya sa akin.

"Girlfriend mo?" Diretsong tanong nya

"Hindi. Ano ka ba? Magkaibigan kami."

"Oo nga po. Magkaibigan lang kami." Sagot din ni Yejin

Nag cross arms si Margarette. "Sorry ha. Pero hindi convincing... this is the first time na nagbitbit to' ng babae dito sa boutique ko."

"Hahahaha! Ikaw talaga. By the way... Margarette, this is Yejin... my friend."

"Nice to meet you Yejin."

"Nice to meet you din Ms. Margarette."

"And this is Margarette Lao, nag aral din sa Song Dang University ng Designing and dress making."

"I see... is it for the Welcome party?" - Margarette

Tumango ako.

"Sige." Inakbayan nya si Yejin. "Ipapaasikaso kita sa mga staff ko. Pupuntahan nalang kita pagkatapos kong mamili ng mga pwede mong suotin."

"Ok po."

"Take your time."

Inasikaso na nga mga staff ni Margarette si Yejin. Pinagmamasdan ko siya habang papasok sila sa isang kwarto.

"What's with the smile?" Napatingin ako kay Margarette na ngayon ay nakatingin sa akin

"Ha? Wala. Masaya lang ako kasi nakita ulit kita and matutulungan mo si Yejin."

"Yun lang ba talaga?"

Tumango ako. "Yeah."

"Okay."

"Bakit ba parang may gusto kang iparating?"

"Look Jiwoo, we've together for almost 7 years and hindi pa kita nakitang ngumiti ng ganyan sa isang babae."

"Natutuwa lang ako kasi parang kapatid ko na yun."

"Fine. Defensive ka masyado."

Nakaupo lang ako habang naghihintay. After 3 hours ay lumabas na si Yejin. Bakit ganun ? Parang walang nagbago? Ang suot nya ay ganun pa din... tinignan ko si Margarette na ngiting ngiti sa akin.

"Ok na yun?" Tanong ko

"Yes. Ok na yun. Magkita nalang ulit tayo before ang event."

"Ok." Maiksi kong sagot. Pero nahihiwagaan pa din ako kasi walang halos nagbago dito. Akala ko pa naman makikita ko siyang nakaayos.

___________________________________________________________

Bitbit ang shoulder bag ko. Patungo ako ngayon sa room ng event organizers ng Welcome Party for Transferees. Busy silang lahat as usual kasi ilang araw nalang ay dadausin na dito ang isa sa mga pinaka aabangan ng mga estudyante ng Song Dang.

"Hello po Ms. Lianne." Bati ni Kim.

"Hello. Where's Luisya?"

"Yes My dear." Luisya is a gay. He is the event organizer of this school. "What can I do for you?"

"I'm here to ask for a favor."

"Sure. Halika sa office ko."

Pumasok kami sa office nya. Naupo kami at naglapag ng juice ang secretary nya.

"So, anong pabor ba yan Ms. Bo Lianne?" Nag cross legs siya.

"Gusto kong ibigay mo sa akin ang golden tickets."

"You want the golden tickets? Why?"

"Alam naman natin na kung sino ang dalawang tao na makakakuha ng golden tickets ay mabibigyan ng isang exclusive date out of town next month after ng exam. Gusto kong ibigay mo yun sa akin at kay Kang Jiwoo."

"Kang Jiwoo? Yung gwapong engineering student?"

"Yes." Ngumiti ako

"Alam ko ... hindi siya nagpupunta sa ganitong event."

"I have my source." Sagot ko.

"I'll think about it. Basta abangan mo nalang sa event."

"Good."

___________________________________________________________

Nakaupo lang ako sa classroom. Wala pa ang prof namin. Si Kyun naman ay busy sa paggawa ng kalokohan.

"Jiwoo, alam mo ba kahapon sumakay ako ng bus. Ang daming tao kahapon..." blah blah blah. Nang marinig ko yung salitang bus ay naalala ko yung nangyari kahapon. Napansin ko ang pagkailang sa akin ni Yejin. Napahawak kasi ako sa bewang nya na hindi sinasadya. "Jiwoo!" Nabalik ako sa realidad. "Bakit pakiramdam ko lumulutang yung utak mo?"

"Ha?"

"Kanina pa ako nagkukwento. Tsk. Di ka nakikinig."

"Sorry may iniisip lang ako."

"Nga pala ... maiba ako... pupunta ka ba talaga sa event?

"Oo. Bakit ba tanong ka ng tanong?"

"Syempre, pupunta din ako."

"Tsk."

___________________________________________________________

Busy ako sa pagkain dito sa tapat ng school. Inorder ko lahat ng gustong kainin tutal uwian naman na hindi ko kailangan magmadali sa pagkain. Sayang saya ako sa paglamon nang biglang may naupo sa harap ko.

Si Jiwoo. "Kanina pa kita hinahanap.. nandito ka lang pala Yejin."

"Anong ginagawa mo dito?" Nilagay nya ang bag nya sa upuan na katabi nya.

"Sinusundo ka."

"Alam mo... kapag hindi mo na ko nakita ibig sabihin nun hindi ako sasabay sayo."

"Tsk." Kumuha siya ng chopstick at nakikain din sa akin "Sige wag kang sasabay mamaya ha."

"Talaga." Pagmamatigas ko.

"Nga pala ... anong ginawa sayo ni Margarette kahapon?"

"Wala naman. Pinag isipan lang namin yung gagawin nyang ayos sa akin."

"3 hours kayo sa loob. Nag isip lang kayo? Grabeng brainstorming yan ha."

"Bakit ba?! Babae ka ba?!"

"Tsk! Kumain ka na nga lang! Dapat di na kita tinanong eh. Tumalsik pa sakin yung kanin kanin mo." Reklamo nya.

Hindi nya talaga pwedeng malaman yun. Sa totoo lang hindi ko din alam bakit ayaw ipaalam ni Ms. Margarette kay Jiwoo kung anong gagawin nyang ayos sa akin sa araw na yun. Naayusan naman talaga ako. Inahit nya ang kilay ko. Pati ang mga balahibo ko sa legs ay nawala na rin kasi daig pa nya nag harvest ng ani nung pinagbubunot nya to'. Nag try din kami ng mga make up na bagay sa akin at magugustuhan ko din. Namili rin kami ng mga damit, bag at sapatos na bagay sa akin.

"Ahhh... ang sakit ng tyan ko. Sobrang busog ako." Hinimas himas ko ang tyan ko. Palabas na kami. Papalapit na ako sa motor nya-

"Hep!" Sigaw nya

"Bakit?"

"Diba hindi ka sasabay?" Ngumiti siya ng nakakaasar.

"Ano?!"

"Magcommute ka." Sumakay siya sa motor nya at pinaandar ito.

"TEKA! HOY! JIWOO!" Sigaw ko. "WALANGHIYA KA TALAGA!"

"HAHAHAHA ! SIGE TUMANGGI KA PA SA SUSUNOD."

-

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko siyang nakaupo sa harap ng bahay nila. Pero kunwari wala akong nakita kaya dire-diretso lang ako. Tsk. Pumasok ako. Sinalubong ako ni Mama mula sa pinto.

"Anak, wala ata dyan si Minso."

"Po? Si Tita Minso wala?

"Oo. Sumaglit ata siya sa supermarket eh."

"Ah..." kaya pala nakaupo si Jiwoo dun.

"Papasukin ko nalang kaya siya dito?"

"Ano Ma? Wag na. Babalik din naman agad- Ma?" Bigla siyang nawala.

"JIWOO! DITO KA MUNA ANAK!" 😦😦😦😦😦 kita mo nga naman nagsasalita palang ako nakalabas na siya.

Umakyat muna ako sa kwarto para magpalit ng damit. Pagbaba ko ay nadatnan ko si Jiwoo na nakaupo sa sofa. Kumaway siya.

"Wow... pagkatapos mo kong iwanan... heto ka.. nakaupo sa pamamahay namin." 🤨🤨🤨🤨

"Halika na kayo kumain na tayo." Aya ni Mama. "Jiwoo, dito ka na maghapunan baka madaming pinamili si Mama mo." Tumayo si Jiwoo. "Nga pala, bakit parang hindi kayo nagsabay na umuwi kanina?"

"Kasi tita, maarte tong' si Yejin. Tinatanggihan ako. Napatingin ako sa kanya. "Eh... concern lang naman po ako na baka mapano siya ... ay! Sabagay kaya nga pala nya ang sarili-ouch!" Tinapakan ko ang paa nya

"Wag kang mag alala Ma. Simula bukas sasabay na ako sa kanya."

-

WELCOME PARTY FOR TRANSFEREES

Dinala ako ni Mama sa isang parlor para magpa manicure at pedicure. "Ma, bakit kelangan ko pang magpaganito? Eh... isang gabi lang naman yun."

"Anak, iba pa din yung nakaayos ka overall." Sayang saya sya sa nakikita nya.

Umuwi din kami sa bahay pagkatapos dahil na rin gabi pa naman yung party. Nakita ko sa labas si Jiwoo. Ngiting ngiti siya.

"Bakit?"

"Aba... mukang nakamanicure ka ah."

"Tsk."

Aamba na sana ako ng suntok. "TITA OH- sayang naman yung ganda ng anak nyo."

"Tsk."

Natigil kami sa pag aasaran nang may humintong kotse sa harap namin. May lumabas na babae mula dito at kumaway sa amin. "Hello My Dears!"

"Margarette?"

"Yes. The one and only." Lumapit siya sa amin. Inakbayan nya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jiwoo

"Diba ngayon yun? So, I'm here to make some magic." Kumindat siya sa akin. Bumaling siya kay Jiwoo. "Anong tinatayo tayo mo dyan? Kunin mo na yung mga gamit sa compartment at ipasok mo na sa-" napatingin siya sa amin. Napatingin din siya sa bahay namin. "Magkapitbahay kayo?"

Tumango ako. "Mygad! What a coincidence? Akala ko aayusan kita sa bahay ni Jiwoo."

"Ah... hindi na. Sa bahay nalang."

"Fine. Hoy! Jiwoo! Sa bahay nya kami mag aayos."

"Tsk! Oo na."

"Faster!"

___________________________________________________________

Nang maipasok ko ang mga gamit sa bahay nina Yejin ay naupo ako.

"You're not allowed here." Sabi ni Margarette.

"Bakit?" Hinila nya ako palabas ng bahay.

"Maghintay ka dyan sa labas or much better ... magready ka na din."

"Hindi ba ako pwedeng manuod?"

"Big NO! Saka diba? Gusto mo to? Makisama ka. Bye!" Sinara na nya ang pinto

May topak talaga yun. Tsk. Makapag ayos na nga lang.

-

Tinitignan ko ang suot ko sa salamin.

"Aba... ang gwapo naman ng anak ko." Napatingin ako kay Mama na nakatayo sa pinto.

"Ma, kayo pala."

"Mukang ready na si Yejin."

"Ah... sige po lalabas na ako."

"Sana kayo ang magkadate sa event."

"Ma, naman. Yan ka na naman sa imagination mo."

Lumabas na ako. Sakto naman na lumabas din si Margarette mula sa kabilang bahay.

"Aba... pormang porma ka ha." Asar nya

"Tsk. Nasaan na si Yejin?"

"Wag kang maexcite my dear. Palabas na siya." Kumindat siya sa akin. "For sure mapapanganga ka."

"Sus-" bumukas na ang pintuan mula sa bahay nina Yejin. Lumabas siya mula dito na naka white na off-shoulder at black na skirt. Naka heels siya. Ang buhok nya ay nakalugay. Ibang Yejin ang nakita ko ngayong gabi. Parang ibang tao yung madalas kong nakakasama.

"Sabi ko sayo mapapanganga ka eh." Bulong ni Margarette

"Tumigil ka nga ..."

Nakalapit na sa amin si Yejin. Nakangiti siya. Siniko siko naman ako ni Margarette.

"What do you think? Maganda ba?"

"Ah... eh... ayos lang." Umiwas ako ng tingin. "Tara na?"

"Sige."

"Hep!" Natigil kaming dalawa. "Ano? Magmomotor kayo?"

"Oo. Bakit? Ano bang dapat naming sakyan?"

"Mygad Jiwoo! Pinaayusan mo siya sa akin ng ganyan tapos MOTOR?!"

"Alam mo naman na di pa ako allowed mag kotse diba? Ayaw ni-" hinagis nya sa akin ang susi ng kotse nya.

"Gamitin nyo na yan. Sa akin muna yung motor."

"Pero-"

"Wala ng pero pero! Go!!!"

___________________________________________________________

Nasa byahe na kami patungo sa University. Tahimik naman si Jiwoo habang nagmamaneho. Kinain kami ng katahimikan sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa venue. Pagbaba namin ng kotse ay tumambad sa amin ang mga nag gagandahang estudyante ng Song Dang University.

"Ganito ba talaga dito?" Bulong ko sa sarili ko. Ang gaganda ng mga tao ngayon ah.

"Tara na." Aya ni Jiwoo.

Pumasok na kami. Sa Entrance ay may binibigay na Sealed Maroon Envelope. "Wag po munang ioopen until sabihin ng MC." Paalala nila. Anong meron? Bakit hindi pwedeng buksan? Nabigyan na kami ni Jiwoo saka kami tumuloy sa loob.

May lumapit sa akin na babae.

"Good evening Ma'am. Ano pong pangalan?" Tanong ng babae.

"Soo Ye Jin."

"This way po ang table nyo."

Lumingon ako kay Jiwoo na inaayos ang damit nya at pinagpag ng bahagya ang hawak nyang envelope.

"Ok ka lang?" Tanong ko

Tumango siya. "Saan ka uupo?"

"Dun banda malapit sa stage. Ikaw?"

"Magkatabi lang yung table natin."

Naupo na kaming dalawa. Maya maya ay umakyat na sa stage ang MC. "Good evening Song Dang University!" Panimula nya. "So proud that I belong in this place ... so many beautiful ladies and gentlemen." Nagpalakpakan ang lahat. "Alam ko nagtataka kayo bakit may seating arrangement na nagaganap. It's because ... your date for tonight will depends on the sealed maroon envelope you are holding right now. We will have the seating rearrangement mamaya pagnatawag na ang TOP 10 Pairs. For those who will get the white tickets you are allowed to choose any partner you want. So... let's start?" Naghiyawan na ang lahat ng tao sa venue. "The pairs that will get the golden tickets will have an exclusive date out of town next month. While the 9 pairs... they will have group date out of town syempre ... next month din yun."

Napatingin ako sa hawak ko. Ano kayang laman nito? Ano kayang kulay?

"Let's open our envelopes!" Sabay sabay kaming nagbukas ng envelopes. Iba't ibang reaksyon ang narinig at nakita ko. "Ok! Let's call the first color .. BLUE !"tumayo ang dalawang tao na nakakuha ng blue tickets. Natawag na rin ang PINK, GREEN, PURPLE, ORANGE, BROWN, RED and MINT GREEN. "So... we have 2 colors left .. The silver and of course the golden tickets. For those who got the silver and golden tickets please come to the stage na nakatago ang iyong tickets sa loob ng envelope."

Tumayo si Lianne na nasa likuran ko lang nakaupo. Tumayo din ang isang gwapong lalaki sa table na nasa kanan ko. Pati si Jiwoo ay tumayo din. Dahan dahan akong tumayo. Nagtama ang tingin naming dalawa. Umakyat kami ng stage.

"Ok! sabay sabay nyong ilalabas ang iyong tickets. in 1... 2... 3... Go!"