III/ Meant to happen

"Wow... ang ganda ganda mo naman tonight Ms. Lianne." Puri ng kaibigan kong si Chona.

"Thank you. Dapat lang maging maganda ako ngayon coz' for sure gwapo ang magiging partner ko."

"Pano mo nasabi ?"

"Nararamdaman ko lang." I smiled.

Pagbaba ko ng kotse ay nasilayan ko na agad si Jiwoo na kakapasok lang din. Pumasok na rin ako. Naupo ako sa upuan kung saan ako naka assign. Hindi naman pala siya malayo sa akin. Nasa harapan ko lang pala siya. Mygad... I'm so excited for the opening of the envelopes. Nagsimula na nga ang party until dalawang kulay nalang ang natitira which is the silver and gold ticket. Tumayo ako, si Jiwoo at isang lalaki na may kagwapuhan din pero medyo mapungay ang mata. Sino kaya yung isa? Dahan dahan na tumayo ang isang babae mula sa harapan ko. Diba siya yung 2nd year highschool na kasama ni Jiwoo nung nakaraan?

Umakyat kami sa stage saka nagsalita ang MC.

"Wow! Good looking people in 1 frame." Nagpalakpakan ang lahat. "Please introduce yourselves first bago natin ilabas ang mga tickets nyo."

"I'm Bo Lianne." Pakilala ko

"Soo Ye Jin"

"Kang Ji Woo"

"Lee Yong Hwa"

"Ok! At this very moment let's see who got the golden tickets!" Naeexcite ako. For sure si Jiwoo ang makakapartner ko. "Ok! sabay sabay nyong ilalabas ang iyong tickets. in 1... 2... 3... Go!" Nilabas namin ang mga tickets namin. "Wow! It's Kang Ji Woo and Soo Ye Jin got the silver tickets." WHAT?! Bumakas sa mukha ko ang gulat. But how? "Congrats Ms. Bo Lianne and Lee Yong Hwa!"

Pagbaba ng stage ay hindi ko makapaniwala. Paanong nangyari yun?

__________________________________________________________

(Before the party)

Pagpasok namin ni Yejin sa venue ay may kumausap na babae sa kanya. Lalapit na sana ako ng biglang may nakabangga sa akin na isang lalaki dahilan para mabitawan ko ang envelopes

"Sorry." Sabi ng lalaki

"It's okay." Pinulot ko ang envelopes. Medyo na confused ako saan dun yung akin pero binigay ko nalang sa kanya yung isa. Whatever the results is ... wala naman yun sa akin.

Pagbaba namin ng stage ay nagtabi na kami ni Yejin ganun din sina Lianne at Yong Hwa. Napansin ko ang pagiging tahimik ng katabi ko.

"Huy... ok ka lang? Wala kang imik ah."

Tumingin siya sa akin. "Walang thrill to." Bulong nya

"Bakit naman? Anong walang thrill? Ang gwapo ng kapartner mo oh." Nagpacute ako.

"Kaya nga eh. Tsk. Lagi na nga kitang kasama, kapitbahay pa kita pati ba naman dito? Ikaw padin?"

"Miss, for your information maswerte ka kasi .. ako ang nakapartner mo."

"Buhat na buhat mo yung bangko mo ah." Bulong nya.

"Tsk."

__________________________________________________________

Habang lumalalim ang gabi ay patuloy lang ang party. Hanggang sa nagbukas na ang dance floor. Nagpatugtog sila ng mga romantic korean songs kaya naman nagtayuan na ang mga magkakadate. Samantalang kami ni Jiwoo ay nakaupo lang.

"Sayaw tayo." Aya nya. Tinignan ko siya. Baka hindi ko maramdaman yung kanta kapag ito ang kasayaw ko. "Bakit ganyan ka makatingin? Mukha ba akong hindi marunong magsayaw?"

"Sus... baka masira lang yung kanta kapag nagsayaw tayong dalawa. Saka hindi romantic nu." Tinuhog ko ng tinuhog yung karne sa plato ko.

"Gusto mo ng romantic?" Tinignan ko lang siya. "Fine. Aayain kita sa most romantic way na alam ko para hindi mo naman ako hinuhusgahan Miss." Tumayo siya. Di ko alam saan siya nagpunta. Basta nanatili lang akong nakaupo nang biglang nagbago ang effects ng mga ilaw. Nagsimulang tumugtog ang [ IS YOU by AILEE ] lumapit sa akin si Jiwoo. Inalay nya ang kamay nya. "Pwede ba kitang isayaw?" Malambing ang pagkakasabi nya. Nakatingin ang lahat. Para akong nabato sa ginawa nya. Ano ba tong ginagawa nya... "Hindi na kita maisasayaw ulit kapag grumaduate na ako." Hindi ko alam pero yung mata nya... Nangungusap nang sabihin nya ang mga bagay na yun. Naramdaman ko nalang na inilapat ko ang kamay ko sa kamay nya. Pumunta kami sa gitna. Inilagay nya ang mga kamay ko sa batok nya at hinawakan nya ang bewang ko.

Bumalik sa akin yung eksena sa bus. Ganitong ganito din yung pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan. Hindi ko magawang tignan si Jiwoo habang sumasayaw kami. Nilapit nya sa akin ang mukha nya sa akin at tinignan ako.

"A-anong ginagawa mo?"

"Bakit namumula ka?"

"Tigilan mo ko... kundi-"

"Ano? Sasapakin mo ko?" Ngumiti siya ng nakakaasar.

__________________________________________________________

Tsk. Pulang pula ako sa inis habang tinitignan ko sina Yejin at Jiwoo na sumasayaw. Dapat ako yun ! Tsk ... hindi tumupad sa usapan si Luisya.

Tinignan ko ng masama yung ka-date ko na parang dedma lang sa nangyayari.

"Ano? Hindi mo ko yayayain sumayaw?!" Nag gagalaiti kong sabi.

"Bakit pa? Eh ayaw mo din naman."

"Oh my god ..." bulong ko. Ang boring naman nito. "Nagpunta ka dito para makijoin sa party hindi para umupo lang."

Tumingin siya sa akin. "Look Miss, sa inaasal mo... it's too obvious that you don't like me. It looks like you are expecting someone to be your date." Napanganga ako. Alam kong iritable ako pero hindi ba pwedeng magpakatao siya.

"O-oo aaminin ko may iba nga akong ineexpect."

"See..." umayos siya ng upo.

"Pero dapat sumayaw pa din tayo. Nakuha natin yung gold tickets so.. dapat magpakita pa din tayo na ok tayo sa isa't isa." Tinignan nya lang ako. "What? Tumayo na tayo." Tumayo ako. Huminga ng malalim pero nakatingin pa din siya. "Wag mong sabihin na ganito tayo until mag date tayo out of town?"

"Hindi ako magtataka." Napanganga na naman ako. Sobrang straight nya. 🤨🤨🤨

__________________________________________________________

1:30 AM

"Uwi na tayo?" Tanong ko kay Yejin.

Nag-isip siya. "May alam ka bang magandang puntahan ng ganitong oras? I mean... magandang view."

"Meron naman."

"Puntahan natin."

"Sure."

Bago kami pumunta doon ay bumili ako ng hot choco na iinumin namin.

-

"Jiwoo! Ang taas naman nito!" Reklamo niya. Inaakyat namin ngayon ang hagdan papunta sa top view. Hingal na hingal na siya.

"Malapit na..." sabi ko.

Maya maya ay narating na namin ang itaas.

"Wowwwww... ang ganda !" Namangha siya nang makita nya ang magandang view. "Ganito pala kaganda ang city kapag madaling araw nu?" Tumango ako. "Ang ganda diba?"

Napatingin ako sa kanya. "Oo .. maganda."

Naupo kaming dalawa. Paunti unting iniinom ang hot choco.

"Alam mo ... nung bagong pasok ako sa atin.. iniisip ko kung .. ano kayang magandang bagay ang naghihintay sa akin dyan sa school?"

"Nakita mo na ba yung magandang bagay na yun?"

Umiling siya. "Makikita mo lang naman yung magandang bagay na yun kapag naranasan mo na yung hindi maganda."

That night I realized something. She is not a typical girl. Minsan bata mag isip pero somehow ... malawak ang tingin nya sa buhay. So far ... ito na ang pinaka maayos naming pag uusap.

"Ikaw?" Sabi nya

"Ako?"

"Nakita mo na ba yung magandang bagay na yun?"

"Ah... eh..." nag isip ako. "Siguro..."

"Talaga?"

"Tingin ko nakita ko na."

"Ano naman yun?"

"Secret."

__________________________________________________________

Medyo tanghali na ako nagising. Pagmulat ko ay naisip ko lahat ng nangyari kagabi. Simula ng sumayaw, nagpunta sa top view hanggang sa makauwi kami dito kagabi.

"I hope nag enjoy ka." Sabi ni Jiwoo.

"Oo naman. Salamat." Ngumiti ako

Nasampal ko ang sarili ko. "Ano bang iniisip mo Yejin? Ok! Erase erase erase!" Huminga ako ng malalim. Tapos na yun. Nalamukos ko ang mukha ko sa sinabi ko.

Masama pala ang kulang sa tulog.

Bumaba ako. Kumain at naghilamos. Si Mama naman ay naghahanda para mag grocery.

"Anak, samahan mo naman ako mamili sa grocery.

"Ah... sige Ma."

__________________________________________________________

"Hello, nasaan ka na ba?" Tanong ni Margarette.

"Eto ... malapit na sayo." Napatingin siya sa akin sa di kalayuan.

"What a miracle?" Asar nya. "After 4 years nagpakita din sa akin ang pinsan kong si Lee Yong Hwa."

Tumawa lang ako. Hinila ko ang upuan sa harap nya at naupo.

"Nakashades ka pa talaga ah." Nag cross legs siya. "At infairness, bumaduy ka ng slight dito sa venue na pinili mo ah. Grocery talaga?!" Binato nya ako ng tissue.

"Maiingay ba talaga yung mga tao sa Song Dang University?"

"Excuse me?!"

"Kasing ingay mo kasi yung kapartner ko kagabi eh."

"So... nagpunta ka na para sa event na yun?"

"Yeah. Sabi mo masaya eh."

"Did you ... enjoy it?"

"Pwede na rin. But not exactly and.. " tinuro ko siya. "You didn't mention the opening of that thing ... malay ko bang sila pala pipili ng makakadate namin."

"Yun nga ang surprise dun. So... sinong naka partner mo?"

"Hindi ko maalala yung pangalan nya... basta BO. Ganun."

"Bo Lianne?"

"Oo yun nga."

"Hindi ka manlang ba.. naging interesado sa kanya or something?"

"Why would I?"

"Lianne is one of the most beautiful faces of Song Dang."

"I beg to disagree."

"Did you found someone else?"

Bago ako sumagot ay may napansin ako sa may counter 16. Nakatalikod siya. Familiar sa akin yun ah. Diba siya yung ...

"Hey! Nakikinig ka ba?"

"Oo naman. Ano ba yun?"

"I said ... did you found someone else? Yung mas interesting aside from Lianne."

Napatingin na naman ako dun sa babaeng nasa counter 16.

"I guess so.." mahina kong sagot.

"You know what .. meron akong kaibigan na ayaw nyang nagpupunta sa mga ganyang event. Pero ewan ko... kung kelan pa graduate na siya dun lang nagkainteres pumunta."

"Sino naman yun?"

__________________________________________________________

SONG DANG UNIVERSITY

"Good morning Ms. Lianne." Bati ng mga staff ni Luisya

"Where's your boss?"

"I'm waiting for you..." napatingin ako sa baklang nakatayo sa may gilid.

"I think we need to talk."

"I know. Ineexpect ko na talaga yan."

Pumasok kami sa office nya.

"Hindi ka tumupad sa usapan."

"No. Tumupad ako. Ang tadhana ang hindi."

"Ano? Anong tadhana?"

Hinawakan nya ako sa balikat. "Look My Dear, naibigay kay Jiwoo ang gold ticket. May palatandaan yun. It's just that .. baka may nangyari right after nyang matanggap yung envelope. Kung anuman yun... hindi ko na alam yun. You just have to accept that things are meant to happen." Ngumiti siya. "Lee Yong Hwa is 2nd to be best of this University. Bakit ka ba naghahabol sa engineer? Kung nakapartner mo naman ang Psychologist na si Mr. Lee?"

"What? Psychologist yung lalaking yun?"

"Yes. He is."

__________________________________________________________

"MYGAD! YEJIN!!!" Sigaw ni Chris. "Sobrang nakakakilig kayo ni Jiwoo. "🥰🥰🥰🥰 nakikita ko ang mga hugis puso sa mata ng kaibigan ko. "Bagay kayo."

"Tigilan mo nga ako."

"Sobrang romantic nya nung inaya ka nyang sumayaw! AHHHHH!!!"

Tinakpan ko ang bibig. "Move on." Bulong ko.

BREAKTIME. Nagpunta kami ni Chris sa cafeteria para doon kumain. Nakaupo na kami at busy sa paglantak ng order namin.

"Yejin!"

Ommo! Nandito na ang panggulo sa buhay ko. May umakbay sa akin na lalaki.

"Aba! Hindi mo manlang ako inaya."

"Wala ka bang friends?" Sagot ko

"Meron. Pero kasama nya mga chix nya eh. Wala akong lugar dun."

"Tsk."

"Ooohhhh.. bagay talaga kayo Jiwoo."

"Chris!" Awat ko

"Gwapo kasi ako tapos siya-" tinignan ko siya ng masama. "Maganda. Ikaw naman oh." Bumaling siya kay Chris. "Sino nga palang partner mo nun?"

"Si Julius yung crush ko."

"Wow... good for you "

Nag uusap usap kami Nang biglang may lumapit na lalaki sa amin.

"You must be ... Soo Ye Jin. Right?"

Nag-angat kami ng tingin.

"Ha?" Sabi ko

"Oo! Siya si Soo Ye Jin. And you are..." sabi ni Chris

"Lee Yong Hwa. We've already met before ... remember?"

Lee Yong Hwa? "Ah! Oo. Ikaw yung nakakuha ng gold ticket. Partner ni Ms. Lianne."

"Yes."

"Jiwoo, naaalala mo ba siya?"

"Hindi." Masungit na tono ni Jiwoo. "Hindi kasi ako matandain na tao."

Nagkatinginan kami ni Chris. Ngumiti lang si Lee Yong Hwa.

"It's nice to meet you Mr. Kang Ji Woo."

"Wow. Naalala mo ko." Sagot nya. Nakapalumbaba lang si Jiwoo.

Siniko siko ko siya. "Anong ginagawa mo?"

Tumayo siya. "Sige aalis na ko."

"Huy.. " bulong ko

"If you don't mind... may I join you?" - Yong Hwa

__________________________________________________________

"If you don't mind... may I join you?" Nagpantig ang tenga ko. Ano daw?

"Sure." Sagot ni Chris. "Maupo ka dito."

Napatingin siya sa inupuan ko. "Ah! Eh! Dito pala muna ako. Maya maya na ako aalis." Naupo ako ulit. Tinignan ko si Yong hwa at sinenyasan ko siya na dun siya sa kabila maupo.

Napatingin naman ako kay Yejin na tila na wiweirduhan sa akin. "Bakit?" Bulong ko

"Ang weird mo."

"Ako weird?"

Napansin nalang namin na nakatingin sa amin sina Chris at Yong Hwa.

"Bakit?" Sigang tanong ko. Siniko nya ako.

"Are you... that close?" - Yong Hwa

"Ah... Eh.. kasi ..." sasagot na sana si Yejin nang akbayan ko siya.

"Oo. Actually, sa sobrang close namin .. nakita ko na lahat sa kanya." Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko.

"What do you mean?" Kahit si Yong Hwa ay naguluhan din.

Naglalakad kami ni Yejin patungo sa parking lot. Tinitignan ko siya. Bakit ganun? May lumalabas na usok sa tenga at ilong nya. Nakikita ba yun ng mga tao o ako lang nakakakita 😂😂

Huminto siya. Sabay tingin sa akin. "Alam mo ... ipapahamak mo talaga ako dyan sa mga maling grammar mo!"

"Anong maling grammar?"

"Isipin mo! Tsk!" At nauna siyang naglakad.

Alam ko mali yung pagkakasabi ko na nakita ko na lahat.

"YEJIN! WAIT!"

"JIWOO!" Nahinto ako nang tawagin ako ni Lianne. Lumapit siya sa akin. Inabot nya ang isang invitation card.

"Ano to?"

"Invitation ko yan para sa birthday ko. Sana makapunta ka."

"Ah... sige titignan ko."

__________________________________________________________

Nanunuod kami ng TV ni Mama nang magsalita siya. "Yejin Anak, baka next next week maga-unwine kami ni Tita Minso mo."

"Unwine? You mean .. out of town?"

"Parang ganun na nga."

"Ah... sige po. Maganda rin po yun para makapagrelax kayong dalawa."

"Thank you."

"Ilang araw po kayo dun?"

"Siguro mga 3 days ..."

__________________________________________________________

"Jiwoo, nag grocery na ako para sayo ha. Nandito yung mga paborito mo. Marunong ka naman magluto diba?" Blah blah blah. Nakikinig lang ako habang nanunuod ng TV. Bakit ang daming habilin ni Mama?

"Aalis ka Ma?"

"Oo anak. Balak kasi namin magbakasyon ni Tita Rian mo."

"Ha? Yung Mama ni Yejin?"

"Oo."

"Eh.. paano po si Yejin?"

Lumapit sa akin si Mama at naupo sa tabi ko. "Nandyan ka naman diba?" Si Mama talaga kung anu ano na naman ang naiisip. "Alam ko naman na aalagaan mo si Yejin." Kumindat siya.

"Pero Ma..."

"Wala ng pero... alagaan mo siya okay.".

Huminga ako ng malalim. "Yes Ma."

__________________________________________________________

SONG DANG UNIVERSITY

Kararating lang namin ni Jiwoo sakay ng motor nya. Pagbaba ko ay tinanggal ko ang helmet na suot ko.

"Anong mukha yan?"

"Ha?" Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin.

"Malungkot ka ata ..."

"Ah... eh... si Mama kasi magbabakasyon pala sila ni Tita Minso."

"Ah. Oo. Magbabakasyon nga sila."

"Nabanggit din sayo ni Mama mo?"

Tumango siya. "Oo. Bakit? Yun ba yung kinakalungkot mo?"

"Ha? Medyo lang naman. Syempre ngayon lang ako iiwan ni Mama mag isa ng medyo matagal."

"Nandito naman ako eh."

"Sus..." hinawakan nya ang kamay ko. Hinila nya ako ng dahan dahan. Nilagay nya ang kamay nya sa ulo ko.

"Ako daw muna mag-aalaga sayo."

At muli ... nandun na naman yung weird feelings na hindi ko maintindihan. Lumayo ng kaunti sa kanya. Sinukbit ko ang bag ko sa likod. "Sige na... aalis na ako."

"Maaga pa!"

Naglalakad na ako ng mabilis nang akbayan nya ako.

"Ano ba Jiwoo!"

"May sasabihin ako." Huminto ako at tinignan ko siya. "Invited kasi ako sa birthday ni Lianne."

"Tapos ..."

"Pinag iisipan ko kung..."

"Pupunta ka?" Dugtong ko

Tumango siya. "Oo. Hindi kasi ako nagpupunta sa mga event talaga saka gusto nya kasi akong gawing escort."

"Escort? Pwede naman. Bakit parang ayaw mo?" Kumunot ang noo ko.

"Gusto ko kasi kapag nag escort ako sa 18th birthday ... yung gusto ko talaga. Yung hindi pilit. Saka gusto ko yung may meaning sakin yung may birthday."

"Anong meaning naman?"

"Friend/close friend/bestfriend... alin man dun." Nilapit nya ang mukha nya sa akin at sinabing "Sa 18th birthday mo

.. kukunin mo ba ko as one of your 18 roses?"

Nag isip ako. "Kung buhay pa ko nun..."

Nagsalubong ang kilay nya "Oo naman nu."

"Hindi siguro."

"Bakit naman?"

"Syempre ... 4 years pa yung hihintayin natin bago ako mag 18 at ngayon 20 ka na ... bale 24 ka na nun ... nakahanap ka na ng girlfriend mo nun tapos di ka nya papayagan pumunta kaya HINDI SIGURO KITA KUKUNIN."

"Ang ... advance mo ha."

"Pero wag mong isipin na nakahanap na ako nun... for example lang naman na nandito pa ko nun... kapitbahay mo ko and for sure ... mas close na tayo nun."

"Tignan natin."

__________________________________________________________

Pinagmamasdan ko sila mula sa kinatatayuan ko dito sa 3rd floor ng building. Ganun ba talaga sila kaclose ni Jiwoo?

"Kita mo nga naman ..." napalingon ako sa nagsalita. "Ang daming pwedeng makita ... ikaw pa talaga."

"Ms. Bo Lianne."

"Lee Yong Hwa .. right?"

Tumango ako. Lumapit siya sa akin. "Anong dinudungaw mo dyan?" Tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Unti unting nawala ang ngiti na meron siya. From that expression, I already know.

Gusto nya si Jiwoo.

Hindi ko lang alam kung gusto ni Yejin si Jiwoo ...

-

Nakaupo ako sa table na nasa labas ng isang convenient store. Kumakain ako ng noodles nang mapansin ko ang isang babae na naglalakad sa kalsada. Si Yejin yun ah. Kahit naka pajama siya at pink na jacket alam kong siya yun. Bakit naglalakad siyang mag isa? Eh.. gabi na ah. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makapasok siya sa convenient store. Nagkalkal siya sa loob ng freezer kung saan nakalagay ang mga ice cream. Maya maya ay lumabas na siya. Napatingin siya banda sa akin.

"Yong Hwa?"

"Hi."

Lumapit siya. Binubuksan nya ang ice cream na binili nya.

"Malapit ka lang dito?"

"Ah... eh... O-oo. Ikaw?"

"Malapit lang din."

"Bakit wala kang kasama?"

"Wala lang. Tulog na kasi yung dapat na kasama ko dito."

"Ahh... ganun ba?"

"Mukang nilalamig ka ha." sabi nya. Tinuro nya ang noodles na kinakain ko.

"Medyo. Ilang linggo nalang mag out of town na tayo. Baka winter na nun."

"Oo. Winter na nga nun."

Nang matapos kaming kumain at magkwentuhan ay nagpresinta akong ihatid siya sa bahay. Nung una ay ayaw nya pero nagpumilit ako. Baka kasi mapano siya eh. Doon ko nalaman na sa kabilang village lang pala sila.

"Doon yung bahay namin." Turo nya

"Ah... malaki pala ang bahay nyo nu."

"Sus... di naman. Pero salamat sa paghatid."

"No problem."

__________________________________________________________

"Jiwoo... Jiwoo... Jiwoo..." naririnig ko ang boses ni Mama na ginigising ako.

"Hmmm... "

"Yung motor mo ... ilagay mo na sa garahe."

Dumilat ako. Dahan dahan na tumayo. Lumabas ako para ipasok yung motor ko sa garahe. Nilock ko rin ito pagkatapos. Medyo pupungaspungas pa ako nang may narinig akong nagtatawanan. Teka... boses ni Yejin yun ah. Tumingin ako sa labas. "Yong Hwa?"

"Jiwoo!" Tawag ni Yejin. Dedma lang ako.

"Saan ka galing bakit kasama mo yan?"

"Ang sungit mo naman." Bumaling siya kay Yong Hwa "Pagpasensiyahan mo na... nabitin siya sa tulog kaya ganyan."

"Hi Jiwoo." Bati ni Yong Hwa pero di ko siya pinansin.

"Nagkita kami sa convenient store. Sa kabilang village lang pala siya nakatira."

"Bakit di mo ko ginising? Sana sinamahan kita."

"Ok lang yun. Nasa alapaap ka na kanina eh."

"Hindi ko alam na... magkapitbahay pala kayo?" Sabi ni Yong Hwa

"Oo bakit?" Sagot ko

"Ah! Oo kapitbahay ko siya. Nagulat din kami noong una pero nasanay nalang din kami." Tinignan ko ng masama si Yejin. Nasanay talaga?

"Ah.. pero wala naman kayong..."

"Wala. At kung meron samin nalang yun." Sagot ko. Inakbayan ko si Yejin. "Alam mo matulog ka na. Gala ka din eh." Lumingon ako kay Yong Hwa. "Umuwi ka na."

__________________________________________________________

Papasok na kami ni Jiwoo sa building nang harangin kami ni Lianne. "Hi Jiwoo." Kita mo tong' babaeng to' parang di ako nageexist. "Pwede ba tayong mag usap?"

"Sure. Sige ano ba yun?" Naghihintay si Jiwoo ng sasabihan nya.

Bumaling siya sa akin. "Pwede bang tayong dalawa lang?"

"Ah... eh..." nagkatinginan kami.

"Sige." Sabi ko. "Mauna na ako." Bulong ko.

Tumuloy akong pumasok sa building. After 3 hours ng klase ay breaktime na lumabas ako ng room. Napadaan kami ni Chris sa bulletin board. Nagtaka kami bakit nagkakagulo ang mga estudyante banda dun...

"Anong meron?" Bulong ni Chris.

"Hindi ko alam." Lumapit kami at tumambad sa akin ang mga litrato namin ni Jiwoo na magkasama. "Ano to?" Sinong may gawa nito?

"Yejin, anong meron bakit may ganito ka?" - Chris

"Hindi ko alam Chris." Binuksan ko ang bulletin board at pinagtatanggal ang mga litrato. Naririnig ko ang tawanan ng mga kapwa ko sa estudyante. Nilingon ko sila. Pakiramdam ko ibang tao ako nung mga oras na yun. Naikuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Ano bang problema nila?

"Hayaan nyo siya." Natigil ako sa pagtatanggal ng mga litrato nang marinig ko ang isang familiar na boses. "Kahit alisin nya yan... punitin o sunugin hindi na maiaalis na nakita na natin kung pano nya nilandi si Jiwoo."

Lumingon ako. Maslalong nangati ang mga kamay ko na manapak. Nilapitan ko siya. "Anong problema mo? Anong nilandi?"

"Aminin mo na Yejin... nilandi mo si Jiwoo kaya siya napalapit sayo."

"Wala akong ginawang ganun."

"Talaga? Ano to?" Inangat nya ang dalawang picture na inaalis ni Jiwoo ang lock ng helmet ko at sinusuot nya ang jacket nya sa bewang ko nung unang beses na nagkasabay kami.

"Minamanmanan mo kami?"

"Hindi ako papayag na agawin mo si Jiwoo sakin."

"Walang umaagaw sayo dun! Kung gusto mo sayong sayo na siya!"

"Malandi ka!" Sigaw nya saka nya hinila ang buhok ko.

Susuntukin ko sana siya nang hawakan ako ni Yong Hwa. "YEJIN ! LIANNE! TAMA NA!"

"Anong nangyayari dito?!" Nahinto kami sa sumigaw. Ang college dean.

Pinatawag kaming tatlo sa guidance office. Matapos ang mahabang paliwanagan ay pinadiretso nila kami sa clinic kasama si Yong Hwa para gamutin ang mga sugat na natamo namin.

"Hindi na ako pupunta sa clinic."

"Pero Yejin... may mga kalmot ka." Sabi nya

"Wala to'." Naglakad na ako palayo sa kanila.

Hindi ko na hinintay pa si Jiwoo. Nagcommute na ako. Naglalakad na ako sa loob ng village nang may humintong motor sa gilid. "YEJIN!" Hindi ko siya nilingon. "Huy! May problema ba? Sorry kasi medyo nabusy ako sa thesis ko-" natigil siya nang makapunta siya sa harapan ko. Huminto ako sa paglalakad. "Anong- anong nangyari sayo? Bakit-" hinawakan nya ang balikat ko. Inangat nya ang mukha ko gamit ang isa nyang kamay. "Sinong gumawa nito?"

Tinignan ko siya. Pero hindi ako nagsalita. Dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok sa bahay. Pagpasok ko sa kwarto ay saka ako nag iiiyak. Sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko akalain na ngayon ko mararanasan yung pangit na yugto ng pananatili ko sa eskwelahan na yun.

Nang sumunod na araw. Maaga akong pumasok. Maaga kumpara sa dati. Maulan ang umaga. Pakiramdam ko tuloy ay nakikiramay siya sa kalungkutan ko. Ayokong makasabay si Jiwoo. Ayoko siyang kausapin. Ayokong magsumbong. Naiinis ako, naiinis kasi ... ang daming pwedeng maging dahilan bakit siya pa? Nakatitig lang ako sa swimming pool nang mapansin ko ang reflection nya. Napatingin ako sa likod ko. Tumayo ako. "Panong-"

"Alam ko maaga kang papasok. Alam mo bang mahirap kang hanapin?" Nakikita ko sa mga mata ni Jiwoo ang pag aalala.

"Aalis na ako. May klase pa ko." Paalis na ako nang hatakin nya ako.

"Ano bang problema? Wala akong alam. Sabihin mo sakin!" Tinignan ko siya sa mata.

"Ikaw. Ayoko ng maging kaibigan ka."

"Ano?"

"Ayoko ng maging kaibigan ka! Dahil sayo kaya ako may kalmot sa leeg. Kung bakit masakit ang ulo ko. Kung bakit ako nakasakit. Dahil yun lahat sayo." Inalis ko ang pagkakahawak nya sa akin saka ako umalis ng tuluyan.

Nagtungo na ako sa room ko. Nadatnan ko si Chris na nakikipagsagutan sa mga kaklase namin "Ano bang problema nyo ha?! Nakikisali kayo sa away nila imbis na umawat kayo?! Kinakampihan nyo ba talaga si Ms. Lianne o sumisipsip lang kayo sa kanya?!" Galit na galit nyang tugon sa mga kaklase namin.

Nilapitan ko siya. "Tama na." Bulong ko.

Nakita kong bukas ang drawer ng table ko. Pinuntahan ko ito at wala dun ang mga libro ko. Talagang hinahamon ako ng babaeng yun.. lumabas ako at hinanap siya. Nakita ko siya sa lobby na nakatayo. Nakangisi siya sa akin. "Looking for someting?" Bago pa man ako makalapit sakanya ay nakita ko na ang mga libro kong naliligo na sa ulan.

Tinignan ko siya at sinunggaban ko ang kwelyo nya. Nagpapantig ang panga ko sa galit. "Kung si Jiwoo lang ang gusto mo bakit mo pa kailangang gawin to?!!"

"Dahil mang aagaw ka!"

Binitawan ko ang kwelyo nya at tumakbo palabas para kunin ang mga libro ko. Sa isip ko ay hindi na magagandang mga salita ang nasasabi ko. Napapikit ako. Nauubos na ang pasensiya ko. Alam ko habang pinupulot ko tong' mga libro ko ay nakatingin sa akin ang lahat ng estudyante ng Song Dang University. Tumulo ang luha ko.

Hindi ko matanggap na dahil lang sa isang lalaki kaya ko to' nararanasan ngayon ... habang nakaluhod ay tila huminto ang ulan sa parte ko. May lalaking nakatayo sa gilid ko.

"Tumayo ka na dyan."

Natigil ako sa pag iyak. Dahan dahan akong tumayo. Ang boses na yun ... alam kong sa kanya yun. Unti unti kong nilingon ang ulo ko sa taong nagsalita. Si Jiwoo hawak ang payong na nakatapat sa aking ulunan. Niyakap nya ako.

"Don't worry. Nandito na ko."